Kabanata 3

880 Words
Kabanata 3 Wish Ilang araw na ang lumipas na gaanon ang takbo ng buhay ko. Sa kabutihang palad ay hindi na naisip ng dalawa na magpalit pa ng kurso, ngunit sa isang linggo ay dalawa hanggang tatlong beses lamang silang pumapasok. At wala akong alam ni isang dahilan kung bakit.  They only visited me at night in my house. Talk, and then sleepover. Hindi ko na rin sila naaabutan tuwing umaga.  Pikit mata kong malakas na nilagay ang makapal na libro sa ibabaw ng aking mesa para lang mabulabog ang ilan na nagpa-planong matulog.  Ano pa nga ba? Wala na naman kaming guro na magtuturo sa amin sa mga oras na ito. Akma na akong hahalumbaba sa mesa nang makaramdam ng pagkulbit mula sa likuran ko. Naningkit ang mga mata ko pero hindi ako nagsalita, hinintay ko siyang magkusa.  "Selene..." his voice was low and deep.  Tuluyan na akong sumubsob sa mesa. Two weeks of being classmates, Hunter Ybrahim already know my name. Naramdaman ko ang kaniyang presensiya sa tabi ko.  "Wanna go out with me?" he asked for the nth time.  I rolled my eyes. "No," hindi ko mabilang na sagot ko.  "Why not?" I felt his hand on my hair but I didn't bother to move an inch.  "You're annoying," simpleng sagot ko.  "I'm what?" Natatawa niyang sagot.  I closed my eyes. The day when he asked for my name, was the day he asked me to go out with him. Hindi ko maiwasang matawa sa kaniya noong araw na iyon. I thought he would stand firm to his answer. He said no.  And now, the tables has turned.  "Date me, Selene..." pangungulit ulit niya.  "Hindi ka interesado sa akin, right?" I asked instead.  I heard him sigh beside me. "That was two weeks ago. Still not forgiven, huh?" Mababa ang kaniyang boses.  Tinagilid ko ang ulo para tingnan siyang nakadungaw sa akin. Ang mga braso ko ang nagsilbing unan ko. Ngumisi ako sa kaniya.  "You said no, right?"  Nagtaas si Hunter ng kilay. "I told you I'm interested, right? Binawi ko ang sagot ko." I pursed my lips. "But I won't change my mind," umayos ako ng upo at tinitigan siya. "Hindi ako katulad mong nabusog sa kinain na salita."  He chuckled. Kinuha niya ang ballpen kong nakasabit sa lace ko at pinaglaruan iyon sa kaniyang mga daliri.  Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya. Isa rin itong hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan. Hunter looked like an angel sent from heaven but, there's something in his eyes which I can't pinpoint.  Para siyang anghel sa itsura pero ang mga mata niya ay taliwas sa nakikita ng lahat.  "I will buy you your favorite books," panunuhol niya. I shook my head. "Maghanap ka ng babaeng gusto kang makasama," kinuha ko ang ballpen ko sa kaniya at tumagilid.  "Ikaw nga ang gusto kong kasama," sambit niya. "Why not date me, Selene? Why not Hunter Ybrahim?" Nahimigan ko ang kayabangan sa kaniyang malamig na boses.  Umirap ako at tamad na tiningnan siya diretso sa kaniyang mga mata.  "Ayoko sa lalaking may pangalang Hunter Ybrahim, maliwanag ba?"  His eyes became sharp but it was just in a split of seconds. Bahagya akong lumunok lalo na nang seryoso niya akong tiningnan. Kinabahan ako dahil doon. What? Is he someone who can't accept rejection? Like someone which I've watched in local news. Na hindi tinanggap na tinaggihan siya ng babae kaya...  Umiling-iling ako. Hindi naman niya siguro ako aabangan mamayang uwian? That's childish. Immature. Hunter should start practicing how to handle rejection.  Umiwas ako ng tingin. Bakit ba kasi ngayon pa naisipang lumiban ng guro namin? At ang dalawa kong kaibigan na hindi na halos nagpaparamdam sa akin!  This felt so awkward.  And I don't know why but whenever he's around, I feel nervous and weak.  "Okay," he shrugged and settled his eyes in front. "Kung ayaw mo, pilitin natin." The side of my lips rose up. Two weeks of asking me to date him, yet he still not give up. I mean, Hunter is handsome, alright. But I don't like the way my system react whenever he's near. Ayoko ng pakiramdam na parang kinakapos ako ng hangin dahil baka matuluyan na ako kung ganito na lamang palagi.  I fake a cough. "Ano? Pipilitin mo ako kahit labag sa kalooban ko? Hindi yata iyon tama."  Tiningnan niya ako sa gilid ng kaniyang mata.  "I forced everyone and that includes you, dating me..." balewala niyang sinabi na ikinaismid ko.  "If you do that, I will forever hate you."  Humalukipkip siya. "Then, date me so I wouldn't use force against you. At para hindi mo na rin ako kasuklaman." "Are you being serious now, Hunter Ybrahim?" Seryoso na ang boses ko.  Hindi siya nagsalita roon. Imbes na sumagot ay pinikit niya lang ang kaniyang mga mata na para bang wala siyang sinabi na naghatid sa akin ng kaba!  Hinampas ko siya sa kaniyang braso. "Answer me!" pasigaw kong tanong.  He opened his eye then closed it again. "Just date me," aniya. I shook my head. "You wish, Hunter Ybrahim. Hindi kita gusto kaya magdusa ka!"  Nabigla ako nang bigla siyang kumilos at hinuli ang mga kamay ko. Napatingin ako sa palapulsuhan kong kinulong niya sa kaniyang malamig at malaking kamay.  I gulped as I tried to fight his blank stares. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero walang lumabas. Kaya sa huli ay binitawan niya ako at matiim akong tinitigan. "Reserved all your hates for me, Selene. I might force you for real..." he said then left. Napatulala ako. What does he mean by that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD