Chapter 4 | Levie's Bad Scheme

1174 Words
[Continuation to Yvie's POV] "Miss?" Pantawag-pansin sa akin ng lalake at biglaang inalis ang paningin ko sa ID niya. "uh...sorry sir, ano po ulit ang Order niyo?" tanong ko. "sabi ko dalhan mo kami ng Best seller niyo na Meal kasi dipa kami nagbi-breakfast eh and miss, pwede paki bilisan? nagugutom na kasi kami." ani niya. "opo sir!" sabi ko at pumunta sa aming kusina ng mabilis. "Chef, Best Seller Meal for two and paki bilis lang po ang pag cook kasi gutom na po ang mga costumer doon sa Table 5 okay? Thank you!" sabi ko sa aming Chef. Habang ginagawa ang Order ay nagpunas muna ako sa Counter at sa Tables na katatapos lang gamitin ng ibang customers. While i'm wiping the Tables tinawag ako nung Costumer sa Table 5, si Luis, na agad ko naman nilapitan. "Yes sir? Wait na lang po tayo ng konー" naputol ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita. "No, hindi iyon haha! uhm...I just want to make friends with you." sabi niya. Ano daw? make friends with me? bakit? anong meron sakin? sa araw-araw kong pagtatrabaho at nakakaharap ng Iba-ibang costumers ay ngayon lang may nakipag-kaibigan sakin na Customer. Inilahad niya ang kamay niya sakin at hindi ko alam kung makikipag kamay ako sakanya kasi naman nahihiya ako mukha siyang galing sa wealthy family tapos ang dumi-dumi pa ng kamay ko kasi naglilinis ako ng table. Pero mukha siyang may magandang posisyon sa Pelia Foods Company base sa paraan niya ng pananamit bukod pa sa mukha at tindig nya, na talaga namang mayaman ang dating. Medyo may pagka-malusog din siya ng kaunti halatang sagana talaga sa buhay, at ang pinaka nag pakumpleto ng lahat, ang kanyang Handsome Face. "I am Luis Jang." nakangiti niyang pakilala saakin. nagpunas ako ng kamay at pinatuyo saglit bago ko tinanggap ang pakikipag-shake hands niya. "I am Yvie, Yvie Wook." pakilala ko na may ngiti sa aking mga labi. "Nice to meet you Yvie, so we're Friends?" tanong niya "Yeah! Sure! Nice to meet you too!" ani ko. "He is Theo By the way, my Bestfriend." pakilala niya sa kasama niya lagi dito kumain sa Restaurant. "Hi, Nice to meet you Yvie!" bati nito saakin, binati ko rin naman siya pabalik. "You seems like a Happy Person, and I like that, ang lakas mo makapag-bigay ng Positive Vibes sa mga Customers niyo." puri sa akin ni Luis. "Oh! Thank you po Sir, pero trabaho po namin mag-serve sa mga costumers in enthusiasm way" masaya kong sabi. Nakakatuwa naman kasi sa tagal ko nang nagtatrabaho dito ay ngayon lang may pumuri saakin ng ganito, nakakataba ng Puso na naa-appreciate din pala ng ibang tao ang efforts naming mga Waiter at Waitress. "Really? Thank you Sir Luisー" naputol ang sinabi ko dahil bigla ulit siyang nag salita. "Just call me Luis, Yvie." nakangiti niyang sabi saakin. "O..okay, Luis." nakangiti ko ring sang-ayon. [Levie's POV] I'm Here at the Pelia Foods Company for Applicants Interview, Most Recommend Company ang Pelia Foods dahil ito lang ang nag-iisang Kumpanya sa Luzon na one Day Hiring Process lang. isa rin ako sa mga Interviewers ngayon at ang ginagawa ko, Two persons per Interview para hindi matambak ang Applicants sa labas ng Interview room kung nasaan ako. "Call in the Next." sabi ko sa assistant ko. Ilang saglit pa ay may pumasok na isang Dalagita at Binatilyo dito sa kwarto. pero yung Binatilyo ay parang Familiar sakin eh... ~Flashback~ "Anak, ayos ka lang ba? tanong ni Darlyn sa Binata. "A...anak?" lito at takot na sinabi ko dahil sa katotohanang nadinig ko. ~End of Flashback~ napa-singhap ako ng ma-recognized ko ang Binatilyo. A...anak ni...ni Darlyn ang lalakeng ito kung hindi ako nagkakamali. Nawala ako sa sarili ko ng sandali at sumakit ang sentido ko ng makita ko ang batang iyon. "Ms.Levie, are you okay?" tanong ng Assistant ko. "Y...Yes I'm fine..." sabi ko habang hawak ang ulo ko. "Mia...Get me a cold bottled Water please." utos ko at sinunod naman agad ng assistant ko. "Okay, let's proceed to the interview." tiningnan ko ang Resume ng Dalawang ito, Lily Hong and Z...Zach Kim. Hindi ako nagkakamali, anak nga ni Darlyn Kim itong binatilyong kaharap ko ngayon. Ito nanaman, umiinit nanaman ang katawan ko sa galit dahil nasa harapan ko ang anak ng karibal ko, kaharap ko ang mayroon siya na dapat mayroon din ako! I cleared my throat before asking them some questions for the Interview at huminga ako ng malalim dahil hindi ko maibunton ang galit ko sa binatilyong kaharap ko ngayon. Inuna ko ang Babae ini-Interview at hinuli ko si Zach para magkausap kami ng masinsinan nagsimula kami agad sa Interview one on one at agad din kaming natapos. Well, Hindi ko maiwasang humanga sa batang nasa harap ko. kita sa credentials nito na may pinag-aralan talaga at napatunayan naman niyang magaling siya after ng aming Interview. May ipagmamalaki 'wag lang sanang tularan ang Ina nitong walang dignidad at delikadesa. "Great, Mr.Kim." puri ko. At this point, the guy is stares at me very confused. "Ms.Jang, uhm...magtatagalog na po ako ah? parang nakita ko na po kayo sa isang lugar." sabi ni Zach. "uhーi know Zach. Ako at ang Mama mo ay hindi maganda ang harapan yesterday. and I'm sorry kung naitulak kita kahー" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita. "Naku, Ms.Jang! ayos lang po, di naman po ako masyadong nasaktan. Kalimutan niyo na po iyon." Masaya nitong sabi sa akin na parang wala lang yung ginawa ko sa kanya kahapon. Habang tumitingin naman ako sa Binatilyong ito may namumuong kung ano sa utak ko...pwede kong paglaruan ang batang ito laban kay Darlyn kung magkakasundo kami. Okay Let's see. "Zach, you know what? ngayon, dapat ihiwalay ang trabaho sa personal issues right? I have Favor, okay lang?" tanong ko. "Sure Ms.Jang, as long as kaya ko pong Gawin iyon." nakangiting sagot nito. "Zach, kung pwede lang sana, 'Wag mo na sabihin muna sa Magulang mo lalong lalo na sa Nanay mo na Dito ka na nagtatrabaho." ani ko at nagkaroon naman ng ngiti sa kanyang nga labi. "Ibig niyo pong sabihin... Natanggap na po ako?" masayang tanong nito. "Yes, you're Hired Mr.Kim." nakangiti kong sambit at nagalak naman ang binata sa sinabi ko. Pero hindi pa ako tapos. "The reason why hindi mo pa dapat sabihin sakanila na dito ka na magtatrabaho kasi...alam mo na? may Conflict between me and your mother, so pag nalaman nila lalo na ni Darlyn ay baka utusan kang mag-resign dito. At ayokong mangyari iyon Zach dahil may Potential ka, at alam kong malaki ang maiaambag mo dito sa Pelia Foods Corporation. so...agree?" paliwanag ko sakanya na may sincerity sa aking mukha para mas mukhang kapanipaniwala. "uhーo...opo Ms.Jang, Sige po." sagot nito. "Really? Well, That's Great! " nakatawa kong sabi at nagkamayan kaming dalawa to congratulate him at lumabas na siya ng Room. Natawa naman ako, hay nako ang Family Kim nga naman...ang daling manipulahin, ang daling mapa-ikot. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD