Habang daan tumawag na agad sa bahay si Zandro para ipaalam na kasama ang kasintahan sa family dinner nila na kinatuwa naman ng mommy nya..
Mom I'm with my gf for the dinner sabi nito sa kabilang linya.
Okay son, I have also some visitors since we just arrived this morning I hope you wouldn't mind. Sagot ng mommy nya.
Ok lang mom, as long as my gf is welcome there.. Biro pa nito.
She's welcome iho, akala ko lang kasi, never mind.. Saad pa nito na kinagitla naman ni Mayumi. Nagtaka ang dalaga na kung sumo ba ang gusto nila para sa binata. Bigla tuloy sya nanliit sa damit na suot nito.. Tiyak kuntodo ayos ang andun..
Babe huwag na kaya tayo tumuloy, next time na lang.. Sabi ng dalaga.
No babe, pupunta tayo sa bahay ngayon. This is the right time para makilala ka nila OK. No need to be nervous.. I will be here always.. Huwag ka mag alala.. At hinalikan pa ang noo nya na nakapag patanggal kahit papanu ng kaba nya.
Hinigit na lang nya ang kamay ng nobyo para umamot ng lakas sa nagbabadyang pag kikita nila ng magulang ng huli.
Pinisil din ng nobyo ang kamay nya para maparamdam dito ang suporta at pagmamahal.
Abot abot ang kaba ni Mayumi ng papasok na sila sa Mansyon ng Villamayor.
Ya, pakuha na lang ng bag ko at paakyat sa room.. Salamat, sabi ni Zandro sa kasambahay..
Ang ganda ng landscape ng bahay nila Zandro, ang Gate pa lang na napakataas na hindi mo makikita ang loob.. May malaki ding swimming pool sa bakuran nila..
Ang ganda ng bahay nyo babe, manghang sabi ng dalaga.
Thanks babe, this are the fruit of labor of my parents na susuklian ko din when I graduate.. Thank you for being an inspiration babe, at niyakap pa sya nito..
Yumakap na din ang dalaga.. It's good to be in the arms of the one you love..
Ehemmm.. Isang tikhim ang ngpahiwalay sa magkasintahan..
O mom, dyan ka pala.. Mom, this is my lovely gf Mayumi, Mayumi babe, this is my mom Carol.
Hello po tita, nice meeting you po.
Hello din iha, halina kayo at may bisita din ako sa loob.. Naka handa na ang mesa..
Kinakabahan man, nagpatianod na din si Mayumi ng gagapin ng nobyo ang kamay papuntang komedor nila..
Nagulat si Mayumi ng makita si Missy na nasa mesa din. Tumayo pa ito at sinalubong si Zandro ng halik sa pisngi na kinagulat ng binata..
Hi dear, you are late.. Hi Mayumi.. I'm sorry I am here because we are Zandro's family friend.. At umabrisyete pa sa binata na pasimpleng tinanggal ng binata dahil ayaw nya gumawa ng eksena sa harap ng pamilya nito.. Umakbay na ito sa nobya na giniya na sa magiging upuan nila.
Napahiya man, hindi na yun pinansin ng dalaga. Bumalik na lang ito sa dating
Pwesto nya..
Dad tito tita. This is my gf Mayumi.. Mayumi, the parents of Missy at dad ko.. Pakilala nito..
Hello po sa inyo, kiming tugon ng dalaga..
Kain na tayo.. Sabi ng daddy ni Zandro.
Tahimik na silang kumain. Halos hindi makalunok si Mayumi kasi hindi sanay na makasalamuha ng mga nasa alta sosyedad. Pero andyan ang nobyo na lagi umaalalay sa kanya na ipinapasalamat nya.
Time for coffee everyone.. Zandro's dad said..
Ok pare at may mga pag uusapan din tayo..
Dad tour ko lang gf ko.. Excuse us.. Tumango lamang ang daddy ng binata.
Babe bakit tahimik ka? Sabay pisil
Sa kamay ng tahimik na dalaga.
Babe alangan ako sa pamilya mo. Ang yaman mo ako simpleng tao lang.. Madamdaming saad ng dalaga.
Oh babe don't say that, hindi naman sila ang makakasama mo eh. Ako naman.. Pag aalo nito sa dalaga.. As long as hindi sila nakikialam sa atin, walang magiging problema.. Pero kung mawawala ka kung makikialam sila, ibang usapan na yan babe.
Huwag mo munang isipin yan babe Ok.. We are Ok babe. Don't think too much at niyakap sya ng binata..
May isang mata namang nakamasid sa kanila na naninibugho.. Sige magsaya ka lang habang ok pa kayong dalawa.. Akin pa rin ang huling halakhak.. Akin pa rin.. Saad ni Missy.
Babe maligo tayo dito sa pool minsan ha.. Dadalhin kita uli dito.. Lambing ng nobyo..
Babe hindi ko nga alam kung makakatuntong pa ako dito kasi ilang ako sa parents mo, mukhang si Missy ang gusto nila para sayo. Maluha luhang daad ng dalaga..
Babe anu ka ba.. Hindi ko naman sya gusto at wala silang magagawa dun, inis na saad ni Zandro..
Biglang tumulo ang luha ni Mayumi dahil sa inis na boses ng nobyo na bigla na lang sya yumakap dito..
Sorry babe.. I didn't mean to raise my voice.. Pagtiwalaan mo ako babe ok. I love you so much you know that.. Sabay mahigpit ng yakap sa dalaga na humihikbi na..
I'm sorry too babe.. I love you too.
