Ilang sandali pa akong nakatitig kay Elijah habang nakatayo siya sa likuran ng pinto. May kung anong kaba ako na nararamdaman na hindi ko maipaliwanag kung para saan. “Why are you still awake?” Parang wala siyang anumang ginawa na kung ano nang tuluyang nagsalita. Hindi makapaniwala na tinitigan ko siya. Ramdam na ramdam ko pa rin ang hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko habang nakatingin sa kabuuan niya. Sa distansya namin ay kitang-kita ko at napagmamasdan ko ang mga mantsa ng dugo sa suot niyang puting polo. Most of the blood stains are already dry. Pero ang mga dugo sa mga braso niya ay mukhang bago pa. O mukhang bago lang dahil sinubukan niyang hugasan ang kamay at mga braso niya? I swallowed hard at the horrible thoughts that started consuming my mind. Pero ano ba ang pwede

