CHAPTER 3
INIHANda ni Tres ang binili nyang bouquet sa daan kanina. Ngunit hindi nya makayang ngumiti kahit para ito sa 'babaeng mahal' nya. Simula ng araw na umalis si Nadhelyn at hindi na bumalik ng ilang buwan ay sobra na syang nag-aalala. Hindi na nya alam kung anong nangyayari o nangyari sa dalaga.
'May mali ba ako na sinabi kaya sya nawala na naman? Mapilit ba talaga ako na malaman ang nangyari sa kanya kaya ayaw na nya akong makita?, tinatakasan nya ba ako?
Dinaanan nya ang bahay ni Nadhelyn ngunit gaya ng dati, si Yaya Iloisa na lamang ang nakakausap nya dahil ang ama ni Nadhelyn ay hinahanap pa rin ang dalaga at walang panahon na pansinin sya. Tumutulong rin naman sya ngunit hindi nya talaga mahagilap ang babae. Para itong pinagtataguan sila. 'Nasaan ka na ba Nadhelyn?'
Ang pag-aalala nya ay nawala nang hindi man lang nya namalayan na nasa bahay na pala siya ni Ruby. Si Ruby naman ay hinihintay lamang sya sa labas kaya agad itong nakapasok sa kotse nya nang makita sya nito.
"Thank you sa Flowers Trion" masaya sya dahil tinanggap ito ng dalaga. Akala nya hindi na naman ito magugustuhan dahil noong unang araw ay hindi nito gusto ang dala nyang flowers. Mabaho daw ito at sobrang pangit.
"I'm happy na nagustuhan mo"
"Well nakapasa na rin naman sila sa taste ko kahit may pagkamabaho na" napailing na lamang sya at pinaandar na ang kotse.
Sa byahe nila ay hindi nya naiwasan na tanungin si Ruby."may balita ka na ba kay Nadhelyn?" Matagal ng malapit na magkakaibigan si Rube at Nadhelyn. Kaya dahil kay Nadhelyn nakilala nya si Rube. At palagi rin itong sumasama sa kaibigan nya kaya naging aware na rin sya sa presensya nito hanggang sa mapansin nya ito at magustuhan.
"Malay ko ba sa babaeng iyon. di ba ikaw ang nakakakilala pa sa kanya? Alam mo na, na palapitin iyon ng mga lalake tiyak tumanan iyon." Hindi nya nagustuhan ang naging tugon nito. Hindi ganoon si Nadhelyn. Aaminin nya na maganda si Nadhelyn at may magandang katawan ngunit ayaw ni Nadhelyn na may kasamang ibang lalake na ikinatutuwa rin naman ng kalooban nya. Medyo hindi lumalapit sa mga lalake si Nadhelyn, kabaliktaran nga ang nangyayari eh dahil ang lalake ang madalas na lumalapit sa kanya at nanliligaw na tinataboy nya. Para syang nobyo na binabakuran ang nobya sa iba, ngunit wala rin naman iyon sa kanilang dalawa dahil gaya niya, binabakuran rin sya ni Nadhelyn sa iba dahil sa pagkakaibigan nila kaya nga wala syang matipuhan dahil harang na harang ang kaibigan nya, Buti nga at nasuyo nya ang kaibigan nito si Ruby na malaya na nakalalapit sa kanya na walang masamang tingin na ipinupukol galing sa matalik nyang kaibigan . Ayaw nila na masaktan ang isa't-isa dahil lang sa pagnonobya.
"Hindi gagawin iyon ni Nadhelyn" bakas ang pagkairita sa tono ng boses nya.
"Kung yan ang gusto mo, paniwalaan mo..."
FROM: PAX VEX
[VT, hindi ka na ba bibisita rito? We really miss your presence here. Stop wandering around. ]
Napailing na lamang sya sa natanggap na mensahe galing kay Pax. Si Pax ay isa sa pack nilang magkakaibigan. At mahigit ilang taon na rin nyang hindi binibisita ang lugar na pinagkakakitaan nilang magbabarkada.
Pinagpatuloy nya ang pagtipa sa sariling laptop nang may bagong mensahe na naman ang sumulpot sa cellphone nya. Napabuga sya ng hangin at itinigil ang inaasikaso sa laptop at binalingan ng pansin ang cellphone nya sa bagong mensahe.
FROM: Pax Vex
[Next month may match sa Acid ring. Wanna bet?]
Nagtipa sya sa cellphone nya para replayan ang kaibigan.
TO: Pax Vex
[Maybe some other time.]
Pagkatapos nyang matipa ang kanyang tugon ay umilaw at malakas na pagvibrate ang kanyang cellphone nang inilapag nya ito sa kanyang mesa.
Pinindot nya ang accept button at hindi pa sya nakakasalita nang sumalubong sa kanya ang maiingay na boses sa kabilang linya. Halatang nasa bar house ang mga ito sa magulong musika na naririnig nya at mga sigawan ng mga tao.
"VT, kailan ka ba talaga babalik? Your father gave you three years away in this frat, pero lampas tatlong taon na ang palugit ng ama mo, hindi ka pa rin bumabalik, " pasigaw na saad ng kabilang linya. Inilayo nya ang kanyang tenga sa cellphone nya sa sobrang lakas ng boses nito.
"Pay me time to think," maikling saad nya at isinandal ang katawan sa swivel chair. Narinig nyang napatsk ang kaibigan sa naging tugon nito. Ilang beses na rin kasi syang kinukulit ng mga kaibigan nya na bumalik sa frat nila, ngunit sya yong tanggi-ng-tanggi.
"Bro, that friend of yours is nowhere to be found. At hindi rin nagpapahanap sa iyo, so what's the deal kung bumalik ka sa grupo?" Napabuga sya ng hangin at napapikit. Habang nakapikit sya ay pumasok sa isipan nya ang mukha ng matalik nyang kaibigan.
[SIX YEARS AGO]
Napatalon sya sa gulat nang pagliko nya ng daan ay ang itim na hawak na tirador ang unang sumalubong sa kanya na may laman na ng bato. At mukhang kakainat pa ng lastiko nito dahil sa lawak ng ngising nagmamay-ari ng tirador.
"F*ck! Balak mo talagang atakehin ako sa puso," mahinhin ngunit delikado itong tumawa sa kanya at painosenteng tumugon sa kanya.
"Nope. Bakit ka naman aatakehin sa puso kung handa naman kitang tiradorin sa ulo?," Hindi makapaniwalang napailing sya sa dalaga.
"May galit ka sa akin?" Naitanong nya sa kaibigan dahil sa tuwing nagkikita sila ay may pahamak na supresa itong dala, kung may sakit lang sya sa puso baka ikamatay nya ang mga pasalubong nito. Buti nga at hindi sya pinasalubongan ng mga magulang nya ng mga malubhang sakit.
"Hala sya," napanganga pa ito sa kanya at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"paano mo Naman nasabi yan? May pagdududa ka sa paglapit ko?" Mas iniinat pa nito ang lastiko na ikinaatras nya ng kaunti at iniharang ang palad sa tirador. 'bakit ba naging kaibigan nya ito?'
"Ang sama mo sa akin ah! Nakakabanas ka! Patamaan kaya kita!" Tonong nagtatampo nito.
"Chill!" Ngunit naipatakas na nito ang laman ng tirador nito kaya iniwas nya ang kanyang sarili sa pagtagilid kaya may narinig syang sigaw na galing sa likuran.
"P*ste! Ang sakit!" Napalingon sya sa likuran at nakita' nya ang nakapikit na si Pax na hawak ang kanang tenga na mukhang namumula. At doon nya napagtanto na isang calamansi ang bala nito na pininturuan lang na magkakulay sa bato.
"Aray!" Napahiyaw rin si Tres nang maramdaman ang malakas na pagpalo nito sa balikat nya sa pamamagitan ng tirador nito.
"Bakit ka umilag! Ginawa mo pa akong kupido sa gagong kaibigan mo na iyan!" Paninisi nito na ang sama-sama ng tingin kay pax, si Pax Naman ay inismiran ito na halatang naiirita rin kay Nadhelyn.
"Bakit ka namamalo?" Walang malay na saad nito.
Isang pitik sa noo nya ang naging sagot nito." Hindi pa ba nasagot? Kinakalawang na yata ang utak mo eh!" Mataray na saad nito.
"Dobleng P**te, di ka man lang naconcern na ako ang natamaan mo?" Masamang tingin ang binigay ni Pax kay Nadhelyn na nirolyohan lang ng mga mata nito.
"Bakit mo kasi sinalo? Kung di ka lang kasi gagong sumunod sa damuhog na ito, di walang asim sa mukha mo?" Himig pilosopong saad nito.
Binalingan sya ng tingin ni Pax na may nagtatanong na tingin. " Ito ba talaga ang kaibigan na sinasabi mo? Akala ko ba anghel ba't may sungay?"
"Aba't!—" napataas ang Isang kilay ni Tres nang umakbay ang bagong sulpot na si Zin kay Nadhelyn. Hindi naman ito sinaway ng babae sa halip ay hinayaan lang.
"Kampon ka kasi ng demonyo Pax, tinataboy ka lang," pangangasar nito.
"Walang hiya ka—"
"Angel," mahinang saad ni Zin nang nagmukha itong naistatwa. Napababa sya ng tingin, at doon nakita' nya ang tirador ni Nadhelyn na nakatutok sa ano ni Zin habang ang babae ay masamang nakatingin lang sa mukha ng lalake.
"Kawawang kaibigan," natatawang bulong ni Pax.
Nakatingin lang ito kaya nausisa nya ang mukha nito, namumula ito, hindi dahil sa hiya kundi merong ibang pahiwatig sa mukha ni Nadhelyn.
"Bakit ka ba Kasi uminom?" Inaalalay nya itong pumasok sa kotse nya. Ang nangyari kanina ang nagpatanto sa kanya na nag-iiba ang dalaga kapag nakainom.
"Isang baso lang kaya," sa boses nito na deretso magsalita ay hindi mapaghahalataan na lasing ito dahil mukhang normal lang. Ngunit kapag kilala mo na ang taong ito ay malalaman mo talaga na may pagbabago sa babae.
"Wag ka na lang sumagot," naiinis na saad nya. Nasa campus pa Kasi sila at lasing na ito, tirik na tirik pa ang araw. Ano bang pumasok sa isipan nito at naglasing?
"Di wag kang magtanong, langya ka," napailing na sinirado nya ang pinto ng kanyang kotse at nagtungo sa driver seat. Katabi nya lang ito nang nakapasok sya sa kotse nya.
"May araw pa ngunit tumba ka na," isinaksak nya sa keyhole ang susi at pinaandar ang makina.
"Ayaw mo bang tanungin sa akin kung bakit ako nalasing?" Napatigil sya sa narinig. Nagtatanong na napatingin sya sa kaibigan. Pulang-pula pa ang mukha nito kesa sa kanina.
"Edi malamang sa Alak! Kinakailangan ko pa bang itanong kung paano ka nalasing?" Pilosopong saad nito na ikinaismid ni Nadhelyn.
"Ikaw!" Umiwas ito ng tingin sa kanya.
"Ako?".
"Oo, ikaw!" Bumaling ito ng tingin sa kanya na pikit-pikit ang mata.
"Ano ba talagang issue mo sa akin, ah?"
"Bweset ka" umiwas ito sa kanya na namumula. Hindi nya maipagtanto kung saan ito namula, sa ininom ba nito na alak o iba?
Kilala syang babaero sa buong campus, kaya baka ito ang naging dahilan kung bakit magkasing ang kaibigan. Sa isipin lang na iyon ay bumilis ang t***k ng puso nya. "Do you like me?"
Napatsk ito. "Sira! Di Kita gusto!... Ayaw na ayaw ko na makita ka na sumasali sa mga frat! Concerned lang ako, gago ka!" Wag kasi assuming Tres. Ayan tuloy na mura ka. ' mukhang bawal ang alak sa babaeng ito ah, iba ang naging kulay '
"May mura talaga kapag concerned?"
"Ano bang gusto mo ' Mahal'? Sira ka ba? Mas bagay sa iyong mamura, frat boy kang g*go ka"
"Takpan mo na nga yang bibig mo!"
"Tiradorin kaya Kita!"