ACE TAKESHI'S POV
"Yan! Bongga girl! Just be normal!" Napa-iling na lamang ako sa kaingayan ni Alexa habang kumukuha ng litrato.
Kasalukuyan nilang kinu-kuhanan ng litrato yung batang model nila, ako nama'y naka-sunod sa kanila at vini-video ang ginagawa nila.
"Anna, pagod ka na ba?" tanong ni Akashi sa bata.
"Hindi po kuya Kiel! Bawal po mapagod eh." Naka-ngiting ani ng bata.
Nangunot naman ang aking noo sa sagot ng bata, "Bakit bawal kang mapagod? Bata ka lang, malamang mapa-pagod ka." sabat ko sa usapan nila, patuloy ko pa rin silang kinukuhanan ng video.
"Eh kasi po kuya Ace, pag napagod po ako, eh di wala akong pera na maiiuwi sa bahay. Tapos hindi makaka-kain ang mga kapatid ko. Wala din kaming pam-bili ng gamot ni nanay." natahimik kami sa sagot ng bata.
'She's so young to experience this things.'
Maya-maya ay hinawakan ni Akashi ang ulo ng bata saka ngumiti, "Do you wanna play? Let's have fun for a while." Nangiti ang bata ng malawak saka tumango.
"Bongga! G ako dyan! Wieeee tara na bataaa!" ani Alexa saka mabilis na nahigit ang bata kung saan.
"Oh great. Just great." Sarkastikong bulong ko, naramdaman ko namang inakbayan ako ni Kiel saka tumawa.
"Alexa's nice, Takeshi. Wag masyadong mainit ang ulo." Ani pa nito saka sinundan ang dalawa.
I frowned, 'You must be kidding me.'
"Kuya Ace! Tara po dito!" Usal nung bata saka ako nginitian. I signed my hand 'ok' saka marahang nag-tungo roon.
"Bongga nito ah gravity! Ngayon ko lang itech na sakyan! Hahahaha!" natatawa pang ani Alexa, naupo na lamang ako sa isang swing saka pinag-laruan ang bato sa paanan ko.
"Tukmol, tara dito." Dinig kong ani Akashi kaya nag-angat ako ng tingin rito.
"Nah, enjoy yourselves." ani ko, saka yumuko at ipinikit ang mga mata.
'I'll rather sleep than play with that stupid irritating girl.'
BLAKE MITZUKI'S POV
"Thanks girls." ani ko na mayroong pilyong ngiti sa labi, saka nag-lakad palayo sa kanila. "Yo, nakita mo ba si Yamazaki?" anas ko nang malapitan ang isang soccer player.
"Naiwan ata sa field." sagot nito saka ko tinapik ang kanyang balikat bilang pasa-salamat at nag-tungo na sa field.
"Tch! If I'm not that slow I should be the one,not that guy! That should be me! That should be me making her laugh! That should be me oh hell this is so sad! That should be me! Aaaaarggghhh--" natatawang pinanood ko si Yamazaki nang masipa nito ang bola papunta sa direksyon ko.
"Why don't you just sing the whole song, tukmol? With correct lyrics of course." natatawang ani ko, saka pinulot ang bola at sinipang muli papunta sa kanya. "Bakit heartbroken ka na ata kaagad, Yamazaki?" nag-lakad ako palapit sa kanya saka inagaw muli ang bola.
"Shut up, Mitzuki." singhal nito saka naupo sa damuhan, kaagad ko naman syang dinaluhan roon, "Tch."
"Pfft--hahaha--" kaagad nya kong sinamaan ng tingin kaya itinigil ko ang pag-tawa, "Okay, sorry. Spill it, tukmol."
"I saw her kanina, tukmol. I saw Yesha with some guy. Mukhang nagde-date sila." aniya, naka-nguso ito habang nagku-kwento.
'Napaka-isip bata talaga ng tukmol na 'to. (#`-_ゝ-)'
Inakbayan ko sya saka ngumisi, "Alam mo tukmol, madali lang yan. Sulutin mo, hindi pa naman kasal--aacck!" kaagad akong natigilan ng i-headlock nya ako.
"Wala talagang kwenta yang mga sinasabi mo! Grrr!" ani pa nito saka mas hinigpitan ang pananakal sa akin, napa-tapik naman ako sa braso nya upang bitawan na ako.
"You should have said something useful, Mitzuki. Wag mong igaya sayo si Yamazaki." Ani Takizawa na kadarating lamang, naupo rin ito sa tabi naming dalawa. "Are you certain?" Maya-maya ay ani Takizawa, nilingon namin ito ni Yamazaki.
"What do you mean?" Ani ko, nangunot ang noo sa tinuran niya.
"Did you asked her? Did she said that she's going out with that guy?" ani 'to habang malayo ang tingin, "Better not jump into conclusion, tukmol. Ask her." usal nito saka nahiga sa damuhan, may mga babaeng nilingon ang gawi namin dahil kay Takizawa.
'Tch. Pa-cool ang loko.'
"Yamazaki." ani ko ng may naisip na plano, "Let's go." usal ko pa saka sya hinigit patayo.
Sumenyas naman si Takizawa na maiiwan sya roon at umalis na kami.
Nang maka-rating sa canteen ay kaagad na gumala ang paningin ko, "Bakit ba tayo nag-punta rito Mitzuki?--" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nito saka sya hinigit palapit sa mesa ni Yesha. "What the--"
"Hi. We'll take a seat." usal ko saka naupo. "You know me right?"
Natigilan si Yesha sa amin saka tumango sa tanong ko, "Nice. You know him right?"
"Oo, pero bakit kayo andito--" mabilis kong inilapat ang hintuturo ko sa labi nya.
"Let's be friends." I utter then smiled widely.
"What the f, Mitzuki." mahina at halos pabulong na ani Yamazaki, nginitian ko lamang ito ng nakaka-loko.
'Ako pa ata ang naka-score dito HAHAHAHA'
ALEXA YOSHIDA'S POV
"Salamat po rito kuya Kiel!" ani Anna saka naka-ngiting tinignan kami, "Salamat po sa inyo, ate Alexa at kuya Ace."
Nginitian ko ang bata saka tumango, "Wit namang kailangan na pasalamatan pati ako, bata. Si Kiel naman nag-bigay sayo nyan eh hehehe."
"Ay ayos lang po, salamat po kasi na-enjoy ko po ang araw kasama kayo." Naka-ngiting anito, "Mauuna na po ako, ate at mga kuya!"
"Ihahatid na kita," paga-alok ni Kiel sa bata.
"Salamat na lang po, kuya Kiel. Malapit lang naman po ang bahay ko rito." ani to saka kumaway.
"Ingat ka pag-uwi bata!" usal ko saka kumaway pa.
"I'll get going. Adios." usal ni Ace Takeshi mula sa likuran saka kami nilagpasan.
"Takeshi! I'll give you a ride!" ani Kiel ngunit kinawayan lamang sya nito nang naka-talikod.
'Wala talagang manners ang isang yon hmp!'
"Pag-pasensyahan mo na si Takeshi, Alexa." baling nito sa akin. "Hatid na kita?--" natigilan ito ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Sagutin mo na teh." naka-ngiting usal ko.
'Tapos ako naman ang sagutin mo! Hihihi charr!'
"Oh Mitzuki? Ah oo nga pala. Why do I have-- tss. Okay, okay. I'll be there in hmm, a few minutes. Okay, shut up hahaha. Bye." pagka-tapos makipag-usap sa cellphone nya ay bumaling sya sa akin ng tingin. "Alexa sorry, hindi pala kita maiihatid ngayon, but I promise, babawi ako sayo--"
Nalungkot man ang aking byuti sa tinuran nya ay ngumiti ako saka umiling sa kanya, "Ayos lang teh. Exercise din to! Hehehe!" natawa naman ito sa akin saka ginulo ang buhok ko.
"You're such an incredible girl, be safe okay? I'll treat you next time." naka-ngiting aniya habang naka-hawak pa rin sa buhok ko
'Kenekeleg eke enebe Kiel :">'
"You should go now, I'll see you off." ani to, umiling naman ako.
"Mauna ka na teh."
"Nah, I better at least see you off. Send me a message if you're already at home, okay? Take care Alexa." naka-ngiting aniya sa akin saka itinalikod ako sa kanya at marahang itinulak. "Bye, Alexa." nilingon ko ito saka kumaway.
"Bye bye Kiel Akashi!" ani ko saka nag-simula ng mag-lakad.
'Kaloka oh, gutom na akez mga teh huhuhu :<'
Saktong nadaanan ko naman si Aling Bebang kaya kumaway ako saka sya nilapitan. "Hi aling Bebs!"
"Oh neng, ikaw pala. Kwek-kwek ngayon diba neng? Hahaha" natawa ako sa tinuran nito.
Kilalang kilala na talaga ko ni aling Bebang.
"Tama po kayo, kwek-kwek ngayon aling Bebs. Hahahaha!" ani ko saka naupo sa kalapit na silya. Saka aabutin na sana ang kwek-kwek na ibibigay ni aling Bebs ng may umagaw nito.
"Magkano?" aniya, saka isinubo ang isang buong kwek-kwek.
"Hoy Ace Takeshi! Alam mo bang akin yang kwek-kwek na kinakain mo?!" pasinghal na ani ko.
"Sayo to?--" umakto itong nasusuka, "Your name isn't here though." aniya saka nag-tuloy sa pagkain.
"Hmp! Linya ko yon! Wag kang mangopya!" ani ko, paano'y yon mismo ang sinabi ko dun sa babaeng nang-agaw ng pwesto namin sa canteen.
'In-english nga lang nitong si Ace Takeshi!"
"Neng, meron pa naman dito. Wag mo ng awayin si utoy." ani aling Bebs, saka bumaling kay Ace Takeshi. "Utoy bente pesos yan, sige ubusin mo muna."
"U-utoy? Me? What the heck." bulong na ani Ace Takeshi kaya sinamaan ko ito ng tingin.
Kinuha ko naman kaagad ang kwek-kwek na inia-abot ni aling Bebs saka nag-bayad. "Ako po ang inaaway nyang utoy na yan aling Bebs! Hmp!"
Usal ko ngunit hindi ma lang ako tinapunan ng tingin ni Ace Takeshi sa halip ay nag-bayad na ito kay aling Bebs saka umalis.
"Wala talagang manners ang lokong yun! Sorry po dun aling Bebs." ani ko saka inubos na ang aking pagkain saka umalis na din.
Nakita ko pa si Ace Takeshi na nagla-lakad din, naka-suot na ito ng baseball cap na lagi nyang suot sa school.
'Hmp! Isang kanto nga lang pala ang layo ng bahay namin sa kanya! Bat ko ba naka-limutan yon?'
Dahil sa asar ay pinagsi-sipa ko ang mga batong nadaraanan ko.
"If you're going to stalk me, don't make it too obvious." dinig kong anito kaya nan-laki namang talaga kaagad ang aking mata. Magsa-salita pa lamang ako ng bigla syang humarap sa akin, "Why are you following me, stupid?"
Napansin ko namang nasa tapat na ako ng bahay namin, "Wag ka ngang assuming dyan! Hmp!" pumasok na kaagad ako sa bahay at hindi na syang pinag-salita pa.
'Ang assuming kase eh! Buti nga sayo nye nye nye!'
Naalala ko naman ang sinabi ni Kiel na i-text sya pag-uwi ko kaya kaagad kong kinapa ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko.
'Uemji! Asan ang precious cellphone ko na may number ni Kiel Akashi?!'
***