Chapter 15

1200 Words
Naging maayos naman pagtira ko sa puder ni Mico, naging sweet din siya sa akin na hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang pinapakita niya sa akin. At katulad ng sinabi niya, naging personal assistant niya ako at sumasama sa kanya kahit saan man siya mapunta kahit sa mga meeting niya ay kasama niya ako. “You okay love?" Tanong niya sa akin ng papasok kami sa hotel na pagmamay ari ng daddy ko. Kinakabahan ako na baka may maka salubong kaming staff at makilala ako. “Ha? Ah o-oo okay lang ako. M-mico pwede ba sa kotse mo na lang ako, at hihintayin kita doon?" Biglang sabi ko sa kanya na kinatigil niya. Natatakot kasi ako na baka nandoon si daddy. “Hey, bakit ba parang natatakot ka? Don't worry dahil hindi kita iiwan doon, trust me okay.” Aniya sabay halik sa likod ng kamay ko. Nag ipon muna ako ng hangin sa dibdib at bumuga, ewan ko ba pero ang lakas talaga ng kaba ko, dagdagan pa ng ginawa niyang paghalik sa kamay ko na nag palakas ng t***k ng puso ko. Parang may mga paru parung lumipad sa sikmura ko na gustong kumawala dahil sa ginawa niya sa akin. “M-mico.." sambit ko habang nakatingin sa kanya. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Bakit sa mga nagdaang araw na naka kasama ko siya ay nahuhulog ako sa kanya. Alam ko na mali ang nararamdaman ko dahil wala naman kaming relasyon na dalawa. Pero hindi ko mapigilan mahulog sa kanya lalo na sa mga pinapakita niyang sweetness sa akin. “Let's go love, dahil hinihintay na tayo ngga ka meeting ko." Aniya na hinila ako ng tuloyan papasok sa hotel namin. Nanatili akong naka yuko habang naglalakad papasok sa hotel para walang makakilala sa akin. “Mr. Valderama." Tawag kay Mico ng isang my edad na lalaki. “Mr. Ramos." Nakipag Kamay naman si Mico dito. "Sit down and let's start.” Ani ni Mico dito. " By the way Mr. Ramos, this is Lyee, my girlfriend and my future wife.” sabi ni Mico sa matanda. “What a beautiful name, just like you, iha.” Ani sa akin ng matanda. “Thank you po sir." Nahihiyang sagot ko sa kanya. " Your welcome iha, anyway you look pamilyar iha, nag kita na ba tayong dalawa?” Maya maya ay tanong sa akin ni Mr. Ramos. “Ho? Baka kamukha ko lang po sir, dahil ngayon ko lang po kayo nakita.” Saad ko at nag iwas ng tinging kay Mr. Ramos. Bigla akong na takot na baka kilala niya ako at bigla niyang sabihin kay Mico. “Excuse me po, Sir. Ramos, Mico mag babanyo lang po ako sir." Agad na paalam ko sa kanila at tumayo na. “Gusto mo bang samahan na kita love?" Ani sa akin ni Mico. “Hindi na kailangan, kailangan ko na mag isa.” Nakangiti kong sabi sa kanya at pumunta na sa banyo. “Ann?" Napa tigil ako ng may tumawag sa akin. Lumingon ako at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang dating kaibigan ko. “Ara?" “Ann, ikaw nga! Umuwi ka na ba sa inyo? Alam mo ba na nag aalala si tita sayo? Teka sino ang kasama mo dito? Si tita ba?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Ara. " Ara, sana wag mo ipaalam kay mama, nanakita mo ako dito sa hotel. “Pero Ann, nag aalala si tita sayo, ibig sabihin hindi nila alam na nandito ka na sa hotel niyo, ano ba talaga ang nangyari ha?” Naguguluhan na tanong niya sa akin " Mahabang kwento Ara, pero hindi ko pa masabi sayo ngayon sige mauuna na ako, sayo.” Wika ko at dumeretso na ng banyo. Pagpasok ko sa banyo agad na akong napa hilamos ng mukha, masyado ng lumiliit ang mundo ko ngayon sa pamilya ko at sa mga taong nakakakilala sa akin. Anumang oras ay malalaman na Mico ang tungkol sa totoo kung pagkatao, at ang kinakatakutan ko ay ang pilitin ako ng daddy ko na pag pakasal pa rin sa kasosyo niyang matanda kahit na ayaw ko. Hindi ko pa nagawa ang pangarap ko at gusto ko pang ikotin ang mundo. Gusto ko na tuparin ang pangarap ko na maging flight attendant, mag trabaho habang naiikot ang mundo. Pero paano ko nga ba ito magagawa kung nagtatago, at wala man lang akong sariling trabaho. Hindi ko pinangarap na mag stay sa bahay at mag alaga ng asawa dahil hindi pa ako handa, ang bata konpa sa edad na bente para mag asawa na. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago lumabas ng banyo, medyo nagulat pa ako ng makita kong naka sandal si Mico sa pader sa labas ng banyo. “M-mico ano ang ginagawa mo dito? Tapos na ba ang meeting niyo?" Nauutal na tanong ko sa kanya. “Hinihintay kita, nag alala kasi ako sayo dahil medyo natagalan ang pagbalik mo sa mesa.” Aniya na agad hinawakan ang kamay ko. " Ah,pasensya ka na naligaw kasi ako kanina” pagsisinungaling ko sa kanya. " Hindi ba sinabi ko naman sayo kanina na samahan na kita.” aniya na tumingin sa akin. “Okay lang, halika ka na at baka hinihintay na tayo ng kameeting mo." Sabi ko at nauna ng maglakad sa kanya. “It's okay love, tapos na ang meeting ko kay Mr. Ramos. Kumain na muna tayo rito at mamasyal kung saan mo gusto.” Ngumiti siya sa akin at hinapit ako. Bumalik na kami sa mesa namin at wala na nga doon si Mr Ramos pero may mga nakahanda na doong pagkain para sa amin. " Hindi ko alam kung ano ang mga paboritong pagkain mo kaya marami akong inorder para sayo.” Saad niya na pinag hila ako ng mesa. Napapakurap ako ng mata habang nakatingin sa pagkain. Palipat lipat ang tingin ko sa kanya at sa pagkain na nakahain sa mesa. Kahit sinabi niya na hindi niya alam ang mga paborito ko ay hindi pa rin ako makapaniwala. Dahil halos ang lahat na nakahain sa mesa ay paborito kong pagkain, mula sa kare kare, carbona, at sinigang na hipon. “Lahat ng pagkain na yan Mico ay paborito ko.” Wala sa sariling saad ko. " I'm glad na naalala mo pa ang mga paboritong pagkain mo.” Aniya sa akin kay kunot ang noo na tumingin ako sa kanya. Ano ang ibig niyang sabihin na naalala ko ang mga pagkain na gusto ko dati, may alam na ba siya sa totoong pagkatao ko? *** SORRY PO KUNG NGAYON KO LANG NA UPDATE SI LYCHEE, PIPILITIN KO PO NA MAKAPAG UPDATE SA KANYA 2 A WEEK. PASENSIYA NA PO TALAGA. MALAPIT NA PO MATAPOS ANG DALAWANG PTR AKO AT BAKA MAG FOCUS NA RIN AKO SA KANYA PARA MATAPOS NA SIYA. BAKA 25 CHAPTER LANG PO SI LYCHEE O 30 GANYAN LANG PO AMG ESTIMATED CHAPTER KO SA KANYA DAHIL SHORT STORY LANG PO ANG GAGAWIN KO SA STORY NA TO.. MARAMING SALAMAT PO SA PAG IINTINDI NIYO. PLEASE ADD PO SA LIBRARY NIYO "ALAB" POOR HANDSOME MEN 4 AT ANG MY LUSTFUL LOVE.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD