ALEXA YOSHIDA'S POV
"That's all for today, goodbye." ani Sir Eli, kumaway pa ako rito bago umalis.
Pagka-tapos ay kaagad na kinulbit si Sha, paano'y nagta-tampo ang gagi.
"Wala! Iba ang kausapin mo Ex! Wag ako!" aniya na ikina-tawa ko
"Sha naman! Parang hindi lang kita nadalhan ng puds eh!" naka-ngusong usal ko saka kunwang nagbu-buklat pa ng inayos ko kahapon na individual paper work.
Paano'y nag-text sa akin si Kiel pagka-pasok ko sa bahay, hindi na raw nya nasabi sa akin na may pinagagawang individual paper work si Ms. Kylie, tungkol sa naging activity namin sa arts club.
"Yong tungkol sa puds ay mapapa-lagpas ko pa, Ex." aniya saka ako binalingan ng tingin, "Pero yung hindi mo i-chika sakin ang nangyari ay mali! Hmp. Parang hindi tayo mag-kaibigan ah."
"Eh sa nahihiya nga ako Sha eh! Enebe! Pagka-binaggit ko pa sayo baka mabitin ka lang at wit ko madala sa finish line ang story kasi mauuna ang kilig ko! >//>" rektang ani ko, mukhang mas naging interesado ang gagi kasi mas lumapit ito sa akin.
"So, may nakaka-kilig na nangyari sa inyo kahapon, Ex? Ikaw ah! Ang landot! Grabehan!" pareho kaming natawa ni Sha sa tinuran. "So ano nga--" hindi na natuloy pa ni Sha ang sasabihin ng biglang may kumatok ng malakas sa pintuan.
Halos lahat kaming abala sa pagchi-chikahan ay napa-lingon doon.
"Excuse mei?!" bungad nito saka nag-tungo sa harapan, "I, gorgeous Liezel is inutusan by Ms. Kylie of arts club to make kuha ng mga paper works ng mga taga arts club here. So if you are one, pass yours, bitch." lintanya nito saka nag-kutkot ng kuko nya.
"Mag-pasa ka na, Ex. Bilis na." usal sakin ni Sha kaya tumayo na ako upang ipasa ang ginawa ko.
"I didn't know you are here, b***h. What a real coincidence." sarkastikong aniya saka nag fake smile pa sa akin.
Akmang lalapit na ako sa kanya upang iabot ang ginawa ko ng matakid ako at mag-liparan ang mga ginawa ko.
"Ay ano ba yan, kamalas-malasan nga naman oh." mahinang ani ko saka pinulot na isa isa ang mga papel na lumipad.
'Uemji, kelangan ko pang pagsunod-sunudin ulit to, kaloka.'
"Wala na? Okay let's go, girls." dinig kong ani Liezel saka mabilis na nawala sa paningin ko.
'Grabehan oh! Hindi man lang naantay tong sakin! (Ω_Ω)'
"Grabe yang si Liezel oh, tss." ani Sha ng malapitan ako at tumulong sa pag-limot ng papel ko.
"Keri lang, Sha. Isusunod ko na lang to sa club room." sagot ko saka mabilis na ini-arrange ulit iyon at tumakbo na papunta sa club room.
'Haaays! Buti na lang wala pa rito si Ms. Kylie!'
Ipinatong ko na ang paper work ko sa kasamahan nito saka lumabas.
Masaya akong nagla-lakad pabalik sa room namin ng magka-salubong kami ni Ace Takeshi, naka-sumbrero na naman ito saka naka-yuko.
'Matakid sana is you! Bwahahahaha!'
Halos humagalpak ako mula sa pag-tawa ng biglang matakid nga si Ace Takeshi hindi kalayuan ngunit kaagad itong naka-bawi na parang sinadya nya iyon para lamang pag-bigyan ang hiling ko.
Natikom ko ang bibig nang bigla itong lumingon sa gawi ko, "You wish,stupid." mahinang aniya sakto lamang para marinig ko.
'Grrr! Pang-asar talaga tong si Ace Takeshi eh no?!'
Dahil sa asar ay mabilis kong narating ang aming classroom saka naupo sa tabi ni Sha, "Oh? Nyare sayo?"
"Wala!" dahil sa init ng ulo ko ay pati si Sha ay natarayan ko.
Mabilis na natapos ang klase, ni hindi ko man lag namalayan ang pag-lipas ng oras dahil sa pagka-asar ko kay Ace.
"Ex una na ko, punta ka na rin sa club mo. Okay?" baling sa akin ni Sha saka lumabas na.
Napa-buntong hininga na lamang ako saka nag-ligpit ng gamit ko.
"Knock knock?" walang ganang napa-baling ako sa may pintuan, "Hey." naka-ngiting ani 'to
'Grabehan yung ngiti mo Kiel Akashi, parang power bank! Full battery na is me!'
"I was doing just fine before I met you." natatawang ani ko saka tumayo na at lumapit sa kanya, kunot-noo naman nya akong tinignan, "I drink too much and that's an issue but I'm okay."
Nang makuha ang sinasabi ko ay nangiti ito saka napa-iling, "Let's go?" pagi-iba nito saka itinuro ang daan
Natatawang nag-paumuna naman ako saka muling sinambit ang liriko ng kanta, "So baby, pull me closer in the backseat of your Rover."
Mabilis naming narating ang pupuntahan, kaagad na kaming naupo sa dating upuan saka nakita si Steven Takizawa na palapit sa direksyon namin.
"Move." aniya nang maka-lapit sa amin, tatayo na sana ako upa g lumipat ng mabilis syang nahigit ni Kiel paupo sa tabi nya, "Tss."
"Don't mind him, Alexa." naka-ngiti na ito nang balingan ako ng tingin.
Ilang minuto lamang at dumating na si Ms. Kylie, "I'll start checking, wala na bang hahabol pa sa pagpa-pasa?" aniya, nagsipag-sagutan naman ang karamihan ng 'wala na' at 'simulan na'.
"Madrigal." nag-simula na si Ms. sa pagch-check sa painters, "Takizawa." aniya saka binalingan ng tingin si Steven na prenteng naka-upo lamang. "Good job." ani pa nito saka itinabi ang paper work nito.
Nang matapos sa painter ay yung sa amin naman ang tinignan nito, "Fuentes." ani Ms. Kylie, ngumiti naman ng malawak si Ethan habang binu-buklat ni Ms. ang gawa nya.
"Akashi." baling ni Ms. Kylie kay Kiel saka tumango-tango rito.
Halos pa-ubos na ang mga folders sa mesa ni ms. pero hindi pa rin ako nata-tawag.
'Yiee, pang-huli akes eh no?'
"Dy." ani Ms, saka tinignan na kaming lahat, "All of you did a great job--" kaagad akong nag-taas ng kamay ng tumayo na si Miss.
"Ms. Kylie, hindi nyo po ako natawag. Nag-pasa po ako kanina--"
"If you did, where is it?" ani Miss habang rektang naka-tingin sa akin.
"Ipinatong ko lang po dyan, baka naka-ligtaan--"
"Kasalanan ko pa kung ganon, Ms. Yoshida? All of you saw how I check your paper works. Nothing left behind, natawag ko ang lahat liban sayo. Why? Because your work is not here." aniya, kaagad akong napa-hiya dahil pinagti-tinginan na ako ng iba, "Are you assuming that you did something even if you don't, Alexa? Did you really do your assigned work, Ms. Yoshida?"
"Y-yes miss--"
"Then prove it. Bring your paper work here."
"N-naandyan na nga po--" hindi na nito pinakinggan pa ang sasabihin ko at nag-ligpit na ng gamit
"I'm done, that's all for today--" akma na itong aalis nang biglang may pumasok sa pintuan.
'T-tama! Naka-salubong ko sya kanina at papunta sya sa pinanggalingan ko!'
"I was just going to pass by when I heard the noise coming from here," paunang aniya saka lumapit kay miss, "Masyadong masakit sa tenga ang kaingayan nyo--" hindi ko na sya pina-tapos pa saka idinuro.
"I-ikaw! Sinabutahe mo ang ginawa ko no?! Kaya papunta ka rito kanina para sirain ang paper work ko!" ani ko saka sya idinuro, tinignan naman ito ni miss.
"Is that true, Mr. Takeshi?" ani Ms. Kylie saka sya tinignan.
"What the heck?" pa-singhal na ani Ace, "Am I some immature kid? Why would I do that?--"
"Pwede ba Ace Takeshi?! Wag ka ng mag-maang-maangan pa! Alam ko namang asar na asar ka sa akin at gustong gusto mo na mangyari sa akin to!" ani ko, napa-tayo na ako sa asar, "Siguro nga tuwang tuwa ka na ngayon kasi ang tingin sakin ng lahat ay stupid gaya ng kung paano mo ko itrato! Na parang isang malaki akong istupida, boba at walang alam! Hindi mo alam kung paano kong hilingin na sana hindi na kita maka-salamuha at maka-salubong man lang!"
"What the heck are you talking about?" aniya saka nag-pamulsa
'Ha! Nate-tense ka na siguro ngayon Ace Takeshi no?! Alam kong ikaw talaga ang kumuha ng paper works ko!'
"Alexa, calm down--" susubukan pa kong awatin ni Kiel pero hindi ko sya pinansin.
"Di ba sabi mo, I messed up with the wrong man?! So ganito ka bang gumanti, ha Ace Takeshi?! Para kang bata! Wala ka bang ibang alam na paraan para maka-ganti sa akin?!" nanggagalaiting ani ko, "Alam mo kung paano ako, kaming nag-hirap maka-kuha lang ng magandang litrato, tapos ganito?! Ganyan ka ba pina-laki ng magulang mo ha Ace Takeshi?! Ang sama sama mo--"
Kaagad akong natigilan sa pagli-lintanya ng may ini-lapag na flash drive si Ace sa mesa ni miss tsaka walang pasabi na umalis.
"That asshole." dinig kong bulong ni Steven Takizawa mula sa tabi ni Kiel, "Play that, Akashi." ani pa nito saka itinuro ang flash drive sa mesa.
Bago umalis sa pwesto nya si Kiel ay nginitian nya muna ako saka nag-tungo na sa unahan, humingi sya ng permiso sa guro para gamitin ang laptop at projector saka isinalpak ang flash drive.
Mayroong tatlong videos na laman ang flash drive na iyon, 'Painters, Photographers, Collab.'
Binuksan ni Kiel yung may file name na Photographers tsaka plinay.
"Yan! Bongga girl! Just be normal!" nadidinig ang boses ko mula sa video.
Kinukuhanan ko ng litrato ang bata nung mga oras na yon.
"Anna, pagod ka na ba?" tanong ni Kiel sa bata.
"Hindi po kuya Kiel! Bawal po mapagod eh." Naka-ngiting ani ng bata.
"Bakit bawal kang mapagod? Bata ka lang, malamang mapa-pagod ka." ani Ace saka itinutok ang camera sa bata
"Eh kasi po kuya Ace, pag napagod po ako, eh di wala akong pera na maiiuwi sa bahay. Tapos hindi makaka-kain ang mga kapatid ko. Wala din kaming pam-bili ng gamot ni nanay."
Hindi lamang iyon ang na-kuhanan ni Ace sa documentation nya, halos lahat ng naging galaw namin habang kinukuhanan ng litrato si Anna ay na-videohan nya.
Sa dulo ng documentary ay biglang nag-pop out ang mga pictures na nakuhanan ni Kiel Akashi, pagka-tapos ay sumunod yung mga nakuhanan ko.
"This clearly tells that, Alexa, has her work done, miss. Takeshi even added the final product of our hardship, miss." lintanya ni Kiel
"But still, her points for this activity will be deducted because she didn't pass her paper work. If she did like what she said, her points will still be deducted for not passing it on time. That's all." ani Ms. Kylie saka tuluyan ng lumabas.
"It's okay, Alexa." ani sa akin ni Kiel.
Nakita ko pa kung paanong dinaanan lamang ako ni Steven Takizawa.
Sa mga oras na ito ay hindi iyon ang aking inaalala, kundi ay iyong mga nasabi ko kay Ace Takeshi.
'Balak naman pala nya kong tulungan ni hindi man lang sinabi (T⌓T) yan tuloy hindi ko napigilan tong pag-andar ng bibig ko! Huhuhu!'
***