Chapter Two
ELIZIANA
“CUT! ANO BA 'YAN?!”
Parang tumigil ang oras nang marinig ko ang sigaw na 'yon, at parang gusto ko na lang din mag-palubog sa kumunoy dahil sa pangyayaring 'to. Dapat pala sinunod ko ang habilin ni Mama na 'wag tatanga-tanga sa daan.
“Miss,” nanlaki sa gulat ang ko nang may lumapit saking lalaki. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at gulat na hinarap ko ang lalaking hindi gaanong mataba, may salamin sa mata, may sumbrero at may hawak na transparent folder at kitang-kita ko ang mga papel na nakaipit doon.
Napalunok ako ng sariling laway, ni hindi na alam ang gagawin. Hinawakan ko ng mahighit ang bitbit kong eco bag na may laman ng pinamalengkehan ko, nag-isip-isip kung paano makakatakas sa nakakahiyang engkwentrong ito.
“Direk,” naramdaman kong lumapit sa akin iyong nakabangga ko kanina na binato ko ng notebook. Artista 'to for sure, hindi ko lang alam kung anong channel dahil hindi ako tumingin sa gawi nya dahil sa kahihiyan, hindi ko rin naman masyado nabosesan dahil nakamask nga sya.
Bago pa'ko pagalitan ng artistang nabato ko at ng direktor nya ay nag-bilang ako ng hanggang tatlo sa isip ko saka kumaripas ng takbo paalis sa pwesto na 'yon. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa pakiramdam ko ay nakalayo-layo na'ko, sana lang ay hindi nila ako mamukhaan dahil nakakahiya talaga.
Hindi na'ko dadaan sa short cut na 'yon!
Mabuti nalang at malapit sa paradahan ng tricycle ang paglabas sa short cut kaya naman napagdesisyunan ko na ding pumara ng tricycle nang sa gayo'y maka-uwi na'ko at makahinga-hinga naman ng maluwag.
“Ineng dito ka na sumakay sakin oh,” gulat naman akong napatingin sa nagsabi no'n sakin at nakita ko ang isang tricycle driver na medyo matanda na, nakatingin sakin at habang nakaturo sya sa kanyang tricycle.
“A-Ano 'ho?” utal na tanong ko dito, napatawa naman ang driver at humingi ng pasensya.
“Naku, pasensya ineng, kako eh sa tricycle ko na ikaw sumakay.” Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya kaya naman sumunod ako sakanya papunta sa tricycle nya. May mga pasahero na syang sakay sa tricycle, isa sa loob at may isa din sa may angkasan, sa loob na'ko umupo katabi ang naunang Lola na pasahero.
Palagay ko’y pare-pareho lang naman ang destinasyon namin, pero iba-iba nga lang ng block.
“Kuya sa Block 10 po ako, dulo pa.” sabi ko sa driver, hindi na pinuno ni kuyang driver ang tricycle at umarangkada na, bale tatlo lang kaming pasahero. Tahimik lang ako buong byahe at inaalala ang kahihiyang sinapit sa may palengke. Ni hindi ko na nga pinulot ulit iyong notebook na initsa ko doon sa lalaki, sa loob pa naman ng plastik na 'yon ay may ilang barya na sukli ng nabili kong notebook, kung pati iyon ay nakatama sa batok nya pag-kaitsa ko ay masakit din 'yon panigurado ako.
Jusko po, paano kung sikat na sikat na sikat pala na artista 'yon? Syempre mayaman, tapos anak ng pareho ding artista. Tapos natandaan nya itsura ko, tapos ipapahanap ako sa private investigator na hinire nya, tapos papaimbestigahan ako syempre, tapos syempre malalaman nya na kung saan ako nakatira, kung ano pangalan ko, kung saan ako nag-aaral. Paano kung one day dissmisal time na namin tapos lumabas ako ng school, naglalakad pauwi, tapos may sumusunod pala sakin, tapos ipapakidnap ako sa mga nakaputing van—
“Bakit mo ako binato ng notebook? Hindi mo ba alam na isa akong sikat na artista at iniidolo ng lahat?”
“Sorry na please, 'wag!”
Naputol ang pag-iimagine ko sa maaaring mangyari sa buhay ko nang marinig ko ang medyo malakas na boses ng driver, “Ineng!”
Para bang nakabalik ako sa wisyo at napailing, inaalis sa utak ko ang negatibong naiisip kanina. Hinarap ko si kuyang driver at napansin kong ako nalang pala ang pasahero, nakababa na siguro ang dalawa kanina pa at ako nalang ang natira, tutal at sa dulo pa naman ako. Nakatigil ang tricycle sa may gilid ng daan, humingi ako ng paumanhin kay kuyang driver.
“Sorry 'ho kuya, ano nga 'ho ulit iyong sinasabi nyo?” Napapakamot sa ulong tugon ko dito.
“Kako eh nasa Block 10 na tayo, saan ba kita ibababa?” Napatingin naman ako sa labas at nakita ko ang pamilyar na daan ng Block 10. Sinabi ko na lang na dirediretsuhin nya ang daan sa dulo, nang sa wakas ay maaninag ko na ang mga halaman ni Mama at naaaninag ko na din ang mga anak ng kapit-bahay naming nag-sisilaro ng ganito ka-aga. Aba, noong umalis ako papuntang palengke ay nag-lalaro sila, pati ba naman pagbalik ko ando'n pa rin sila? Mga wala bang kapaguran sa laro ang mga batang 'to? Hindi ba sila hinahanap ng magulang nila at malapit na ring magtanghalian?
Nagpababa na'ko kay kuyang driver sa may tapat nila Aling Ising, ang bahay kasi nila ang nauna sa bahay namin, so bale mag-katabi kami ng bahay.
“Salamat kuya! Sa uulitin!” paalam ko pa dito nang makababa ako. Bitbit ang napamalengkehan ko'y dumeretso na'ko sa tapat ng bahay kung saan ay nakatayo si Mama at nakapamaywang, salubong pa ang kilay at parang kanina pa'ko hinihintay.
“Hehe,” iminuwestra ko kay Mama ang bitbit na eco bag na may laman ng napamalengkehan ko at awkward na napangiti.
“Ang tagal mo, Maria Eliziana.” aniya nito sakin. Napakamot naman ako sa batok at ngingiti-ngiting nag-explain, “Eh 'Ma, ang daming tao sa palengke e. Balita ko may nag-te-taping doon e.” Katwiran ko pa, totoo nga ang narinig ko kaninang chika ng dalawang ale sa palengke kanina. At mukhang napahiya ko pa ang sarili sa artistang 'yon.
Napapikit ako ng madiin nang maalala ko ang engkwentro kanina, napailing nalang ako sa sarili at pilit inaalis sa isip ang pangyayari kanina.
“Sya sya, akin na iyan at nang makaluto na'ko. Puro katwiran, alam ko namang nagtingin-tingin ka pa sa tyangge nung mga gamit na may mukha ng idolo mo!” Kinuha sakin ni Mama ang bitbit kong eco bag at pumasok sa loob ng bahay, sumunod naman ako sakanya pa-deretso sa kusina.
“Oh ano, may nabili ka bang bagong merch merch naman. Merch ba tawag do'n?” Tumango ako bilang sagot habang binubuksan ang ref para uminom ng tubig. Inilabas ko ang pitsel ng tubig at dumeretso sa lagayan namin ng baso, si Mama naman ay inilapag sa mesa ang eco bag at isa-isang inilabas ang napamalengkehan ko.
Nag-salin ako sa baso ng tubig at tinungga ito. Ramdam ko ang lamig ng tubig na humagod sa lalamunan ko, para akong nahimasmasan. Tuloy pa rin si Mama sa pag-tanong sakin habang sinisimulan nyang linisin sa lababo ang karne.
“Mga damit mo puro may mukha ng artistang 'yon, kung hindi mukha ay pangalan naman.” patuloy pa nito. Isinauli ko ang pitsel ng tubig at inilagay sa gilid ng lababo ang basong nagamit, hinuhugasan naman ngayon ni Mama ang pechay at ilang sangkap na nabili ko.
“Ano nga ulit pangalan ng artsistang 'yon? Jim Martinez 'ga?” rinig ko pang tanong nito, umiling ako at sinagot ang tanong.
“Jin Marquez kasi 'Ma,” sagot ko. Nakaupo lang ako sa may upuan habang pinapanood si Mama na nagsisimula ng hiwain sa medyo maliliit na portion ng karne, iyong size na pang-nilaga talaga.
“Oh sya sya kung sino man yung idolo mo na 'yon, kahibangan mo naman 'yan, hindi ka no'n mapapansin. Langit sya at dukha ka,”
“'Ma naman!” protesta ko pang-aasar ni Mama. Minsan napapatanong ako kung nanay ko ba 'to o hindi, tutol sya sa pag-iidolo ko kay Jin, minsan naman support. Ewan ko ba kay Mama, atsaka grabe sa dukha ah!
“Totoo naman, ineng. Artista iyon, isang hamak na taga-hanga ka lang. Pipili ka nalang ng kinahihibangan eh iyong marami ka pang kaagaw!” dagdag pa nito, napakamot naman ako ng ulo sa inis. Halos magsalubong na ang kilay ko sa naririnig kong pang-aasar ni Mama.
“'Wag ka ngang umupo lang d'yan, at hiwain mo na 'yang sibuyas pati iyang patatas!” utos ni Mama nang magawi ang tingin nya sa pwesto ko at nakitang nakaupo lang ako. Sinunod ko si Mama at kinuha sa may lababo ang nakalapag na sibuyas at patatas na nahugasan na nya kanina. Kinuha ko ang isa pa naming kutsilyo, peeler at sangkalan, bumalik ako sa pwesto ko at umupo bago simulan ang pagbabalat sa sibuyas.
“Eto si Mama, asar ng asar sakin sa pag-iidolo ko kay Jin Marquez. 'Ma, at least si Jin taga-Pinas at may pag-asa pa'ko na mameet man lang sya, eh iyong idolo mo jusko po! Karagatan ang layo sayo nila Park Seojun, Park Bogum, Gong Yoo and 99 others 'no!” Asar ko pabalik kay Mama habang natatawa-tawang naghihiwa ng sibuyas, na ang hapdi sa mata.
“Grabe ka naman,” natawa ako ng malakas nang marinig ko si Mama. Bumalik tuloy sakanya ang pang-aasar nya sakin kanina, haha! Ano ka ngayon, 'Ma!
Patuloy lang kami ni Mama sa pag-aasaran patungkol sa mga idolo naming artista, tumutulong-tulong din ako sakanya sa pag-luto. Sa paraang ito medyo nawawala sa isip ko ang kahihiyang nangyari kanina sa may short cut sa palengke, medyo lang naman.
Dumaan ang higit pang minuto at natapos kami ni Mama sa gawaing kusina, inutusan ako nitong tawagin si Elrhys sa taas dahil mag-tatanghalian na rin, habang sya ang naghahanda ng lamesa. Bago ako umakyat ay kumuha ako ng pineapple juice sa may drawer na taguan, at nagtimpla muna sa pitsel ng juice. Para masarap ang kain, mainit pa naman ang sabaw at bagong luto, kaya panigurado na masarap atsaka luto 'yon ni Mama 'no!
Matapos ko timplahin ang juice ay umakyat ako ng hagdan papunta sa kwarto namin ni Elrhys, binuksan ko ang pinto at naabutan kong makalat, nagkalat ang kung anu-anong piraso ng papel at nakatalukbong ng kumot ang kapatid ko, tila nagtatago. Nang tuluyan akong makapasok ay doon ko natanto kung ano iyong mga nagkalat na gupit-gupit na papel.
Ito iyong binili kalendaryo na may litrato ni Jin!
“Hoy! Anak ka ni Mama, anong ginawa mo?!” gigil na nilapitan ko ito at tinanggal ang pagkakatalukbong nyang kumot at nagpanggap na tulog.
“Hoy Matteo Elrhys Mangubat! Alam mo ba kung magkano 'yang kalendaryo na 'yan! Kahit parang tipikal na kalendaryo lang 'yan, pinahahalagahan ko 'yan kasi pera ko pinang-gastos ko d'yan mabili ko lang 'yan! Tapos— Argh!” hindi ko na natapos ang litanya ko at napapadyak nalang sa inis. Bumangon naman ang magaling kong kapatid at niyakap ang kumot at sumandal sa dulo ng kama, which is sa pader dahil doon nakasandal ang double deck.
“Hays!” inis na napasabunot ako nang tignan kong muli ang sinapit ng kalendaryong may mukha ni Jin, pira-piraso ang mukha ng baby ko.
“Ang baby ko!” isa-isa kong pinulot ang pira-pirasong litrato ni Jin. Nasayang na nga iyong notebook na naiitsa ko kanina, pag-uwi ko ay iyong kalendaryo kong may mukha naman ni Jin. Inipon ko ang pira-pirasong iyon at inilapag sa study area ko, matapos niyon ay tumingin ako sa gawi ni Elrhys at nagkasalubong kami ng tingin.
Inirapan ko ito at pinunasan ang mata kong may luha-luha.
“Te-tape-an ko nalang 'yan mamaya. Bumangon ka na d'yan at kakain na, kanina ka pa ata gising hindi ka pa bumababa, iyon pala minurder mo na ang kalendaryo ko!” Ngali-ngali ko syang batuhin ng tsinelas ko kaya naman dali-dali syang umalis sa kama at sinuot ang tsinelas saka mabilis na lumabas ng kwarto. Rinig ko pa ang mabibigat na yabag ng paa nya pababa ng hagdan.
Tinignan kong muli ang minurder na kalendaryo, ng kapatid ko atsaka napabuntong hininga. Kinuha ko ang cellphone ko na nakalapag sa may study area ko, kinuha ko ang charger sa may drawer at chinarge ito bago ako bumaba at para kumain.
Pagkababa ko ay naabutan kong nagsisimula nang kumain sila Mama at Elrhys, napatingin si Mama sakin— na syang nakapwesto sa may kabisera— nang maupo ako sa tapat ni Elrhys na syang nakaupo sa gilid ni Mama. So bale, si Mama ay nasa kabisera nga at sa kaliwa nito ay ako, sa kanan ay ang magaling kong kapatid.
“Oh, bakit parang ang sama naman ng tingin mo sa kapatid mo.” rinig kong tanong ni Mama nang siguro'y mapansin ako na madiin ang titig sa kapatid kong inosenteng kumakain.
“Tanong mo d'yan sa bunso mo, 'Ma.” gigil na tugon ko dito bago medyo marahas na sinubo ang kanin na may ulam.
“Anong nangyari, Elrhys?” baling nito kay Elrhys na nag-kibit balikat lang kay Mama at ngumiti. Nagawa pang ngumiti oh, samantalang kamumurder nya lang sa mukha ni Jin!
“'Ma naalala mo iyong binili kong kalendaryo sa tyangge last last week?” segway ko kay Mama matapos mag-salin ng juice sa baso, tumango naman ito at nagtanong pabalik, “Iyon ba iyong may mukha ng idolo mo?” paninigurado nito. Sumubo muna ulit ako ng pagkain bago muling sumagot.
“Oo 'Ma, iyon nga. Aba eh minurder ba naman ng anak mong 'yan! Pinira-piraso!” sabay turo ko kay Elrhys gamit ang tinidor, inilayo naman ni Mama iyon kay Elrhys at baka nga naman matusok ko. Habang si Elrhys ay tumatawa-tawa lang, tinatawanan pa ang reaksyon ko.
“Ang OA ni ate, 'Ma oh! Para na'kong papatayin eh. Mas mahal pa nya ata iyong pangit na Jin Marquez na 'yon kaysa sakin.” tatawa-tawa nitong sabi.
“Nyenye, mas gwapo iyon sayo, huy!” asar na sabi ko dito, at natawa ulit sya kaya ngali-ngali syang mag-salin ng juice sa baso dahil nabilaukan kakatawa.
“Hahaha, ano ha! Karma 'yan!” Ako naman ngayon ang natawa buti at tapos na'kong kumain at walang nginunguya. Si Mama na tapos na ring kumain ay natawa nang mabilaukan si Elrhys.
Nang humupa ang asaran sa hapag-kainan ay natapos na ring kumain si Elrhys dahil sya nalang rin ang hinihintay matapos, at dahil na rin huli syang natapos ay sya ang mag-huhugas ng pinagkainan. Nakasimangot naman itong sumunod sa utos kaya natawa ako, mag-lalaro pa siguro 'to. Si Mama naman ay sa salas dumeretso matapos kumain dahil may inaabangang noontime show.
Umakyat ako ng hagdan papunta sa kwarto at binalikan ang pinira-pirasong mukha ni Jin na nakapatong sa study table sa may study area ko, syempre. Hindi gaanong masikip ang kwarto namin at hindi rin gaanong maluwag, teg-isa kami ni Elrhys ng study area. May mga libro, notebooks at may mga printed pictures ni Jin na nakadikit sa pader ng area ko. Hinigit ko ang monoblock sa ilalim ng study table ko atsaka umupo.
Sinimulan kong subukan na pagdikit-dikitin ang pinagpira-piraso ni Elrhys at nalungkot dahil hindi ko magawang buohin dahil na rin ang ibang piraso ay sobrang liliit. Malungkot akong napatingin sa nabuo kong litrato, halos hindi na mamukhaan dahil hindi kumpleto.
Naitungo ko ang ulo sa study table at napabuntong hininga. Hindi ko na nga nakuha pabalik ang notebook ko, tapos ang kalendaryo ko namang may litrato ni Jin ay pira-piraso at hindi mawari.
Tila nanumbumalik sakin ang pangyayari kanina kung bakit nasayang ang notebook na nabili at hindi ko nakuha pabalik. Sino kayang artista 'yon? Naka-all black at balot na balot kasi ang mukha, ni hindi ko man lang nasilayan. Malamang na gano'n ang suot nya dahil sa scene na paniguradong tinetaping nila kanina na mukhang nagulo ko pa.