too used

636 Words
    Sumilip ako sa peephole ng pinto. Nakita ko ang isang lalaking nakatalikod, nag-aayos ng buhok gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa ay may bitbit na helmet at paper bag. Mukhang kilala ko nga kaya ibinulsa ko na muna ang kutsilyong hawak. Napabuntong-hininga na lamang ako at binuksan ang pinto.     "Delivery!" saad ng lalaking nakangisi at itinaas ang hawak na bag. Pahablot ko nang kukuhanin ang paper bag ngunit mas mabilis niyang nailayo ito sa akin. "Bayad muna, hindi 'to libre" pang-aasar niya sakin. Napilitan naman akong mag-abot ng bayad. Nilahad ko ang aking kamay, pagpapahiwatig na ibigay niya na sa akin iyong paper bag. Ayaw pa rin niyang ibigay kaya naman inirapan ko sya. Tumangkad lamang at naging mas matipuno ngunit hindi pa rin nagbabago ng ugali ng isang 'to. Pinag-ekis ko na ang mga braso ko para malaman niya umiiksi na ang pasensya ko. "Pagod ako, Cielo. Wala 'kong panahong makipag-sabayan sa trip mo." inis kong sabi sa kanya. "Kung matigas ka, sige sa iyo na 'yan!" napataas na ang boses ko dahil sa pagkainis at inirapan siya. Itinulak ko ang pinto at tumalikod na.     Napigilan niya naman ang pagsara nito at nilapag sa mesa ang paper bag. "Nag-aalala lang kami sa iyo, Ate Alex. Ni hindi namin alam kung anong ginagawa mo. Kung hindi ako gumawa ng paraan, hindi kita makikita. Dati, binabalitaan mo pa si Ate Demi. Ngayon, kahit kamusta wala. Masisisi mo ba kami?" bulalas niya. Bumuntong-hininga naman ako at saka siya tinignan sa mata. "Ano bang sinabi ko sa inyo? Huwag nyo akong hahanapin, hindi ba? Mapapahamak kayo sa ginagawa ninyo eh. Ngayon, nakita mo na ako. Maayos ang lagay ko, okay na ba?" halos pasigaw kong sagot sa kanya.  Bumaba naman ang balikat nya, marahil hindi iyon ang inaasahan niyang tagpo sa pagpunta rito. "Umuwi ka na, Cielo" wika ko sabay hinawakan siya sa balikat. Hinatid ko sya sa kanyang motor at pinanood siya magsuot ng helmet. "Ingat sa pagmamaneho" paalala ko sa kanya. "At C, pakiusap huwag mo nang ipaalam kung nasaan ako" hirit ko. Tumango naman siya bagaman bakas ang pagkadismaya. Umalis na siya at ako nama'y pumasok na sa loob.     May note pala sa loob ng paper bag. "Sa wakas nalaman ko na rin kung asan ka. Ubusin mo iyang dala ko ha, alalang-alala kami dahil baka nalilipasan ka ng gutom. Uwi ka na, Ate. Love, C."     Bahagya naman akong napangiti sa note, malambing pa rin pala siya hanggang ngayon. "Sorry sa inyo. Too bad I can't say it to your faces. Aayusin ko 'to pero matatagalan." Inayos ko na ang pagkain at nilantakan ito. Regular fried chicken lang ng inorder ko, pero ang paborito kong spicy buffalo wings ang dinala ni Cielo kaya napabilis ang pagkain ko. Agad akong nagligpit at saka uminom ng tubig.     Ang tahimik, palagi na lamang tahimik. Matagal na 'kong mag-isa rito, hindi rin ako mahilig magpapunta ng ibang tao. Paminsan-minsan naaisip ko rin ang pmilya ko, namimiss ko rin sila lalo kapag galing trabaho. Nagkibit-balikat na lamang ako, dapat masanay na ako sa ganito. Umupo ako sa piano bench para tumugtog. How are you doing? How are you doing? I'll be fine, how about you? I'm fine too.     Kanta ito ng Living Sisters, How Are You Doing? ang pamagat. Madalas ko itong kantahin lalo kapag galing sa mahabang biyahe. Isa lamang ito sa kantang kaya kong tugtugin dahil nag-aaral pa akong magpiyano. How am I doing nga ba? Sa likod ng "strong demeanor" sabi ng iba, paminsan-minsan ay nalulungkot ako. Tinutugtog ko ito nang sa ganoon ay kahit man lamang sa kanta ay may nangangamusta sakin at naipaaalala ko sa sarili ko na okay ako. Isa pa, I'm too used to be fine. Nothing new, can't complain Skies are blue, sunshine or rain Something to eat, watch a show After that, I'll sleep like a baby
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD