bc

MISSION: EXILE THE MAFIA'S SON

book_age18+
6.7K
FOLLOW
62.5K
READ
dark
contract marriage
kickass heroine
heir/heiress
bxg
detective
war
cruel
like
intro-logo
Blurb

TRIGGER WARNING: EXPLICIT AND MATURE CONTENT.

Anong gagawin mo kung naka-received ka ng tip na ang isang sikat na sikat at pinagkakaguluhan na bilyonaryo sa henerasyon mo ay nagtatago lang pala sa isang maamo at halos kagalang-galang na katauhan ng isang politician? But behind that perfectly curved mask, he’s nothing but a stud, unknown killer, ruthless, and the sole heir of an unidentified mafia leader that your organization is dying to exile.

IMPORTANT NOTE: This story is the prequel and the MAIN CASE that The Young Bucks Society Club will take.

chap-preview
Free preview
EXORDIUM
Client Name: Gov. Elijah Consunji Age: 35 *No other information available* Iritadong inilapag ni Devon ang portfolio na kakaabot lang sa kanya ng matalik na kaibigan na si Sam. Pareho sila nitong level 2 undercover agent ng isa sa mga sikat na espionage organization sa bansa na mas kilala sa tawag na Escape Route Alliance o ERA, which is secretly under the most controversial yet most powerful club in the country; The Young Bucks Society Club where her Dad, Rike Gozon, is one of the members. Isa sa mga pangunahing layunin ng ERA na mabigyan ng sapat na proteksyon at seguridad ang buhay ng magiging kliyente ng mga ito, na karamihan ay galing sa matataas na tao sa lipunan. Katulad na lang nitong kliyente nila na isang gobernador sa pinakamalaking lungsod sa Pilipinas, ang San Sebastian. “Him again?” Hindi na nakapagpigil na reklamo ni Devon kay Sam, na s’yang naghatid sa kanya ng portfolio para sa magiging bago n’yang misyon. Hindi lang kasi isang beses na kinuha ng Elijah Consunji na ‘yon ang serbisyo ng ERA. Sa pagkakaalam n’ya ay humigit kumulang sa limang beses na nitong kinukuha ang ERA para magsilbing bodyguards nito sa tuwing lalabas ng bansa. Well… she didn’t mean anything against that. Kahit naman sino ang kumuha ng serbisyo nila ay wala silang tinatanggihan basta kaya ng mga ito na magbayad ng sapat at sumunod sa mga terms ng organization. Pero itong Elijah Consunji na ito ay mukhang nagiging OA na lang sa paningin n’ya dahil hindi lang ito basta gobernador lang. Elijah Consunji is popular for being the best governor aside from the fact that he’s obviously loaded and has the looks that every woman would die to marry. Mangitian nga lang yata nito ang mga humahanga dito ay kulang na lang ay magpa-fiesta ang mga ito dahil sa sobrang saya. Which she found really obsessive because they are almost treating that governor like a saint! At unang kita pa lang n’ya sa lalaking ‘yon ay ramdam na ramdam na n’yang may kakaiba pa sa katauhan nito higit pa sa panlabas na katauhang pinapakita nito sa mga tao. Nagkibit balikat lang si Sam at nakita n’yang napatingin ito sa smart watch na suot nito matapos tumunog ng ilang beses, na alam naman n’yang hindi lang basta relo kundi isang tracker! “That annoying bastard really couldn’t stop and get his shìt together…” iritadong komento nito at agad na tumayo. Tumaas ang kilay n’ya dahil alam na alam n’ya kung sino ang palaging nagpapasaway kay Sam. “Fūck you, Erix! Your mission will start at 2 in the morning, not 2 in the afternoon, idiotic bastard!” mas iritadong bulalas pa ni Sam matapos magpipindot sa spy watch na suot nito. Tumingin pa ito sa kanya bago tuluyang umalis sa unit n’ya. “It’s Singapore this time, Dev. Don’t forget to get me the newest–” “The newest volume of your favourite manga books?” mabilis na dugtong n’ya sa sasabihin nito. Ngumisi lang si Sam sa kanya bago tuluyang lumabas sa unit n’ya. Tinatamad na pinulot n’ya ulit ang portfolio ng Elijah Consunji na ‘yon. Ilang sandali pa ay umikot na ang mga mata n’ya nang pagbukas n’ya sa TV ay ito na naman ang laman ng news. Sawang-sawa na s’ya sa pagmumukha ng lalaki na halos araw-araw yata n’yang nakikita sa lahat ng entertainment portals at sa social media! “I’m pretty sure that there’s really something deeper and dark behind that handsome face…” nanliliit ang mga matang sambit n’ya habang nakatingin sa malaking screen ng TV sa harapan n’ya kung saan kasalukuyang iniinterview si Elijah Consunji. Kahit kailan ay hindi n’ya talaga maramdaman ang sincerity sa mga salita at ngiti ng lalaki. At hindi lang ang pagbabantay dito ang gagawin n’yang misyon kundi pati na rin ang ipakita sa buong mundo ang totoong kulay ng isang Elijah Consunji!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.3K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.2K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.8K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.9K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
52.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook