3

1390 Words
    Katatapos lamang niya maligo suot ang kanyang robe at may balot na towel sa ulo. Dumiretso siya sa kanyang walk-in closet para mamili ng susuotin. Naisipan niyang lumabas, tatlong araw na rin siyang nandito at nakapagpahinga na rin. Paubos na rin ang stock niya ng pagkain kaya bibili na rin siya sa grocery.      Pinupunasan niya ang buhok habang nag-iisip ng isusuot. Kumuha siya ng black spaghetti strap V-neck blouse mula sa H&M, skinny jeans ng Jag at undergarments galing Victoria's Secret. Lumakad siya papunta sa kanyang kama at inilatag ito doon. Sinuklay niya ang kanyang buhok, pagkatapos ay binlower ito hanggang sa mangalay siya. Sinuot niya na ang mga napiling damit at humarap sa salamin. Bigla namang tumunog ang cellphone niya. Pinag-ring niya muna ito ng ilang beses bago sagutin bagaman kilala niya ang tumatawag.      "May schedule ka ngayon sa Cruzado's, baka lang nalimutan mo. Magpasukat ka na ng suits at dresses, ikaw na ang bahala sa designs," bungad ng kausap niya. "s**t, oo nga pala," bulong niya sa sarili ngunit rinig din pala sa kabilang linya. "Alam kong malilimutan mo kaya tumawag talaga ako," natawang sagot ng lalaki. "Lalabas rin naman talaga ako para mag-restock ng grocery pero thanks," tugon niya. "Sabay na kaya tayo? May mamimili rin ako ng sapatos eh. Saka para may katulong ka rin sa grocery, 'di ba?" pag-aaya ng kausap. "3 o'clock andito ka na dapat," sagot niya. "Okay, see you!" wika ng lalaki at binaba na ang tawag.      Nilapag niya ang cellphone sa kama at umupo sa harap ng kanyang makeup cabinet. Una niyang nilagay ang moisturizer sa mukha at saka nag-foundation nang manipis lamang. Sa ilalim ng mata ay naglagay naman siya ng concealer. Sunod ay ginamitan ng eyelash curler ang pilikmata. Lipstick ang pinakahuli niya at pinili ang nude rose. Tumayo siya at humarap muli sa salamin. "A black cone heels would look good," sabi niya sa sarili. Bumalik siya sa kanyang closet at kumuha ng itim na cone heels. Lumingon naman siya sa kanan kung saan naroon ang mga coat, dress, at jacket niya. Napili niya ang beige trench coat galing sa Burberry at isinuot na ito. Tumingin muli siya sa salamin at inayos ang buhok. Inabot niya ang cellphone at kumuha ng litrato ng sarili sa salamin. May nagpop-up na message kaya inilagay na niya ang kanyang wallet sa bulsa ng coat at lumabas ng bahay..     "Akala ko matagal ka pa eh," pagbungad sa kanya. Nakasandal ang lalaki sa gilid ng Mustang niyang kulay asul at puti. "Tumutupad ako sa oras, JM" seryosong sagot naman ni Alex. "Ang seryoso mo naman," tugon niya at hindi na lamang pinansin ni Alex. Binuksan niya ang pinto para sa dalaga, nagpasalamat naman ito at kinabit na ang seatbelt. Pumunta na ang lalaki sa kabilang gilid ng sasakyan at umupo sa driver's seat. "Cruzado's muna tayo," sabi niya habang nakatingin sa kanyang cellphone. Tumango naman si JM at pinaandar na ang kotse.     Tahimik ang unang sandali ng kanilang paglalakbay. Nakatutok lamang si Alex sa kanyang cellphone habang si JM naman ay palingon-lingon sa katabi. Napansin na niya ito ngunit hindi pa rin tumitingin. "Anong kailangan mo?" tanong ni Alex. "Ah wala naman, ang tahimik lang kasi. Baka gusto mong mag-music, connect ka na lang," nahihiyang sagot niya saka inayos ang bluetooth ng sasakyan. Okay lamang ang sagot niya at nagpatugtog ng Young at Heart ni Frank Sinatra.      "You're an old soul, I see," sambit ni JM sa kawalan. "Nakikinig rin ako sa mga bago," sagot niya habang abala pa rin. "Talaga? Tulad nino?" tanong niya naman. Ibinaba na ng dalaga ang kanyang cellphone at saka sumagot. habang nakatingin sa nagmamaneho. "Anyone you can think of," at ibinaling na ang tingin sa bintana. Pinagmasdan niya ang nadaraanan nila at napangiti. "Kanina mo pa sana ginawa yan. Malapit na tayo eh," saway naman sa kanya at bumalik na sa upo niya kanina.      Maya-maya pa, tumigil na ang kotse. Agad nagtanggal si JM ng seatbelt ngunit pinigilan siya. Nagsalita si Alex, "Unahin mo na mag-grocery, I've sent you my list earlier. Samahan na lang kita bumili ng sapatos mamaya." Nagulat siya dahil hinawakan siya ng dalaga sa braso habang sinasabi iyon. "A-alright, hintayin na lang kita dito," nauutal niyang sagot. Lumabas na si Alex sa sasakyan at pumanhik na sa Cruzado's.     "Fred!" Sinalubong siya ng lalaking may nakasabit na medida sa balikat, sa tantsa ay 45 anyos na ang matanda. Matagal na siyang mananahi rito at pinakaunang empleyado. Sa kanya na iniwan ng may-ari ang tindahan dahil wala naman itong anak. "Alex! My favorite and ever gorgeous customer! How are you dear?" pagsalubong ng matanda at bumeso. "I'm great, and you?," balik niya. "Well, medyo maluwag ang production. But now you're here, I'm sure we'll be doing more," sagot ni Fred at natawa. "Kaunti lang naman ang ipapagawa ko, don't worry. Let's get started, shall we?" sabi naman ng dalaga.      Sinimulan na siyang sukatan sa balikat, dibdib, braso, waistline, hip at legs. "Okay, still the same measurements. So what do you need?" tanong ni Fred. "I'll have a white Sheath dress, a black Slip dress, and a blue velvet Tube dress," sunod-sunod na sabi niya at nilista naman ito agad ng mananahi. "And oh, I also want the light blue suit Cate Blanchett wore on Ocean's 8. I'll send you the photo for reference." dagdag niya. "Good, I know hindi yan makukumpleto nang hindi nadadagdagan ng bagong suit ang closet mo eh," biro naman ng matanda. Natawa na lamang si Alex. Tumunog naman ang cellphone niya, text mula kay JM. "I'll go, just text me so I can personally pick those up. See you next time, take care." pagpapaalam ni Alex at nagbeso-beso na sila.      Lumabas na siya ng store at nakita agad si JM. "El Padrino's, 10-minute drive lang. Let's go," utos niya agad at pumasok na ng sasakyan. Walang nagawa ang binata kaya nagmaneho na lang siya.     "Good afternoon Ma'am, Sir" bungad sa kanila ng guard at nginitian naman nila bilang tugon. "Shoe size?" tanong ni Alex. "42," mabilis na sagot naman ng binata. "Okay, just follow me," utos ng dalaga at nagsimula nang maglibot. "Welcome to El Padrino's, I'm here to assist you. My name's Simon," sabi ng staff at ngumiti sa kanila. Humarap naman si Alex kay JM at nagtanong, "What're the colors of your suits?" Napaisip naman siya nang ilang segundo saka sumagot, "Black, grey, white, khaki, indigo, maroon and lilac." "Just sit there, hintayin mo na lang kami," sagot niya at lumakad na siya kasama ang staff.      "Is he your boyfriend, ma'am?," tanong ni Simon. "No, just friends. Sinamahan ko lang bumili, he needs my help with his fashion sense," depensa naman ng dalagang abala sa pagtingin sa mga sapatos. Tumango na lamang si Simon at tumahimik. "Let him try these black and grey wingtip Derby, white single Monk strap, penny Loafer, slate bit Loafer, mahogany and tan suede Chelsea boot, all in size 42," aniya kay Simon. "I'll be back, ma'am," sagot naman niya.      Binalikan naman ng dalaga si JM na tahimik na naghihintay. "Ang bilis mo ha, I thought girls take so much time shopping," biglang sabi ng kaninang nananahimik habang umupo sa tabi niya si Alex. "You guys are just basic kaya mabilis lang kayo mamili," pagtatanggol naman niya. "Well at least we save time. Anyway, where do you want to eat after? My treat since sinamahan mo 'ko," aya ni JM. "I can't, I still have to check on my client. At baka hindi mo rin magustuhan kapag ako ang pumili ng resto," pagtanggi niya naman. Sasagot sana si JM ngunit dumating si Simon dala ang mga sapatos. "Sukat mo na," wika ni Alex. Isa-isang sinukat ng binata ang mga sapatos. "Ilakad mo nga, patingin," utos ng dalaga. Naglakad naman si JM suot ang isa sa mga ito. "Hindi ba masikip? Kuha nga tayo ng mas malaki," parang nanay siya ng binata. "No, it's good. Bayaran na natin," pagpigil naman niya. Hinubad na ni JM ang sapatos at naglakad papunta sa counter buhat ang mga kahon. Mabilis silang nakapagbayad gamit ang credit card at lumabas. Inilagay na nila sa passenger seat ang mga pinamili at sumakay. "Nagutom ako bigla, drive-thru tayo," saad ni Alex pagtapos mag-seatbelt. Hindi na sumagot ang binata at nagmaneho na. Hindi pa man nakalalayo ay nakatulog na agad si Alex. "Pagod agad, ano ba 'to. Ako pa tuloy mag-aayos ng grocery niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD