ACE TAKESHI'S POV
Ipipikit ko na sanang muli ang aking mata ng biglang nag-ring ang cellphone ko, kinuha ko ito saka asar na sinagot ito kaagad
"What the hell do you want?" usal ko bagamat hindi alam kung sino ang kausap.
"Magandang pag-bati, Alas." nahimigan ko ang boses nito kaya kaagad na nag-igting ang aking bagang.
"Do I have to repeat myself?"
"Oh sure, I must hear it again."
"What the heck do you need now, poop?"
"You know what I always needed, Alas. It's you."
"And?" sandaling nanahimik ang linya ni poop matapos kong mag-salita
"I got something in my hands right now, Alas. Malamang ay kilala mo o alam mo kung kanino ang teleponong nakuha ng tauhan ko. Someone named, Alexa Yoshida?"
"What the hell! Do you think I would fall into your trap?"
"Oh, will you not? Then shall I see her myself?"
"Great." bulong ko, nakaka-wala ng pasensya ang isang to.
Alam na alam nya na ayaw kong may nadadamay na ibang tao sa gulo ko.
"Shall I, Alas? Alam mong kaya kong gawin ang higit pa sa mga naiisip mo na kaya kong gawin. Lalo na't sa babae mo--" hindi ko na sya pinatapos pa sa pagsa-salita saka mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
"This would be the last time, where are you?"
I let out a deep sigh after thinking what just happened, I still fell into his trap. Oh crap. -_-
'Great, just great. I did not come here stupidly to get that stupid phone of hers! I'll swear I do not.'
Hindi na ako kumatok pa at nag-tuloy na papasok sa headquarters ni Poop na Trigger ang pangalan. 'Oh whatever, why do I care?'
"Yan ang gusto ko sayo Alas, yang ugali mo mismo--" I chuckled even before he finish his sentence
"Stop mumbling stupid things, poop or whatever your name is. Get to the hell point. Now." ani ko, nanatiling naka-tayo sa harapan nya habang naka-sandal sa pader.
Napa-ngisi naman ito sa inakto ko, "Hindi ko alam na dahil sa babaeng iyon ay nagawa ka ring pasunurin ni Trick."
Ang tinatawag nyang Trick ay si bird brain, yung leader ng isang gang na under ng gang nitong si Poop na Trigger ang pangalan. 'Oh what the heck those names.'
"You know nothing, what would you expect?" pang-iinsulto ko saka ini-halukipkip ang kamay
"I'm just wondering what your relationship with her is--" I stood up properly na nakapagpa-tigil sa pagsa-salita nya.
"Is that what your point is? Did you summoned me here to chit chat about my personal life, huh Poop? How unprofessional." pa-singhal na ani ko.
"You know I'll do everything to hire you, Alas." seryosong ani to
I smirked at a thought saka kunwang tini-tignan ang mga naka-hilerang baril at kutsilyo sa kalapit na mesa. "You wouldn't want me after doing this." mahinang ani ko, sapat na upang bigyan sya ng hudyat na kabahan.
Mabilis kong nalagyan ng bala ang baril saka pinatamaan ang binti ng isa sa mga tauhang nasa likuran ni Poop, pagka-tapos ay tinantya ang layo ng isa pa nyang tauhan at inihagis dito ang kutsilyo na nasa mesa rin.
Halos mag-unahan ang dalawa sa pag-bagsak dahil sa ginawa ko, si Poop naman ay napa-hawak sa upuan niya, "Why did you do that?" kalmado nang aniya.
Natawa ako rito saka naupo na mismo sa mesa na pinagla-lagyan ng mga baril at kutsilyo nito, "Bakit nga ba?" ani ko saka pinag-laruan ang isa pang kutsilyo
Nasaksihan ko kung paanong napa-lunok ito ng sariling laway saka nag-kunwang kalmado.
"Una, dahil naiinip na ako." ani ko habang naka-tingin sa kanya ng diretso, "Pangalawa, dahil sinasayang mo ang oras ko." ani ko, natutuwa dahil wala na syang karea-reaksyon pa sa mukha, "Pangatlo," mabilis kong pinatamaan ang hawakan ng upuan nya ilang pulgada ang layo mula sa hintuturo nya. "Dahil hindi ka patas kung mag-laro at patuloy kang nanda-damay ng taong walang koneksyon sa 'kin. Ang dumi ng laro mo." pasinghal na ani ko saka tuluyan ng lumapit sa kanya.
"This is how my game works, Alas." aniya ng malapitan ko ito. "You must know it--"
"I play my game clean and fair. Huwag mo akong igaya sa 'yo. At kung gusto mong laruin ko ang maduming laro mo, mayroong kang pagpipilian," nangiti ako saka sya tinignan ng diretso, "Lilinisin mo ang larong binuo mo o ako ang dudumihan mo."
He playfully smiled, "You just gave me an idea, Alas--"
"Pero bago mo magawa yon, sisiguraduhin kong malinis at patas kitang matatalo." natigilan ito sa sinambit ko, "Ah oo nga pala, noon pa lang ay natalo na kita." dagdag ko na lalong nagpa-tigil sa kanya.
"You are a dirty player, Alas. You are never fair. Just to remind you." nangga-galaiting aniya. Natawa ako saka kinuha ang kutsilyong naka-tanim sa hawakan ng upuan nya at nag-hiwa sa aking palad saka iyong ipinakita sa kanya.
