Kabanata 6

1010 Words
Kabanata 6 Kidnapped Kinabukasan ay nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha. I closed my eyes emphatically and slowly, the unfamiliar smell filled my nostril. Mabilis kong minulat ang mga mata at ang kulay itim na kisame agad ang bumungad sa paningin ko. Namilog ang mga mata ko. Mabilis akong bumangon at sumiksik sa ulunan ng kama dala ang kumot. Nilibot ko ang tingin. Ang puso ko ay napupuno na ng kaba at takot. Labis itong naghuhumintig na pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko anumang oras. My room is pastel, not dark. Nagsimulang gumapang ang takot sa sistema ko. Nasaan ako? May kumuha ba sa akin habang natutulog ako sa bahay?! At paano? My home is secured, at least! Ilang lock at iyon at hindi basta-basta nasisira. Unless, nakalimutan kong sarhan ang bahay. Pero imposible iyon. Black mixed with red ang silid na kinalalagyan ko ngayon. Unang tingin ko pa lang, alam kong hindi babae ang nagmamay-ari nitong silid. Lalo na sa malaking painting na nasa kisame. "A fang...” I whispered. My friends... Sila kaya ang may pakana nito? Pihadong nasa baba sila. Kaya kahit kinakabahan ay pinili kong kumalma. Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok ng tatlong beses sa pintuan. Tatayo na sana ako para sana buksan ito ngunit bumukas na ito at pumasok ang tatlong babae na may kaniya-kaniyang dala. Ang isa ay gamit sa panligo, ang isa ay mga damit at ang isa ay towel. Nakangiti silang lumapit sa akin ngunit hindi ko sila nginitian pabalik. Doon ko tuluyang naisip na hindi mga kaibigan ko ang may gawa nito. Napahigpit ang kapit ko sa kumot. Naglikot ang mga mata ko. Kailagan kong makatakas! Kung sinuman ang kumuha sa akin, tiyak na may motibo siya! "S-sino kayo?” Nanginginig ang labi kong tanong. “Huwag kayong lumapit sa akin kung hindi ay malilintikan kayo! Hindi ko kayo kilala!” Tumingin ako sa bed side table ngunit tanging ang ilawan lamang ang naroon! Think, Selene. Kailangan mong tumakas sa masasamang tao! Rinig ko naman na humalakhak sila kaya kahit kinakabahan ay tiningnan ko siya na puno ng kalituhan. Bakit sila tumatawa?! May nakakatawa ba sa aking sinabi?! Napakawalang-puso! Alam ba nila na kinidnap ako? Hindi ko alam kung saan ako at natatakot ako sa posibleng mangyari sa akin. “Why are you laughing? Sagutin niyo ang tanong ko!” sigaw ko. Tumikhim ang ansa gitna. “Ako nga po pala si Rosa, prinsesa. Kami po ang magsisilbi sa iyo ngayon sa utos ng prinsipe,” nakangiting pakilala ng may dala ng damit. May kasama pang pag-bow nang nagpakilala siya. "Prinsesa? Prinsipe?" tanong ko na puno ng pagtataka. “Wala ako sa fairytale para maging prinsesa at magkaroon ng prinsipe,” napasabunot ako sa sariling buhok. “May hidden camera ba rito? Artista ba kayo? Anong kalokohan ang sinasabi niyo?!” Nagkatinginan naman ang tatlo at mayamaya ay bumuntong hininga tsaka ulit tumingin sa akin na nakangiti na. "Prinsesa, kailangan na po namin na ayusan ka. Utos ng prinsipe na pagkatapos daw namin ayusan ka ay bumaba ka na raw po,” sabi ng isa. Umiling ako. Nagsimula ng uminit ang sulok ng mga mata ko. “A-ano ba ang sinasabi niyo? Wala kayong mahihita sa akin kaya pakawalan niyo ako!” "Mahal na prinsesa... Bumangon na po kayo,” pagbabalewala nila sa sinabi ko. “The last time I checked, I was just an ordinary college student,” mahina kong sinabi. Pero kahit anong pilit ko sa kanila na pakawalan ako ay hindi sila natinag. In the end, they begged. Naawa ako kaya ay wala akong magawa kung hindi ang sundin sila. Kahit sinabi kong ako na ang mag-aayos sa sarili ko ay hindi pa rin sila nakinig. I sighed heavily. Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin. I'm wearing a plain black dress. Naka-ekis ang likod nito at above the knee lang ang haba. "Prinsesa, bumaba na raw po kayo usto ng prinsipe,” rinig kong ani ng panauhin sa bungad ng pinto. I sighed again. "Princess my ass,” I tsked. Lumabas ako ng silid at sumunod sa panauhing iginaya ako papunta sa isang malaking kusina. Pinagtulak nila ako ng upuan at kahit may pag-aalinlangan ay umupo na lang ako para matapos. Ilang segundo ang lumipas at lahat ng mga alipin ay yumuko. "Magandang umaga, Prinsipe Hunter,” bati nilang lahat. Para naman akong nabato sa kinauupuan ko. Napalingon ako banda sa may pintuan at nakita nga si Hunter na nakatayo roon. He's wearing a faded pants and a plain black t-shirt pero ang cool pa rin niya tingnan sa ayos niya. "Hunter?!” Napatayo ako. Takot ang lumukob sa buong pagkatao ko. Ito ba ang ibig niyang sabihin? Dahil ba sa kalokohan ko ay... "Eat," aniya at naglakad papalapit sa upuang nasa harapan ko. “Eat first before I explain everything." Umiling ako. “A-ano ang ibig sabihin nito?” My lips shivered. Walang emosyon niya lang akong tiningnan nang umupo siya. Nanatili akong nakatayo at awang ang labi na pinagmasdan siya. Ngunit parang wala lang sa kaniya! “Hunter...” tawag ko. “Sagutin mo ako...” nakapikit kong usal. “Kumain ka muna, Selene.” Kaswal niyang sambit at nag-isas ng tingin. Umiling ako. Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang minulat ko ito. I stared at him, pleading. Nagalit ba siya dahil paulit-ulit ko siyang tinanggihan? Dahil doon ba kaya niya ako kinuha? Pero... Paano? At bakit? Hindi lang naman siguro iyon ang dahilan. Ngunit kahit ano pang dahilan iyon, hindi tama na dukutin ako! Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Ang mga tao nga kanina ay kung anu-ano ang sinasabi tapos... Suminghap ako. “I hate you,” I whispered which he ignored.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD