Maria's Point of View
Madaling araw na ngunit wala pa ring malay ang aking Itay. Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko sya na walang malay nang buksan ko ang pintuan pagpasok ko sa aming bahay. Nakataas ang kamay nya nang makita ko na parang inaabot ang pintuan. Di ko alam ang tatawagan kaya lumabas ako upang himingi ng tulong.
Laking pasasalamat ko nang makakita ako ng lalaki na syang tumulong upang idala ang Itay sa ospital.
"Miss?" minukat ko ang mata ko at hinanap kung sino ang tumawag sa akin. Nang makita ang liwanag ng sinag ng araw na tumatagos sa salaming bintana na tumama sa mata ko ay saka ko na lamang napagtantong umaga na pala at hindi ko namalayang nakatulog ako
"Maayos na ang pasyente. Maari nyo na syang ilabas mamaya."
"Salamat Doc." nang umalis ang Doktor ay tinignan ko si Itay. Ang sabi nila sa akin kahapon ay inatake daw sa puso ang Itay at sa ngayon at kailangan nya muna ng pahinga. Batid kong may sakit sa puso ang Itay ngunit kumpleto naman sya sa paggagamot at hindi na nya muling ininda ang sakit nya, ngayon na lamang muli.
Pinagmasdan ko ang kabuoan ng kwarto kung nasaan kami ngayon ni Itay. Nasa isang pribadong kwarto kami na may sariling kagamitan. Habang nililibot ko ang paningin ko sa mga kagamitan ay biglang umihip ang malamig na hangin at unti unting umangat ang puting kurtina.
Nakapahulikipkip akong lumapit sa bintana upang isara ito. Sa paglapit ko ay may napansin akong kakaibang bagay na nakasilip sa labas.
Habang dahan-dahan akong lumalapit sa bintana ay kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Isang metro nalang sa aking tansya ang layo ko sa bintana pero para bang unti-unti itong lumalayo sa akin. Ilang hakbang pa ang ginawa ko at nang maabot ko ang dulo ng kurtina ay dali-dali ko itong hinablot.
Wala akong nakitang kahit na ano sa labas tanging mga ibon na nakadapo sa gilid ng bintana lamang ang nakikita ko at ilang naglalakihang puno. Bahagyang umihip ang malamig na hangin na nagpabalik sa akin kung ano ang gagawin ko. Hinila ko ng dalawang kamay ko ang nakabukas na bintana at mabilis itong isinara. Ramdam ko ang paypay ng kurtina sa aking likuran at bigla akong natigilan nang may malamig na bagay akong naramdaman sa aking paanan.
Hindi ako makagalaw. Andon pa rin ang kung anong nakahawak sa akin. Sinubukan kong silipin ang paa ko upang tignan. Isang nakakalilabot na kamay ang nakita kong nakahawak sa paa ko na sa isang kurap lamang ay agad ding nawala. Napatakip ako sa aking bibig at pinipigilan ang takot na nararamdaman. Hinawi ko ang kurtina at laking gulat nang wala akong makitang nakahiga sa kama at tanging hugot na dextrose lamang ang nandon.
"Itay!" tumakbo ako sa labas umaasang makikita ko sya ngunit, mga nagtatakang nurse at ilang pasenyte at bantay ang nakita ko.
"Nurse?" tawag pansin ko sa isang nurse na nakasalubong ko.
"Bakit ija?" lumapit sa akin ang nurse na nakakunit ang noo.
"Nawawala po ang Itay ko" parang batang iniwan ng ina tugon ko sa kanya. Nagulat ang nurse sa akin at tinanong ako kung saan ang kwarto namin at dinala ko sya doon.
"Wala pong nakakita sa kanya." sambit ng isang bodyguard sa akin. Mahigit dalawang oras na kaming naghahanap ngunit wala pa rin kahit na sino ang nakakita sa kanya.
Gabi na ngunit wala pa ring nakakakita kay Itay. Pinagpasensyahan muna ako ng ospital at nangakong gagawin nila ang lahat para mahanap sya.
"Maria?" bigla akong natigilan sapaglalakad nang narinig ko ang isang pamilyar na tinig.
"Nay? Nay!" pinasalubungan ko ng mahigpit na yakap si Inayngunit nabigo ako nang bigla syang tunagos sa akin. Bigla akong kinabahan.
"Maria.." napatalon ako sa takot ng may nakakakilabot na tinig ang bumulong sa akin.
"Sino ka?" alam kong nasa likuran ko sya.
"Wag kang matakot Maria" napaatras ako nang bigla syang sumulpot sa harap ko.
"Maria?"
"Maria?"
"Maria? Gumising ka" bigla akong napabaligwas ng bangon nang marinig ko ang tinig ni Itay. Panaginip nanaman.
"Itay?" pinigilan kong tumigil ang luha ko. Hindi ko alam pero hindi ko kayang mawala ang Itay.
-
Lunes ng umaga, bago ako pumasok muli sa eskwelahang pinapasukan ko ay pinuntahan ko muna si Itay sa kanyang silid. Kumatok muna ko at saka pumasok. Nadatnan ko syang tulala at nakatingin lamang sa kanyang bintana.
"Itay? Alis na po ako." pagpapaalam ko sa kanya.
Papaalis na sana ko nang makita ko ang unti unti nyang paglingon sa akin.
"M-may kai-kailangan po kayo?" hindi ko alam pero nakakatakot ang mga tinggin nya para bang nagtataka, nagtatanong at may halong galit.
Tinalukuran nya lamang ako. Nagmamadali akong umalis. 'Di ko alam pero parang may kung anong kakaiba sa kanya. Dati na syang nakakatakot pero bakit mas naging nakakatakot ngayon at labis ko iyong pinagaalala at ipinagtaka.
"Para po!" matapos kong pumara ng jeep ay sumakay agad ako at pumuwesto malapit sa likod ng katabi ng driver. Nilibot ko ang bawat sakay ng jeep. Gaya pa rin ng dati.
"Hanap mo ko?"
"Ay, palaka!"
"Sino ba yun-" bigla akong kinabahan nang makita ko ang mukha nya. Kabang hindi ko maipahiwatig. Nasa tabi sya ng driver at nakasilip sa akin. Matamis ang pinapakita nyang ngiti at nakasuot sya ng uniporme na gaya ng suot ng mga nasa college of medicine.
"Bilis mo naman makalimot" parang bata tss. Hindi ko na sya nakitang nakasilip siguro ay umupo na sya ng maayos.
Sa wakas ay nakarating na ako sa pinapasukan ko. Sinilip kong bumaba si Paulo ngunit hindi ko sya napansin sa dati ng tao.
Pumasok ako sa una kong klase at nang matapos ay nagpunta ako sa banyo dahil kanina pa ako naiihi. Habang naghuhugas ay may narinig akong kaluskos mula sa loob ng isang cubicle. Pinatay ko ang gripo at kinuha ko ang gamit ko. Narinig ko nanaman ang kaluskos kaya hindi ko mapigilan ng kuryosidad ko dahan-dahang binuksan ang pintuan.
Bahagya ko pa lamang nabubuksan ang pintuan nang may biglang umagos na dugo sa paanan ko. Sa takot ko ay itinodo ko ng bukas ang pintuan at laking gulat ko nag makita ang isang babaeng duguan at nakaupo sa toilet bowl.
"Tu-tulu-tulugan m-mo ko" habang nagsasalita sya ay may mga lumalabas na dugo sa bibig nya.
"O-Oo. Saglit lang tatawag lang ako ng tulong" sumenyas ako sa kanya ngunit bigla nyang hinablot ang kamay ko.
"M-Maria?"
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"H-Hindi na im-importante arghh! iyon" bakas ang pahihirap na dinanas nya. Naka-PE uniform na alam kong sinusuot lang tuwing biyernes.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hawak pa din nya ang kamay ko na nahawahan na nua ng dugo.
"Wag ka na magsalita. Kailangan mo ng tulong!" Hinila ko ang kamay ko sa kanya at agad na tumakbo para humingi ng tulong. May mga ilang estudyante ang sumunod sa akin at ang ilan ay natakot base sa mga reaksyon nila.
"Maria!" natigilan ako nang may marinig akong isang pamilyar na tinig at hindi ako nagkamali.
"Ano ang nangyari?" batid kong wala syang alam kaya ikunuwento ko sa kanya ang nangyari.
"Asan na sya ngayon?" bakas ang pagaalala sa tono ng boses nya. Hindi ko alam kung bakit pero parang matagal na kaming magkakilala ito pa lamang ang ikatlong beses na nakita ko sya at ang tanging alam lang namin sa isa't-isa ay ang aming mga pangalan.
"Pasensya ka na ha. Ikaw lang ang kilala ko dito kaya ikaw lang ang nakita kong malalapitan. " tinanguan ko lang sya. Andito kami ngayon sa ospital at pinuntahan si Jessica-yung babaeng nakita ko kanina sa cr. Nakilala ko sya base sa sinabi ng mga pulis.
Pinuntahan na'min ang kwarto kung nasaan si Jessica. Tulog na tulog sya at balot ng benda ang iba't-ibang parte ng kanyang katawan.
"Kaano-ano mo nga pala si Jessica?" tanong ko kay Paulo. Umupo muna sya sa isang upuan at saka tinitigan si Jessica.
"Kapatid ko" tugon nya habang nakatingin pa rin kay Jessica. Pinagmasdan ko ang mukha ni Jessica. Oo nga magkamukha nga sila.
"Bakit sabi mo ako lang ang kilala mo?" natigilan sya at napakamot sa batok.
"Hindi ko naman alam na andito sya"
"Bakit?" ang chismosa ko yata
"Kase-" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya.
"Huwag mo na pala ikwento baka ayaw mo" pigil ko sa kanya. Kumunot ang ang noo nya sa ginawa ko.
Binalot kami ng katahimikan. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Gaya ito ng kwarto kung saan dinala ang Itay. Titignan ko sanang muli ang bintana ngunit bigla akong kinalibutan.
"I-kwento mo na pala"
"Kala ko ayaw mo kase ayaw ko?"
"Eh- wala lang" pinilit kong ngumiti. Hindi ko gusto ang awra sa loob ng kwartong ito, masyadong tahimik.
"Anak sya sa labas ni Mama" natigilan naman ako. Bigla akong naging interesado sa buhay nya.