[Yvie's POV]
"Bye! See you guys Tomorrow!" paalam ko sa mga katrabaho ko dahil oras na para umuwi galing sa aking trabaho. Humikab ako dahil inaantok at pagod nako tapos habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng Jeep ay mayroon akong Lalake na nakita na di kalayuan saakin. Nakatingin siya saakin ng may ngiti sa kanyang mga labi, napaka gwapo talaga ng Nobyo ko. Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap namin ng mahigpit ang isa't isa, isang Mainit na yakap na tila nakawawala ng pagod. "Oh ano kumusta yung paga-apply mo? Natanggap ka ba?" tanong ko. "Syempre naman My Princess! ako pa ba? ahaha!" sagot niya na tuwang-tuwa. Sabi ko na nga ba makakapasok si Zach eh! Matalino siya at may kumpyansa sa sarili kaya hindi nakapag-tataka na tanggapin siya ng isang ganoon kayaman na kumpanya.
Napatili ako at hinalikan ko si Zach sa pisngi para batiin siya. "Wow, Congratulations my prince! Ang galing-galing mo talaga! ahhーkatatapos mo lang rin ba mag-apply?" tanong ko. "Hindi, kanina pa akong 6pm natapos. ahaha!" sabi niya ng nakangiti. "Ano?! 6pm? Zach, 8pm ang labas ko, bakit mo pa ako hinintay? ikaw talaga!" medyo naiinis kong tanong. Kasi naman! hindi niya na kailangan maghintay ng ganoon katagal, alam ko naman na pagod siya kaya maiintindihan ko siya kung hindi na muna niya ako masusundo ngayon. "Nakakainis naman ito!" pagtatampo kong sabi. "oh tamana, tamana. Gusto rin naman kitang intayin eh kaya ayos lang sakin." Sagot niya ng nakangiti at niyakap ako. Alam niya siguro na nagtatampo ako kaya niya ginawa iyon. "Ngayon, umuwi na tayo dahil alam kong gutom ka na at pagod at wag ka nang manlalaban dahil humanda ka talaga sakin mamaya sa bahay!" inis kong sabi sakanya. "oh dahan-dahan lang Yvie, ano ba? ahahaha!" natatawa niyang sagot ng hilahin ko siya papunta sa sakayan ng Jeep para umuwi.
[Writer's POV]
Dumaan ang maraming araw at naging abala na si Zach sa kanyang bagong trabaho sa Pelia Foods. Ngunit, walang araw na hindi napapahiya si Zach sa mga empleyado dahil mayroong nananabotahe sa kanya. mula sa mga Gamit niya na bigla nalang nawawala, Mga papeles na lagi niyang naaabutang basa at minsan habang nagi-edit siya ng New Packaging sa Computer para sa isang Food Product ng Pelia Foods ay bigla nalang itong namamatay kaya hindi nasi-save at hindi niya naipapasa on-time sa Boss kaya siya napagagalitan.
[Zach's POV]
Ngayon ay naglalakad ako sa Hallway kasama ang mga bago kong kaibigan na sina Yuri at Mark. "Sino bang gumagawa nito saakin? Ano bang kasalanan ko sakanya? Bakit niya sinasabutahe ang lahat?" lito kong tanong dahil wala talaga akong ideya kung sino ang gumagawa ng pananabutahe sa trabaho ko. "Wala ka bang ka-Officemate natin na nakaaway mo or nakagalitan mo? kasi baka siya ang gumagawa niyon para matanggal ka kaagad." ani ni Yuri. "Oo nga, kasi kung wala kang nakaaway edi dapat wala rin gagawa sayo ng mga ganung bagay." dagdag pa ni Mark. "Eh wala nga akong nakakaaway eh. Hindi ko naman ugali ang mang-away guys." sagot ko. "Bro, Si Sir.Luis?" tanong ni Mark. "Ha? Anong meron kay Sir.Luis?" tanong ko. "Ay, Mark! pansin ko rin iyon! minsan nahuhuli ko si Sir.Luis na masama ang titig kay Zach." ani ni Yuri.
At bakit naman gagawin ni Sir.Luis ang mga ganoong bagay saakin? dahil sa trabaho ko? eh Graphic Designer lang naman ako sa aming Department eh at siya ang boss namin. Atsaka sa pagkakaalam ko ay nagka-ayos na kami last time nung una naming pagkikita. bumuntong hininga ako "Ewan, kung sino man ang gumagawa sakin niyon ay sana mapagod siya at ma-inform siya na ang karma ay nasa paligid lang natin." ani ko. "Tama ka diyan. Bessy, karma nalang ang bahala sakanya ano!" sambit ni Yuri. At binilisan na namin ang pagpunta sa Caféteria para kumain ng Lunch dahil medyo maikli lang ang Break time namin ngayong araw.
[Luis' POV]
"Nagagawa mo ba yung mga pinagagawa ko sayo Luis?" tanong ni Tita Levie. "Oo naman ate, ako pa ba?" sagot ko. "Good pamangkin, siguraduhin mo lang na walang nakakahuli sayo ah? baka mamaya mabuking agad na tayo ang nananabotahe kay Zach." ani ni Tita. Narito ako ngayon sa Office niya at kaming dalawa lang dito wala ang assistant niya. "Hm...galit din ako sa lalakeng iyon eh, biruin mo tita unang pagkikita namin siya yung nakabangga sakin ako pa yung masama at nag-sorry! ang kapal ng mukha diba?" inis kong sabi. "Really pamangkin? natumba ka ba? may pilay ka ba?" pagaalala ni tita. "wala naman po tita pero alam mo yun? ang pinaka ayokong word ay ang "Sorry", nakakababa ng level!" inis kong sabi. "hayaan mo na Luis, paglalaruan natin iyang si Zach dahil galit ako sa nanay niya." ani ni tita. What? may kilala siya sa pamilya ng lalakeng kinaiinisan ko? Kahit curious ako hindi na ako nagtanong kasi hindi naman ako interesado sa mga ganoong kababang tao. Wag ka mag-alala Zach, Marami pa akong gagawin sayo.
[To be Continued...]