"Ito na ang magiging kwarto nating dalawa." Saad ni Mico habang nakayakap sa likod. Nahihiya na tinanggal ko ang braso niya sa bewang ko at dumistansya sa kanya ng konti. Naiilang pa rin ako sa kanya kahit may nangyari sa amin kagabi. Hindi ako komportable na malapit siya sa akin.
"Kwarto natin?" Kunot ang noo na tanong ko sa kanya.
"Yes kwarto natin, aasahan mo pa ba na sa ibang kwarto ka matulog pagkatapos ng may nangyari sa ating dalawa?" Aniya sa akin. Namumula ang pisngi na umiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit kailangan pa niyang ipaalala sa akin ang nangyari sa amin kagabi.
"Come here." Aniya na hinila ako paupo sa kama. "Mula ngayon, gusto kong kalimutan mo na ang pag ta-trabaho mo sa mariposa, hindi ka nababagay doon. Gawin mo ang gusto mo habang nandito ka sa puder ko." Saad niya sa akin habang hinahaplos ng kamay niya ang makinis kong mukha.
"Pero Mico.. Paano ang girlfriend mo? Baka magalit siya kapag nalaman niya na dito ako nakatira at iisa lang tayo ng kwarto." Sabi ko, siguradong magagalit ang secretarya niyang si jobel kapag nalaman nito nasa penthouse ako ni Mico nakatira. At kahit hindi sabihin mi Mico alam ko na may relasyon sila ng babae dahil sa nakita ko kanina sa kanila.
"Girlfriend? Look Lyee, hindi kita dadalhin dito kung may girlfriend ako. " Seryosong sabi niya.
"Pero paano kapag nalaman ng sekretarya mo na dito ako nakatira sayo, and worse mag kasama oa tayo sa iisang kwarto. Ayaw ko makasakit ng kapwa ko babae Mico." Seryosong saad ko.
Mas lalo naman kumonot ang noo niya sa sinabi ko. "Ano naman ang kinalaman ni, Jobel kung magkasama tayo sa isang bubong at isang kwarto." Naguguluhan na tanong niya sa akin.
"Alam ko na may relasyon kayo at hindi mo na kailangan itago pa yun sa akin. Bakit hindi mo magawang ipakilala si Jobel sa pamilya mo? I'm sure na matatanggap siya ng mommy mo dahil mabait naman siya mg ipakilala mo ako sa kanya. Maganda din naman si Jobel, sexy at higit sa lahat sekretarya mo siya, kumpara sa akin na isa lamang stripper sa isang bar." Sagot ko sa kanya. Mariin niya akong tiningnan at bumuka ang kanyang bibig na para bang may gusto siyang sabihin sa akin.
"Kung ano man ang nalaman mo tungkol sa amin ni Jobel, hindi totoo yun." Aniya sa akin. Pagak akong tumawa sa sinabi niya
"So mali ang nakita ko sa opisina mo na naghahalikan kayong dalawa, ganun ba?" Naiiling na saad ko sa kanya." Rinig na rinig ko ang sinabi niya na namimiss ka na niya dahil hindi mo siya pinuntahan sa condo niya. And you said to her na pupuntahan mo siya ng gabing yun para makabawi ka sa kanya. So mali lahat ng nakita at narinig ko?" Pang uuyam ko sa kanya.
"Lyee, hindi mo naiintindihan, kung ano man ang narinig at nakita mo mali yun." Paliwanag niya sa akin.
" Mali? Saan ang mali dun kung nobya mo naman talaga siya. Mas mali itong ginagawa nating dalawa dahil may nobya ka na pero nakikipagtalik kapa sa iba. Walang mali sa ginagawa niyo dahil mag nobya naman talaga kayo." Saad ko.
" f**k, Lychee Ann! Bakit ba hindi ka muna makinig sa akin." Galit na sabi niya sa akin. Nabigla naman ako sa pagtawag niya sa akin ng buo kong pangalan. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Wala naman ibang nakakakilala sa akin sa bar kundi ang apat kung kaibigan. Kahit si madam Leah hindi nito alam ang totoong pangalan ko at ang totoo kong pagkatao.
"P-paano mo nalaman ang buo kong pangalan?" Kinakabahan na tanong ko sa kanya. Iniisip ko na baka may alam siya tungkol sa aking pagkatao. Natigilan naman siya ng tanungin ko siya kung paano niya nalaman ang totoong pangalan ko.
"Ah,.. narinig ko ng isang beses kay Peachy. Narinig ko sila ng isang beses na ang usap ni Adriano tungkol sayo dahil nag aalala siya sayo." Agad na sagot niya sa akin pero nag iwas siya ng mata.
Kumunot ang noo ko dahil kahit kailan hindi naman ako tinatawag ni Peachy sa buo kong pangalan. Kung hindi Lyee ang tawag niya sa akin ay b***h nito.
"Si Peachy? Kailan mo narinig yun sa kanya?" Kunot ang noo na tanong ko sa kanya. Duda akong kay Peachy niya narinig iyon dahil alam na alam kong hindi nagsasalita ang kaibigan ko na ikakapahawak ko.
"Ah, yes isang beses tinanong siya ni Adriano kung ano ang mga totoong pangalan niyo at sinabi niya na Lychee Ann ang name mo. Sinabi din niya ang totoong pangalan ng dalawa niyong kaibigan." Ani pa niya. Ganun na ba kalapit si Peachy at si Adriano para ikwento nito sa binata ang mga totoo naming pangalan? Paano kung sabihin ni Adriano kay Mico kung sino talaga ako at matunton ako ng mga magulang ko? Posibleng mangyari yun dahil kilala ni Mico ang mommy ko.
"Anyway wag na natin pag usapan ang tungkol diyan at ang tungkol naman sa amin ni Jobel, walang may namamagitan sa amin. We're just a f**k buddies, at siya nag offer nun. Alam niya na sa umpisa pa lang kung saan siya lulugar dahil wala naman kaming relasyon na dalawa." Pag amin niya sa akin. Medyo na gulat pa ako sa sinabi niya na fubu sila ni Jobel. Ibig sabihin may nangyayari sa dalawa kahit sa loob ng opisina nito.
" Nadala mo na ba siya dito?" Biglang tanong ko. Dahil kung nadala na niya ang sekretarya niya dito at may nangyari na sa kanila dito sa loob ng kwarto mas pipiliin ko na lang nasa labas ako matulog kaysa sa kwarto na binaboy nila.
"No, Wala akong ibang babaeng dinala dito maliban sayo. Dahil pinangako ko na ang tanging dadalhin ko dito ay babaeng pakakasalan ko." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.
" Ha? Pero bakit mo ako dinala dito kung ang tanging babaeng papakasalan mo lang ang plano mong dalhin dito? " Kinakabahan na tanong ko.