Chapter 16

1837 Words
ALEXA YOSHIDA'S POV - New text message From Kiel Akashi <3 9 am sharp. I'll pick you up. - "Wieeee kaloka talaga hohoho! Hoy dude! Nag text si fafs Kiel mo!" sigaw ni Sha mula sa kwarto ko, sumilip naman ako mula sa pinto ng banyo. "Ansabe?" tanong ko, "Ah yun bang susunduin nya ko?" pahabol na ani ko, kaagad namang bumusangot ang mukha nito "Ay? Nabasa mo na pala eh. Tss ang kj naman nito." naka-ngusong aniya. "Waley ka bang lakad ngayon dude? Practice or kung anong echoss at ako ang inaabala mo?" natatawang ani ko saka naupo sa tabi nya. "Eeh wala nga dude. Pahinga kami ngayon ano ba." sagot nito, "Saan si Aya?" "Ewan baka tulog." ani ko "So," paunang aniya, "Ginayuma mo ba si Kiel?" Natawa ko sa inusal nito saka sya hinarap, "Anong ginayuma ka dyan?" "Eh paano, bigla na lang, boom inaya kang mag date?" "Ewan ko dude, wit ko knows. Akala ko nga ako pa ang kelangang mag first move e. Pero wala, ang ganda ko teh!" ani ko saka ngumiti ng malawak. "Wow husay mo ah. Oh sige ikaw na, ikaw na magaling gumayuma!" natatawang aniya na ikinatawa ko rin. "Hoy Alexa! Bilisan mo nga dyan at nandito na ang sundo mo!" sigaw ni mudrakels mula sa baba. Nagma-dali na kong bumaba at nakita kong uupo pa lamang si Kiel Akashi. "Oh Alexa--" "Ay experience mo munang umupo teh. Keri lang." ani ko na ikinatawa nya saka sya umiling "Next time na lang Alexa. Ready to go?" naka-ngiting aniya saka ako tumango, "Tita, alis na po kami. Ihahatid ko po pauwi si Alexa." naka-ngiting baling nito kay mudrakels na naka-pamewang lang. "Taray mudra ah. Pwede ng pang kontrabida ang posing mo dyern. Babay na, mudra. Aalis na po ang iyong magandang anak." ani ko saka kumaway "Hoy Ex!" biglang sigaw ni Sha na naka dungaw mula sa kwarto ko. "Maka-hoy to! Hoy ka din Sha!" sigaw ko pabalik sa kanya. "Mag-uwi kang puds ah?! Tsaka madaming chika! Babush!" ani pa nito saka nag-sara na ng pinto. 'Aba ang galeng! Kwarto mo teh?! Kaloka!' "Let's go sa go na Kiel Akashi. Naloloka ako sa mga pipolnes hir." ani ko saka nag-paumuna na. Matapos ang ilang minutong pag-upo at pag-titig kay Kiel ay narating na namin ang park. Ganon kasi ulit ang balak naming gawin na theme. Pero kasama na namin ngayon si Steven Takizawa tsaka si Sam na pakner nya. "Hi ate Alexa! Hello po kuya Kiel!" bati sa amin ni Anna, kasama nito si Sam. "Hello bata!" bati ko pabalik rito saka ngumiti "Hi Anna, kamusta ka?" ani Kiel, ibinaling ko naman ang aking paningin sa paligid saka nakita si Steven na naka sandal sa may puno habang si Ace naman ay nasa nay taas ng puno. Naka-tutok man ang camera nito sa pwesto namin ay naka-pikit naman ito. 'Parang baliw lang, matulog ba naman daw sa itaas ng puno? Mag patak ka sana dyan hmp.' "Can't we start?" may bahid ng inis sa boses ni Steven ng lumapit ito sa amin. "Sure. Sige let's start? Anna?" baling ni Kiel sa bata, tumango naman ito saka ngumiti. At dahil sa natutulog ang maggagawa ng documentation samin ay kami ang nag-adjust. Consideration daw sabi ni Steven Takizawa →_→ 'Huehue echoss kamo yang kambal nyang impakto. Pa VIP hmp.' Pumwesto kami sa abot ng frame ng camera nito saka nag-simula na. "Can you please turn off the flash?" hindi man naka-tingin ay alam kong ako ang sinasabihan ni Steven. "Eh inaano ka ba ng flash ng camera ko--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ng sumabat si Ace na kanina ay natutulog. "It's distracting. Masama rin ang kuha sa documentation ko, itapon mo na yan." rektang ani to saka kagad na inilipat ang focus kina Kiel. 'Nye nye nye nye  ̄ω ̄' Dahil sa kanilang dalawa ang sira na ang araw ko. Mabuti na lamang at nandito si Kiel para pagandahin ito hihi. Mabilis naming natapos ang ginagawa dahil pare-pareho kaming tutok sa mga naka-assign na gawain sa amin. "Everyone did a great job. Lalo ka na, Anna." naka-ngiting ani Kiel, "Oh, malapit lang rito ang bahay mo diba? I'll insist na ihatid ka." usal pa nito. "Wie sama ko!" ani ko saka nag-taas pa ng kamay. "Oh what the heck is that." dinig kong ani Ace saka kami nilagpasan. "We'll get going." paalam ni Steven saka sumunod na kay Ace, tumango na lamang si Kiel sa kanya. "Gustuhin ko mang sumama, pero may gagawin pa ko eh, una na din ako." ani Sam, "Bye Anna." naka-ngiting baling nito sa bata. "Sige ayos lang, ingat." ani Kiel, "Should we go buy something first?" "Ay bongga sige go!" masayang ani ko saka kaagad na hinigit si Anna pasakay sa kotse ni Kiel Akashi. "You sure are something." natatawang ani Kiel saka binuksan na ang makina ng sasakyan nya. Nang maka-rating sa mall ay kagad kaming nag-tungo sa supermarket, ibibili raw kasi ni Kiel ng groceries si Anna. "Kumuha ka lang ng nga kailangan nyo sa bahay, Anna." naka-ngiting anito sa bata "Talaga po kuya Kiel?" manghang tanong nito, tinanguan naman ito ni Kiel bilang sagot. "Tara Anna, samahan kita." alok ko saka sya hinawakan sa kamay. Si Kiel ang nagtu-tulak ng cart habang naka-sunod sa amin "Ay ate, paabot naman po nung sardinas. Ubos na po kasi yung ulam namin. Hehe." ani Anna habang naka-turo sa de lata. Kumuha ako ng lima nito saka ilalagay na sana sa cart ng makitang nay kausap na babae si Kiel sa di kalayuan, naka-hawak pa ang babae sa braso ni Kiel kaya nag-init ang tenga ko. Lumapit kami ni Anna rito saka ako tumikhim para mapansin nila kami. "I see, sya ba ang misis mo? Nako you're so young to be married ah at may anak na kayo. Sayang ka naman, babe." lintanya nong babaeng linta saka umalis. 'Huehue m-misis? A-anak? Uemji ah. ••' "A-ah a-ano--" napapayuko pa ito saka nag-kamot sa ulo. 'Kaloka lungs diva. Ang gwapo nya kahit na anong gawin nya huahua' "Misis pala ah~ yieee krass mo ko no? Yieeeee~" pang-aasar ko saka sinundot-sundot pa sya sa tagiliran. "Gusto nga ki--" hindi na nito naituloy pa ang sasabihin ng biglang kumapit sa laylayan ng damit nya si Anna. "Bakit Anna?" "Pwede po bang duon tayo? Kelangan po kasi ni bunso ng pulbos para hindi gaanong mainitan ang likod nya." sambit ni Anna, ngumiti naman si Kiel saka tumango. "Tara?" natatawang ani 'ko, paano'y naiilang siya sa akin. "Tara." aniya habang naka-yuko na ikinatawa ko. 'Yieee misis naman daw eh! ~^O^~' KIEL AKASHI'S POV "Hayaan mo na po kuya Kiel, baka po napagod po si ate Alexa." mahinang ani Anna habang pareho kaming naka-tingin kay Alexa na kasalukuyang natutulog sa sasakyan ko. 'How can someone be so cute when sleeping?' "Ah siguro nga. Sige Anna, hatid muna kita sa inyo, madami dami tong napamili natin." naka-ngiting ani ko saka pinasadahan pa ng tingin si Alexa saka bumaba upang kuhanin ang groceries. "Nako salamat po talaga ng marami, kuya Kiel." ani Anna saka ako iginaya sa daan, "Panigurado pong matutuwa si bunso saka si nanay nito." naka-ngiting ani pa nito. "Walang anuman, Anna. It's my pleasure to help you." ani ko, tumigil naman siya sa tapat ng isang maliit na bahay saka kumatok. "Pag-pasensyahan nyo na po ang bahay namin kuya." aniya saka binuksan ang pintuan, "Nay, bunso, andito na po ako." ani pa nito saka luminga-linga. Marahan naman akong pumasok saka inilapag sa sahig ang mga groceries na pinamili namin. "Nako kuya, lumabas po ata sila nanay eh. Sayang po hindi kita maipapa-kilala." aniya saka lumapit sa akin "Ayos lang Anna, ikamusta mo na lamang ako sa kanila." sagot ko saka sya pinat sa balikat, "Hindi na ko magta-tagal pa rito, walang kasama si ate Alexa mo sa sasakyan eh." "Oo nga po kuya, sige po balikan nyo na po sya. Salamat po talaga ng marami kuya Kiel, ililibre ko po kayo ng sampaguita sa susunod!" napa-ngiti ako dahil sa tinuran niya "Aasahan ko yan, Anna. Sige mauuna na ako." ani ko pa saka lumabas ng bahay nila "Salamat po ulit, kuya Kiel." pahabol pang ani Anna, tinanguan ko na lamang ito. Nang maka-balik ako sa sasakyan ay nadatnan kong natutulog pa rin si Alexa kaya hindi ko na muna ito ginising pa. "Why are you so cute, Alexa?" mahinang ani ko saka sya nilingon habang nagma-maneho. Wala sa sariling napapa-ngiti ako habang naka-tingin sa kanya. "Who are you really?" kunot-noong usal ko habang diretso na ang tingin sa daan. 'I'm having weird dreams lately, and I keep hearing your voice. Alexa, who are you?' Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay nina Alexa kaya itinigil ko na muna ang aking sasakyan sa isang tabi saka sya nilingon. Gaya kanina ay hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti nang makita syang mahimbing na natutulog. "I don't know where, when or how did I start liking you, Alexa." mahinang ani ko habang naka-titig sa kanya, "I don't know who you really are though. But my heart, this heart tells me that I know you too well." usal ko saka ini-ayos ang naka-harang na buhok nito sa mukha. "I want to protect you, Alexa. I'll protect you." bulong ko pa saka marahang lumapit sa kanya upang halikan sana ang noo nya nang bigla itong nag-mulat ng mata. "Hala?! Kuya wag po?! Ang bata ko pa po anu ba?! Hala naman eh! Huhuhuhu 〒▽〒 I don't know why are you doing this to me! Why did you do that?! Whyyyyy?!" hysterical na sambit ni Alexa na ikina-taranta ko rin "A-ano, let me explain. It's not what you think--" "It's not what I think?! Then what?! Bakit kapag laging nahuhuli sa akto ang isang lalaki ay ganon lagi ang sinasabi?! Why?!" "A-alexa--" aawatin ko sana sya nang bigla nya kong itinuro "Ang galing ko teh no? Uemji lungs! Nag english akes! Nagi-improve ba ang english ko Kiel Akashi?" aniya saka nangingiti pa Para akong nabunutan ng malaking rocket sa dibdib dahil doon, "O-oo hehehe--" "Yieee ang galing ko na ding umarte no? Grabehan teh! Pang award winning!" natatawang ani pa niya saka tumingin sa labas ng bintana, "Ay hindi mo naman na-say na andito na tayo sa amin." aniya saka mabilis na naka-baba sa sasakyan. Bumaba na rin ako para ihatid sya sa may gate nila, "Salamat sa pag-hatid ah, nako hindi na kita maiimbitahan pa sa loob baka majombag akes ni mudra hehe." "Nah, ayos lang. Thanks for today, Alexa." naka-ngiti at sinserong ani ko. "Ay kaloka, ano ka ba. Waley namurn akes nagawang maganda sayo." aniya saka binuksan ang gate nila. "Your existence itself is a gift for me, Alexa." paunang ani ko na ikina-bigla niya, "I'm happy when I'm with you." pahabol ko pa Nakita ko kung paanong pinamulahan siya ng pisngi saka mabilis na pumasok sa kanilang bahay na ikina-tuwa ko. 'Oh this girl. You are way important to me, Alexa.' ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD