Chapter 7

1761 Words
Chapter 7 "Zoila, Lean's inside." napakunot noo naman ako dahil sa sinabi ni Mama. Lean is inside our house? What is he doing here? Sabagay, sinabi ko naman sa kanyang pwede siyang pumunta dito sa bahay. Naisip ko na naman tuloy ang sinabi ni Cerene. That Lean likes me. I automatically wiped out that thought in my head. Kung sakali man na may gusto man siya sa akin. I will tell him that we should stay being friends. Ayaw kong mabalewala ang pagkakaibigan namin. I don't want to avoid him. Ayaw kong magaya kami sa ibang magkaibigan na nasisira ang friendship dahil nagkagusto ang isa. Pagpasok pa lang maririnig mo na agad ang tawanan. Papa and Lean were happily talking about something while watching a movie in our living room. Sana kapag nakilala ni Papa si Donovan maging ganyan din sila ka-close but not now. Hindi pa ako handang ipakilala siya sa parents ko. "Lean, nandito na si Zoila." pagsingit ni Mama sa masayang pag-uusap ni Papa at Lean. Lean are also close to my parents. Since we were kids lagi na siyang nakatambay dito sa bahay at nakikipaglaro sa'kin. Habang lumalaki nga lang kami ay naging busy na sa studies kaya hindi na siya nakakapunta dito masiyado. "Hi." Lean greeted me and give me a charming smile. "Hello." bati ko sa kanya. "Hi, Pa." I greeted him too. Nagbeso din ako sa kanya. Napatingin be ulit ako kay Lean o mas tamang sabihing sa suot niya. Hindi pa siya umuuwi sa kanila. He's still wearing our school uniform. "Miss mo na ba talaga ako? Hindi ka umuwi, a." asar ko sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya na parang nahihiya. "I'll just go to my office, hijo. I think you and my daughter really need to catch up." Papa said and he leave me ang Lean in our living room. "Sige po, Tito." magalang na sabi ni Lean. Papa just patted his shoulder and gave a small smile before he leave. "So? What brings you here?" I asked Lean. Nakapameywang pa ako habang nasa harapan niya. Prente naman siyang nakaupo sa aming couch. Feel at home na feel at home. "Miss ko na childhood friend ko. Hindi mo ba ko namiss?" he asked and make a sad face. Tinawanan ko naman siya dahil sa sinabi niya. "Oh Lean, heto magmeryenda ka muna. Kabe-bake ko lang niyang cookies." biglang sumulpot si Mama. "Naku Tita! Na-miss ko ng kumain ng cookies na gawa niyo." pambobola naman niya kay Mama. "Naku! Ikaw na bata ka. Lumalaki kang bolero." sagot naman ni Mama. Mukhang nagkakatuwaan sila kaya mas mabuting magpalit muna ako ng damit para maging kumportable ako. Naka-uniform pa rin kasi ako. "Ma, Lean. I'll just go upstairs magbibihis lang ako." paalam ko sa kanila. They just nodded. Habang nagbibihis ako ay naalala ko si Donovan. Pansamantala siyang nawala sa isip ko. Am I a bad girlfriend now? Nagkatampuhan nga pala kami at itinanggi ko pa siya kay Mama though hindi naman niya alam 'yon. I feel guilty about it. Simpleng pambahay lang naman ang suot ko. A plain pastel color over size shirt and black shorts. Sinuklay ko din ng kaunti ang buhok at bumaba na ako. Baka naghihintay na si Lean. Baka naiinip na siya doon. Habang palapit ako sa living room naririnig kong nag-uusap si Mama at Lean. Hindi ko naman gustong makinig sa pinag-uusapan nila pero dahil narinig ko ang pangalan ko tumigil muna ako at nagtago sa may gilid ng pader. "Tita, I'm just wondering if Zoila entertain suitors?" tanong niya kay Mama. Narinig ko pang tumikhim muna si Mama bago sumagot. "Alam mo hijo, Zoila is too young to entertain that kind of thing. Wala pa rin naman siyang nasasabi sa amin ." sagot ni Mama. Hindi sila payag. Hindi man direktang sinabi pero ganoon din ang ibig sabihin no'n. Ayaw pa nila akong pumasok sa isang relasyon. Hindi ko pa maipapakilala si Donovan sa kanila. But Donovan said that he can wait. "Ah, I understand po Tita, pero nakikita ko po siya sa school may kasama po siyang lala-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Feeling ko hindi maganda ang kasunod. May kasama akong what? Lalaki? Hindi naman kami talaga sikretong magkarelasyon. Yes, nakikita kami in public na magkasama. Eat lunch together but we never confirmed our relationship. Hindi naman kami artista para malaman ng madla. Pero nakita ni Lean? Magkalayo ang building namin. Our school is big enough para bihira mong makasalubong ang hindi mo ka-year level. Kung hindi mo sasadyain. Hindi mo siguro makikita. I wonder kung sinasadya ba yung pagkakasalubong namin ni Lean because that's the first time though. "I'm done." I said like I didn't here anything. "Oh nandito na pala si Zoila. Sa kusina muna ako hijo. I'll just cook dinner." Mama said at tumayo na. Palabas na sana siya ng living room pero may nakalimutan yata kaya lumingon siya sa banda namin. "Lean hijo, dito ka rin magdinner. I'll cook the favorite of the two of you." aniya at dumiretso na sa kusina. Naiwan na naman kaming dalawa. Umupo ako sa tabi niya at kumuha na din ng cookies na nakapatong sa table. "Ang sarap talaga magbake ni Tita" Lean said habang nilalantakan na ang dinala ni Mama. Parang ngayon pa lang niya binawasan, e. "Oh ba't ngayon ka lang nakain? Dalwa-dalwa pa 'yang hawak mo sa kamay mo." tinawanan ko siya. Magkasunod naman niyang sinubo ang dalawa. Tapos kumuha pa siya ng isa. Pinagmamasdan ko lang siya habang paunti-unti kong kinakagat ang cookies ko. "Nyakakahiya kay Tyita, e" sabi niya habang ngumunguya. Punong-puno ang bibig niya. Natatawa ako sa kanya. Hindi pa rin siya nagbabago. Ganiyan siya dati pa. Nahihiya siyang kumain ng gawa ni Mama kapag kaharap niya. "E, sa'kin hindi pa ba nahihiya?" tanong ko habang tinataasan siya ng kilay. Tinapos niya munang kainin ang cookies niya tapos uminom ng orange juice na nasa table rin. "Ba't naman ako mahihiya sa'yo? Hindi ka pa ba sanay? We're like this eversince." sagot naman niya. Yeah right pero matagal na 'yon. "Dati 'yon! We're still kids way back then, but we're teens now. Matuto ka naman mahiya sa'kin, oy." I said. Aba! Binata na siya kung umasta ay parang bata pa rin. "E, sa masarap 'yong cookies na ni-bake ni Tita." he reasoned out. "Sayang dapat pala vinideohan kita kanina. Tapos ima-my day ko. Isn't it a great idea?" I teased. Sinimangutan niya ako dahil sa sinabi ko. "Oy walang ganyanan. Hindi mo naman pati na-video. I'm safe." he said a made a face. Ganoon lang ang nangyari. We're talking about random things. Asaran, just like the usual day kapag napunta siya dito noon sa bahay. Parang walang nagbago. Parang hindi naman totoo na may gusto sa'kin si Lean. The way he act ganoon pa rin. The happy go lucky Lean. "Oy talo ka." tuwang-tuwang sabi niya. Naglalaro kasi kami sa x-box. Ang matalo pipingutin. Syempre ayaw kong mapingot. Hindi ako nagpapatalo kaya naman ngayong natalo niya ako ng isang beses tuwang-tuwa siya. Tinakpan ko naman agad ang tainga ko. No! my beloved ears. Siguradong masakit ang pingot niya sa'kin. Kanina ko pa kasi siya natatalo at sobrang namumula na ng magkabila niyang tainga. "Huwag kang madaya Zoila!" sabi niya ng makitang tinatakpan ko ang tainga ko. Lalapit na sana siya sa'kin pero tumakbo ako. Hinabol naman niya ako. Nag-iikutan kami sa couch. Nang magsawa na siguro si Lean at hindi ako mahuli umakyat na siya sa couch para mas madaling makapunta sa direksiyon ko. Napatili ako dahil sa ginawa niya. Mabuti na lang alerto ako kaya nakatakbo rin agad ako para hindi niya ako mahuli. Tumatakbo na ako palabas ng living room. I'm heading to our garden now. Bakit ba dito ako tumakbo? Mas madali niya akong mahuhuli. "Ayaw ko na Lean." hinihingal kong sabi. Magkaharap na kami ngayon. Corner na niya ako. Hawak ko pa rin ang tainga ko para hindi niya mapingot. "Paganti muna Zoila, isa lang naman, e." he said, hinihingal rin dahil sa ginawa naming paghahabulan. "Sige ha, isa lang." I said. Lumapit na ako sa kanya. Unti-unti ko na ring tinanggal ang kamay ko sa tainga ko. Mabilis ang kamay niya. Nasa dalawa ko ng tainga ito at inikot niya ng sobrang lakas ang itaas na parte ng tainga ko. My precious ears! Sobrang sakit ng ginawa niya. Tumatawang tumakbo naman siya sa bahay pagkabitaw sa namumula kong tainga. Kahit hindi ko nakikita sigurado akong mapula 'to. Nabudol-budol ako doon ah! Hinabol ko siya na papasok na ng bahay. "LEAN VERGARA BUMALIK KA DITO!" sigaw ko sa kanya habang hinahabol siya. "Ayaw ko nga! Masakit ang pingot mo!" sigaw naman niya pabalik. Nag-iikutan na naman kami sa couch ngayon. Ginaya ko din ang ginawa niya kanina umakyat din ako sa couch namin para madaling makapunta sa direksiyon niya. Mabilis naman siyang tumakbo para makaiwas. Sa dining siya dumiretso. Hinabol ko naman siya at nakita kong nagtatago siya sa likod ni Mama. "Tita, o. 'Yung anak niyo." sumbong pa niya kay Mama. "Tita, o. Yung anak niyo." I mocked."Nye Nye sumbungero." asar ko sa kanya. "Zoila, tama na yan. Kakain na tayo ng dinner. You two." tinuro niya pa kaming dalawa. "Act on your age. Mga teenager na kayo kung umasta kayo parang five years old." pangaral sa amin ni Mama. "Umupo na kayo diyan. I'll just call your Papa." Mama said at iniwan na kami sa dining. "Narinig mo sabi ni Tita. Huwag ka na daw gumanti." Lean said while smirking. Akmang lalapitan ko naman siya pero narinig ko na ang yabag nina Mama at Papa kaya umayos na lang ako ng upo. The dinner went well. Tinatanong ni Papa si Lean kung anong plano niya after his moving up and what strand he will take. "I want to manage our business in the future Tito, so I'm taking ABM and for college of course, Business Management." pormal na sabi niya kay Papa. Wow! Ang galing naman. Noong kami ang magkasama parang bata kung umasta ngayon naman ang matured na niyang mag-isip. May table etiquette na din siya. Hindi katulad kanina na parang patay gutom kung umasta. What do you think? Kung walang Haze maglelevel up kaya yung nararamdaman mo kay Lean? Biglang parang narinig ko ang boses ni Cerene habang pinagmamasdan ko si Lean. I remember Donovan again. He's the one I truly love. I answered earlier 'maybe' para stay safe ang sagot but if Cerene asked me again. I will glady answer 'no' ---- 7:44 PM. May 22, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD