CHAPTER 4
" Nasa tabi-tabi lang sya, Pax. " Naiusal nya sa kabilang linya na ang natanggap na tugon nya ay mapaklang tawa.
"Ang lakas talaga ng tama mo sa kaibigan mo"
"Kaibigan ko sya, Pax"
"Tsk. Keep it up bro! Good luck sa tama mo sa utak! Di ba rhyme."
Napailing na lamang sya at pinatay na ng kabilang linya ang usapan nila. Simula ng maglasing ang kaibigan nya ay ipinangako nya na hinding-hindi sya gagawa ng kilos na ikakalasing na naman nito.
ONE YEAR LATER.
It's been a year since he lost a track to his best friend. Ito pa man sana ang nais nyang pagsabihan sa love life nya ng puno ng pagkasabik. Ang best friend nya parati ang nasasabihan nya sa lahat ng mga problema nya, ngunit hanggang ngayon hindi pa rin ito bumabalik. Ni nagpakita ng mga signs ay wala talaga. Even tito Edward, his best friend's father ay wala ring alam sa kung saang lupalop ang kaibigan nya.
"Hi babe, you're here." Nakangiti si Ruby nang lapitan sya nito matapos magrapelling. Sinasanay palagi ni Ruby ang sarili sa mga sport activities dito sa resort ng kaibigan nya daw. Hindi pa nya ito nakikilala dahil naging busy sya noong nakaraang araw sa mga negosyo nya at noong isang araw nagmeet ang magkaibigan na balak sanang ipakilala sya ngunit hindi sya sumipot.
"Well, I'm worried. Baka Kasi pinagod mo ang sarili mo dito" Ruby widely spread her arms at tinugon naman nya ang nais nito na yakapin sya. "I'm really Lucky to have you.... By the way, your mom called me kung pwede daw ba tayo tomorrow night?" Nagtaas ang kanyang kilay at parang may alam na yata sa gagawin ng mom nya.
"Why not? Mom likes you. Kaya hindi na ako mag-aalala pa for tomorrow. I will cancel my appointment for the important night Schedule," ang mom nya ang unang nakatuklas sa relasyon nila. Kung hindi man lang kasi nalimutan na maglock ng silid, edi hindi sana iyon malalaman at maabutan ng mom nya ang kamunduhan na ginagawa. Sobrang galit-na-galit ang mom nya nang malaman ang pangyayaring iyon. But after all, it all ends like this. She likes Ruby.
Ruby caressed his face and gave him a short smile. " But, I can't go with you. May flight schedule ako. I already said this to your mom, and she said it's fine. " He groaned as a protest. Palagi na lang ganito. Mailap lang mag-invite ang mom nya dahil Hindi ito palasalamuha sa mga tao, ngunit si Ruby ay hindi man lang makakapunta sa importanteng okasyon na iyon.
"So I'll be alone," hinalikan agad sya sa pisngi ni Ruby. " Sorry, babe. But I promise you I will make it up to you. Not just this night nor tommorow. I'm exhausted, I need to rest. You better leave this early. Para makarating ka sa bahay mo na Hindi ako mag-aalala," he smiled. As always hindi nya kayang magalit sa nobya nya. Isang haplos lang nito napapalambot na ang puso nya.
"Fine, but don't forget your promise," tumawa ang babae habang tumango-tango. He gave her quick kiss in her lips.
As a moment that he turned his steering wheel in the free road, palagi nyang tinitignan ang kanyang passenger mirror. As usual, naalala nya ang kanyang matalik na kaibigan. Madalas napagkamalan syang driver nito noon dahil palaging sa likod gusto umupo. Ayaw man lang syang tabihan. Kaya napapadalas na asarin nya itong tawaging amo habang ang babae namang iyon ay todo masamang tingin sa kanya. Ayaw kasi noon na tawagin syang amo.
He parked his car when he found a decent place for eating. Hindi pa kasi sya kumakain, yon sana ang nais nya sa resort kanina at kay Ruby. Nais nya itong isama sa dinner, pero dahil sa tumanggi ito kaya ayon, sya na lang mag-isa. Gutom na rin naman sya kaya kinakailangang busugin nya ang kanyang sarili.
Sumalubong sa kanya ang gwardya na nginitian sya at binati sa kanilang restaurant. Nang makapasok sya sa loob ay sobra syang napahanga. Ang design ng loob ay may gothic features at may pagkaromantic na rin. The place is like a symbol of the place of the royalties. At nakared carpet pa ito.
"Good evening, your highness. May I take your wishes for this night?," He chuckled nang pati ang mga waitress nito ay parang isang maid ng mga royalties. Kahit ganoon ang uniform ng maid ay halatang desinyo talaga ng Isang designer. Her dress were like a cocktail with a blazer and a cute necktie. Iba-iba ang kulay ng mga damit nila. Yon bang ang uniform nila ay babagay sa kanila at sa kulay na rin ng tela.
Sinabi nya kung ano ang mga nais nya. Naeexcite rin sya kung anong klase ng pagkain ang ihahanda nito. at kung ano rin ang lasa." Your highness, while waiting your food, mind to take a tour in our resto? There are plenty of fabulous discoveries in this zone. I'm sure you will love it," animo ng isang waiter na nakasuot ng isang pangbutler. Maayos rin ang ayos nitong mga buhok. Halatang presentable talaga ang narito sa loob.
"I would love that," tumayo sya at naglibot-libot, Tama nga. Marami ngang magagandang bagay na makikita sa restaurant na ito. The place was neat and sparkling. Dahil sa mga magaganda nitong mga nyeubles at ang ilaw ng chandelier ay parang totoong mga maliit na crystal na pinaghaluan ng mga diamonds. At may mga magagandang uri at desinyo ng kandali ang nakasabit sa iilang parte ng wall. At naamoy nya ang rose scent nito at strawberry na rin.
"Ang bango. Hindi ko man lang naamoy ang mga pagkain sa loob ng kusina nya kahit ito ang pinakamalapit sa kusina." Malapit sa pinto ng kusina ang big wallboard na kung saan ay ngayon. Peaceful rin ang kulay nito dagdag na rin ang amoy nito. Hindi nya mapigilang mapangiti maalala ang matalik nyang kaibigan. Ang rose ang paborito nitong inaamoy. At ng bumalik ito noon bago naglaho muli ay nagustuhan na ang strawberry.
"Inspired po kasi si boss sa isang tao na Mahal na Mahal nya, kaya ito ang ganitong pabango ng kandila. Kaya ayan nilagyan nya ng ganito ang restaurant nya." The waiter said to him. Napangiti sya. Hindi nya mapigilang magtaka kung sino ang taong iyon. Tiyak, sobrang mahal na mahal at iniingatan nya ito.
"Mapagmahal pala ang amo mo," Masayang tumango-tango ang waiter. Ilang minuto lang ay bumalik na sya sa kanyang upuan, at umaapaw sa saya ang puso nya nang makita ang mga inihanda ng mga ito.
"Ang ganda ng pagkakaplating, sino ang chef niyo rito?" Ngunit walang sagot ang binigay sa kanya.
Magana ang kanyang pagkain. Puro masasarap at mababango ang bawat putahe na nasa kanyang hapag. Yon nga lang, parang familiar ang mga ito. Napailing na lamang sya, kasing tulad kasi ito sa mga gawa ng matalik nyang kaibigan. Sa sobrang pagkamiss nito, palagi na lamang lumilipad sa isipan nya.
Sa kalagitnaan ng pagkain, tumunog na lamang ang phone nya. Nasa mesa lamang ito kay madali nyang nabasa kung sino ang caller. Ang mom nya. "Hi mom," pinunasan nya ang gilid ng mukha nya gamit ang table napkin.
[" Sinabi na ba ng girlfriend mo ang napag-usapan namin?"] Marahang inilapag nya sa mesa ang ginamit nya na tissue napkin. "Yes, mom. Sorry,hindi sya makakasama sa akin," napakunot ang noo nya nang may narinig syang parang relieve na relieve na pagbuntong hininga.
["No problem. Ayos lang sa akin. Anak naman kita kaya ikaw na lang ang bumisita bukas. Miss ko na rin kaya ang baby ko. Ang tagal mo ng hindi nakadalaw"] ang kanyang inis na nagising kanina ay napalitan ng tawa. Hindi pa rin talaga nagbabago ang tawag sa kanya ng mama nya.
"Fine mom."
[" Nakakatampo naman tong baby ko oh. Ang ikli lang ng sagot. Kumain na ba ang baby ko?"]
Tawang-tawa sya sa boses nito. Napapatingin na rin sya sa mga taong napapadaan malapit sa lugar nya. Medyo may two-meters rin kasi ang layo ng mesa nya at sa kabilang mesa.
"Kumakain pa po. Naabala lang sa tawag mo," sa kung susuriin ng iba ay magmumukha syang mama's boy. Ngunit ganito na talaga sya, hindi na rin nya sinasaway ang mama nya na tawagin sya ng ganito.
["Ikaw—kumain ka ng marami, wag mong pababayaan ang sarili mo"] tumatango-tango sya at nagsandok, ngunit napatigil na lamang sya sa pagsandok nang makita nya ang hindi inaasahang tao.
Napakurap-kurap pa sya at mataman na sinubaybayan ang paglalakad nito patungo sa isang VIP area ng restaurant.
"Nadhelyn?"
Sya nga. Ang kilos ng paglalakad nito ay katulad sa kay Nadhelyn. Pormal at mahinhinin. Ngunit bakas roon ang matinding pagbabago. Habang nakahawak sa cellphone nito at may kinakausap ay walang mababakasan na emosyon. Her eyes were numb and dull. Parang wala rin itong pakialam sa paligid. Nakakaagaw rin ng attensyon ang dalaga dahil may iilan na kumakain ay napapatingin sa kanya at napapahanga.
Ngunit napadapo ang tingin nya sa mga labi nito, kahit malayo man ang distansya nila, kitang-kita nya pa rin ang mapupula nitong mga labi. Parang malambot at matamis-tamis iyon kapag natikman. Agad nalamang syang napailing at napakurap-kurap. Ano bang pinag-iisip nya?
Nang binalik nya ang attensyon nito ay nakapasok na ito sa room ng VIP. "Dito ko lang pala sya mahahanap?"
Ang paligid ay bumalik na rin sa kanyang-kanya ginagawa. Tumayo sya at tinahak ang pinto ng VIP. Kailangan nya itong makausap kung bakit nawala man lang ito ng walang pasabi. Hindi na ba nito pinapahalagahan ang pagkakaibigan nila? At Hindi man lang sinabi kung ano na ang ginagawa na nito?
Ano bang ginagawa nya sa loob? Sino ba ang kameeting nya sa loob? Bakit sya lang ang pumasok at wala man lang syang kasama?
Yan ang tumatakbo sa isipan nya habang tinatahak ang pintong iyon. Malapit na sana sya nang tumunog ang cellphone nya. Kumunot ang noo nya. Sino na naman ang tumatawag?