Week 5: How To Design Conflicts

2779 Words
Pakiramdam ni Eliziana na gugulo ang buhay nya simula nang nalaman nya sa sarili nyang nahuhulog na sya sa aktor na si Jin. Nagkakaroon na sya ng feelings dito, hindi na idolo ang tingin nya dito, simula nang magsama sila para sa isang pakulo ng management ay unti-unti syang nahuhulog sa aktor. At iyon nga, nahulog na sya, nung una'y hindi nya masyado pinansin ng nararamdaman nya para sa aktor ngunit si Jin ay para bang nagpapahiwatig. Isang araw, umamin ito kay Eliziana, na nahulog sya sakanya, walang nagawa si Eliziana kundi aminin din ang nararamdaman at bigyan ang isa't-isa ng pagkakataon. Natapos ang pakulo ng management, at nag-sibalik sa kanya-kanyang buhay, ngunit lalong nahuhulog ang dalawa sa isa't-isa. Mayroon silang munting sikretong pagkikita, nag-sasama ang dalawa ng patago, lalong-lalo na sa mga media at syempre sa mata ng mga madla. Mahigit isang taon din silang nagmamahalan ng patago. Ngunit, ganoon na lamang ang takot ni Eliziana nang isang beses ay parang may paparazzi na nakahuli sakanilang sikretong pagkikita. Nagulo ang tahimik na buhay ni Eliziana nang pumutok ang issue na may ‘non-showbiz’ girlfriend kuno ang aktor na si Jin, ayon sa nakakita. Puro negatibo at pang-babash ang nababasa ni Eliziana patungol sa babaeng ka-date ‘kuno’ ng aktor, na hindi pa napapangalanan. Nalaman ito ni Jin, kaya naman gusto nyang protektahan ang mahal sa media at madla. Ang mga fans naman ng aktor ay may speculation na ang babae sa issue ay ang ‘fangirl na nanalo sa raffle game noon,’ ang non-showbiz girlfriend na tinutukoy sa issue, kalaunan ay maraming natanggap si Eliziana sa social media accounts nya na pang-pupuna na negatibo, na kesyo nanalo lang sa raffle game ay umasa na na magiging sila ng aktor, at marami pang negatibong komentong natatanggap si Eliziana. Nakarating sa ama ni Jin na aktor din, ang balita, kaya pinapili nya ang anak, career industry o si Eliziana. Kalaunan nag-bigay ng statement ang aktor na si Jin na hindi totoo na may non-showbiz girlfriend siya, kaya para bang natahimik din ang issue na 'yon. Sa kagustohan ng aktor na iligtas sa kung ano mang negatibo si Eliziana, nag-desisyon syang putulin ang namamagitan sakanila, at pinili nya ang career, dahil para sakanya'y iyon ang tamang desisyon. Nagulo naman ang buhay ni Jin nang i-loveteam sya sa isang sikat na aktres at ang mga die-hard fans ng parehong panig ay boto sa loveteam ng dalawa, kaya naisip ng management na ipalabas sa madla na silang dalawa ay ‘dating.’ Siyempre't nakarating ang balitang 'to kay Eliziana, naisip niya na kaya pala tinapos na ni Jin ang sakanila. Ang mga nakapaligid sa aktor ang siyang hadlang sa pagmamahalan ng dalawa. Ngunit sa kabila ng lahat ay gumawa ang tadhana na muling magbalik at ituloy ang nasimulan nilang pagmamahalan. *** Chapter Three ELIZIANA Nagdaan ang Linggo at nag-simba ako kasama ang bestfriend kong si Ava, it should be our family day ang kaso e si Mama may pinasukang trabaho at si Elrhys naman ay tamad, manonood nalang daw sya ng superbook. Hapon kami nag-simba ni Ava at nagkita lang kami sa may labasan. Ava wanted to treat me, kaya matapos ang misa ay nag-aya syang mag-ukay. Nilibre nya nga ako ng ilang damit sa ukay-ukay, ang gaganda ng damit dito at mura pa, kaya lang ay kailangan mo munang pakuluan ng bongga bago mo ito gamitin. Our day went well, at mag-gagabi na nang makauwi ako, bitbit pa ang ilang inilibre sakin ni Ava. “Ginabi ka na,” salubong na bati sa akin ni Mama na nakaupo sa may sofa at nanonood ng palabas sa TV. Katabi nya sa Elrhys na siyang tutok din sa pinanonood, patungkol kasi sa wildlife ang palabas at dahil isang animal ang kapatid ko malamang na nakakarelate sya. “Nag-aya si Ava mag-ukay, e.” saad ko at nagmano kay Mama. Tumango lang sya, dumeretso ako paakyat sa kwarto namin para makapagpalit na ng pambahay dahil suot ko pa rin ang pinangsimba kong flare pants at white tee-shirt na may naka-print na mukha ni Jin. Halos lahat ata ng damit ko ay may mukha ni Jin, mga nabibili ko lang din naman iyon sa palengke, syempre minsan kapag may extra pera ako or ipon, inispoil ko talaga ang sarili ko ng ilang merchandises kahit mumurahin at unofficial. Nang marating ko ang kwarto namin ay inayos ko muna ang mga nabili galing sa pag-ukay namin kanina, iniligay ko itong lahat sa isang basket. Teg-isa kami ni Elrhys ng basket na lalagyan ng maruruming damit, pero may extra pang isa kaya ito ang nilagyan ko ng napamili. Pakukuluan at lalabahan ko 'to ngayon after ko kumain ng dinner. Matapos kong iligay ang mga iyon sa basket ay nag-bihis ako ng pambahay, actually pinalitan ko lang ng pambahay na shorts ang suot ko kaninang flare pants. Matapos ang lahat ay nagpasya na'kong bumaba, bibit ang basket ay dumeretso ako sa kusina namin para kumain. Narinig ko pa si Mama mula sa salas. “May barbeque d'yan sa lamesa, natatakpan. Initin mo ang kanin kung gusto mo,” anito. Inalis ko ang nakataklob sa may pinggan at bumungad sakin ang dalawang inihaw na bituka ng manok at isang barbeque. Walang atay? Iyon pa naman ang favorite ko. Ipinatong ko muna sa isang upuan ang basket atsaka nag-asikaso ng sarili para maka-kain, hindi ko na ininit ang kanin, medyo gutom na'ko nang matanaw ko ang mga inihaw. “'Ma, wala bang atay?” tanong ko. “Kung ano ang naand'yan, 'yan na ang kainin. 'Wag na mag-hanap ng iba.” sagot ni Mama. Nagsandok na'ko ng kanin ko at pumuwesto sa hapag, hindi na'ko humirit pa kay Mama. Siguro ay ubos na ang atay na tinda ni Aling Marta, nagsimula na rin akong kumain ng panggabihan ko. Matapos kumain ay inasikaso ko na ang kailangan kong asikasuhin, inilipat ko sa isang batya ang mga damit na galing sa ukay, at nag-pakulo ng isang takure'ng tubig. After awhile, kumulo ito kaya ibinuhos ko na sa batya. Bumalik ulit ako sa kusina at hinugasan ko ang kaninang pinag-kainan, matapos niyon ay nagpunta na'ko sa sala at umupo sa isang single sofa namin. Pagkaupo ko ay syang sakto naman ang pag-flash news sa TV, may mga binalita ang reporter na ilang balitang fresh na kapapasok lang, maya-maya pa'y biglang nag-appear sa TV ang isang litrato ni Jin. “Uy shet! Baby ko 'yan!” gulat na napatingin ang dalawa nang marinig nila ang sigaw kong iyon kaya nagreklamo na naman ang magaling kong kapatid. “Yuck ate, asa ka pa uy!” sarkastikong saad nito na iniripan ko lang. Panira lagi e. Si Mama naman ay umiling lang. “Ang ama ng aktor na si Jin Marquez ay may bago na namang proyekto kasama ang ilan pang bigating artista.” sabi ng reporter matapos i-flash sa screen ang picture ni Jin, at picture ng tatay nitong si Javier Marquez na siyang sikat ding aktor. Akala ko pa naman tungkol kay Jin ang balita, oh well, gwapo din ang tatay nya 'no, syempre saan pa nga ba mag-mamana. Natapos din ang flash news sa TV at nag-commercial na naman ng samu't-sari, habang nag-hihintay ng palabas ay nag-laro kami ni Elrhys ng paunahan makahula ng patalastas, ang may maling hula may paltik. “Ang daya mo naman, Ate!” reklamo nito matapos ko syang pitikin sa noo, napahawak naman sya kung saan ko sya pinitik. “Anong madaya, nahulaan ko ah!” tatawa-tawang katwiran ko, namumula na kasi ang noo nya. Baka pro ako sa larong 'yan! “Nyenye!” asar na sabi nalang ni Elrhys. Natigil ang laro ng bumalik ang pinapanood nila kaninang patungkol sa wildlife, ngunit imbis na mag-continue ang palabas ay nag-paalam na ang host nito. “Nay ano ba 'yan! Pumayag pa'kong paltik-paltikin noo ko hanggang mamula, nag-commercial pa ng pagkahaba-haba tapos na rin naman pala!” Napatingin ako sa gawi ni Elrhys nang marinig ko ang reklamo niya, natawa naman kami ni Mama sa sinabi nito at biniro pa ni Mama na oras na daw kasi para matulog sya at may pasok bukas. Binalikan ko ang iniwan kong damit na ibinabad sa mainit na tubig at napagdesisyunang labahan. Mabuti nalang at may sabong panlaba pa si Mama kaya nag-paikot ako ng labahin sa washing machine. Pagbalik ko sa salas ay wala na si Elrhys at si Mama'y kilig na kilig sa pinapanood sa TV, pagtingin ko ang palabas ay ang kada-linggo nyang inaabangang K-Drama na pinagbibidahan ng crush nyang si Park Seojun. Nasa likod ako ng sofa at naisipang asarin si Mama. “'Ma, wala kang pag-asa d'yan. Mag-seselos si Papa, lagot ka!” pang-aasar ko dito ngunit pinatahimik nya lang ako. Ngunit ganoon nalang din ang gulat naming dalawa nang may biglang kumalabog sa kusina! Parehas tuloy kaming napa-sign of the cross. “Sorry na Elias, 'wag ganiyan. Takot kaming lahat sa bahay.” rinig kong saad ni Mama habang yakap-yakap ang throw pillow. Ako nama'y napatalon sa sofa at napatabi kay Mama. Dapat pala hindi ako nag-bibiro ng gano'n. “Tignan mo nga kung ano iyong kumalabog sa kusina, dali!” Mama nudged my shoulder, iling-iling naman akong tumanggi, ngunit dahan-dahan pa ring tumayo at naglakad papunta sa kusina. Wala namang bakas ng multo, siguro'y bubuwit lang 'yon at may nadali. Kaya sinabi ko iyon kay Mama, at dahil nasa kusina na rin naman ako'y dumeretso na'ko ulit sa nilalabahan ko. Hindi naman na'ko masyado nag-tagal sa paglalaba at natapos din. Habang nag-sasampay sa banyo ay narinig ko pa si Mama. “Tapusin mo na 'yan, Eliziana at nang makapagpahinga ka. May pasok bukas, 'pag kayo pahirapan na namang gisingin, tatapunan ko kayo ng kape sa higaan.” paalala nito. ‘Opo’ nalang ang isinagot ko at nagpatuloy. Nang matapos ako sa lahat at naabutan ko pa si Mama na naando'n pa rin sa sofa at nanonood pa rin, uminom muna ako ng tubig bago nag-paalam kay Mama na matutulog na. Mag-pupuyat na naman 'yon si Mama sa panonood nya ng K-Drama, palibhasa tuwing Linggo ng gabi lang pinapalabas e, pero maaga pa rin syang nagigising. Umakyat ako sa kwarto, buti nga at hindi ako nabasa sa paglalaba kanina kaya hindi ko na ulit kailangan magpalit ng damit, nag-washing naman kasi ako e. Pag-pasok ko ng kwarto ay mukhang tulog na si Elrhys, umakyat ako sa taas ng double deck at umayos ng pwesto. Kinaumagahan, nagising ako sa malakas na katok ni Mama sa pinto. Alas-singko palang ay ginigising na kami nito sa pamamagitan ng malakas na pag-katok sa pinto namin at pag-tawag sa pangalan. “Bababa na po!” sagot ko, tingin ko'y bumaba na rin si Mama dahil natigil sa pangangatok. 'Yan ang alarm namin, bumangon ako at bumaba. Binato ko ng unan si Elrhys para magising, at tagumpay naman. Nagising sya at napaupo sa kama nya “Ano ba, si Ate naman!” reklamo nito. Pinamaywangan ko ito at sinermunan. “Lunes na ulit, tutoy at baka gusto mong pumasok sa eskwelahan!” Napasimangot naman sya sa sinabi ko, kalaunan ay tumayo habang ako naman ay inihahanda ang uniform ko, inilabas ko ito sa aparador naming dalawa ng kapatid ko, at isinampay ko ito sa handle ng aparador. Inayos ko na rin ang bag ko habang si Elrhys ay tatamad-tamad kung kumilos. Nang matapos ako ay bumaba na'ko papunta sa kusina, bitbit ang pamalit kong uniform at bag. Ngunit bago dumeretso sa kusina ay inilapag ko muna sa may sandalan ng sofa ang uniform ko, pati bag ko ay inilapag ko rin sa may sofa. Matapos niyon ay pumunta akong kusina. May nakahanda ng breakfast. Kape, itlog at kanin. Sumandok na'ko ng kakainin ko, malapit na'ko matapos sa kinakain ko nang makababa si Elrhys. “Aba, ang aga mo tutoy para bukas.” Sabi ni Mama nang mapansing umupo si Elrhys. Sinabihan nito si Elrhys na bilisan ang kilos at male-late sya, pati ako male-late kapag babagal-bagal sya. Sa iisang school lang kami napasok ni Elrhys, its a public school and separate ang building ng high school sa aming senior high schools. I'm on my last year of senior na whilst Elrhys is still on his first year high school, nagbibinata. Nang tapos na'ko kumain ay inasikaso ko na ang sarili, binalikan ko ang iniwan sa sofa'ng pamalit at pumasok sa banyo. Isinampay ko ito sa may sampayan. It took me nearly twenty minutes to finish my routine, lumabas ako ng banyo na naka-bihis na ng uniform at may nakabalabal na tiwalya sa buhok. Paglabas ko ay syang pagpasok ni Elrhys na kanina pa naghihintay sa may lamesa. Nakatsinelas palang ako, pumunta ako sa lagayan namin ng sapatos at pumunta sa salas, kinuha ko ang naka-ready ko nang medyas na nakalapag sa sofa atsaka umupo. Nang matapos ako'y nag-ayos na'ko ng sarili, kaunting pulbo at lipbalm lang sapat na. Makalipas ang ilang minuto'y lumabas na rin ng banyo si Elrhys, and its already six thirty in the morning, buti at seven thirty ang start ng mga klase. Malapit lang naman ang public school na pinapasukan namin, pagkalabas ng munting subdibisyon-subdisyunan na ito ay lalakarin lang ng kaunti at iyon na ang aming school. “Hoy, aba dalian mo kumilos, Matteo Elrhys!” suway ni Mama sakanya pagkalabas na pagkalabas palang nito ng banyo, kaya kumilos na rin ito ng medyo mabilis. Habang ako'y nakaupo na lang sa sofa't hinihintay ang munting prinsepe na mukhang alila naman. Matapos ni Elrhys mag-asikaso ng sarili ay lumapit samin si Mama at binigyan ng allowance. “Oh ayan, allowance nyo 'yan ng isang linggo ha. Salamat nga at bumisita dito ang Lola at Tita Elena nyo, ayun at naambunan tayo ng pera kahit papaano.” Inabot samin ni Mama ang pera, marunong naman mag-budget si Elrhys ng pera nya kaya hindi ko na hinahawakan 'yon, hindi rin naman sya pala-gastos. Nabanggit nga ni Mama na bumisita kahapon sila Lola at isa kong Tita, kapatid ni Papa, nangumusta lang naman sila at dito sa bahay tumambay saglit. Wala kasing pernamenteng trabaho si Mama, sumasideline-sideline sya minsan sa ilang kapitbahay na nagpapapedicure or manicure, minsan naman ay tumatao sa karinderya ni Aling Ising. Hindi naman ganoon ka-sapat samin ang kinikita ni Mama sa sidelines nya, buti na lang at mabait ang ilang kamag-anak namin at tinutulungan kami financially na wala kaming naririnig na kahit ano sakanila pabalik. Pero hindi naman kami lagi nalang nasandal sakanila, kusa naman silang natulong. Si Lola minsan binibigyan ako ng sariling allowance na sobra, kaya minsan din e naiispoil ko ang sarili ng tyangge-tyangge, ang iba e itinatabi ko. Kalauna'y nagpaalam na rin kami kay Mama na aalis at papasok na, itinawag na pala kami ni Mama ng tricycle kaya pag-labas namin ni Elrhys ng bahay ay nakaabang na si Kuya Nestor, ang tricycle driver na lagi din naming sinasabayan pagpasok. Hinabilin pa ni Mama na bayad na ang pasahe namin, maya-maya'y lumarga na kami. Sa tapat mismo ng school kami ibinaba ni Kuya Nestor kaya hindi na namin kailangan lakarin pa, bumaba na kami at nagpasalamat. Sa gate palang ay nakita ko na ang kumakaway kong bestfriend. “Maria Eliziana!” nagtinginan tuloy sakanya ang ilang estudyanteng dumadaan nang isigaw nya ang pangalan ko. Habang papalapit sa kinaroroonan ni Ava ay isinigaw ko rin ang buong pangalan nito. “Amaranta Varteni!” ganting sigaw ko dito. Nang makalapit sa gawi nya'y sinalubong ako nito ng yakap. “Hi, baby Matteo!” bati nito sa kapatid ko na tinanguan lang sya pabalik. At dahil maharot ang kaibigan ko ay nilapitan nya si Elrhys at ikinawit ang braso nya sa braso ng kapatid ko atsaka dumeretso sila papasok sa gate. Wala man lang ka-reareaksyon ang mukha ni Elrhys nang gawin sakanya ni Ava iyon, o siguro dahil sanay na, na lagi syang hinaharot ni Ava. Iiling-iling tuloy na sumunod ako sa dalawa, gwapo din 'tong kapatid ko kahit binata pa lang e, balita ko ang daming may crush dito pero wala naman akong nababalitaang may nililigawan or may natitipuhan sya. Ewan ko nga ba at kung bakit ang daming nahuhumaling d'yan sa kapatid ko, kasama pa pati bestfriend ko, e isip-bata naman 'yan sa bahay. Sumabay ako sa paglalakad nila at napag-gigitnaan namin si Elrhys, halos matangkaran na rin ako nitong kapatid ko e, siguro dahil pandak din talaga ako. After awhile ay humiwalay samin si Elrhys dahil iba ang building nila samin, kaya nalungkot si Ava. “Talagang crush mo kapatid ko e 'no?” pagkuha ko dito ng atensyon, she looked at me and pouted. She mouthed ‘yes’ and I chuckled, napailing nalang din ako. Kung alam nyo lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD