Masayang mga estudyante ang makikita sa campus dahil ito na ang pagtatapos ng intrams at may mga booth pa sa paligid. Meron ding sayawan after ng basketball championship para na din sa awarding ceremony sa nakaraang activities at palaro sa intrams.
Ang saya bes, matatapos na din, nakakaexcite mamaya kasi awarding na din at championship game pa. Excited na wika ni Emma..
Oo nga bes, sasayaw ka ba mamaya? May dala ka bang extrang damit? Tanong ni Mayumi sa best friend.
Oo naman, eh ikaw ba? Sana meron kasi yung bf mo tyak sya ang best player dapat maganda ka mamaya.. Mag aayos tayo ha..
Oo bes may dala ako. Meron akong damit na niregalo ng pinsan ko na hindi ko pa nasusuot, sana kasya mamaya, galing pang ibang bansa yun, gift nya dati pa.. Excited na wika na din ni Mayumi.
Isang Black fitted dress na simple lang ang tabas nun at hakab sa katawan ng dalaga ang damit na dinala nya.. May slit ang damit na hindi naman bastusin ang dating. Sadyang sexy lang, meron din itong ternong silver na stiletto na bagay sa paa ng dalaga..
Excited na ako para mamaya bes, for the meantime libor muna tayo sa mga booth.. Meron pa palang marriage booth dito.. Sana ikasal kato bes ni papa Zandro dito.. Kilig na wika ng dalaga.
Naku bes, ngpapractice pa si Zandro, maya pa yun makikipagkita. After practice pa..
Anung mamaya pa, sabi ng baritonong boses ng binatang tinutukoy niya..
Babe, kala ko may practice kayo?
Tapos na babe, pinaaga namin para maka ikot-ikot na din kami at makasama kita before our championship game.
Kinilig naman ang dalaga sa turan ng nobyo.
Madaming nakatingin sa kanila habang nag-ikot-ikot sila sa mga booth. Magkahugpong ang kanilang mga kamay habang naglalakad
To her surprise bigla silang hinila ng best friend nya sa marriage booth..
Bes, ikakasal na kayo.. Sabi ni Emma.
Bes ano ba nakakahiya.. Sabi na lang ni Mayumi..
Maya-maya pa.. Madami ng nakapalibot sa marriage booth para sa marriage vows nila ni Zandro, ang saya ng dalaga kasi game na game din ang binata. May belo pa siya at may singsing din sila na hindi rin kinuha sa kanila kasi remembrance na lang nila iyon. Ang ganda ng singsing na kasya sa kanila..
You are now pronounced as husband and wife, you may now kiss the bride anunsyo ng kunwa-kunwariang pari..
Kiss kiss kiss.. Sigaw sa paligid.
O ano babe can I? Sambit ng binata sa dalaga..
Tumango na lang ang dalaga..
At t***k na lang ng dibdib ang maririnig nilang dalawa ng sinakop ng binata ang labi ni Mayumi.
Nakuhanan pala ni Emma ang kunwa kunwariang kasal nila lalo na ang halikan nila at pinasa sa kanya iyon ng dalaga. Magiging magandang memory iyon sa magkasintahan.
Masigabong palakpakan ang nagpahiwalay sa dalawa na lalung kinapula ng mukha ni Mayumi.
Congrats sa inyo sigaw ng karamihan.
Samantalang ang sama ng timpla ng mukha ni Missy na nasaksihan din ang kasal-kasalan ng dalawa..
Napakaswerte mo talaga Mayumi. Well malapit na matapos ang kasiyahan mo.. Malapit na.. Piping sambit ng dalaga.
Babe this is too much, sambit ni Mayumi ng binigyan pa siya ng bulaklak ng bf ng may nadaanan silang flower shop na may booth din sa campus..
Syempre asawa na kita kaya deserve ng wife ko yan.. Masayang sambit ng binata..
Babe naman papaiyakin mo ba ako sa mga paganyan-ganyan mo ha. Maluha-luha si Mayumi.
Babe, wag muna ang iyakan na yan ha.. May game pa ako mamaya.. Tara kain muna tayo, malapit na kami tawagin uli kasi mag warm up pa kami before ang game proper..
Kumain na muna ang magkasintahan bago pa magsimula ang game para makapaglaro na din ng maayos ang binata.. Light lunch lang ang kinain ng binata kasi importanteng laro ito sa kanya, dahil last game na nya ito as a senior player dahil magtatapos na din siya..
Babe iwanan na muna kita kay Emma ha.. Mag ingat kayo.. May warm up pa kami at mgpahinga muna before ng game.. Hinalikan na din siya ng binata..
Ingat ka wifey ko.. At niyakap muna siya bago pumunta sa locker para makaligo muna at makapagpalit ng uniform panglaro.
Naku bes, ang sweet talaga ng jowa mo.. Sana ako makahanap din ng ganyan..
Nang biglang may nag-abot ng bulaklak kay Mayumi.
Galing kanino to? Tanong ng dalaga..
May note po dyan miss ganda.. Sabi na lang ng nag-abot at umalis na ito.
Kanino naman galing yan Bes? Mukhang dumadami ang admirer mo simula ng binago mo ang style ng pananamit mo ah. Makapag make over nga din para ako naman magkaroon ng madaming suitors. Pagbibiro pa ng kaibigan nya.
Hindi ko alam bes, nagbigay na si Zandro, kanino naman to galing? Nagtataka din si Mayumi at binasa ang tarheta na kasama ng bulaklak.
Loving you from afar..
JJ
JJ? Sino yun bes? Hindi pa din maawat na tanong ni Emma..
Omg, si Jake Jimenez to bes.. At pagtingin nya sa paligid kumaway pa ang binata na nakasuot na ng uniform kasi ito ang makakalaban nila Zandro sa championship.. Magkaribal na sa laro, magkaribal pa din sa puso mo. Iba ka talaga bes, saludo na ako sayo.
Naku bes, puro pogi naman yang nagkakagusto sayo. Well sorry na lang siya kasi may mahal ka na at hindi ka na nila maaagaw pa. Dugtong pa ng dalaga..
Sayo na lang to bes at alam mo naman na seloso ang mahal ko.. Sabi na lang ng dalaga at iniabot na ang bulaklak sa kaibigan na natutuwa namang tanggapin ang bulaklak.
Talaga bes, akin na to? Hindi makapaniwalang sambit ng dalaga. Ngayon pa lang kasi siya makakatanggao ng bulaklak.
Oo bes sayo na.. At Tara na magsisimula na ang game.. Wala na tayong upuan mamaya. Kailangan makita tayo ni Zandro at baka magtampo na naman sa akin yun pag hindi nya ako makita na nanonood sa kanya.
Meron na bes, nakapagpareserve na ako.. Kilala ko ang organizer nung championship game.. With name na yun para hindi maupuan ng iba, kindat ng best friend nya..
Iba ka talaga bes, most friendly.