Trust the one you love

1203 Words
Kinabukasan maaga nagising ang dalaga para pagpasok sa school at para na din sa intrams nila since patapos na ito. Namili sya ng damit na alam nyang hindi naman bastusin since naumpisahan na nya magsuot ng mga dress na hindi baduy. Ayaw lang nyang mapulaan din at may nobyo na siya na isang sikat sa school nila. Napili nyang magsuot na lang ng skinny jeans at simpleng blouse na lang para komportable sya sa panood mamaya. Tenernuhan na lang nya ng sneakers din, nagpulbo at lip tint na lang. Mas lalo sayang gumanda sa simpleng gayak nyang iyon. Kitang kita pa rin ang hubog ng katawan nya. Nay alis na po ako, paalam nya sa ina na naglalaba. Sya anak, mag iingat ka.. Sagot naman ng kanyang ina.. Pagdating sa school, meron pa siyang isang klase kaya ngmamadali muna syang pumunta sa klase bago sya pumunta sa gym kung saan ang laro ng nobyo. Sa pagmamadali ay hindi napansin ang makakasalubong. Muntik na syang mapasubsub, buti may matipunong katawan na sumali sa kanya. Opps, be careful next time lady, sabi ng baritong boses na nagpatingala kay Mayumi. Para lang magitla kung mapagsino ang lalaki. Is it my lucky day, the pretty gf of my rival in basketball is in front of me. Saad pa nito na nagpangilabot sa dalaga. Sorry hindi ko napansin, nagmamadali kasi ako at may klase pa ako.. It's OK pretty lady, kung ikaw naman makakasalubong ko kahit araw araw pa OK lang sa akin. Ngisi nito. Pasensya na uli. Mauna na ako.. Dugtong na lang ng dalaga.. Bye baby.. Ngisi uli ni Jake ang team captain ng kalabang team nila Zandro. This will be exciting, you will be mine soon baby. What Jake wants Jake gets.. Tugon pa nito. Aandap-andap ang nararamdaman ni Mayumi habang papuntang klase nya. Sana hindi na magkrus ang landas natin Jake.. Ayaw Kong magkaproblema kami ni Zandro. Piping dasal ng dalaga. Nakita naman ni Missy kung paanu tingnan ni Jake ang dalaga. So Mr. Jimenez, isa ka din pala sa nagkakandarapa sa babaeng yan.. Pwes gagawin kitang kasangkapan para mawala sa landas ni Zandro ang babaeng yan. Makahulugang sambit ni Missy. This will be exciting.. Dagdag pa nya. Manonood din pala sya ng laro mamaya kahit alam nyang all eyes pa rin kay Mayumi ang lalaking hinahangad din nya. Kailangan ko maungusan sa ganda si Mayumi mamaya. Napakasimple lang ng damit nito kanina pero bakit ganun na lang sya pag agawan ng mga lalaki. Samantalang kung titingnan she's the most fashionable lady at the school.. At hindi sya papayag na mabalewala lang sya ng ganun ganun na lang. Dagdag pa ng nanininughong dalaga. Natapos din ang klase ni Mayumi at pumasok muna sya sa ladies room para mag retouch na din. Nag text na din kasi ang nobyo ng si Zandro na magkita muna sila bago mag start ang laro. Oyy girl nakita mo ba bagong gf ni Zandro, maganda sya ha pero simpleng ganda lang, I bet iiwan nya din yan pag napagsawaan nya.. Sabi ng isa. Oo nga girl, lam mo naman mga ganyang lalaki flavor of the month lang nila yan, pag nakuha ka na dispatsa na para makahanap uli ng iba.. Dagdag pa ng isang babae. Bigla tuloy napaisip si Mayumi kung totoo bang ganun si Zandro. Hindi tuloy sya makaisip ng tama habang papunta ng gym. Bes, hello, anu nangyari sayo. Takang tanong ni Emma na hindi napansin ni Mayumi na kasabay na nya paglakad. Wala Bes, Tara na.. Inaantay ako ni Zandro, gusto daw muna ako makita before ang laro nila. Sambit na lang ni Mayumi. Sige na nga.. Sabi ni Emma. Kaw na Bes, ang gwapo ng jowa mo, parang ang sarap.. Charot. Hirit pa uli nito. Simpleng ngiti lang ang naitugon ng dalaga kasi madami pa siyang iniisip sa narinig kanina sa ladies room.. Sana huwag naman ganun ang mangyari sabi na lang ng dalaga sa isip.. Hi babe.. Sabay yakap sa dalaga.. Bat ang tagal mo.. Magsisimula na ang laro.. Inip na sabi ng nobyo. Sorry babe, ngcr pa ako.. Good luck sa game babe.. I will be cheering for you.. At yumakap muna before ito bitawan.. Sumimple ng halik sa lips nya ang nobyo na kinurot naman nya at tumakbo na ito sa court. Mainit ang laban, ang bawat team ay nakikipagtagisan para makuha ang lead at masama sa championship game. Hindi magkamayaw sa pagsigaw ang mga cheerer ng grupo.. Walang ibig kumurap dahil sa init ng laban. Nakita pa ni Mayumi na nasa malapit na naman si Missy.. Naiinis sya kasi andun pa sa malapit kina Zandro na inuupuan ang babae. Nakakainis bes, andun na naman ang higad malapit kina Zandro. Saad nya kay Emma. Hayaan mo sya bes, mukhang iniiwasan naman sya ng jowa mo kasi tingnan mo sayo pa rin tumitingin lalo na pag naka shoot sya.. Tugon ng best friend nya.. Hindi na lang umiimik si Mayumi at nagfocus na lang manood sa laro ng nobyo. Nanalangin na lang na Sana manalo ang nobyo para mag antay na lang ng makakalaban sa championship. Dikit pa rin ang laban kaya hindi na magkamayaw sa pag cheer ang mga nasa gym. Ayaw na kumurap ni Mayumi ng ilang segundo na lang at matatapos na ang laro. Lamang ng isa ang kalaban at na kay Zandro ang bola, 10 seconds to shoot na lang at tumira na ang nobyo. Ayaw pumikit ng dalaga, ng biglang naghiyawan, nanalo sina Zandro.. Isang point ang lamang.. Panalo pa rin naman.. At ang saya nya.. Binuhat pa ang nobyo nya kasi ito ngpanalo sa laro.. Congrats babe.. Sabi nya sa nobyo ng nakalapit na sila kina Zandro.. Thank you babe.. I can't hug you pa, sobrang pawis ko pa.. I'll take a shower muna babe. Kiniss na lang sya sa pisngi ng nobyo bago pumuntang locker para magshower. Bes graveh talaga ang jowa mo kahit pawis ang bango pa rin. Ang yummy.. Kinikilig na sabi nito. Syempre bes. Kinikilig ding Saad ng dalaga. Inaantay na lang nila ang nobyo bago uuwi din si Emma. Pinakiusapan kasi ito ng nobyo na samahan muna habang naliligo ito at ayaw na ulit mangyari ang nakaraang alitan ng team captain ng ka ilang grupo. Pagkatapos maligo ng nobyo ay hinatid muna nila ang kaibigan hanggang sakayan dahil out of way ito.. Salamat bes ha at sinamahan mo ako.. Ingat ka.. Sabi nito kay Emma Walang anuman bes mag iingat kayo ng jowa mo.. Bye handsome, ingatan mo best friend ko ha, sabi naman nito kay Zandro. Sure Emma, I will take care of my babe ok. Ingat ka.. Salamat. Saan tayo babe tanong ng dalaga ng mukhang ibang way ang daan nila ng nobyo. May dinner sa bahay ngayon at balak na kitang pakilala sa mga magulang ko babe. Kapagkuwan Saad ng binata. Babe bat hindi mo sinabi agad, hindi ako nakapag handa.. Tingnan mo ang damit ko babe, nakapantalon lang ako.. Sabi ng dalagang nag-aalangang sumama sa nobyo. Anu ka ba babe, I love your simplicity. Ok lang yan.. Dyan kita minahal kaya huwag kang mag alala OK.. At hinawakan ang kamay ng dalaga at marahang pinisil. Dalangin ng dalaga sana okay ang pagkikita namin ng pamilya ng nobyo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD