Malakas na pagbuntong hininga ang bungad sa akin ni Dwayne nang sagutin niya ang tawag ko. Dahil sa isang simpleng buntong hininga lamang, alam ko na kung anong kinahinatnan ng pag-uusap nila ni Heinz.
"Kumusta?" tanong ko pa rin.
"May araw din 'yang ex boyfriend mo sa akin, Ivy. Isa siyang malaking gago."
I heaved a deep sigh and slowly nod my head. "Anong sabi?"
"Katulad pa rin nang dati. Hindi niya raw buburahin ang video hangga't hindi kayo nagkakausap."
"Then let me talk to him---"
"Ivy," pagputol niya sa kung ano mang dapat ay sasabihin ko. "Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa niya sa 'yo noong huli kayong nagkita?"
Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. Of course, I remember. Heinz slapped me for meeting Dwayne.
"Pero kasi. . ."
"Ivy, he hurt you. Hindi tayo nakasisiguro na hindi ka niya sasaktan kapag nagkita kayo. Nang unang beses na pinagbuhatan ka niya ng kamay, nangako akong iyon na rin ang huli."
I bit my lower lip as I played with my fingers. "Paano kung hindi niya burahin ang video na 'yon kapag hindi ako nakipagkita?"
"At paano rin kung saktan ka niya kapag nagkita kayo?" segunda niya at malakas na bumuntong hininga. "You never saw me hurting my wife physically, Ivy. Because no woman deserves to be treated like that— not even my wife, not you."
"Pero sinaktan mo naman emotionally si Ate Nellie. . ." I trailed off.
Dwayne scoffed.
"Alam mo kung gaano ako kagalit sa kaniya, Ivy. Pero kahit galit na galit ako sa kaniya, hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. It's because I love her! Kung mahal ka talaga ng gagong iyon, hindi niya gagawin ang mga bagay na ginawa at ginagawa niya ngayon. Obsession isn't love, Ivy."
"But what if---"
"Huwag kang makipagkita sa tarantadong iyon, Ivy. Makinig ka sa akin kung ayaw mong mapahamak." He cut my words off.
I sobbed harder as I ended the call without even saying goodbye to him. Alam ko naman na tinutulungan niya ako at ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya basta matulungan ako. It's just that. . . It's not enough.
Wala talaga siyang mapapala sa pakikipag-usap kay Heinz dahil hindi naman siya ang gusto nitong makausap. Heinz wants to talk to me and not him.
I wiped my tears with the back of my hand as I rose up from my seat. I already made my decision.
Hindi naman malalaman ni Dwayne kung nakipagkita ako kay Heinz o hindi.
Basa pa rin ng luha ang aking pisngi nang lumabas ako sa tinitirhan kong condominium unit. Lakad-takbo na ang ginawa ko dahil baka maabutan pa ako ni Dwayne kapag mas binagalan ko pa ang aking paglalakad.
"Ma'am---"
"Ayos lang ako." I cut the guard's words off as I immediately went passed him.
Ilang beses kong ikinaway ang braso ko para pumara ng masasakyang taxi hanggang sa may tumigil sa harapan ko. Dali-dali naman akong sumakay at iniabot sa driver ang telepono ko.
"Diyan ako bababa, Manong," tanging saad ko at nag-iwas na ng tingin.
"H-Huh? Pero Miss. . ."
"Magbabayad ako, Manong. Huwag kang mag-alala," sabi ko bago sumandal na sa bintana. I slowly closed my eyes as tears rolled down on my cheeks once again.
Thankfully, the driver didn't speak the whole ride. Iniabot niya lamang sa akin ang aking telepono hanggang sa makababa ako at hindi man lamang ako nilingon na siyang ikinapagpasalamat ko.
I drew in a long breath as I went inside the parking lot of where Heinz was staying. I messaged him before I went here that I want to meet him. Agad naman siyang pumayag.
"Babe!"
Binasa ko ang aking pang-ibabang labi bago nanginginig ang kalamnan na lumapit sa gawi niya. Akmang yayakapin niya pa ako katulad ng lagi niyang ginagawa noon nang mabilis ko siyang napigilan.
"Don't touch me," I firmly ordered.
He smirked as he clicked his tongue. "Lumalaban ka na ngayon, Ivy. Bakit? Tinuruan ka ba noong gagong Fontanilla na 'yon, ha?"
"Hindi ako nagpunta rito para pag-usapan ang bagay na 'yan, Heinz. Narito ako para ipabura sa 'yo ang video na kinunan mo."
"Tingin mo ba ay ganoon akong kadaling tao, Ivy?" He leaned closer while I stepped away. "Ipapabura mo sa akin ang video na 'yon nang ganoon ganoon lang?"
"You filmed that video without my consent! Kung sana sinabi mong magvivideo ka, hindi ako papayag---"
"Kaya nga hindi ko sinabi!" Malakas na sigaw niya kaya't mas lalo akong napaatras palayo.
My palm balled into fist as I stared at him with so much rage. "Ganiyan ka na ba talagang kababa, huh, Heinz? We were in a relationship for two years! Hindi mo man lamang ba naisip 'yong mga pinagsamahan natin?"
"Bakit? Naisip mo ba 'yan noong nakipaglandian ka doon sa gagong Fontanilla na 'yon, ha? Sinabi ko na sa 'yo noong layuan mo ang lalaking iyon pero hindi ka sumunod!"
"Wala nga sabi kaming relasyon ni Dwayne! Sinabi ko na ngang may asawa na siya, hindi ka pa rin naniwala!" I fired back.
"At sino ka ba para kontrolin ako? Sino ka para pagbawalan ako na makipagkita sa mga kaibigan ko? Sino ka para magdesisyon para sa akin?" dagdag ko at masama siyang tiningnan.
Napalunok naman ako nang malakas siyang tumawa. Napuno ng tawa niya ang buong parking lot kaya't hindi ko maiwasang mas lalong umatras para mas mapalayo sa kaniya.
"Ganiyan ba ang nagmamakaawa? Hindi ba dapat kung gusto mong burahin ko at huwag ikalat ang video mo, magiging mabait ka sa akin?" nakangiting tanong niya.
"Gago ka nga talaga."
"What?"
"Sige, ikalat mo. Mabubulok ka sa kulungan, gago ka. Hindi ko hahayaan na makalaya ka nang basta-basta sa gagawin mo," banta ko at matapang siyang tiningnan.
To my surprise, he let out a mocking laugh. Mayamaya pa ay mas lalo siyang lumapit sa akin habang malapad na nakangiti. Nang halos isang dipa na lamang ang layo namin sa isa't-isa, saka siya muling nagsalita.
"Gaano akong katagal makukulong? Three years? Four years?" tanong niya bago ipinagkrus ang dalawang braso. "Magkanong ibabayad ko para sa multa? One hundred thousand?"
"Kaya nga burahin mo na para hindi na tayo aabot sa ganiyang usapa---"
"I can pay the fine. Mayaman ang magulang ko, Ivy. Tutulungan nila akong maabsuwelto sa ikakaso mo. Kaya ko rin namang makulong ng tatlong taon o higit pa. Hindi naman bigdeal."
My brows furrowed as my lips parted upon hearing what he said. "W-What?"
Heinz laughed. "Pero ikaw kaya. . ."
Mas lalo pa siyang lumapit sa akin kaya't mas lalo pa akong napaatras. "Ano kayang sasabihin ng ibang tao kapag kumalat ang video mo? Paano ka na kaya, ha, Ivy?"
"D-Don't you dare---"
"Sa isang click ko lamang sa telepono ko, sisikat ka na. Lahat sila, makakalimutan kung anong karangalan ang naiuwi mo. Wala ng ibang tatakbo sa isip nila kapag nabanggit ang pangalan mo kung hindi eskandalosa, marumi, at malanding babae."
Mas lalong kumuyom ang aking kamao bago nagtitiim ang bagang tumingin sa kaniya. "Huwag na huwag mong gagawin 'yan, Heinz. Ipapakulong talaga kitang hayop ka!"
"All right. I know that I'm the perpetrator but who would take the fall?" tanong niya at malokong ngumiti. "Babae ka, Ivy. Sa ating dalawa, ikaw ang mas lalong masisira."
"Tangina mo---"
"Ano kayang magandang i-caption, ano? Isipin mo na lamang kung gaano karaming tao ang makakapanood sa karumihan mo kung sakali. Magna c*m Laude noong College, Magna c*m Laude rin sa kama."
"Don't you f*****g dare! Mapapatay kitang hayop ka!"
He laughed evilly as he looked at me like I was some sort of joke. "Actually, nakaisip na ako ng magandang title, babe. Gusto mong makita?"
I froze on my spot as I gazed towards him. "W-What. . ."
Itinaas niya ang dalang telepono at ipinakita sa akin ang nakasulat doon. Tears immediately rolled down on my cheeks as I covered my mouth using my palm, trembling with fear.
TRENDING: Inosenteng kolehiyala, magaling pala sa kama!
23,500 views.
-----