Kinabukasan, maagang nagising si Yvonne para maghanda ng almusal ng dalawa.
"Mabuti naman at masarap kang magluto. Akala ko kasi puro katangahan lang ang alam mo," sabi ni Henry habang kumakain.
Gustong matawa ni Yvonne pero pinigilan niya. Bakit naman nasabi ni Henry na masarap ang luto niya eh hotdog, tocino at itlog lang ang niluto niya.
"Oh? Bakit nakangiti ka diyan?" biglang sabi ni Henry. Napakurap si Yvonne.
"Malamang, sinabihan mong masarap ang luto niya eh napakadali lang ng niluto niya," biglang singit ni Harold.
Nagpaalam na si Yvonne na maglilinis muna siya ng kuwarto nila. Doon na lang sa kuwarto nagawa si Yvonne.
"Ang weird ng dalawang 'yon. Parang mga abnormal," bulong ni Yvonne sa sarili.
Napangiwi siya nang makita niya ang brief sa kama ni Harold. Tiningnan niya itong maigi.
"Ano 'to? Bakit may buhok? Naglalagas ba ang buhok niya sa hotdog niya?" mahinang usal ni Yvonne.
"Ay akin na 'yan!" Biglang sigaw ni Harold nang makita niyang hawak ni Yvonne ang brief niya.
"Ano ba? Bakit hawak mo ang brief ko? Pinagnanasaan mo ba ako?" Namumulang mukhang sabi ni Harold.
Tinaasan siya ng kilay ni Yvonne. "Anong pinagsasabi mo diyan? Hoy! Nakita ko lang 'yang brief mo sa kama mo pakalat-kalat! May ilang buhok pa nga na maliliit eh! Mukhang naglalagas yata 'yang gubat mo!" sabi ni Yvonne sabay irap.
Nahihiya namang tiningnan ni Harold ang kaniyang brief at nakita niya roon ang sinasabing buhok ni Yvonne. Nagmamadali siyang nagtungo sa banyo at nilabhan ang sarili niyang salawal.
Matapos maglinis ni Yvonne sa kuwarto ni Harold, nagtungo naman siya sa kuwarto ni Henry. At pagkapasok niya pa lang, may kakaibang amoy na siyang nasingot.
"Ano ba 'yon? Ang baho naman! Parang amoy tae," inis na sabi ni Yvonne sabay takip ng ilong.
Hindi naman ganoon kakalat sa kuwarto ni Henry kumpara sa kakambal niya na ang kalat-kalat. At isa pa, maayos na nakasalansan ang mga gamit ni Henry samantalang kay Harold ay magulo ang pagkakaayos. Na para bang basta na lang inilagay.
"Atchoo!" Nabahing si Yvonne dahil sa baho ng kaniyang naamoy.
Hinanap niya ang mabahong amoy hanggang sa nagtungo siya sa banyo ng kuwarto ni Henry. Nagulat siya nang makita ang short na may nagkalat na dumi. Mamasa-masa pa ito.
"Jusmiyo marimar?! Ano ba itong kababuyan na 'to! Kadiri! Ano 'to? Napatae si Henry sa short niya?" sabi ni Yvonne habang nakatakip ang ilong.
Nagulat na lamang siya nang may humatak sa kaniya palabas ng banyo. Agad na isinara ni Henry ang pinto ng banyo. Nanlaki naman ang mata ni Yvonne.
"Ano 'yon? Hindi mo na kinaya kaya sumabog ang basa mong dumi sa short mo?" Halos matawa-tawang sabi ni Yvonne.
"Subukan mong tumawa! Sasapakin kita!" Gigil na sabi ni Henry.
Natawa na tuloy si Yvonne dahil sa reaksyon ni Henry. "Hoy! Subukan mo! Akala mo ba natatakot ako sa iyo? Handa akong makipagsuntukan sa iyo! Eh anong magagawa mo kung matatawa ako? Syempre nakakatawa ka talaga dahil ang tanda-tanda mo na, napatae ka pa sa short mo! Eww!" Pang-aasar ni Yvonne.
"Umalis ka na nga dito! Huwag ka ng maglinis! Ako na ang maglilinis!" sabi ni Henry sabay tulak kay Yvonne palabas ng kuwarto niya.
"Aba't! Anong nangyari sa lalaking 'yon? Akala ko ba gagawin niya akong alipin? Ayos lang naman sa akin kung ako palabahin niya ng salawal niyang may dumi niya," bulong ni Yvonne sa sarili.
"Oh? Anong binubulong-bulong mo diyan? Bakit nandiyan ka?" sabi ni Harold sa kaniyang likuran.
Umirap siya. "'Yang kakambal mong abnormal, bigla na lang akong tinulak palabas. Nahiya yata kasi nakita ko ang short niya na may pururot na dumi niya. Kadiri!"
Humagalpak ng tawa si Harold. "Ibig sabihin, talagang inabot siya kagabi. Loko kasi 'yan. Kung ano-ano ang kinain kaya 'yan, sumabog tuloy ang kaniyang basang ipot!" Tumatawang sabi ni Harold.
"Sige Harold mang-asar ka pa! Sasapakin ko talaga ang mukha mo! Humanda ka sa akin paglabas ko dito!" malakas na sigaw ni Henry mula sa kaniyang kuwarto.
Napailing na lang si Yvonne. Bumaba na lang siya ng kusina para ligpitin ang pinagkainan ng dalawa. Naabutan siya ng isang kasambahay doon.
"Pasensya ka na, Yvonne, hindi ka naman nagawang tulungan. Utos kasi sa amin ni Lea na huwag ka raw naming tutulungan. Sabi nila Sir," sabi sa kaniya ni Manang Belen.
"Tatanggalin niya raw kami sa trabaho kapag nakita nila kaming tinutulungan ka. Eh hindi naman kami puwedeng matanggal sa trabaho dahil kailangan namin ng pera. Pasensya ka na, Yvonne. Pero malay mo naman, 'di ba? Magbago ang ugali ng kambal. Hindi rin kasi biro ang dinanas nilang sakit mula sa pagkawala ng magulang nila," dagdag pa ni Lea.
"Naku ayos lang. Huwag kayong mag-alala. Kayang-kaya ko 'to. Huwag niyo po akong intindihin. At saka, tungkol sa ugali ng dalawang 'yon, ewan ko lang kung magbabago. Parang mga abnormal nga eh. Pero bahala na. Alam ko naman na kaya ko ito. Huwag niyo na akong alalahanin," sabi ni Yvonne sabay ngiti.
"Sige na, Yvonne, aalis na rin kasi kami ngayong araw. Magbabakasyon kami hangga't nandito ka. Kapag wala ka na, doon kami babalik. Mag-iingat ka dito. Huwag mo na lang masyadong intindihin ang sasabihin ng dalawang 'yan. Minsan kasi may topak ang dalawang 'yan. Pero kahit papaano naman ay mabait sila. May mga sapi nga lang. Minsan umaatake ang mga tupak. Pero may times naman na talagang mabait sila," natatawang sabi ni Manang Belen.
Natawa na lang si Yvonne sabay kamot sa ulo. "Sige po. Mag-asikaso na kayo. Okay lang po ako. Mag-iingat po kayo sa byahe. Sana maging ligtas po kayo hanggang sa makarating kayo sa pupuntahan ninyo," magalang na wika ni Yvonne sabay ngiti sa matanda.
Nagpaalam na sa kaniya ang dalawang kasambahay. Medyo nalungkot nga si Yvonne dahil wala siyang nakakausap sa bahay na ito. Hindi naman siya puwedeng makipagkuwentuhan sa dalawa dahil siguradong sisigawan lang siya ng mga ito.
"Hay naku, bahala na. Basta, kakayanin ko ito. Humanda sa akin ang dalawang 'yon kapag may ginawa silang masama sa akin. Talagang gagantihan mo sila," bulong ni Yvonne sa kaniyang sarili.