Kabanata 5

976 Words
Kabanata 5 Real Daig pang nakainom ng energy drink ang tatlo kong kaibigan sa sobrang energetic. Hindi ba sila napapagod kakalakad? Kasi ako, pagod na pagod na ang paa ko. Pagkatapos kasi naming kumain ay naglibot na naman kami sa pangalawang pagkakataon. Hindi na nagsawa. "Guys, stop muna. I'm tired already," nahahapo kong sinabi. "Hindi ba kayo napapagod?" Pagtatanong ko at umupo sa bench na nasa gilid lang. Nag-aya na naman kasing maglaro si Mikee. "Bahala kayo magka-appendicitis," sabi ko at hinawakan ang bewang ko na nananakit.  "May apendix ka pala," sinamaan ko ng tingin si Mikee dahil sa sinabi niya.  "Tingin mo sa 'kin, abnormal na walang apendix?" Nakairap kong saad.  Rinig ko ang pagbuntong hininga nila bago umupo sa tabi ko, pinapagitnaan nila ako. Ramdam ko ang bigat na pasanin nila sa klase ng kanilang paghinga. Pero hindi ko naman matanong kung ano ang problema nila. My forehead knotted when I noticed something. Why do they seem to have a big and serious problem?  Parang kanina lang ay ang saya nila. Then all of the sudden, they looked like the sky landed on their shoulders. "Can I help?" I asked and looked at them.  Mas lalo yatang bumagsak ang kanilang mga balikat sa tinanong ko.  "Kung totoo ang mga bampira, ano ang gagawin mo?" seryoso ang boses ni Karen na diretsong nakatingin sa akin.  Bahagya pa akong nalito sa sinabi niya pero natawa rin kalaunan. Seryoso ba talaga siya? Pakiramdam ko talaga ang laki ng problema nila sa mundo at pati mga nilalang na hindi naman totoo ay napag-uusapan na. Natatawa akong umiling. "Ano ka ba? Iyan ba ang nasa isip niyo kaya parang wala kayo sa tamang katinuan?" Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.  Kinuha ni Mikee ang aking kamay at pinisil ito.  Bahagyang inatras ko ang katawan dahil pati siya ay may seryosong ekspresiyon.  Umawang ang labi ko. What the hell is happening?! Nabagok ba ang kanilang ulo kaya kung anu-ano na ang kanilang tinatanong sa akin?  "Kunwari, totoo sila. At may kukuha sa 'yong bampira, ano ang maaari mong gawin?"  Nagtaas ako ng kilay. "What kind of question was that? Ano ba kayo? You guys are weird," ani ko.  "Sagutin mo na lang kasi!"  Napapikit ako nang sumigaw si Karen malapit sa aking tainga. Ano ba naman 'yan! Naramdaman ko ang gigil at inis sa kaniyang boses pero hindi naman kailangan sumigaw.  I tsked and rolled my eyes. Umayos ako ng upo at sa unahan na lamang tumingin, pinagmamasdan ang mga dumadaang tao.  "Ilang episodes na ba ang pinagpuyatan niyo kakanood ng ganiyang mga palabas? Kakabasa ng mga paranormal o fantasy stories?" walang pasubali kong tanong.  I heard them sigh frustratingly. Nagkibit balikat ako. These two were fond of those genre so maybe.  I chuckled. "But to answer your question, Mikee. If vampires were real, then I'd be the happiest woman alive! Imagine, vampires in books and even in movies looked so graceful! But they're pure fiction so, I really don't believed in vampires." Muli akong tumawa sa isinagot ko. Seriously? Sa ilang taon na naming magkasama, ngayon lang talaga sila naging interesado sa ganoong bagay.  I mean, vampires are not true!  "If they were real, what would you do?" Pag-ulit ni Karen sa tanong ni Mikee.  Saglit ko siyang sinulyapan. "Open my arms and embrace them!" I answered happily. Kapagkuwan ay bumagsak ang mga balikat ko at ngumuso. "But they're not real. If they exist, magpapalahi agad ako!"  Sabay silang suminghap sa huli kong sinabi.  "Selene!" tawag nila.  I smiled cheekily. "What? Baka nga magpa-convert na rin ako!"  "Are you serious?! You want to..." hindi matapos-tapos ni Karen ang kaniyang sinabi dahil sa sunod-sunod niyang pagsinghap.  I pursed my lips. "Masyado kayong serious! We were just talking about vampires. Hindi naman sila totoo," I shrugged. Sabay silang umiling. "Gaga ka ba?! At ang nangyari kanina..."  Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Mikee. Naalala ko na naman ang kahihiyan ko kanina sa harapan ni Hunter at ng babae niya. Nawala ang poise ko dahil sa nangyari!  Tinago ko ang mukha sa mga palad. "Don't remind me of that, please..." I begged. "Kung hindi rin kasi kayo nakisali, 'di ba? Sana ay pinigilan niyo ako!" May himig ng paninisi ang boses ko.  "We got carried away," si Karen.  "In the first place, why did you pulled that stunt? What if bampira pala si Hunter, at kunin ka niya dahil sa sinabi mong buntis ka!" Pakiramdam ko umakyat na hanggang ulo ang lahat ng dugo ko at anumang oras ay sasabog dahil hindi na nakayanan pang pasanin ang kahihiyan.  God, my friends! I told them not to remind me of that spur moment! Tumayo ako at pinaypayan ang sarili. "Please stop reminding me about it! Kaya ko nga kayo niyayang lumabas para makalimutan iyon tapos, pinapaalala niyo naman." Napatingin sa amin ang ibang tao na dumadaan. Ngunit hindi ko na sila pinansin pa at sinamaan ng tingin ang dalawa kong kaibigan na sabay nagkibit balikat.  I stared at them in disbelief.  What? Ako na ngayon ang inis at hindi na sila?  "You guys are unbelievable..." I commented then, sat again.  "Kapag kinuha ka ng isang bampira, aalis ka ba at magagalit?"  Napairap ako. Hindi pa ba kami tapos sa usapang 'yon? Paano ko mapag-iisipan ng maayos ang bawat sagot ko kung ang nangyari kahapon ang tumatakbo sa isipan ko.  "Please, vampires don't exist. Kaya walang kukuha sa akin..." ani ko sa nanghihinang boses. "Malay mo naman... Baka bukas ay nasa puder ka na ng isang bampira." I sighed heavily. Hindi ko na sila pinansin pa kaya hindi na rin sila nagsalita.  Impossible naman 'yon. Hindi naman totoo ang mga bampira. Pale skin? Fangs? Crimson eyes? Bloodsucking creature? Those are just pure fiction. Vampires are not real and will never be real.  Sa gabing iyon ay umuwi na rin kami matapos kumain sa isang restaurant. Hinatid nila ako pauwi at anila, hindi na raw muna nila ako masasamahan dahil may gagawin pa silang importante.  Silence envelops me as I pushed the door behind me. Lumapit ako sa aking kama at binagsak ang aking katawan doon.  The thought of vampires was the last thing I remember before sleep consumed me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD