At dahil sa mga sinabi ni Sam tungkol sa case ni Ezekiel Consunji ay nabuhay ang curiosity ko kung sino siya at bakit lihim na kinuha ni Elijah ang serbisyo ng ERA para imbestigahan ang pagkamatay nito. Because of that, I asked her to give me the full details about the case. Sinabihan ko rin siya na ‘wag na ‘wag ipapaalam kay Daddy na nagtanong ako tungkol doon. Pumayag naman siya at nagsabi sa akin na baka sa kasal ko na kami ulit magkita dahil may matagal-tagal na misyon siyang gagawin. Dalawang oras matapos makaalis si Sam sa unit ko ay dumating na sa wakas si Elijah. Ngumiti siya at sumubok na yumakap sa akin pero hindi ko nagawang ngitian siya pabalik dahil sa nakita kong bandage sa kanang pisngi niya. “I’m sorry I couldn’t come here early to pick you up because I had to do somethi

