Umuwi na din sila pagkatpos ng masayang araw sa resort.. Uuwi na sila kinabukasan at gusto lang nila masulit ang saglit na panahong makasama ang lolo at lola ni Zandro.
Hi granny, it was a nice resort.. Na enjoy namin kahit may asungot na dumating. Sabi ng binata.
Asungot? Sino naman yun? Takang tanong ng matanda..
Si Missy granny, sagot naman ng binata...
Oo nga pala iho, tumawag yun kanina dito at sabi ko tawagan ka na lang sa telepono mo kung gusto ka makausap.. Naiinis na Saad ng lola nya..
Pumunta pa talaga pala dito yung babae na yun ah, anu naman sabi ng nobya mo? Tanong pa ng matanda.. Hininaan lang ang boses at nagbanyo lang ang dalaga.
Wala naman lola, sinabi kong huwag na nyang pansinin at magtiwala na lang sya sa akin.. Hindi ko sya lolokohin lola..
Sana nga apo.. Mahalin mo si Mayumi, mabuti syang tao apo.. Sya ang gusto ko na makasama mo habang buhay.. Madamdaming sagot ng lola nya..
Makakaasa kayo lola Di ko sya paiiyakin.. Mahal na mahal ko po sya..
Siya namang pagdating ng dalaga.. At inaya na sya ni Zandro na mag pahinga muna dahil tyak pagod ito sa swimming nila..
Babe pahinga muna tayo at makapg bonding kina lola mamaya..
OK babe Tara.. Sige lola pahinga muna kami.. Paaalam ng dalaga.
Babe samahan mo ko sa kwarto please sabi ng dalaga kay Zandro.
Babe baka hindi ako makapagpigil, biro nito.
May tiwala ako sayo babe.. Sabi pa ng dalaga.
OK babe, Tara, gusto din kita mayakap..
At nagpahinga sila sa kwarto na ginagamit ng dalaga.. Ang higpit ng yakap sa kanya ng dalaga na para bang takot itong mawala..
Babe hindi ako makahinga sa yakap mo biro ng binata..
Babe naman eh bakit ka ganyan, gusto lang kita mayakap. Sabay bitaw sa binata..
Joke lang babe, ito na katawan ko, yakapin mo na, at siniksik pa lalu ang katawan sa dalaga na Niyakap din naman siya.
Matinding pagpipigil ang ginawa ng binata para lang maiwasang huwag magalit ang pinakamamahal nya..
Babe I love you. Always remember that bago sya gupuin ng antok..
Napangiti ang dalaga sa sinabi ng binata at siniksik pa lalo ang katawan sa binata na niyakap din siya na mahigpit..
Ang swerte nya na makasama ang isang lalaki na gagalangin sya.. At mamahalin sya ng lubos..
Wala na syang mahihiling pa at nanalangin na hindi na magwakas ang magandang nangyayari sa pag-ibigan nila ni Zandro.
Last night ng magkasintahan sa bahay ng lola ni Zandro.
Granny last night na po namin ni Mayumi dito kaya bonding time na natin to.
Ano po ba gagawin natin ngayon? Tanong ng binata sa lola..
Mag movie marathon iho, ngiti ng lola nito.
Granny puro ganyan naman ginagawa nyo eh wala bang bago.. Tawa ni Zandro..
Mag videoki na lang tayo sabi naman ng lolo nito..
Naku mambubulahaw pa tayo ng mga tao nito.
Wala naman tayong mambubulahaw lola, pero dibah mas maganda mag camp fire na lang sa labas para nature trip na din, namimiss ko na po yung mga kwentuhan natin dati sa labas lola. I miss the old days.
Dugtong pa ni Zandro.
O sige apo, mas maganda nga sa labas na lang tayo, ipapahanda ko na ang ihawan para may makakain din tayo habang nagkkwentuhan tayo dun..
Madaming pagkaing na nakahain pati mga iihawin sa bakuran ng ancestral house ng lola ni Zandro, na kinamangha ni Mayumi sa lawak nito at magagandang halaman na nakapaligid dito. Pinailawan din ang bakuran, dagdag pa ang liwanag ng buwan na nagpadagdag sa magandang atmosphere ng lugar.
Babe are you enjoying your stay here, sabay akbay sa nobya.
Oo naman babe, parang ayaw ko na ngang umuwi eh, ngiting sambit pa ni Mayumi.
Dito na tayo umuwi babe? Sabi n Zandro na yumakap patalikod sa dalaga.
Kung pwde nga lang babe kasi ang ganda talaga dito eh at niyakap din ang binata.
Babalik na lang tayo babe dito sa summer para mas matagal ang stay natin dito.. Dagdag pa ng binata..
OK babe, excited na ko for summer..
At masaya na silang dumulog sa mga nakain sa ka ilang bakuran.
Masayang kwentuhan ang pumuno sa bakuran ng mga Villamayor, isang tagpong nais balikan ni Mayumi sa susunod na pagpunta nila uli dito. Excited na siya ngayon pa lang.. At nanalangin na maging OK ang takbo ng relasyon nila ng kasintahan.
Babe Tara na, let's call it a day, maaga pa tayo luluwas bukas para makapagpahinga pa tayo pag uwi natin. May laro na kami uli sa lunes para sa play offs na yun.. At sana champion uli kami kasi graduating na ako. It would be a memorable win if it will happen at of course I have my gorgeous babe with me.. Saad ng binata.
OK babe, matulog na tayo. Pwde ba sa room ka uli. Gusto kita makasama babe, please.. Alam ko naman na hindi mo ko gagawan ng ikakagalit ko dibah? Pagpapacute ng dalaga..
OK babe, alam mo namang ginagalang kita at graveh na ung pagpipigil ko, hirit naman ng tumatawang si Zandro..
Good night granny at lolo.. Matutulog na po kami, maraming salamat po sa gabing ito at sa pag stay po namin dito..
Good night po, kiming dagdag din ng dalaga.
OK mga apo, at kami eh matutulog na din.
Magkayakap na natulog ng may ngiti sa labi ang magkasintahan.
Maagang nagising ang magkasintahan para sa maagang pagluwas nila.
Mabangong amoy ng nakahain ang naabutan ng dalawa sa mesa.
Wow, another meal na makakasira sa diet namin granny. Ngiting bungad ni Zandro.
O mga apo Tara na kayo at ng maaga ang pagluwas nyo.
Oo nga lola pero maaga pa din naman.
Daming pagpipilian sa mga mga nakahain sa hapag.
Halos maubos din ng magkasintahan ang nakahain sa hapag. Ang sasarap naman kasi ng mga pagkain na nakahain.
Salamat granny for the superb breakfast. Babalik talaga kami dito ng babe ko. Mag aayos na po kami at ng makaluwas na po.
Tara babe, fix your stuff so we could go, yaya nito kay Mayumi.
OK babe.. Thanks lola.. Mag aayos na po kami.
OK mga apo. Salamat din at nakasama namin kayo.
At niyakap ng dalawa ang matanda..
Baka magkaiyakan pa tayo, mag ayos na kayo. ngiting saad ng lola ni Zandro.
At naghanda na sa pag-uwi ang magkasintahan.
Nagpaalam na ang magkasintahan sa lolo at lola ni Zandro.
Babe Tara na, at kumaway na sila sa matatanda.
Bye po. Babalik na lang po kami. Dagdag pa ng dalaga.
Mag iingat kayo at tumawag ka dito iho pagdating sa Manila. Sambit naman ng lola nya.
OK granny I will.
At umalis na ang magkasintahan para maaga makaluwas.
Habang daan magkahugpong pa ang kamay ng dalawa na tila ayaw ng maghiwalay.
Babe idaan na lang kita sa inyo before ako umuwi o gusto mo kumain muna tayo? Tanong ng binata.
Babe hatid mo na lang ako, I'm so full pa.
Baka pag tumaba ako, aayawan mo na ako. Nakangusong sabi ng dalaga.
Naku babe, hindi yan mangyayari noh, I will always be your babe kahit tumaba ka pa ng bongga.
Talaga babe, susuntukin talaga kita pag nagkataon. Tawa pa ng dalaga.
Yayakapin na lang kita pag susuntukin mo ako. Ngiting tugon ng binata.
Hinatid muna ng binata si Mayumi bago sya umuwi. Pumasok sya sa bahay nila Mayumi at nakipagkwentuhan muna sa magulang nito bago umalis.
Hinatid sya ng dalaga sa sasakyan at bayad na humalik kay Mayumi.
Bye babe. Pasok ka na ha. See you tom sa school at manood ka ng laro para inspired naman ako, at humalik pa uli sa dalaga.
Mamimiss kita. Dagdag pa nito.
Bolero ka babe. Sige na. Mag iingat ka.. See you Tom babe.. Love you.
Love you more babe. Sagot agad ng binata at pinasibad na ang sasakyan.
Kailangan na din nya maghanda para sa laro kinabukasan at play offs na. Matindi ang kalaban nila.