ALEXA YOSHIDA'S POV
Nasa may parking lot ako para hintayin si Yesha, paano'y nauna na si Aya at may gagawin pa daw sya ngayong umaga.
"Hyaaaaaaaaaawn--" mahinang paghihikab ng isang lalaki. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, may mapupulang mga labi, maganda ang mga matang kulay chocolate, mahabang pilik mata--
'Ay teka teh! Chine-check out ko ba to-- si lalaki sa library! Yung kasama ni stranger!'
"Ah-- oh, I'm sorry. Naka istorbo ba ko? " mayrong magandang boses, perpektong mga ngipin, at naka tingin sya sakin.
"Hey--" usal nito muli. Ikina-kaway ang kanyang kamay sa aking mukha."Oh, Alexa right?" Ani pa nito.
"Y-yo. " usal ko, napapahiya. 'Alexa, sino ba naman kasing may sabing titigan mo sya? Tss  ̄. ̄'
"Haha. Here, take it. " anas nito pagka kuwan at iniabot sakin ang dala nyang gatas.
"Thanks. " usal ko saka ngumiti, bumabawi mula sa pagka pahiya. "But no thanks. " naka ngiting ani ko.
He nodded then smiled, "Pasensya ka na kay Takeshi ah." Ani to, saka naupo sa bumper ng kulay pulang kotse.
Nag-pintig ang tenga ko ng narinig ang pangalan "Aysh. Ganon ba talaga yon?"
Taka naman syang lumingon sa akin, "What do you mean?"
"Takeshi ba ang pangalan non? Tsaka ikaw? May pangalan ka ba?" Rektang tanong ko, natawa naman sya ng bahagya.
"Of course I have a name, Kiel, Kiel Akashi." Ani to saka ngumiti, 'Olala~ napaka-gandang umaga-- heh! Ano ba Alexa!'
"And Ace is his name, Ace Takeshi." Dagdag na aniya, saka ininom ang gatas na ini-alok nya sakin kanina.
'Ace? Tch. Baduy ng pangalan ah •﹏•'
"Hoy Ex!" Ani Sha ng makita ako, kumaway naman ako rito. Maging si Kiel ay nilingon sya. "Tara na."
"Una na kami,Kiel Akashi." Ani ko bago umalis, natawa naman ito ng banggitin ko ang kanyang buong pangalan.
Nang maka-layo ay kaagad akong binatukan ni Yesha "Ano ka ba Ex! Bat kasama mo dun si Kiel ha?"
"Bat ba? Tch." Ani ko saka kinamot ang parte ng ulo kong binatukan nya. "Ang sakit ah."
"Sorry, eh alam mo namang hindi maganda ang unang impression nyan sayo--"
"Mabait naman sya eh, di hamak na mas mabait dun sa Ace Takeshi na yon!" Usal ko, napapa-lakas pa ang boses dahilan ng pag-tingin sa amin ng ibang estudyante.
"Eeh basta, iwas muna tayo sa kanila, lalo ka na." Anito saka ako hinila.
"Nye nye." Bulong ko, kaagad naman nya kong nilingon at sinamaan ng tingin. "Hehe peace (^_^)Y."
STEVEN TAKIZAWA'S POV
I decided to drop over Takeshi's house, baka kasi mag-lakad na naman.
Bababa na sana ako sa sasakyan ng may makitang tatlong lalaki na patungo sa bahay ni Takeshi. May dalawa pa sa likod ng mga ito.
Ibinaba ko ang bintana ng kotse saka sinundan sila ng tingin. "Alas!" Sigaw ng isa sa kanila, ang iba pa ay nanatili lamang sa likuran nito. Kumatok ito ng kumatok sa pintuan ni Takeshi.
"Alas buksan mo ang pinto!--" biglang nag-bukas ang pinto at lumabas si Takeshi magulo pa ang buhok.
"Oh? Wala kong barya,sa ibang bahay kayo mangaroling." Ani to saka akmang sasarduhan na ang pinto.
"Alas wag kang ganyan parang wala tayong pinag-samahan ah." Usal nung nasa harapan.
"Tch. Sa pagkaka-tanda ko ay wala naman nga, damulag." Ani Takeshi saka sumandal sa pinto, bumaling pa ito sa ibang kasama nung tinawag nyang damulag.
Nang makita nya ko sa di kalayuan ay nag-taas lamang ako ng kamay, pagka-tapos ay bumaling syang muli doon sa damulag.
"Wala akong panahon, sabihin mo kay poop--ah,Trigger nga pala. Paki-sabi na lamang sa kanya na mag-hanap na lamang sya ng iba. Sige na, alis." Tuloy-tuloy na sabi nito saka pinag-tabuyan pa ang mga ito, iiling-iling silang nagsi-alisan.
Si Takeshi nama'y bumalik na sa loob ng bahay nya pero iniwang bukas ang pintuan, kaya't bumaba na ko at tumuloy sa bahay nya.
"Don't mention it to them, Takizawa." Ani 'to habag naga-ayos ng polo nya. Ako nama'y naupo sa sala nya saka pinag-laruan ang piguring nasa ibabaw ng mesa.
"What's that about then, Takeshi?"
"It's nothing." Simpleng sagot nito saka pumasok sa kwarto nya.
'He doesn't want to talk about it eh?'
Nang maka-labas sya sa kwarto ay nauna na syang lumabas sa pinto, "Aren't you going?" Ani pa nito
Kaya't lumabas na rin ako at ini-unlock ang kotse, magsa-salita pa lamang ako ng pumasok na sya sa kotse ko, napa-iling na lamang ako.
"Get in." Ani pa nito
"Tch, asshole." Ani ko, natawa na lamang sya saka in-unbotton ang first two buttons ng polo nya.
"Everything's alright?" Ani ko, nasa byahe na kami papuntang school.
He didn't bother to look at me, "Of course, don't care too much Takizawa." Ani 'to, saka nakaka-lokong tumingin sa akin. "Or I might think that you like me--"
"Oh get lost, Takeshi." Sagot ko saka sya natawa.
Maya-maya pa ay naka-rating na kami sa parking lot, natanaw naman namin kaagad sina Yamazaki at Akashi.
"I thought you're walking! Buti na lang kasabay ka nitong si fafs Takizawa, hahaha." Ani Yamazaki saka umakbay pa sa akin.
"Where's Mitzuki?" Takeshi asked
"Bakit? Miss mo na tukmol?" Biro ni Akashi na kaagad namang nagatungan ni Yamazaki
"Sabi ko na nga ba nagta-taksil sakin yang si Mitzuki! Traydor ka Takeshi!--Aack!--" Takeshi headlocks him even before he finished his sentence
"What a scene." Ani ko saka sumandal sa kotse ko at nag-cross arms.
"Where in hell would Mitzuki be?" Ani Takeshi saka naki-sandal sa kotse ko
"Maya-maya pa ay magsi-simula na ang klase, tara na classroom. I'll just text him." Ani Akashi, saka nag-tipa sa kanyang cellphone.
Habang nagla-lakad ay marami pa ring mga naka-tingin sa ain, parang hindi kami nakikita rito araw-araw. (#`-_ゝ-)
Nang maka-rating sa classroom ay kaagad kaming naupo sa likurang bahagi, "He'll be here in 30 minutes." Ani Akashi
Maya-maya pa ay pumasok na ang guro, bumati sa amin saka nag-check ng attendance.
"Is Mitzuki not yet here?" Ani Ms. Dagundong saka tumingin sa gawi namin.
"He'll be late Ms." Ani Akashi, ngumiti pa ito sa guro.
Mula naman sa tabi ko ay naririnig kong mag-pustahan sina Takeshi at Yamazaki.
"Wala ka na bang ibang itataya Takeshi?" Bulong na ani Yamazaki
Si Takeshi nama'y nanatiling nakatingin sa harapan, "Then, I'll bet my pride, fat ass." Ani to, saka nakipag-fist bump kay Yamazaki
Bumaling naman ito kay Akashi, "Kiel Akashi, what will be your bet?"
"Stop doing those, Yamazaki. I'll not gonna play those kind of games" ani Akashi saka bumaling sa harapan
"So? Are you in,Takizawa?" Bulong ni Yamazaki sa tabi ko
'I'll bet my car, he's with some of his girls.'
"My car." Ani ko, then smiled silly.
After a while, Mitzuki came in rush, he looked decent this time tho. "Sorry for being late, Ms." Ani 'to saka kinindatan ang dalagang guro.
Tumango na lamang ang guro saka pinatuloy si Mitzuki. Pagka-tapos ay naupo na ito sa tabi ni Akashi.
"Hey, Mitzuki where have you been?" Tanong ni Yamazaki saka dumungaw pa para makita si Mitzuki
"Party last night, bro." Ani 'to saka ngumiti ng nakaka-loko.
"Party, you mean with girls?" Tanong ni Akashi
Mas ngumiti naman ng malawak si Mitzuki 'My car will still be mine.'
Natatawang humarap naman si Yamazaki kay Takeshi saka pinat ang balikat nito, "You lose."
"What the heck?!" Napalingon sa gawi namin si Ms. Dagundong gayundin ang mga kaklase namin.
"Is there a problem, Mr. Takeshi?" Tanong nito kay Takeshi, bago sumagot ay tumingin muna ito sa amin.
"Something urgent came up, Ms." Ani 'to, pagka-tapos ay tumayo na "I'm going." Dagdag na aniya saka lumabas
"What a man. Hahahaha." Bulong ni Yamazaki
ALEXA YOSHIDA'S POV
"So, as I was saying, club registration are now open. Each of you must register into any kind of club within this week. If not, you will be assigned in monitoring the cleanliness of the entire school. So better register, students." Ani Ms. Kisses
'She's Ms. Kill-eye for me mga teh, yaz. As in kilay, bikoziness kilay is life!'
"That's all for today, wait for your next prof." Ani pa nito saka umalis na.
"Dude, saang club ka magjo-join?" Tanong ko kay Sha, bumaling naman ito sa akin
"Ex, member na ko ng cheerleading squad, hindi ko na kaylangan sumali sa iba." Kaagad akong nanlambot sa sinabi nya "Ikaw? San ka sasali dude?"
'Nakapag-decide na ko kanina nung akala ko ay may makakasama ako sa club! Pero ngayon ay nawala na ang plano ko ƪ(•̃͡ε•̃͡)∫'
"Aaah ewan! Magmo-monitor na lamang akez ng cleanliness of the entire universe!" Ani 'ko, natawa naman ang iba naming kaklase.
"Umayos ka nga Ex! Oh sige mag-monitor ka ng cleanliness ah? Goodluck dude! May future ka!" Natatawang ani Sha
"Echoss lang ulet teh. Hehez qt q pa din teh kaloka. :"> " nakakalokong ani ko.
"Ay naman si bakla sang part teh?" tanong ni Yesha animong ginagaya pa ang wika na ginamit ko.
"Paki-search na lang sa google teh. " turan ko. "Ay andyan na si Sir Eli hihi. " bigla ay naging dalagang pilipina ang kilos ko saka naupo.
"Good afternoon. I am Mr. Eli Mclean, your math teacher. Call me Sir Eli. " agad na usal ni Sir Eli, bagong teacher sya kaya't nagpakilala.
'Palibhasa'y gwapo kaya kilala ko sya syempre,naka-salubong ko sya kanina eh hihi°‿°'
"Sir! " bigla akong nag-taas ng kamay na madalang kong gawin, tinanguan naman ako ni Sir upang magsalita "Can I call you mine? " biro ko pa dahilan upang mapuno ng tawanan ang klase.
Pagka-tapos ng klase ay wala silang ibang bukambibig kundi si Sir Eli.
"Super gwapo ni Sir Eli! Talagang nabuhay ang dugo ko kahit na math ang subject! " saad ni Faye.
"Wao naman teh. Ikaw na! " usal ko naman na ikinatawa nito.
"Ex, una ka na. May practice ako eh. Babay!" Ani Sha saka kumaway, tumango na lamang ako.
"Ex, hindi ka pa uuwi? Hapon na oh." Ani Halsy, nasa may pintuan na ito.
"Ah oo, sige mauna ka na." Naka-ngiting ani ko.
Bago umuwi ay dumaan muna ako sa isang isaw stall, 'Bukod sa kilay, tuhog is life din!
"Ay aling Bebang, nabili na po lahat?" Ani ko saka bumaling ng tingin doon sa ihawan.
"Ay oo neng. Pinakyaw na ni madam." Ani 'to saka itinuro yung nasa 40's na babae. Nakapansin naman ito saka lumapit sa amin.
"Would you like to have some?" Tanong nito ng maka-lapit. I unconsciously nod my head as an answer.
Natawa naman ito saka inabutan ako ng luto na saka iginaya sa kinauupuan nya kanina.
'Ang ganda ni tita para sa edad nya ah. In all fairness namern.'
"Sorry iha ah, that's one of my son's favorite eh. Kaya I bought 'em all." Anito
"Ah keri lang po, ah I mean, ayos lang po. Pareho po pala kami ng anak nyo." Usal ko saka kumain ng isaw.
"Really? That's great, mukhang same school nga din kayo naga-aral ng anak ko." Naka-ngiting ani to.
"Talaga po? Hala ang bongga." Naiusal ko sa narinig
"What's your name iha?"
"Ah oo nga, Alexa po. Alexa Yoshida po."
"It was really nice meeting you Alexa. Come, I'll drive you home." Anito saka naka-ngiting kinuha yung mga isaw at inilagay sa tupperware. "This way Alexa." Baling nito sa akin saka binuksan ang pinto ng kotse nya
Hindi naman na ko naka-hindi pa.
Mabilis lang ang naging byahe, naituro ko kaagad ang daan at ilang saglit pa ay nasa harap na kami ng bahay
"Salamat po uli--ahmm--"
"Call me tita Keira. And you're very welcome, sweet heart."
Ngumiti ako rito "Salamat po sa pag-hatid, tita Keira. Ingat po kayo."
"Okay sweet heart." Anito saka umalis.
'Uemji. Angel ata si tita, kabog ang byuti!'
***