Kinaumagahan ay nakareceived ako ng isang tawag galing kay Sam. Dali-daling sinagot ko ‘yon dahil sa isang dahilan kung bakit ilang araw ko ng inaabangan ang tawag niya. “Sam! Where have you been? Sobrang busy ka ba?” hindi ko mapigilan ang sunod-sunod na pagtatanong dahil bukod sa excited ako na malaman ang results ay kinakabahan din ako sa kung anuman ang magiging resulta ng test. Ilang sandaling nanahimik siya sa kabilang linya bago nagawang sumagot. “I'm sorry, Dev. I have been really busy these past few days I couldn't even get in touch,” tuloy-tuloy na paliwanag niya. Tumango ako dahil wala namang problema sa akin iyon. Alam kong busy siya at nakikisuyo lang ako hindi ko dapat maabala ang trabaho niya. “It's okay, Sam. I know you're busy, that's why I stopped calling and just wai