"Para kahit papaano ay maisip mong nasugatan mo ako. Ikaw ang bahalang humusga kung patas ba ako o patas nga ako." ani ko saka sya tinalikuran ngunit bago pa man ay napa-pitik na ako sa aking sentido saka sya muling hinarap at inilahad ang aking palad.
"Ano't nag-bago kaagad ang isip mo--"
"Gago. Yung teleponong sinadya ko, ibigay mo." hindi ko na naisip pa ang sasabihin at kusa na iyong namutawi sa aking bibig.
Wala naman na syang nagawa pa saka ini-abot iyon sa akin, "Kung hindi ka lamang ganyan ay malamang naging mag-kaibigan pa tayo, Trigger." mahinang ani ko saka tuluyan ng umalis sa lungga nito.
Alas-onse na ng maka-balik ako sa bahay at naabutan kong gising pa rin si Takizawa, gumu-guhit pa rin ito hanggang ngayon.
"There's a first aid kit at the table, use it." aniya, patuloy pa rin ito sa pag-guhit.
Nagta-taka man ay nag-tungo ako roon upang gamutin ang sugat na gawa ko pagka-tapos ay dinaluhan si Takizawa na mag-isang naka-upo sa sala.
"Ina ba kita?" kaagad nya akong nilingon dahil sa naging tanong ko.
"What the heck, Takeshi?" kunot-noong aniya natawa na lamang ako saka isinandal ang ulo ko sa sofa
"Paano'y alam mong may sugat ako at naka-handa pa ang first aid kit--"
"I didn't think that you are that clumsy. You got yourself a wound, asshole." aniya, ipinikit ko na lamang ang aking mata at hindi na ikinuwento pa ang nangyari, "They didn't find Alexa's phone--"
Ini-abot ko sa kanya ang cellphone, "Huwag ka ng mag-tanong pa, pagod ako at kasalanan 'to ng babaeng yon." mahinang ani ko
'Nag-lakad ako ng ilang kilometro para lamang makuha iyan--oh what the heck?! I'm not saying na iyon ang sinadya ko kay poop diba?! Aargh!'
"How should I give this to her then? Hindi naman ako kasama sa pagha-hanap nila kanina." dinig kong aniya, nananakit ang ulo ko dahil sa babaeng yon.
"Ako pa ba ang gagawa ng paraan? Tch. Itapon mo sa basurahan kung ganon." asar na ani ko.
'Masyado kang pasakit sa ulo, tch. Your day will come, stupid.'
YESHA SATO'S POV
"Dadaanan ko pa po sina Ex bago pumasok! Babay ma!" ani ko saka tumakbo na palabas
'Nahanap na kaya nila yung cellphone ni Ex?--aray!'
Dahil sa unfocused ako sa pagla-lakad, natakid ako at muntik ko nang mahalikan ang semento. Buti na lamang at sinalo ako netong si, 'Sino nga ba to?'
Nag-angat ako ng tingin eksakto namang naka-tingin na rin ito sa akin, "Subukan mong tignan yong daan." sarkastikong aniya saka ako binitawan at sumabay na kay Steven Takizawa
'It was Ace Takeshi O//O'
Napa-hawak ako sa dibdib ko, it's beating fast O//O
"Oh, Sha gawa mo dyan?" wala sa sariling binalingan ko ng tingin si Ex.
"Anyare dude? May naka-sagupa ka bang pashnea or hunyango?" sambit ni Aya saka nilapitan pa ako, "Ay bat ka namumula? Grabehan oh."
"Hoy Sha! Umamin ka nga!" kinabahan akong bigla kay Ex, "Meron ka ba? Ano may tagos? May naka-kita ba na gwapong lalaki nyang tagos mo? Nako! Turn off--" mas duon ata ako pinamulahan ng pisngi sa sinabi nito
"Gaga! Wala no!" nahihiyang sambit ko saka sila tinalikuran
Aksidente namang dumapo ang paningin ko sa basurahan kalapit nung eksaktong lugar kung saan ako natakid
'Yung cellphone ni Alexa!'
Patakbo kong tinungo iyon saka kaagad na kinuha
"Oh? Ginagawa nyan dyan?" ani Aya ng malapitan ako
Takang iniabot ko naman ang cellphone kay Ex, "Tiningnan naman natin to kagabi diba?" ani 'ko, nan-laking bigla ang mga mata nito habang naka-tingin sa cellphone nya
"O to the M to the G mga dude! May kolored!" aniya saka ako binalingan ng tingin, "Sha,sinalin mo here yung tagos mo?!"
"Ex!" sigaw ko saka sya nilapitan, "Nakaka-hiya ano ba! Tsaka wala nga sabi ako ngayon! Kakatapos ko lang!" hiyang-hiya na sambit ko, mabuti na lamang at wala pang masyadong tao rito
"Sorry naman diba? Malay ko ba. ╮(╯▽╰)╭" aniya saka nauna ng mag-lakad, "Haw haw de karabaw naman ito napunta don? May nakita ka bang kahina-hinala kanina Sha?"
'Kahina-hinala? May blood stain yung cellphone. Tapos--"
Natigil ang pagi-isip ko nang may maalala, 'Naka-benda ang kaliwang kamay ni Ace. Could it be--impossible.'
"Hoy Sha, anet na?" ani Aya
"W-wala, wala naman akong napansin kanina." mahinang ani ko, tinanguan na lamang nila ko saka nagpa-tuloy sa pagla-lakad.
***