Both me and Kuya Damon were silent all throughout the ride. Naging seryoso na siyang muli sa pagd-drive nang sabihin niya na naaalala pa rin niya ang ginawa ko noong graduation.
I was too embarrassed that I didn't say a thing and just looked away to hide my embarrassment. Mukha namang napansin niya iyon at hindi na siya muling nagsalita.
Wala sa sariling kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at pinaglaruan ang aking mga daliri. We're already near Dwayne's house and I'm sure that he'll scold me once he saw me.
I swallowed the lump on my throat as I lightly turned my head towards his direction. "Uh. . . K-Kuya Damon?" Mahinang pagtawag ko sa atensiyon niya.
"Yes?" he asked and cleared his throat.
"P-Puwede bang. . . puwede bang huwag mong sabihin kay Dwayne na---"
"Not gonna happen." He cut my words off as he focused his eyes on the road once again.
I groaned. "Pero kasi, papagalitan niya ako kapag nalaman niya."
"And you deserved some nagging. Kung hindi kita naabutan, nakatalon ka na. Dwayne needs to know about your situation."
Wala akong nagawa kung hindi ang mapalabi bilang tanda ng pagsuko. Alam ko naman na may point siya pero. . .
I looked away and leaned on the car's window instead. Wala sa sarili akong napapikit upang maitago ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag-iyak.
Alam kong kanina pa napansin ni Kuya Damon ang pamamaga ng mga mata ko ngunit wala siyang sinabi kahit isa na siyang ipinagpasalamat ko. I guess he's not a chismosa after all.
"Baba na." I was pulled out on my own reverie when I heard his voice as he parked his car.
Akmang bababa na ako ng sasakyan ngunit naunahan niya akong bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. If it's a normal day, baka kiligin pa ako pero kasi, iba ang araw na ito.
Uuna na sana sa paglalakad sa akin si Kuya Damon papasok ng bahay ni Dwayne nang wala sa sarili kong hinawakan ang laylayan ng suot niyang pang-itaas kaya't napatigil siya sa paglalakad.
He stiffened but ended up letting a loud sigh as he looked towards me. "Yes?" tanong niya.
I bit my lower lip and looked at him with pleading eyes. "S-Sigurado ka bang sasabihin mo kay Dwayne? Hindi na ba---"
"He needs to know."
Tulad kanina kay pinutol na naman niya ang sasabihin ko kaya't wala akong nagawa kung hindi ang mapalabi at bagsak ang balikat na mag-iwas ng tingin.
"You know the password?" tanong niya nang makarating kami sa harapan ng pintuan ng bahay ni Dwayne.
Marahan akong tumango at umuna sa kaniya. I weakly typed the password when my eyes suddenly became blurry.
"Are you all right?" he asked.
Hindi ako sumagot at sa halip ay nagpatuloy sa pagtitipa ng password. Mayamaya pa ay bumukas na ang pintuan kaya't agad kaming pumasok sa loob.
As usual, tahimik ang bahay. Hindi na rito tumitira si Dwayne dahil mula noong maghiwalay sila ni Ate Nellie ay sa mansion na siya tumira kaya't hindi na kapani-panibago na tahimik ang bahay. Ang tanging nabago ay ang prenteng nakaupong si Dwayne sa sofa sa gitna ng living room.
"Ivy Mallari, saan ka naman nagsusuot?"
I grimaced. Living in the province might have really influenced his vocabulary. Wala akong imik na lumapit sa kaniya at umupo sa kabilang sulok ng mahabang sofa na inuupuan niya.
"Alam mo naman na pinagbawalan muna kitang lumabas, hindi ba? Ilang ulit akong tumawag sa cellphone mo pero hindi ka sumasagot kaya pumunta ako sa apartment mo kanina pagkagaling ko sa trabaho. Imagine my shock when I found out that you weren't there!" sermon niya sa akin ngunit wala akong ginawa kung hindi ang mag-iwas ng tingin.
"It's already six in the evening, Ivy. Ano na lamang ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa 'yo?
"Wala ka namang dapat gawin. . ." mahinang bulong ko.
"Ivy," he warned.
I pouted as I looked down once again like a child. "I'm sorry," I whispered.
Malakas siyang bumuntong hininga at hinilot ang kaniyang sintido. "Next time, kung aalis ka, dalhin mo ang cellphone mo para naman matawagan kita kapag hinahanap kita."
"Y-You confiscated my phone, remember? Hindi ko alam na sa bahay mo rin pala itinago," wala sa sariling giit ko sa kaniya.
Dwayne heaved out a deep sigh as he massaged his temples. Mukhang hindi niya naisip iyon kanina. Tss.
"O kaya naman huwag ka nang lumabas. Kung may kailangan ka, tawagan mo ako para ako na ang bahala."
"May trabaho ka kasi kaya ayaw kitang istorbohin. Sabi mo noon, ayaw mong iniistorbo ka kapag nasa trabaho ka kaya hindi na ako nag-abala pa."
"Then wait for me to go to your house instead. Ang dami mong alibi---"
"Ang tagal mo sa trabaho. Nakakapagod maghintay." I cut his words off as I played with my fingers.
Hindi ko na mabilang kung ilang ulit siyang bumuntong hininga dahil sa sinabi ko ngunit nanatili lamang akong nakatingin sa ibaba samantalang tulad ko ay hindi pa rin umaalis sa puwesto niya mula kanina si Kuya Damon at tahimik na nakikinig sa amin ni Dwayne.
"Ivy, you're not in your right state. Hindi mo dapat pinipilit ang sarili mong lumabas kung hindi mo pa naman kaya," mahinahong sermon ni Dwayne matapos pakalmahin ang kaniyang sarili.
I pouted as I nibbled my bottom lips. "Wala naman kasi akong choice, e."
"Sana kasi, naghintay ka nalang. You're too impatient, Ivy. Ilang ulit na kitang pinangaralan dahil diyan."
Mas lalong humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya. I thought he'll understand. Kaya 'to iniwan ni Ate Nellie, e. Hindi marunong makinig sa explanations.
"I'm hungry," I said, almost a whisper.
"What?" Tila hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"W-Wala na akong pagkain sa apartment tapos hindi naman kita matawagan o kaya makapagpadeliver kasi kinumpiska ko ang cellphone ko. Gutom na gutom na ako kaya lumabas ako para bumili."
Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling bumuntong hininga si Dwayne. Ngunit hindi tulad ng kanina, may narinig pa akong isa pang buntong hininga.
"Nasaan na ang binili mong pagkain?" Dwayne asked.
I pouted. "N-Naiwan ko," nahihiyang pag-amin ko. Bigla na lamang kasi akong pinasakay ni Kuya Damon sa sasakyan niya kaya't hindi ko na napansin na naiwan ko ang binili kong pagkain.
"Bakit mo naman iniwan? Sayang---"
I almost jumped on my seat when a pillow was thrown towards Dwayne's direction. Agad naman akong nag-angat ng tingin at tumingin sa gawi ni Kuya Damon na nagbato ng unan.
Dwayne groaned when the pillow hit his face. "Kuya naman!" reklamo niya.
"Sermon ka nang sermon, ikaw naman pala ang may kasalanan," naiiling na komento ni Kuya Damon sa kaniyang kapatid.
Dwayne tsk-ed as he turned his head towards his brother's direction. "Kuya, mahal mo ako, 'di ba?"
"What kind of question is that?" Kuya Damon looked annoyed as he crossed his arms towards his chest.
"Kung mahal mo ako, ipagluluto mo kami."
"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Damon ngunit nginitian lamang siya ni Dwayne.
"Hindi ako marunong magluto kaya ipagluto mo na lamang kami ni Ivy, Kuya Damon. Isn't it easy?"
Kuya Damon let out a harsh breath and fixed the rim of his eyeglasses. "Are you kidding me?"
Dwayne lifted his shoulder in a half shrug. "No, I'm not."
"And why would I cook for yo---"
"Kuya, wala pang kinakain si Ivy buong maghapon. Ganiyan ka na ba ka-walang puso?" pagputol ni Dwayne sa kung ano mang sasabihin ng kaniyang kapatid.
I immediately nudged his arm out of embarrassment. "Pinagsasasabi mo? Ikuha mo na lamang ako ng ramen doon sa pantry mo. Marami ka naman noon, hindi ba?"
Instead of listening to what I said, Dwayne just let out a wide smile towards his older brother. "Sure kang ayaw mo kaming ipagluto, Kuya?" he asked.
Mas lalo ko naman siyang sinamaan ng tingin. I know that he's just teasing his brother! Ganito rin siya kay Kuya Declan noon! There's no way that Kuya Damon woukd fall to his tricks!
"Are you hungry?"
"Oo naman, gutom na gutom---"
"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Dwayne." Kuya Damon turned his head towards my direction. "Are you hungry?"
Wala sa sarili naman akong napatango bilang sagot sa tanong niya. He, then, let out a harsh breath.
"Fine," pagsuko niya at tumalikod na upang pumunta sa kusina.
My lips parted as I innocently looked towards Dwayne's direction. Ngumiti lamang siya sa akin at nagkibit balikat.
"Fix yourself in the bathroom first. Pagang-paga ang mata mo kakaiyak," utos niya at mahinang tinapik ang aking balikat bago tumayo at sumunod kay Kuya Damon.
Naiwan naman akong mag-isa sa sala. Kinagat ko ang aking ibabang labi at marahang kinusot ang aking mga mata.
Atleast talking to them made me feel better even just for a bit. Kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko at panandaliang nakalimutan ang problema ko.
However, when they left me, I found out that the pain is still there, lingering inside my heart, waiting for it's turn to shatter me into tiny pieces once again.