Chapter 10 | Sweet Caffeine

1086 Words
[Zach's POV] Madaling-madali na ako habang papasok sa kumpanya at dahil matagal magbukas ang elevator ay ginamit ko nalang yung hagdan para umakyat, 7th Floor pa ako. Hay! hingal na hingal nako, at ilang saglit pa ay nakarating narin ako sa 7th Floor. Inayos ko na ang sarili ko, inayos ko ulit ang buhok ko at pinunasan ko ang kaunting pawis na tumagaktak saaking mukha at leeg. Huminga ako ng malalim para maging handa sa sermon ni Sir.Luis dahil late na ako. Binuksan ko ang pinto at nasalubong ko si Sir.Luis agad. napa-singhap ako ng hangin sa gulat. "Sir.Luis! pasensya na po dahil na laㅡ" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya hinawakan ang magkabilang braso ko. "Zach, It's okay. Unang beses mo palang naman mahuli eh. Pero sana iwasan natin itong maulit okay?" sabi niya saakin ng nakangiti. Gusto ko siyang tanungin kung siya nga ba talaga si Luis Jang na boss ko na masungit at lagi akong pinagagalitan. "O...opo Sir.Luis, hindi na po mauulit." sabi ko. "Okay, galingan mo sa trabaho Zach!" ani niya saakin ng nakangiti. I'm so Confused...and saka siya lumabas ng office. Nilapitan naman ako nina Yuri at Mark. "Bessy! anong sabi sayo ng anak ni Lucifer este ni Sir.Luis?" tanong ni Yuri. "Pinagalitan ka ba bro?" dagdag pa ni Mark. "Ah, hindi nga eh...nakakapanibago si Sir.Luis ngayon." lito kong sabi. "Eh bakit ka ba kasi Late?!" tanong ni Yuri. "Mamaya ko na ikukwento." ani ko. [Suzy's POV] "So Kumusta ka naman sa work mo Bes? kaya mo pa ba?" tanong ko kay Lily habang nakaupo kami sa Isang table sa Caféteria dito sa loob ng Kumpanya. "Okay lang naman bes, kinakaya ko pa naman, sa ngayon! pero alam mo bes kahit mahirapan ako hindi ako magre-resign kasi ako lang ang inaasahan saamin eh. Alam mo ba natutuwa nga sina Mama at ang mga kapatid ko kasi nabibili ko na yung mga gusto nila at pangangailangan namin sa bahay. Thank you talaga bes sa pagtulong saakin makapasok dito ah?" ani ni Lily. "Bes, wala iyon what are Friends for?" nakangiti kong sabi. "Eh si Zach? saang department siya nakalagay?" mahina kong tanong kay Lily. "I'm not sure pero lagi ko siyang nakikita sa katabi naming department na Arts and Designing Department. Siguro doon siya napasok." mahina ring sagot ni Lily. "Bakit bes miss mo na si Kuyang naipit mo sa Elevator?" tanong niya pa ng may mapangasar na tono. "Bwisit ka! Shut down!" pabiro kong saway ng mahina sakanya. "Anong Shut down? Shut up iyon diba?" tanong niya. "Shut down, matulog ka na!" asar ko sakanya at tumawa ako ng hindi kalakasan. "Grabe..." ani ni Lily at hinagisan ako ng maliit na Tissue box. Maya-maya pa ay pinapasok ko na si Lily sa Trabaho niya dahil tapos na ang Break time niya ako naman ay Bumili ng Coffee sa Pelia Foods Products Section. Bumili ako ng Frappuccino for me at...binilhan ko rin si Zach ng Irish Coffee, Irish Coffee ang best coffee product ng Pelia Foods. Ng maibigay na saakin ang medium coffee in a cup ni Zach ay nanghiram ako ng pentel pen sa staff at sinulatan ko yung cup label ng "Goodluck!" at ibinalik ko yung pen saka ako umakyat sa 7th floor at ng makita ko ang Department niya ay tumayo muna ako sa harap ng pinto ng ilang segundo. Nagdadalawang isip kung ibibigay sakanya ang Coffee niya pero napag-desisyunan ko na ibigay sakanya. Relax, Suzy...ibibigay mo lang sakanya. Pumasok na ako sa Department at binati ako ng mga employees sa loob at bumati rin ako pabalik. Kilalang-kilala ako dito sa Pelia Foods since i am the Daughter of the CFO kaya malaki rin ang paggalang nila saakin tulad sa Daddy ko. Nilapitan ko ang isang employee na lalake at nagtanong. "Excuse me, dito ba naka-assign si Zach Kim?". "Ah yung bago po? opo dito po siya, ayun po oh? nasa cubicle niya nagtatrabaho." ani niya. "okay, Thanks." seryoso kong sambit. Lumapit ako sa cubicle ni Zach at nakikita ko sakanya na pursigido siya sa ginagawa niyang trabaho. Oh, so He's a Graphic Designer huh? Nice. "Hey, Zach." tawag ko at napalingon naman siya saakin at tumayo bigla saka nag-bow bilang paggalang at nag-bow din ako sakanya ng kaunti. "AhㅡMs.Suzy Baek, Magandang tanghali po." bati niya. "Zach, Call me Suzy okay? We're friends right?" sabi ko. "O...okay po Suzy." ani niya. "And please remove the "Po"." sabi ko ng seryoso. "A...Alright, Suzy..." ani niya na parang kinakabahan. Why? mukha ba akong nanlalapa ng tao? "Better!" sabi ko ng may kaunting ngiti sa aking labi at napangiti rin naman si Zach. He's so Cute when he smiles... "Here, Take the Coffee...I'll buy that for you since sobrang lamig dito sa loob ng Department niyo. I thought you need something to warm your hands and stomach just a bit." ani ko at tinanggap niya ang coffee ng nakangiti. "Thank you Suzy, napaka bait mo naman ahaha!" ani niya. "No, Problem Zach. Anyway, I have to go! so bye!" paalam ko sakanya at wala nang lingon-lingon sa likod dirediretso akong naglakad palabas ng department nila. Paglabas ko ay isinara ko ang pinto at napahinto ako sa tapat niyon saka napangiti at nagpatuloy na sa paglalakad para dumiretso sa sarili kong department sa Food Reviewing Department. [Theo's POV] Ooohh...Something will be ruined ahaha! Kaylangan malaman ito ni Luis. Kinuhaan ko ng Picture ang pag-uusap nina Ms.Suzy at Zach Kim. Nakuhaan ko rin ang pag-aabot ni Ms.Suzy kay Zach ng kape at kita doon na nakangiti si Zach habang nakaharap kay Ms.Suzy. Perfect angle, perfect destruction. Sakto naman na bumalik na dito si Luis sa aming Department at nilapitan ko siya sa table niya. Malayo ang table niya sa table ni Zach kaya hindi kami mapapansin nito. "psst! pare! tignan mo!" tawag ko ng mahina kay Luis at nilapitan siya. Pinakita ko ang mga litratong kinuhaan ko kanina kela Ms.Suzy at Zach. "Oh anong gagawin ko diyan Theo?" tanong ni Luis. Minsan ang lalakeng ito napaka Slow din! "Ano ka ba! since magkaibigan na kayo ni Yvie, pwede mong magamit ito para sirain si Zach sakanya at pag-nasira silang dalawa edi pwede mo nang makuha si Yvie right? Hindi mo na kaylangan maging kabit." paliwanag ko. "Oohhh...alam mo Theo minsan gumagana rin pala yang utak mo ano? may punto ka diyan, Sige." ani niya at tumingin kami pareho kay Zach ng Nakangiti habang siya ay abalang-abala at hindi niya alam na may masisira sa buhay niya. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD