Chapter 2 | Darlyn Vs Levie

2013 Words
[Levie's POV] It's 7am in the morning when I got into my car to go in my office. I'm wearing my designer clothes because I have a meeting with some big clients about our company's big projects. "Lando, pwede ba humanap ka ng ibang daan? Napaka-traffic dito" sabi ko sa driver ko na agad naman nyang sinunod. Niliko nya ang sasakyan sa isang hindi pamilyar na daan sa akin, siguro ay naghahanap ng alternatibong daan para mapabilis ang aming pagdating sa office. I'm busy watching the busy people on this street when someone caught my attention. "Lando, pwede itabi mo muna sa gilid" utos ko na agad din naman nyang ginawa. Hindi ako nagkakamali, Kilalang-kilala ko ang lalaking ito. Bigla akong nakaramdam ng pagkasabik ng makita ko ang kanyang ngiti habang may kausap at abala sa hawak-hawak na pera. Ganoon na lamang ang inis ko ng makita kung sino ang kausap at ka-ngitian nya. Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilan ang sarili na lumapit at ilabas ang inis na biglang namutawi sa sistema ko. Naglakad ako patawid sa kabilang kalsada ng mapansing ang lalakeng tinitingnan ko kanina ay pumasok papaloob pa ng palengke. "I thought mga bagong huli at sariwang mga isda ang binebenta dito, bakit parang may nagbebenta din ng pabulok na?" Nang-aasar na Sabi ko, hindi na napigilan ang inis sa tono ko. "Levie, Hindi ko alam na mahilig palang bumisita ang mga ahas sa ganitong lugar? Naligaw ka yata? O baka naman, gusto mo lang balikan ulit at ahasin ang dati mong putahe na sinayang? " sabi nya naman sabay ngiti ng nakakairita sa akin. "Oh, take it easy Darlyn, ang tinutukoy ko ay ang mga isda at seafoods. ganyan ka ba sa mga customers mo? sayang naman, gusto ko pa naman sanang bumili." Sabi ko at tiniklop ang braso ko at ipinwesto sa ibaba ng aking dibdib, tanda ng paghahanda sa kung ano man ang susunod nyang gagawin. Natawa naman siya ng bigla dahil sa tinuran ko "Hindi Levie, sayo lang." Nairita naman akong sobra sa sinagot nya kaya naman sinadya kong itapon ang isang palanggana ng mga galunggong na isinasalansan nya kanina bago ako dumating. "Ang kapal mong babae ka! Nagpunta ka lang ba dito para mag-eskandalo ha!" ang Sabi nya sabay sinaboy sa mukha ko ang isang lalagyan na puno ng pusit. Nagulat ako sa biglaan nyang ginawa at muntik pang mabuwal sa kinatatayuan ko. Maarte ko naman inalis kaagad ang malansang tubig na dumikit sa mukha at sa dress ko! "Oh my god!", my dresss! Baliw ka na ba? What have you done!" Sabi ko sa naiiritang tono. "Kawawa ka naman Levie, hanggang ngayon ay hindi ka pa din maka-move on? Grabe, ganyan ka ba kadesperada at talagang pupunta ka pa dito para manggulo?" Sabi ni Darlyn sabay unti-unting lumayo sa kinatatayuan ko. Bigla naman dumami ang nakapaligid na tao, maybe we got their attention because of that b***h who created this sudden commotion. Now great, I look like a mess! She ruin my dress and she reach the limit of my temper. "Walang hiya ka! Ikaw na nga itong nang-agaw ikaw pa itong matapang! Nasaan ang delikadesa mo? Inagaw mo ang sana ay masayang pamilya ko!" Sabi ko nang nanggagalaiti sa inis at pilit inaalis ang mantsa sa damit kong mas mamahalin pa sa dignidad ng babaeng ito! Naging abala ako sa dress ko kaya hindi ako nakapaghanda ng bigla nya na lamang dinampot ang bangus at hinampas sa mukha ko. Nadagdagan naman ang mantsa sa mukha ko at nagkalat pa ang tumalsik na dugo na galing sa isda na hinapas at dinabog nya sa harapan ko. "Para sabihin ko sayo Levie, wala akong inaagaw! Wala akong inagaw dahil kusa siyang sumama sa akin at iniwanan ka, 'wag kang tanga! Magkaiba 'yon! Ang kapal ng mukha mong gumawa ng eskandalo at mag-imbento ng kwento!" Sagot nya na naging dahilan ng sobrang galit sa kalooban ko at pilit pinipigilan ang nagbabadyang luha na tumulo. No Levie! You can't just let this b***h see your weakness right now. "Pinagkakaila mo ngayon ang ginawa mong kasalanan! ipokrita! Isa kang mang-aagaw!" Sabi ko tsaka siya sinabunutan. Ibinuhos ko ang lahat ng lakas, galit at pagnanais na maghiganti dahil sa pagkapahiya ko kanina. Hinila ko ang buhok nya hanggang sa mapahiga sya sa basang daanan ng palengke. "Bakit ka pa kasi dumating darlyn! Masaya na ako eh, sinira mo ang buhay ko! Mang-aagaw!" Sabi ko habang hawak ang magkabilang buhok niya at iniiwas ang ulo ko upang pigilan ang paghila nya sa buhok ko. Ngunit nabigo ako at nagawa nyang maabot ang mukha ko at sinampal ng pagkalakas-lakas. Napabitaw naman ako sa kanyang buhok at hinawakan ang pisngi kung saan tumama ang sampal nya. Sinamantala naman nya ito at saka tinulak ako pahiga, kinubabawan, at hinila ang buhok ko at winasiwas na parang pamunas sa daan. "Ikaw babae ka, 'wag mo kong idamay sa kamalasan na nangyayare sa walang kwenta mong buhay! Tigilan mo ang paggawa ng kwento! Iniwan ka nya dahil sa malansang pag-uugali mo!" Sabi nya at mas pinanggigilan pa ang aking buhok, sobrang sakit ng ginagawa nya sa buhok ko ngunit hindi ako nagpatalo at pinagkakalmot siya sa braso upang mapaalis ang kamay nya na nakahawak sa buhok ko. Natigil lamang ang pagsabunot nya sa akin ng may isang lalake na hinila sya at pinirmi sa gilid. Napansin ko naman kaagad ang binatilyong kararating lang at may kasamang isang babae. "Ayos ka lang ba nay?" Nag-aalalang sabi nito at inalalayan naman ng babae si darlyn at inayos ang magulo nitong damit. Habang pinagmamasdan sila'y tumayo ako at tinanggal ang stilleto ko, my gosh, sobrang dumi at puro mantsa na ang dress ko, matapos kong ipatong ang stilleto ko ay tinulak ko naman ang lalaking nakaharang at pinilit na abutin si darlyn para gantihan ngunit nailayo sya kaagad ng babaeng kasama nito. Napatigil lamang ako ng mapansin ang lalakeng muntik mapahiga kung hindi nito naitungkod ang siko nito. Natakot naman ako ng makita ko ang labis na pagdudugo ng siko nito na dumadaloy pababa sa braso nito. Agad akong napalayo nang nakita ko ang dugong umaagos. Dahan-dahan ang pag-atras ko at pinulot ang stilleto ko na puno na ng malansang tubig. Pinagmasdan ko kung paano agaran na lumapit si Darlyn sa binatilyo at tiningnan ang sugat nito. "Anak, ayos ka lang ba? " tanong ni darlyn sa binata. "Anak?" Lito at takot na sinabi ko dahil sa katotohanang nadinig ko. Napatayo naman si Darlyn at isinaboy sa akin ang isang timbang puno ng tubig at maliit na yelong palutang lutang dito. "Walang-hiya ka! Pati anak ko dinamay mo pa?" Sigaw ni Darlyn. "Ano ba? Dinamay mo pa ako sa pagkadugyot mo Darlyn!" Naiirita kong sabi sabay tingin sa anak nyang patuloy pa din ang pagdudugo ng siko. "Matagal ka nang dugyot Levie! Binagay ko lang ang dugyot mong ugali sa itsura mo!" sabi nito ng pasigaw at nang-aasar. Napatigil naman ako nang madinig ko ang salitang 'anak'. "Anak?" Sabi ko at iniinda ang lamig na biglang bumalot sa buong katawan ko marahil dahil sa tubig na ibinuhos nya sa akin at sa takot nang may naalala sa salitang 'anak'. "No wayy..." Sabi ko at napatulala sa kawalan ng bigla kong maalala ang masakit na ala-alang dumaan sa aking isipan. Unti-unti naman akong umatras at dali-daling nagpunta sa kotse. Nang makapasok sa kotse ay tsaka ko lamang naramdaman ang init na dala ng luha at pagkapahiya kanina sa labas at ang panibagong init ng galit dahil sa inggit para kay Darlyn. "Ayos lang kayo ma'am?" Sabi ni Lando. "Nakita mong basa ako manong diba? i bet nakita mo rin na nakipag pisikalan ako kanina right? so malamang hindi ako okay!" pasigaw kong sabi sa aking Driver. "sorry ho, ma'am Levie." hingi niya ng tawad. "Manong Lando, umuwi na muna tayo please..." sabi ko sabay punas ng luha ngunit parang gripo naman ang pagtulo nito at hindi matapos-tapos. Sobra sobrang sakit at galit ang naramdaman ko habang pinapanood ko kung paano inalalayan ni Darlyn ang binatilyo na tinulungan ng dalaga na kasama nito. Pinagmasdan kong maiigi ang braso ng binatilyo, patuloy ang pagdugo nito ngunit tila balewala sa kanya ito, tila mas nag-aalala pa ang binatilyo kay Darlyn na napuno din ng dumi ang kasuotan. At bago kami lumiko sa kanto ay nakita ko ang pagngiti ni darlyn sa binatilyo, ngiti ng isang inang nag-aalala sa anak nito sabay hinaplos nito ang buhok at tsaka nagpatuloy sa paglalakad. [Luis' POV] Naglalakad kami ng best buddy ko na si Theo dito sa hallway, we decided to eat in a nearby resto since its our Lunch Break. "Grabe pre, gutom na ako, what do you think? Mag pasta ba tayo or with rice na?" Sabi ni Theo, my best bud. "Hmmm, I prefer eating rice, heavy meal hindi pa kasi ako nag-breakfast." sabi ko naman. "Uy tindi mo naman bro, ano diet lang?" Sabi nya sabay tingin sa katawan ko na ikinangiti ko naman. "nako pre, maganda na katawan mo, easy lang sa pagpapagwapo." dagdag nya pa "ano ka ba, tumigil ka nga, I'm too busy kaya nalimutan kong bumaba sa cafeteria for breakfast." depensa ko naman sa argument nyang pagpapagwapo. "Nako, bro, kaya wala kang girlfriend eh, lagi ka kasing busy." Sabi ni theo sabay hinto sa paglakad at hinarap ako. "Hmm, nakakapagtaka bro, andyan naman si Angelie, the hot and sexy daughter of one of the Board of Directors, I can sense her attractiveness to you, bakit parang ayaw mo? Wait, baka naman di busy sa work, baka busy sa pagtingin sa iba?" Sunod-sunod nyang spekulasyon. Pumasok naman agad ako sa elevator bago ko sya sinagot. "Yeah, I have this girl I'm interested with" sabi ko para manahimik na sya. "Woooah, who's the lucky girl? Taga-saan? " gulat nyang tanong ng sunod-sunod. "Shut up bro, ang ingay mo talaga" sabi ko sabay napabagal ng lakad ng biglang may nakasalubong kaming isang babae sa hallway. I know her, she's the Daughter of our CFO here at Pelia Foods Corporation while my Father is the CEO. Mapapansin mo agad siya dahil sa pagiging pormal nya mapasuot man at sa pakiki-tungo. Napahinto naman ako at inantay ang dilag na makasalubong. She's wearing a baby Blue dress with white lace, na pinaresan ng high heels na itim na mas lalong nagpatangkad at nagpa-pormal sa kanyang postura, A perfect example of morena beauty na binagayan ng burnt amber na kulay ng buhok nito. Napansin naman ng dilag ang paghinto ko kaya naman ay hinarap nya din ako at nginitian ng tipid. I bowed at her and tell her my greetings. "Hi, Ms.Suzy Baek, nice meeting you" sabi ko sabay nginitian sya. "Nice meeting you too Mr.Luis Jang." Sabi nya at ngumiti ng tipid sabay akmang aalis na sana kung hindi lamang ako nagsalita. "uhmm, it's lunch time, baka gusto mo sumabay Ms.Baek" paanyaya ko pa. "Thank you for inviting me Mr. Jang, but I have something to do, so, I need to go. maybe...Next time?" sabi nito at naglakad na papasok sa elevator. "Grabe ang ganda ni Ms.Baek, kaso bakit parang ang sungit naman ata nya? PMS?" sabi ni Theo sabay tawa dahil sa huling nabanggit nya. "Aba malay ko, bakit di mo itanong sa kanya? Halika na nga!" Sabi ko at hinila na sya palabas ng building. [Zach's POV] I'm busy walking on the street habang dala-dala ang seafoods para kina inay at itay, sigurado akong matutuwa ang mga iyon at mapapadami na naman ng kain mamaya. ngapala, naghakot na kasi kami ng mga paninda namin at ako nalang ang bahala mag buhat sa natira sabi ko kina inay at itay. Habang naglalakad ay nagmamasid ako sa bawat posteng dinadaanan ko, baka sakaling makahanap ng mga posters ng hiring, hindi kasi ako nakapasa sa isang kumpanya na pinag-applyan ko kanina. At mukhang nasa akin ang swerte ngayong gabi, dahil sa isang Flier ng malaking kumpanya na hiring ngayon. Na-excite naman agad ako at kinuha ang detalye para sa hiring. Sa wakas, sisiguraduhin kong makakapasok na ako sa kumpanyang ito! [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD