[Continuation to Yvie's POV]
Ngayon ay narito na ako sa Ospital at hinahanap ang ER lumapit ako sa isang Nurse sa Nurse Station. "Nurse, mayroon po ba kayong pasyente dito na nag-ngangalang Rizzy Wook? Uhm, Ako ang ate niya." tanong ko at ramdam na ramdam ang kabang bumabalot sa aking kalooban. "Uh...Yes po Ma'am kalalabas niya lang po ng ER at nailipat na po siya sa 3rd floor sa Room 305 po." ani niya. "sige, Salamat." sagot ko at nginitian naman ako ng nurse. Ginamit ko nalang ang hagdan kasi 3rd floor lang naman ang aakyatin ko. Finally i found my Sister's room at pagpasok ko doon ay kasama niya ang isang guro.
"Kayo po ba ang ate ni Rizzy na si Ms.Yvie?" tanong nito. "Opo, ako nga po Ma'am." sagot ko at nilapitan ko ang kapatid ko saka hinawakan ang kamay niya at sumabay pa ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ayokong nakikita ang isa sa mga kapatid ko na ganito ang lagay..."Ms.Yvie, mauna na po ako. Balitaan niyo nalang po ako kay Rizzy." paalam ng guro. "Opo ma'am maraming salamat po, ingat po kayo." ani ko at tinapik ako sa balikat ng Guro ni Rizzy.
Mukhang hindi naman napuruhan ang ulo ng kapatid ko dahil wala naman itong bandage o sugat, pero ang Binti niya...may balot ng bandage ang paa niya hanggang kalahati ng binti niya. Nako, sana naman makalakad pa ang kapatid ko. "Yvie, anak!" biglang pumasok sa pinto si Tita Darlyn, ang nanay ng Nobyo kong si Zach. "Nay! paano niyo po nalaman na nandito kami?" gulat kong tanong. "Nabalita sa Tv ang nangyari kay Rizzy at sinabi rin doon kung saang ospital siya dinala kaya nang mapanood ko iyon sa Tv ng katabi ng pwesto naming tindahan ay pumunta na ako agad dito." ani ni Tita. Nanay ang tawag ko sakanya simula nung iniwan kami ng mga totoong magulang namin at sumama na sa kanikanilang mga pamilya. Ang totoong Nanay at Tatay namin ay iniwan lang kami na parang mga kuting. Sinu-sustentuhan naman kami Buwan-buwan pero kulang parin kasi hinahati ko iyon sa pambayad sa upa, pagkain naming tatlong magkakapatid, sa pag-aaral pa nila at ilaw at tubig sa bahay.
Nagtrabaho ako pero hindi parin kasya ang panggastos namin kasi may mga biglaan din na gastusin tulad nito, Na-ospital si Rizzy. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa ospital at pambili ng mga gamot niya. Ayoko naman iasa sa Nobyo ko at magulang ng Nobyo ko dahil di rin naman sila mayaman. Oo, may kaya sila at tinutulungan kami pagwalang-wala na talaga kami. Pero ayoko ng lagi nalang kami ganon, Gusto ko ipakita sa mga kapatid ko na kaya ko magpaka-Nanay at Tatay sakanila.
Tumulo nalang bigla ang luha ko habang nakatingin ako kay Rizzy na nakahiga sa kama niya at walang malay. Niyakap naman ako ni Tita Darlyn para i-comfort ako. "Yvie anak, wag kang mag-alala huh? tutulungan ka namin sa gastusin dito sa ospital at mga gamot ni Rizzy. Wag ka nang umiyak, tahan na." ani niya at niyakap ko si Tita ng Sobrang mahigpit na parang totoo kong nanay. Well, mas naging magulang pa sila ni Tito Alfred saaming tatlo kesa sa mga totoo naming magulang.
[Zach's POV]
"So, gaano na kayo katagal ni Yvie?" tanong ni Sir.Luis saakin. "4 Years na po kaming dalawa, Sir.Luis." sagot ko. "Wow, 4 Years huh? Mukhang mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa." ani niya. Tapos may biglang tumawag sa phone ko, si Yvie. "Wait lang ha? sasagutin ko lang ito, saglit lang." paalam ko sakanila. Pumunta ako sa Comfort room at doon ko sinagot ang Tawag ni Yvie. "Hello, My Princess? Napatawag ka?" tanong ko. "Zach, Si Rizzy nabangga ng motor. Nandirito kami sa ospital ni Nay Darlyn." sagot niya. Parang nanghina ako bigla sa balita ni Yvie dahil ang saya ng bungad ko sakanya pero ganito ang balitang sasalubong saakin. "A...ano? nasaang ospital kayo? pupuntahan ko kayo diyan." ani ko. "Sa Min-Jeol Hospital, 3rd floor room 305, Zach." sagot niya. "Sige, pupunta ako Yvie, diyan ka lang ha?" sabi ko at ibinaba na ang linya.
"Sir.Luis, Theo, Yuri at Mark? Uhm, kaylangan ko po munang umalis may emergency po kasi eh." paalam ko. "What? ano iyon?" tanong ni Sir.Luis. "Nabangga po ang bunsong kapatid ng nobya ko eh, kaylangan niya po ng kasama." sabi ko at napatayo naman na nanlaki ang mata ni Sir.Luis dahil sa sinabi ko. "Oh my, sasama ako sayo Zach." ani niya. "Po? sigurado po kayo Sir Luis?" tanong ko. "Oo, nag-aalala rin ako para sakanya at sa kapatid niya...Theo bumalik na kayo nila Yuri at Mark sa opisina may pupuntahan lang kami ni Zach. Sumakay ka na rin sa Kotse ko Zach para hindi ka na mag-commute halika na!" sabi niya at mabilis kaming naglakad papunta sa parking lot ng Pelia Foods.
[Writer's POV]
Mabilis na nakarating sina Zach at Luis sa Ospital kung nasaan sina Yvie. "Yvie!" sigaw ni Zach nang makapasok sa kwarto kung nasaan sila at niyakap nila ang isa't isa ng mahigpit at makikita mo naman sa mukha ni Luis ang inis ng makitang nagyakapan sina Zach at Yvie. "Nay." ani ni Zach at nagyakapan din sila ng kanyang ina.
[Luis' POV]
Nay? Nanay ni Zach ang babaeng ito? So ang ibig sabihin siya ang...kaaway ni Tita Levie?
[To be Continued...]