Basta tatandaan mo na ako pa rin ang masusunod pagdating sa usaping puso babe ok. I will never let them come between us, at tungkol naman kay Missy, Huwag mo na syang pansinin.. Hindi naman sya importante sa akin. Kaibigan lang ng pamilya namin ang pamilya nila, nothing more nothing less. As long as you love me, I will never be out of your love. Ako nga dapat ang matakot kasi sa dami ng nagkakagusto sayo. Isa na din si Jake, ang karibal ko sa pagiging best player ko pati ba naman sayo karibal ko pa din sya.. Malungkot na isinatinig nito.
Babe wala naman siya sa kalingkingan mo. Mahal na mahal kita babe. Huwag kang mag alala.. Hinding hindi nya ako maaagaw sayo. Promise yun. At niyakap ng mahigpit ang kasintahan na nagmamarakulyo.
At babe napakagwapo mo, huwag kang padadaig dun, well gwapo din naman sya pero di-hamak na mas gwapo ang mahal ko.. Sabay halik dito kasi bigla na namang nagbago ang hilatsa ng mukha nito ng sinabi nyang gwapo si Jake..
Babe huwag ka na magtampo ha, ikaw ang pinakakamamahal ko at hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo sa akin.. Mahal na mahal kita. At siniksik na ang katawan sa lalaking pinakamamahal.
Nagpaalam na si Mayumi sa magulang ng nobyo para maihatid na din sya ng binata.
Salamat po tito sa dinner po. Nice meeting you po. Sabi ni Mayumi sa magulang ng kasintahan at sila ay umalis na din.
Salamat babe sa paghatid. Huwag ka na mag-isip ng kung anu-anu ha. Mahal kita tatandaan mo lagi. At yung Missy andun pa sa bahay nyo baka dun pa yun matulog ha, patay ka talaga sa akin.. Biro pa ng dalaga.
Naku babe, uuwi din ang mga yun. Hindi na ko makikipag usap dun. Mas gusto ko pang magtagal dito kesa makasama siya.. Pasok muna tayo para makapagpaalam ako sa magulang mo.
Nay tay andito po si Zandro, Saad ng dalaga sa magulang na nanonood ng TV sa sala.
Iho Salamat naman at hinatid mo na ang dalaga namin. Salamat sa lagi mong inaalagaan itong anak namin. Sabi ng nanay ni Mayumi.
Walang anuman po. Mahal ko po ang anak ninyo kaya ko po siya inaalagaan.
Nakakataba ng puso ang mga naririnig nya sa nobyo. Ang swerte nya. Sana walang maging problema kasi madami syang iniisip nya sa ngayon. Madami syang agam agam na nararamdaman.
Pagbalik sa bahay ni Zandro, aakyat na Sana siya derechu sa kwarto kaso nasa bahay pa pala ang pamilya nila Missy..
Iho aakyat ka na agad? Tanong ng daddy nya..
Sana dad kasi may klase pa ako bukas at may laro pa po kasi kami ng basketball din, atubiling sagot ng binata.
Kahit saglit lang Iho, makipag bonding ka muna kay Missy, dibah school mate naman kayo. Dagdag pa ng mommy nya.
Mom dad I'm sorry po gusto ko na Sana magpahinga talaga.. Pagod po ako dahil may laro din kami kanina. Pasensya na tito tita. At umakyat na ang binata.
Pasensya ka na pare sa anak namin, pagod lang yun.
Ok lang yun pare, sayang lang at itong dalaga sana namin ang gusto namin na maging kasintahan nya kaso meron na pala sayang kasintahan at sa nakikita ko mahal na mahal ng binata mo ang nobya nya. Dagdag pa nito.
Hayaan mo pare, hindi ako nawawalan ng pag-asa sa gusto mo pero hindi rin natin dapat diktahan ang mga bata. Wala akong magagawa kung may ibang gusto ang anak ko pare.
May nakikita na sanang pag-asa si Missy sa usapan pero hindi siya titigil hanggat hindi mapapasakanya ang binata. I will get you dear whatever it takes. Paninigurado ng dalaga.
O sya pare mare uuwi na kami at masyado ng gabi, may pasok din kinabukasan itong dalaga namin. Pagpapaalam ng magulang ni Missy.
O sya pare, balik na lang kayo ulit dito at sana ibang okasyon naman iyon.. Makahulugang wika ng daddy ni Zandro na kinasiya naman ni Missy..
Sana nga engagement na namin iyon ni Zandro.. Sana nga, sana.. Dalangin ng dalaga..
Nabuhayan ng loob si Zandro ng nakaalis na ang pamilya ni Missy.. Nakakainis ang mga aktwasyon nila kanina habang andito pa si Mayumi.. Kung hindi nga lang kabastusan, umalis na sila ng walang paalam kanina ngunit hindi rin naman pupwde at hindi sya pinalaki ng magulang na bastos. Ginagalang pa rin nya iyon. Naaawa lang sya sa nobya na kibuin dili kanina sa hapag kaya gumawa na lang sya ng paraan para makahinga naman ang nobya ng matiwasay..
Paghahandaan pa nya ang laro nila kinabukasan kaya tumawag na lang siya sa nobya para makatulog na din ito..
Babe I'm about to sleep now.. See you tomorrow babe. Love you.. Always remember that okei.
OK babe. And I love you more. See you Tom.
Natulog ng may ngiti sa labi si Mayumi dahil alam nyang sa pagmamahal ng nobyo sapat na para maibsan ang agam agam sa pag-iibigan nila.
Masaya ding nakatulog ang binata at gusto ng mag umaga para makasama uli ang sinisinta. Hayyy Mayumi gusto na kitang makasama uli at sana sa habang buhay, naisip ni Zandro bago siya gupuin ng antok..