Kinagabihan, nanghihinang napaupo sa sofa si Yvonne. Pagod na pagod kasi siya kalilinis ng buong bahay. Siya na lang kasi ang naglinis ng malaking bahay na ito. Ilang minuto lang siyang nagpahinga at pagkatapos nagluto na siya ng hapunan nila. Mabuti na lang talaga at natuto siyang magluto. Mamaya kasi ay darating na ang dalawa.
"Kumain na po kayo. Handa na ang hapunan ninyo," sabi ni Yvonne nang makarating ang dalawa.
Tumingin sa kaniya si Harold sabay ngiti. "Good job, alipin. Pagbutihin mo lang ang trabaho mo ng matuwa ako sa iyo," sabi ni Harold sabay tungo sa mesa.
Tipid na ngumiti si Yvonne. Sumulyap naman siya kay Henry na nakabusangot ang mukha. Guwapo pa naman sana ito pero madalas na nakabusangot ang mukha o 'di naman kaya ay nakasalubong ang mga kilay o nakakunot ang noo.
"Ihanda mo na ang pagkain namin dito. Magsandok ka na alipin. Alangan namang kami pa ang magsandok para sa sarili namin. Bilisan mo ang kilos mo," sabi ni Harold sabay upo sa harapan ni Harold.
Bumuntong hininga na lang si Yvonne sabay tungo sa kusina. Nagsandok na siya ng pagkain para sa dalawa. Nang matapos siyang magsandok ay nagpunas muna siya ng lababo dahil nagkaroon ng kaunting dumi bago siya nagtungo sa sala.
Hinintay niya muna itong matapos kumain bago siya kakain. Umupo lang sa sala si Yvonne habang naghihintay sa dalawa. Nagmuni-muni muna siya.
"Tapos na ako kumain. Linisin mo na 'yon. Basta dapat palaging malinis ang kusina," sabi ni Harold sabay akyat patungong kuwarto.
Nangunot naman ang noo ni Yvonne nang makita niyang kakarampot na kanin lang ang natira sa kaniya. Gutom pa naman siya dahil hindi pa siya kumakain. Inuna niya muna kasi ang maglinis bago kumain para isang kainan na lang.
"Oh bakit? Kulang pa ba sa iyo ang kanin na 'yan?" Pang-aasar sa kan'ya ni Henry.
"Sa tingin mo po? Anong akala niyo sa akin, bata? Magsasaing na lang ulit ako," inis na sabi ni Yvonne.
"Hindi. Tama na 'yan sa iyo. Mag-diet ka," sabi ni Henry sabay tawa.
Napalunok na lang si Yvonne nang makita ang maraming kanin sa plato ni Henry. Sigurado siyang hindi mauubos ni Henry ang kanin dahil sa dami nito. Pero kung matakaw ang binata, ay makakaya niya itong ubusin.
"Sumakit sana 'yang tiyan mo sa katakawan mo," bulong niya habang nagliligpit ng pinagkainan ni Harold.
"Anong sinabi mo?" Kunot noong sabi ni Henry.
"Wala po! Ang sabi ko, lamon well," wika ni Yvonne habang nakatalikod. Naiinis siyang umirap sa hangin.
Natawa na lang si Henry. Busog naman na talaga siya. Sadyang gusto niya lang asarin si Yvonne kaya kakarampot na kanin lang ang tinira niya dalaga. Pinilit niyang ubusin ang kanin na nasa plato niya. At nang maubos niya ito, napahawak siya sa tiyan niya. Parang hindi na siya makagalaw sa dami niyang kinain.
"Tapos na ako. Linisin mo na 'to. Dapat malinis na malinis ang kusina dahil madalas kami dito tumatambay. Ayusin mo ang mga kilos mo. Huwag kang patanga-tanga diyan kung ayaw mong masigawan ka," sabi ni Henry sabay lakad patungo sa sala.
Kumain muna si Yvonne bago siya maghugas. Mabuti na lang at maraming ulam ang natira kahit na kaunti ang kanin. Kahit papaano ay nabusog pa rin siya. Uminom na lang siya ng maraming tubig para mabusog siyang tuluyan. Kumain na rin siya ng mga prutas sa ref.
Nang matapos siyang kumain, napansin niya si Henry na napapangiwi habang nakahawak sa tiyan. Mahina siyang natawa sabay lapit sa binata.
"Anong nangyayari sa iyo? Sumakit ba ang tiyan mo dahil sa katawan ninyo?" Nakangising sabi ni Yvonne.
"Ano? Umalis ka nga sa harapan ko bago pa kita masipa diyan!" sigaw sa kaniya ni Henry.
Nagkibit-balikat na lang si Yvonne sabay alis sa harapan niya. Ilang minuto simula nang umalis si Yvonne sa harapan niya, nanlaki bigla ang mata ni Henry. May kung anong mainit na likido ang lumabas mula sa puwetan niya.
"s**t! Napatae na naman ako?!" bulaslas ni Henry sabay takbo patungong banyo.
SUMUNOD NA ARAW, umalis si Harold para makipag-party sa mga barkada niya habang si Henry naman ay naiwan sa bahay para mag-asikaso ng mga business proposal sa opisina niya sa kanilang bahay.
"Ikuha mo ako ng tinapay. Lagyan mo ng palaman. Isa lang," utos ni Henry kay Yvonne.
"Okay po," agad namang sumunod ang dalaga.
Mabilis ang ginawang paghakbang ni Yvonne pababa ng hagdan patungong kusina. Nilagyan niya ng maraming palaman ang tinapay ni Henry.
Mabilis siyang bumalik sa opisina ni Henry dala ang tinapay na may palaman. Inilapag niya ito sa table ni Henry. Nginisihan naman siya ng binata sabay kuha sa tinapay. Naubos naman agad 'yon ni Henry.
"Ikuha mo pa nga ako ulit ng isa. Ganoon pa rin. Damihan mo pa rin ng palaman para masarap," muling utos ni Henry.
Sumunod naman agad si Yvonne. Pilyong napangiti naman si Henry nang umalis na si Yvonne sa harapan niya. Agad ding nakabalik si Yvonne dala ang tinapay na may palaman sabay lapag sa table ni Henry. At kagaya no'ng una, mabilis 'yong naubos ni Henry. Tumingin sa kaniya ang binata sabay ngiti.
"Ikuha mo pa akong isa. Masarap pala. Bilisan mo!" Pinigilan ni Henry ang kaniyang sarili na matawa. Sinasadya niya kasing pabalik-balikin si Yvonne.
Ngumuso naman si Yvonne. "Ilan po? Isa lang ba? Dalawahin ko na kaya para hindi na ako pabalik-balik," sabi ni Yvonne sabay kamot ng ulo.
Umiling si Henry. "Hindi. Isa lang. Bilisan mo. Huwag mong pakialaman kung ano ang iuutos ko sa iyo," mariin na sabi ni Henry.
Inis na bumuntong hininga si Yvonne bago lumabas ng opisina ni Henry. "Kainis naman ang lalaking 'yon! Halatang sinasadya niyang pabalik-balikin ako! Ang sakit na ng binti ko akyat-baba ng hagdan!" Maktol ni Yvonne habang naglalagay ng palaman sa tinapay.
"Oh? Bakit medyo natagalan ka yata?" tanong sa kaniya ni Henry nang makabalik siya sa opisina nito dala ang tinapay.
"Medyo sumakit po kasi ang binti ko kakaakyat baba ng hagdan," sabi ni Yvonne sabay lapag ng tinapay sa harapan ni Henry.
Tinaasan siya ng kilay ng binata. "Oh tapos? Anong gusto mong palabasin? Nagrereklamo ka ba?" Pagalit na saad ni Henry pero pinipigilan niya lang matawa. Natutuwa kasi siya na nahihirapan na si Yvonne.
Mabilis na umiling si Yvonne. "Hindi po. Sinabi ko lang kung bakit ako natagalan sa pagbalik dito."
Bumaling ang mata ni Henry sa papel na hawak niya. Agad niyang inubos ang tinapay na nasa harapan niya.
"Ipagtimpla mo ako ng juice. Bilisan mo."
Sumimangot ang mukha ni Yvonne. "Bakit po hindi niyo agad sinabi para sabay ko sanang dinala dito ang tinapay at juice ninyo," naiinis nang sabi ni Yvonne sabay kamot sa ulo.
Tinawanan siya ni Henry. "Nagrereklamo ka na? Ano bang pakialam mo kung ayaw kong pagsabayin? Magtimpla ka na ng juice doon! Bilisan mo," utos sa kaniya ng binata.
Inis namang umirap si Yvonne sabay talikod. Narinig niya pa ang pagtawa ni Henry bago siya tuluyang lumabas ng opisina nito.
"Loko kang lalaki ka, ha. Pinapagod mo ako. Puwes, humanda ka sa akin," gigil na sabi ni Yvonne patungong kusina.
Kumuha siya ng kalahating baso ng tubig sa bowl at 'yon ang ginamit niyang tubig sa pagtimpla ng juice ni Henry. Dinamihan niya ng yelo para lumamig agad.
Ngumisi si Yvonne. "Masarapan ka sana sa juice na handog ko sa iyo, Henry," bulong ni Amira sabay lakad pabalik sa opisina ni Henry.
"Ito na po ang juice ninyo," sabi ni Amira sabay lapag ng juice na tinimpla niya.
Nginitian siya ni Henry. "Good job, alipin," sabi nito sabay inom ng juice.
Lihim na napangiti si Yvonne. Naubos naman agad ni Henry ang juice na tinimpla niya.
"Oh. Ligpitin mo na. Puwede ka ng maglinis sa sala. Tatawagin na lang kita kapag may iuutos ako sa iyo."
Kinuha naman ni Yvonne ang basong wala ng laman. Napakagat labi siya upang pigilang ngumiti.
"Okay sige po," sabi niya sabay talikod.
Pagkalabas niya ng opisina ng binata, doon na siya nagtatalon sa tuwa. "Yes! Nakaganti rin ako!" masayang sabi niya sabay tungo sa kusina.