Chapter 6
"Seryoso ka ba talaga?" I asked Cerene for countless times.
Hindi talaga ako makapaniwala. Si Lean? May gusto sa'kin? Parang imposible.
"Oo nga, ang kulit."
Simula kahapon ko pa siya tinatanong, umaasang bawiin niya yung sinabi niya at joke lang 'yon pero hindi.
Lean is my friend.
Sa panahon ngayon kapag nagkagusto ka sa kaibigan mo... wala na...friendship over na kasi iiwasan mo siya dahil ayaw mong makasakit. Ayaw ko namang mangyari 'yon sa amin ni Lean. Siya ang una kong naging kaibigan before Cerene.
"Hoy! Natulala ka na dyan. Dapat pala hindi ko na sinabi." aniya habang nakapangalumbaba.
Vacant kami ngayon dahil hindi pumasok ang teacher. Ewan, baka tinatamad magturo.
"Hindi ba crush mo rin si Lean noon?" tanong ni Cerene.
"Yes, dati pero when I met Haze nawala na." I said.
Cerene is right. I have a slight crush on Lean. Siya kasi 'yung ideal guy ko. At tsaka siya lang naman ang nakakasalamuha kong lalaki noon that's why.
"What do you think? Kung walang Haze maglelevel up kaya yung nararamdaman mo kay Lean?" she asked curiously.
Ano nga ba? I don't know. Ang alam ko kasi parang nakababatang kapatid lang ang turing sa akin ni Lean. Pero ngayong nalaman ko na may gusto pala siya sa'kin, siguro kung noon ko pa nalaman there's a possibilty na magustuhan ko siya ng tuluyan but now I don't know.
"Maybe." I answered then just shrugged my shoulder.
"Maybe? Nagdadalawang-isip ka pa ba? Akala ko 'no' ang isasagot mo." she said at tiningnan ako sa mata na parang may binabasa siya doon.
Hindi ko alam. Naguguluhan ako. I love Donovan. I love him so much but Lean have also space in my heart. He's such a good friend. Nakilala ko na siya before I met Donovan.
"Sige, I will rephrase my question, kung papipiliin ka sa dalawa ngayon. Sinong pipiliin mo, Lean or Haze?" tanong na naman niya.
Syempre hindi na dapat tinatanong 'yan.
"Donovan." I answered immediately, without any hesitations nor second thought.
Nag-isip pa siya sandali.
"Last na talaga. Kung sabay mong nakilala si Lean at Haze, given na may crush ka kay Lean. Sinong pipiliin mo sa dalawa?" she asked while smirking.
Napaisip naman ako bigla dahil sa tanong niya. Well Lean is my type. Mabait, matalino, gwapo. Honestly, he's my ideal guy while Donovan, at first he's not my type. He's more older than me, more matured but sometimes childish.
He's also the snob type of guy. Kung hindi ka niya kilala. Hindi ka niya papansinin. That's my first impression to him.
llang buwan nga siyang nanligaw sa akin and he prove me that my impression to him is definitely wrong, that it's just his cover up. Donovan is sweet and caring pero sa'kin niya lang pinapakita. Sa mga taong malalapit lang sa kanya.
Kaya kung papipiliin sa ako sa kanila. I don't know. Magkaiba sila ng personality.
"Oy, confuse." asar sakin ni Cerene ng hindi kaagad ako nakasagot.
"Hindi ko na kailangan sagutin 'yan. I love Donovan at hindi ko siya ipagpapalit and it's just a 'what if' question."
Hindi na nakapagtanong pa si Cerene dahil dumating na ang Araling Panlipunan teacher namin.
Nakinig nalang ako. For me, Araling Palipunan is one of the easiest subject. Panghatak rin 'to ng mabababang grades ko. Hindi bumababa ang grade ko dito ng below 95.
Nagkaron ng biglaang recitation after discussion pero buti nalang nakasagot ako. When it comes to AP talaga masyado akong attentive.
"O, nandyan na pala si Bestfriend, e" asar ni Cerene sa'kin.
Palabas na kami ng room dahil last subject na namin ngayong araw. Uwian na.
I saw Donovan behind our classroom. I gave him a wide smile habang naglalakad ako papunta sa direksyon niya.
Nakatitig lang sa akin ang mga mata niya. Para bang walang ibang taong nag-eexist sa paligid kung makatitig siya.
He smiled ng makalapit ako. Aakbayan na sana niya ako pero iniiwas ko ang balikat ko.
"Why?" kunot-noong tanong niya.
"Baka nakakalimutan mo? Nasa school tayo." pagpapaalala ko sa kanya.
"Aba! hindi na nang-intay. Wala talaga 'to! Basta may lovelife nakakalimutan na ang kaibigan." Cerene said.
Naiwan pa pala siya sa room. Akala ko sumunod na agad siya ng lumabas ako.
"Akala ko sumunod ka na rin paglabas ko." I said.
"Hindi 'no. Inayos ko pa gamit ko. Wala talaga. When Haze is around parang siya na lang nag-eexist. Nakakalimutan mo na lahat." pagrarant niya na naman sa'kin.
Hindi ba siya nahihiya kay Donovan? Rinig na rinig ang mga sinasabi niya.
"Ano? Sasabay ka ba?" tanong ko sa kanya. Nasa hallway pa rin kasi kami.
"Naku! Hindi na. Ayaw kong maging third wheel. I got to go." sabi niya at biglang tumakbo na palayo sa'min.
Tingnan mo 'yon si Cerene. Magdadrama ng ganoon tapos biglang mawawala ng parang bula.
"Pagpasensyahan mo na si Cerene." sabi ko kay Donovan habang naglalakad kami.
"It's okay baby. It's just an excuse of your friend. Raf and her have date" simpleng sabi ni Donovan.
Nagulat naman ako. Wala namang sinabi sa akin si Cerene. Tingnan mo 'yong babaeng 'yon. Kunwari lang pala. Naghanap lang ng palusot.
"Talaga? Sana all may date." nakapout kong sabi.
"Gusto mo date rin tayo?" Donovan asked.
Sasagot na sana akong ng 'oo' pero naalala kong grounded pa nga pala ako. Kailangan kong umuwi agad.
"I'm sorry baby. Next time nalang grouded ako di'ba." malungkot kong sabi.
Gusto ko pa sanang makasama ng matagal si Donovan but I have to go home early. Talagang chinecheck ni Papa kung umuuwi ako ng bahay.
Our stay out maid is around kapag umuuwi ako sa bahay. Yesterday, I saw her and I heard that she call Papa when I got home.
"Okay, I understand." he said and give me a small smile.
He's very understanding. Hindi katulad ng mga lalaki ngayon na pinipilit ka pang tumakas sa inyo para lang makapag date kayo or something.
"Ayaw ko pang umuwi." I said out of the blue.
Napabaling naman siya sa akin. We're here infront of our subdivision now. Walking distance lang naman sa school ang subdivison namin kaya nakarating kami kaagad while Donovan's house kailangan pa ng transportation. Nagji-jeep siya papunta sa labas ng subdivision namin and patiently waiting for me every morning at tuwing hapon din doon na siya sumasakay dahil hinahatid niya rin ako.
"Baby, you're grounded. Mas lalo kang mapapasama sa Papa mo kapag hindi ka umuwi on time. Next time we're going on a date, alright." I pouted because of what he said.
"Sandali lang naman, kahit ten minutes. Let's eat street foods . I'm sure Papa can understand if I said we had a group meeting for our project. Please." nagpapaawang sabi ko. "Pretty pleaseee."
He sighed in defeat.
"Alright. But ten minutes lang. Zoila hindi magandang nagsisinungaling ka sa parents mo." he said in a serious tone.
He call me by my name so he's really serious and almost lost his patience because I'm so hardheaded.
Parang mas gusto kong ubusin ang pasensya niya. Kapag kasi seryoso siya madali siyang mainis.
"Pero ba't pumayag ka na matulog ako sa bahay mo noong Saturday?" I shot back.
"I-Iba 'yon." sagot niya at nag-iwas ng tingin.
"Paano naging iba? I lied to my parents parehas lang 'yon." pagpipilit ko pa.
Napakamot naman siya sa kilay niya. That's the sign that as of now he's really pissed.
Nagdidiwang ako ngayon sa isipan ko lang. Again for the 4th time, yes fourth time palang pero almost two years ko na siyang kilala. I made my Donovan pissed. He has a long patience as well as his bestfriend inside his pants.
God Zoila! What were you thinking? Ba't napasama 'yon?
"Zoila, stop it. I know what you're doing. Stop making stupid and nonsense questions." he bursted out. Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. He's calm while saying those words pero nasaktan ako sa huli niyang sinabi.
He think that my questions are stupid and nonsense? Wow, I know it's my fault but really? Kailangan niya pa'ng sabihin 'yon?
"You know what? Kailangan ko na nga talagang umuwi. I make stupid and nonsense questions, e." I said in irritated tone.
Hindi ko na siya hinintay sumagot. Tinalikuran ko na siya at naglakad na papasok sa subdivision.
"Zoila." he called me but I didn't turn back.
Bahala siya diyan. Hindi man lang ba niya mapigilan ang bunganga niya? I know he's pissed but hindi man lang ba niya magawang i-filter ang mga sasabihin niya?Isipin niya muna kung nakakasakit ba 'yung sinabi niya o hindi.
"Zoila." he called me again pero hindi ko siya pinansin.
Binilisan ko pa yung lakad ko pero masyado siyang matangkad at mahahaba ang biyas. Malalaki rin ang hakbang niya kumpara sa akin kaya hindi malabong maabutan niya ako.
"Baby." malambing na tawag niya. Hinawakan niya ang siko ko. Tuloy pa rin ako sa paglalakad at hindi siya nililingon. Nakasunod lang siya sa akin.
Napatigil ako sa paglalakad dahil malapit na ang bahay namin. I don't know kung nandoon na si Mama or si Papa. I can't take the risk na makita nila si Donovan kaya hinarap ko na siya.
"Bakit mo ba ako sinunsundan?" tanong ko na may inis na tono.
"You're angry. Instead I'm the one who's pissed ako pa yung sumusuyo." he said pero hindi ko na narinig yung iba pa niyang sinabi.
'You're angry' lang narinig ko.
"Ano? May sinasabi ka ba?" inis ko pa ring tanong.
"Wala, baby. I'm sorry." masuyo niyang sabi.
"Okay na. Umalis ka na." I said.
"But your facial expression say otherwise." he said with a sad voice.
Huwag ka munang papadala sa paawa effect niya Zoila.
"Oh nakikita mo naman pala, e" pilosopo kong sagot pero sinisiguradong may bahid pa rin ng inis sa tono ko.
"Baby, I'm sorry. I shouldn't say that. Nabigla lang ako. You know I have long patience when I'm with you. Marami lang akong iniisip at..." hindi niya maituloy ang sinasabi niya.
"At ano? dumagdag pa ako?" dugsong ko sa sasabihin niya.
"No, No it's not like that." he answered defensively.
"Ba't parang defensive ka?" I asked. Tinaasan ko na siya ng kilay.
Nag-iintay ng maiisagot niya.
Ginulo niya naman ang buhok niya. Magsasalita na sana siya pero bigla akong natigilan dahil sa sumigaw.
"Zoila!" Mama called me. "Who are you talking with?" tanong ni Mama.
Bakit nasa labas ng gate si Mama? What is she doing there?
"I'll talk to you tommorrow." 'yon na lang ang sinabi ko sa kanya bago siya tinalikuran. Bumagsak naman ang balikat niya dahil sa sinabi ko.
I jog a bit para madaling makalapit kay Mama.
"Who's that?" tanong ulit ni Mama ng makalapit ako.
"I don't know him, Ma. Nagtanong lang ng directions. Maling street ang yata ang napuntahan."
---
8:20 PM. May 21, 2020