Chapter 1 | First Tension
Chapter 1 - First Tension (4/2/20)
---------
[Zach's POV]
Bawat hakbang ko patungo sa selda ay ang paghakbang sa aking isipan ng mga katagang sinintensya sa akin kanina sa korte.
"Zach Kim is...Guilty beyond reasonable doubt of two accounts of murder, p*******e which is murder of his own father, Alfred Kim, the victim, and Matricide, which is murder of his own mother, Darlyn Kim, the victim.
The Suspect is sentence of Life imprisonment and serve that sentence without any possibilities of parole or conditional release."
Naalala ko kung paano nila nilagyan ng posas ang kamay ko habang pilit kong hinuli ang tingin ng Judge.
"Your Honor, parang awa nyo na po, Hindi ako ang may gawa ng pagpatay...Please, parang awa nyo na po, Hindi po ako mamamatay tao!" Pasigaw kong pagmamakaawa sa judge habang hinihila ng pulis papalabas ng korte.
Naputol ang pag-iisip ko ng madinig ang malakas na pagkakasara ng selda ko at ang papalayong tawa ng pulis na naghatid sa akin sa silid na ito. "Magpakabait ka jan totoy!"
Pinagmasdan ko ang Selda, maliit at masikip para sa apat na tao. Kahit hindi titigan ng mabuti ay maaamoy mo ang dumi ng silid na'to, pinaghalong amoy pawis at sigarilyo na siguro'y nanggagaling sa tatlong kasama ko dito, kapwa malalaki ang katawan ng mga ito at sa tantiya ko ay nasa edad tatlumpo o higit lang ang kanilang edad.
Lahat sila ay nakaupo sa kanya-kanyang higaan, ngunit mas kapansin-pansin sa akin ang lalakeng nakangisi sa akin simula ng pumasok ako sa silid na ito. He is bald and tattoos are all over his body, and I can sense his uneasiness on laying the bed, tanda ito na masyado syang malaki at matangkad para sa kama nya.
Samantalang ang dalawa naman ay may pinagkaka-abalahan na basahin sa dyaryong hawak nila at hindi man lang ako tinapunan ng tingin simula kanina.
I feel so strange, I can feel unsafe inside this room with three people that I just met today, Takot ang nadama ko para sa sarili at pagkaawa, takot para sa kaligtasan ko at paglaban sa panibagong pagsubok na ito.
Napakainit, patuloy ang pagtagaktak ng pawis ko kasabay ng pagtulo ng maiinit kong luha ng maalala ko ang mga kaibigan ko.
-------
"Luis, parang awa nyo na, hindi ako ang pumatay, hindi ko magagawa iyon sa magulang ko" pagmamakaawa ko.
"Zach, tama na pwede ba? Lahat ng ebidensya ikaw ang tinuturo, korte na mismo ang humatol, kaya pano mo masasabing hindi ikaw ang may gawa? Maawa ka naman sa magulang mo, kahit man lang pagsisihan ang nagawa mo ay hindi mo magawa? Anong klaseng anak ka?" Sabi ng kaibigan kong si Luis sa naiinis na tono.
"Luis, maniwala ka sa'kin, nasisiguro kong framed up to, iurong nyo na ang kaso, kailangan kong mapanagot ang kung sino talaga ang nasa likod ng krimeng ito, parang awa nyo na, kilala nyo ko, alam nyong hindi ko magaー" Pinutol ni Yvie ang sasabihin ko, ang babaeng mahal ko.
"Hindi Zach, sa lahat ng nangyari, parang hindi na kita kilala, tingnan mo ang sarili mo Zach! Isa kang mamamatay-tao, wala kang konsensya, paano mo nagawa yon sa sarili mong magulang?" Sabi nya at tiningnan ako na parang ibang tao ako sa kanyang paningin.
"Yvie, pati ba naman ikaw?" Nanlulumo kong sinabi. "Kilala mo ko Yvie, sa lahat ng tao, alam kong ikaw ang mas nakakakilala sa akin, bakit hindi ka nagtitiwala sa akin? Matagal na tayong nagsasama, alam mong di ko magagawa ang ganitong bagay" dagdag ko habang pinipigilang humagulgol sa harap ng babaeng mahal ko.
"Yvie, tumingin ka sa akin, ako ito, ang taong minahal mo, please, ikaw ang lakas ko, 'wag mo naman akong ganituhin" Sabi ko sabay pilit hinahanap ang mata nya upang tingnan ako.
"Ewan ko, zach, hindi ko alam kung ikaw pa ba ang taong minahal ko. sa tingin ko, hindi ko kayang mahalin ang...kagaya mong, isang mamatay-tao." Walang-emosyon nitong sinambit habang iniiwas ang tingin sa akin.
Bigla naman dumating ang mag-kapatid na Jang, ang Tatay at Tita ni Luis.
"Nakikiusap po ako, tulungan nyo ako, iurong nyo po ang kaso..." sabi ko sabay lumuhod sa mag-kapatid na Jang.
"Hijo, bakit ko naman hahayaang mapakawalan ang isang kagaya mong mamamatay-tao at mang-aagaw? Hindi pa ako nababaliw para gawin yon hijo"
Sabi ni Kelvin Jang, ang tatay ni Luis, habang natatawa. "Hindi ko po maintindihan...hindi po ako ang may gawa at lalong wala ho akong inaagawa sa inyo o sa anak nyo." sabi ko pa din sa nagmamakaawang tono at pinipigilang maluhang muli.
"Inaagaw mo ang babaeng gusto ng anak ko, hindi ba naituro sayong dapat ay hindi ka nakiki-apid sa relasyon ng iba?" Napatanga naman ako at patuloy na naguluhan.
"....nobya ko si Yvie, at hindi ko sya inagaw kay Luis, kami nag tunay na nagmamahalan ni Yvie una palang!" sabi ko sabay bumaling kay Luis.
"Luis ano ba ito?"
Nabigla naman ako ng inabutan ako ni Mr.Jang ng isang daang pisong papel.
"Eto hijo, tanggapin mo, bayaran mo ang batas at tingnan kung saan aabot ang perang ito sa pag-abot mo sa hustisyang hinahanap mo. sandali, hustisya para kanino? Para sayo? Para sa isang taong mamamatay-tao at sinungaling?" Sarkastiko nitong sinabi sabay mahinang tumawa.
Napahiya ako at nainsulto dahil sa perang inabot nya, sasagutin ko sana sya ng pabalang ngunit napigilan ako ng mga pulis at agad na kinaladkad palayo sa kanila.
Habang papalayo sa kanila ay nararamdaman ko din ang unti-unting paglayo ng buhay ko sa tahimik na nakagisnan ko noon.
Bawat araw ay iniisip ko, bakit sa akin nangyayari ito? Do I deserve to be treated this way? Bakit kailangan madamay ang mga magulang ko? Ang mga magulang kong inosente sa lahat ng bagay na ito, na nadamay at pinatay ng walang kalaban-laban.
Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos at maipagluksa ang pagkamatay nila kahit na sa huling hantungan nila.
"Hoy utoy! Magpatulog ka naman, gabi-gabi ka na lang umiiyak eh!" hinampas nito ang higaan ko mula sa baba ni Hugo ang kalbong natutulog sa ibabang parte ng double deck na higaan namin.
Natauhan ako sa kalampag at nagpatuloy ang pagluha ko ng tahimik nang maalala ko ang perang inabot sa akin ni Kelvin Jang. Pera at kapangyarihan na lang ba talaga ang nagpapaikot at nagpapasaya sa mga taong katulad nya?
Hindi ko maiwasang hindi masaktan para sa mga magulang ko, mga walang-puso! Parang baboy lang nilang binili ang pagkatao at hustisya para sa magulang ko!
At sa pagkakagising ko sa kalampag, ay ang pagkalampag ng galit at pagnanais ng paghihiganti para sa magulang ko. inay, itay, hindi ko hahayaang ganito na lamang matatapos ang laban ko para sa hustisya sa pagkamatay nyo. Isusumpa ko na itataya ko ang buhay at pagkatao ko na mananagot ang sinuman ang nasa likod ng krimeng ito. ipinapangako ko...
-----
~2 months Earlier~
[Zach's POV]
Nandito ako ngayon sa Park, napagpasyahan kong makipagkita sa girlfriend kong si Yvie Wook. Ang mabait, mapagmahal at masipag kong girlfriend. I decided to walk with her in this park because it's a perfect weather to walk with her today.
I can't help but to feel excited whenever I see her and hold her hands. grabe talaga ang epekto ng babaeng ito sa akin, from her cute size face that brighten up my mood and as I see her walk towards me, para akong nagka- stiff neck. ni hindi ko na magawa pang makalingon sa ibang babae. and lastly, her smile, I'll call every saint to thank them for giving a beautiful girl like her, and to feel thankful to be love by a girl like her. Ang babaeng minahal ako ng buo at walang pag-aalinlangan, ang babaeng tanggap ako kahit na hindi ako ganoon kaganda ang katayuan ko sa buhay.
"At bakit mo naman naisipan na mag-ikot ikot dito sa park? Huh? Prinsipeng makulit?" Sabi nya sa natutuwang ekspresyon. "Well, your highness, since alam ko you're stressed from work, eh dinala kita dito to lessened up the stress inside you, isa pa, its a good weather to walk with you here after I do the chores in your house. syempre it's a perfect timing to rest with my princess" I said then I smiled at her
"Zach, diba sabi ko hayaanー" I cut her off.
"Please, sana hindi na natin to pagtalunan pa. you know, I just really wanted to help, alam mo naman na laging nasa school sina Megan at Rizzy. ayoko naman mapagod ang prinsesa ko." I said then I pinch her cute cheek trying to prevent her to make her sad expression.
"Pero baka mapagod ka." sabi nito sa nag-aalalang tono.
"Kung para sa'yo, magpapaka-pagod ako, 'wag lang ikaw." Sabi ko at tinitigan sya sa mata.
"You know I love you, at ayokong napapagod ang princess ko, as long as i'm available, I'll do it, to help you out. Okay?" Sabi ko sabay yinakap sya at hinalikan ang kanyang mapulang pisngi. "Thank You so much Zach, I love you too." Sabi nya sabay yinakap din ako ng mahigpit.
[Darlyn's POV]
Tahimik kaming naninirahan ng Asawa kong si Alfred kasama ang nag iisa naming anak na si Zach. Kami ay nagtitinda ng mga Sariwang isda at seafood upang makaraos sa bawat araw.
"Love, magpapapalit lang ako ng barya para may panukli ha" sabi ni Alfred. "Sige love, bilisan mo ha" Sabi ko sabay umalis naman sya para gawin ang sinabi.
Akala ko ay Isa sa mga nakasanayang abalang araw na naman ito sa palengke, isang magandang araw para magbenta at kumita, ngunit nagkamali ako.
Biglaang may lumapit sa aming pwesto habang ako'y nag-aayos ng paninda ang babaeng nakasuot ng maroon long sleeved dress with a turtle neck ribbon collar, halatang mayaman dahil sa branded nitong suot na hindi bumagay sa mainit at maingay na palengke.
"I thought mga bagong huli at sariwang mga isda ang binebenta dito, bakit parang may nagbebenta din ng pabulok na?" Nang-aasar na Sabi ng babaeng maputi, matangkad at mukhang mayaman atsaka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Kilalang-kilala ko ang babaeng ito, napakawalang-hiya naman at naghahanap pa yata ng gulo.
"Levie, Hindi ko alam na mahilig palang bumisita ang mga ahas sa ganitong lugar? Naligaw ka yata? O baka naman, gusto mo lang balikan ulit at ahasin ang dati mong putahe na sinayang? " sabi ko at sinuklian ang mapanuyang niyang titig ng isang palaban na ngiti.
[To be Continued...]