Ice P.O.V
"Bakit."- walang emosyong saad sakin ni Devin.
Nandito ako ngayon sa hallway, naglalakad ako nang makasalubong ko siya at mapahinto at mapatitig sa kanya.
Umiwas naman ako ng tingin sa mukha niya at tumingin na lamang sa kaliwang braso niya na may benda.
Kung ganun diyan siya tinamaan..
"W- wala!"- saad ko sabay bulong. "Mukhang ayos ka naman."- bulong ko sabay talikod ko sa kanya.
"Sandali."- rinig kong sabi niya.
Tila otomatiko namang gumalaw ang katawan ko at humarap sa kanya.
What the!!
"Tss.. diba sabi ko kagabi kahit anong mangyari wag kang lalabas sa dorm niyo? Nakita kita kagabi, sinuway mo ang utos! Buti na lang hindi ka sinaktan nila Red and Black mask na nagkataong nasa harapan ng dorm niyo! Bakit ba napakakulit mo!"- kunot noo niyang sabi.
Tila nabanas naman ako.
"Kasalanan ko ba na may tatanga-tangang tinamaan ng bala!?"- banas kong sabi.
Natigilan naman siya. "A- ano?"- gulat niyang sabi.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang marealize ko ang sinabi ko.
"W- wala! Nevermind!"- saad ko sabay takbo ko ng mabilis paalis.
Sh*t! ano yung sinabi ko!?
Nang makalayo na ko, agad akong huminto sa pagtakbo at sinabunutan ang sarili ko.
"Aarghh! Ano bang nangyayari sayo Ice!? Isa ka na rin sa mga weird na tao ngayon! Bwiset!"- banas kong sabi at pagkatapos ay napaupo na lamang ako sa bench na nasa harapan ko.
"Ang weird, pakiramdam ko may kakaiba talaga sakin. May iba akong pakiramdam o nararamdaman sa mga tao rito... katulad na lang kila Vince at Devin. Tapos kagabi naman, yung Red at Black Mask. Bakit parang kilala ko sila? may iba akong naramdaman nang makita ko sila, tila kapareho ng nararamdaman ko tuwing nakikita ko sila Vince at Devin. Bakit pakiramdam ko.. kilala ko na sila dati pa?"- mahina kong saad sa sarili ko.
"Nakakabaliw..."- saad ko pa.
xxxxxxx
Devin P.O.V
"Ang labo.."- bulong ko sa sarili ko.
Nandito ako ngayon sa opisina naming Dark Cards. Ako lang mag-isa. Iniisip ko yung kanina, hindi yung sinabi ni Ice kundi yung inasta niya.
"Para talaga siyang si Darkiela."- saad ko.
SHORT FLASHBACK>>
"Diba sabi ko sayo wag kang lalabas sa pinagtataguan mo? nahuli ka rin tuloy ni Manong Butler! natalo tuloy tayo sa tago-taguan!"- galit kong saad kay Darkiela.
Tila nainis naman siya at kinunutan ako ng noo.
"Kasalanan ko ba na may tatanga-tangang nagpahuli agad tapos nadapa kaya nasugatan siya? kasalanan ko bang nag-alala ako sayo kaya ako lumabas sa pinagtataguan ko!? Ewan ko nga sayo diyan!"- sigaw niya sabay nguso at crossarms.
Natigilan naman ako at pagkatapos ay natawa na lamang ako sakanya.
"Napakashort tempered mo talaga. Oo na, sorry na."- saad ko at pagkatapos ay napakamot na lamang ako sa ulo ko.
FLASHBACK END>>
"Si Ice at Darkiela.. parang iisa talaga sila. Ice reminds me of Darkiela so much.."- saad ko.
Pero kung iisa sila.. bakit walang tattoo sa likod si Ice? at isa pa, bakit hindi niya kilala si Headmaster June na Tito niya at... ako, bakit hindi niya ko kilala?
"Ano ba talagang totoo?"- saad ko.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Alex.
"King, meeting daw po sabi ng Headmaster, lahat po ng grupo."- nakangiting saad ni Alex.
Naweirduhan naman ako sa kanya.
"Okay."- saad ko sabay ayos ko ng upo.
"Parang sobrang saya mo yata? nakakapagtaka.. hindi ka palangiti pero this past few days napapansin kong parang nag-iba ka. Anong meron?"- saad ko sakanya.
Bahagya naman siyang yumuko.
"W- wala King, don't mind me!"- saad niya sabay lakad paatras.
"A- alis na po ako!"- saad niya sabay labas ng mabilis dito sa opisina naming mga Dark Cards.
"Ang lalabo ng mga bagay at tao ngayon."- saad ko sabay buntonghininga ko at tayo.
Ano kayang pagmi-meetingan...
GYMNASIUM>>
"Ipinatawag ko kayo ngayon dahil sa nangyari kagabi, alam niyo naman siguro kung anong nangyari kagabi kahit hindi niyo nakita."- saad ng Headmaster.
Nagtanguan naman lahat ng mga grupo na nandirito.
"Kagabi, isang bala ng baril ang tumama sa Hari ng DIA na si Devin at ang may gawa niyan ay isa sa mga tauhan nung Red and Black Mask na yun! Tama kayo nang narinig, may mga tauhan sila!"- saad ni Headmaster sabay tingin niya sa lahat ng nandirito.
"At alam niyo kung anong naiisip ko? Yung mga tauhan nila na yun ay mga estudyante rito sa DIA, may nagtataksil sa atin! kinakampihan nila ang kalaban ng buong DIA at sobrang nag-iinit ang ulo ko dahil sa mga tulad nila! Ngayon, ito ang gusto kong gawin niyo.."- saad ng Headmaster sabay harap niya saming lahat na nandirito ng seryoso.
"Magkakaroon kayo ng laro, laro na para lamang sa inyong mga Grupo. Ang tawag sa larong ito ay Deadly Haunt. Hauntingin niyo lahat ng tauhan ng Red and Black mask na yan lalo na silang dalawa! Kung iniisip niyong ito lang din ang sinabi ko dati sa lahat na kailangan niyong gawin lahat well tama kayo! pero may pagkakaiba ang sa ngayon na para sainyo. Kayo, may susundin kayong gawain, at oras na hindi niyo yun magawa ay isa sa miyembro ng bawat grupo ang mamamatay."- saad ng Headmaster.
Wala namang nagsalita, tila seryoso ang lahat.
Mukhang magiging mahirap ito..
"So kailan magsisimula ang laro na yan para samin? ngayon ba?"- saad ni Vince.
Tumingin naman kaming lahat sakanya.
Si Vince, siya talaga ang tila walang takot o kaba sa lahat sa aming mga grupo rito sa DIA. Siya ang palaging bumabasag sa katahimikan ng lahat tuwing takot o kabado ang lahat.
Ngumiti naman ang Headmaster at lumapit ng kaunti sa kinaroroonan ni Vince at ng grupo niya.
"Hindi pa sapagkat may mga bagay pa akong dapat ayusin, mga bagay na kailangan para sa laro na nakatalaga sainyo. Wag kang atat Vince, tila madaling-madali ka yata? may problema ba? may ikinatatakot ka ba?"- tila may ibang ibig-sabihin na saad ni Headmaster kay Vince.
Nag-iba naman ang aura sa pagitan nilang dalawa, bigla itong bumigat.
"Wala Headmaster, meron ba kong dapat na ikamadali at ikatakot? *smirk* tila iba ang kutob ko sa sinasabi mo. Pinaghihinalaan mo na naman ba ako?"- saad ni Vince.
Ngumisi naman ang Headmaster.
"Parang ganun na nga, dahil una sa lahat.
ikaw ang numero unong lumalaban sakin dito. Matagal na.."- saad ng Headmaster.
Panandalian namang natigilan si Vince, pero ilang sandali lang ay bigla siyang tumawa.
"Well Headmaster, tignan natin kung totoo yang hinala mo na yan ngayon."- saad ni Vince sabay crossarms.
Nagsalita naman si Ice.
"Sana magsimula na agad dahil sa totoo lang parang sasabog na ang ulo ko sa kaiisip kung sino ba sina Red at Black Mask at kung bakit ba sila nanggugulo rito sa DIA, nakakatanga."- saad ni Ice.
Tinignan naman siya ng Headmaster at maging ako ay tinignan din siya.
"Parehas tayo ng kalagayan Ms.Ice. Huwag kang mag-alala, magsisimula rin agad ang laro na para sa inyo sa lalong madaling panahon at sana, magtagumpay kayo."- saad ni Headmaster sabay ngiti at balik niya sa pwesto niya kanina sa gitna.
"Tapos na ang pagpupulong para sa araw na ito, ipatatawag ko na lamang ulit kayo upang sabihin sa inyo ang mga bagay-bagay na mahalaga kapag natapos ko nang ayusin ang mga iyon. Pagkatapos non, simula na ang laro. Ngayon, pumunta na kayo sa mga klase niyo. Dismiss."- saad ng Headmaster sabay lisan niya ng mabilis.
Pagkaalis ng Headmaster, nagsalita si Luis.
"Buti at diyan ka lang sa braso mo tinamaan dahil kung hindi, malamang maghahanap na ng bagong Hari ang DIA."- saad ni Luis.
Tinignan ko naman siya, nakaupo siya habang nakaakbay kay Reigen na walang emosyong nakatingin sakin. Inalis ko naman ang tingin ko sa kanila at saka tumayo sabay napailing dahil sa sinabi niya.
"Malamang ganun nga, ngunit kung namatay man ako dahil sa nangyari kagabi.. paniguradong hindi ikaw Luis ang papalit sakin sa trono."- saad ko sabay ngisi at tingin sa kanya.
"Alam kong nangangarap ka, para sabihin ko sayo.. kung namatay man ako kagabi, hindi ikaw ang papalit sakin. Maaaring isa sa kambal. Hindi ikaw o kung sino man sa ibang grupo kaya wag ka nang umasa."- nakangisi kong sabi.
Halata naman ang banas sa mukha niya. Magsasalita na sana si Luis ng...
"Tumigil nga kayo."- biglang singit ni Ice.
Agad naman akong napatingin sakanya. Tila inis siya..
"Patay! Patay! palit sa pwesto? Tss... imbis na mag-away kayo diyan ba't di niyo na lang isipin o planuhin ang mga gagawin niyo para sa laro? Kahit wala pa yung mga importanteng bagay eklabush na yun mabuti pa rin na maghanda hindi yung nagsisimula na naman kayo ng away diyan! Nakakainit kayo ng ulo! yung apoy sa pagitan niyo pumupunta sa ulo ko bwiset!"- banas na saad ni Ice sabay padabog na umalis.
Natahimik naman ang lahat.
A- ano yun..
"Ice sandali lang! Hays! bakit ba parang habang lalong tumatagal nagiging very very short tempered ka? ICE SANDALI!!"- sigaw ni Ashlie at pagkatapos ay mabilis nilang sinundan nila Grey at Ylana si Ice.
Napaisip naman ako.
Short tempered... naiinis o nababanas nang dahil lang sa nangyayari sa paligid niya.. ganun si Darkiela......
"Babe, bakit ganun yung kapatid mo? nakakatakot."- rinig kong saad ni Luis kay Reigen.
"Ewan, nagulat nga rin ako eh. Natigilan ako dahil sakanya, grabe yung aura niya... ang bigat.."- saad ni Reigen.
Di ko naman pinansin ang mga nandito at nagsimula na lamang akong maglakad paalis, hindi naman ako sinundan nila Alex, Bryan at Brent. Habang nasa hallway, nakita ko si Ice na nakalukot ang mukhang nakatingin sakin habang nakasandal sa pader ng isang classroom at naka-crossarms.
Nilapitan ko naman siya.
"May problema ka sakin? bakit ganyan itsura mo?"- saad ko.
Napasigaw naman ako ng bigla niyang hinampas yung braso kong may benda dahil sa tama ng baril.
"Aray! Problema mo!"- sigaw ko sa kanya.
Mabuti na lamang at walang mga tao dahil nasa klase ang lahat.
Bigla naman niya kong dinuro.
"Alam mo kanina ko pa gustong gawin yan eh! Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko talagang hampasin yang sugat mo! Para akong baliw diba? yun din tingin ko sa sarili ko! Ewan ko ba kung bakit ang weird nang pakiramdam ko sa inyong dalawa ni Vince! at hindi lang sa inyo! pati dun sa Red at Black Mask na yun! Nababaliw na ko!!!"- saad niya sabay sabunot niya sa sarili niya tapos sabay tingin sakin ng seryoso.
Ako naman, di makapagsalita.
W- weird... w- what's with her?
"Kagabi, kaya ako lumabas ng dorm kasi narinig kong tinamaan ka ng bala ng baril. Ang weird kasi alam mo kung bakit? Biglang nagreact yung katawan ko, nakaramdam ako ng takot kahit wala naman akong pake sayo kasi di naman kita kilala at ngayon lang tayo nagkakilala at dito lang sa DIA. Sabihin mo nga, anong klase yun? Isa pa, kahit na dalawang beses mo na kong ipinahamak ay hindi ko pa rin magawang magalit sayo ng sobra! naguguluhan ako..."- kunot noo niyang sabi.
Kung ano-ano naman ang pumasok sa isip ko.
"H- hindi ko alam."- ang sinabi ko nalang.
Hindi ko alam! maski ako naguguluhan sa kanya!
"Pakiramdam ko parang matagal ko na kayong kilala... kayo ni Vince."- saad ni Ice na ikinakabog ng dibdib ko at ikinatitig ko sa kanya ng husto.
Bumuntonghininga naman siya.
"Hay ewan! Halata naman na wala kang maitutulong dito sa kabaliwan ko. Kalimutan mo na lang yung sinabi at inasta ko ngayon. Diyan ka na, King."- saad ni Ice sabay alis.
Hindi naman ako nagsalita, pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Sa tingin ko kailangan na talaga kitang imbistigahan ng todo, sa tingin ko... ikaw talaga si Darkiela..
Ice...
xxxxxxxx
Ice P.O.V
"Ice, ayos ka pa ba?"- kunot noong tanong sakin ni Ashlie sabay inom niya sa hawak niyang fruit shake.
Kunot noo ko naman siyang tinignan. "Anong ibig mong sabihin?"- kunot noo kong sabi.
Nasa cafeteria kami ngayon, break time.
Bumuntonghininga naman si Ashlie.
"Kasi napapansin ko parang lalong lumalala yung pagiging short tempered mo, tapos nakita kita kahapon na kausap yung Hari. Diba dapat layuan mo siya? ang plano mo diba susubaybayan mo siya sa malayo pero bakit lumalapit ka na sa kanya? Ako, hindi ko nilalapitan si Bryan. Ganun din si Ylana kay Brent, si Grey naman.. well nasa plano niyang lapitan si Alex para maging kakampi natin pero ikaw..."- seryosong saad ni Ashlie.
Panandalian naman akong natigilan at pagkatapos ay napa-buntonghininga na lamang ako.
"May sarili akong dahilan, ayokong sabihin dahil ang weird."- saad ko sabay tayo.
"Hayaan niyo muna ako, lilinawin ko muna yung mga malalabong bagay sakin. Kapag malinaw na lahat, dun ko na lang sasabihin sayo.. sa inyo nila Grey at Ylana."- saad ko sabay talikod ko sa kanya. "Dun muna ko."- saad ko sabay lakad ko paalis.
Tama, lilinawin ko ang lahat! pero.. sa paanong paraan?
"Ice."- rinig kong tawag sakin ni Devin. Nilingon ko naman siya.
"B- bakit?"- tanong ko.
Anong kailangan nito sakin?
Lumapit naman siya sakin.
"May gusto akong ipagawa sayo."- saad niya.
Napakunot naman ako ng noo. "Uutusan mo ko?"- saad ko.
Tinignan naman niya ko ng masama.
"May reklamo ka? ako ang Hari dito sa DIA so uutusan ko lahat ng gusto kong utusan at wala kayong magagawa dun."- saad niya.
Umiwas naman ako ng tingin. "P- pasensya na."- saad ko.
May inilabas naman siyang isang folder at iniabot yun sakin.
"Sagutan mo lahat ng nandiyan."- saad niya.
Kinuha ko naman yung folder at tinignan kung anong nilalaman nun.
"Maze, cross words, sudoku, puzzles, hanap salita and short quizzes?"- saad ko.
Tumango naman siya. "Oo."- seryoso niyang sabi.
Nagkibitbalikat naman ako. "Basic, pupuntahan ba kita sa office niyo kapag nasagutan ko na lahat 'to?"- saad ko.
Tumango naman siya ulit. "Oo."- sagot niya sabay bulong.
'Kapag nasagutan mo ng tama lahat yan pumasa ka sa pagiging si Darkiela.'- Devin.
"May sinasabi ka?"- tanong ko.
Agad naman siyang umiling. "Wala."- saad niya sabay ngisi.
"Aalis na ko."- saad ni Devin at pagkatapos ay agad siyang umalis.
Napataas naman ako ng kilay. "Problema niya?"- bulong ko.
Magawa na nga lang 'tong ipinapagawa niya.
xxxxxxx
Ashlie P.O.V
"Ano ba talagang nangyayari kay Ice?"- saad ko sabay lumbaba. "Sana maliwanagan siya agad sa kung ano mang problema niya pero... ano ba kasi talaga yun?"- bulong ko.
"Ganyan na ba talaga ka-weirdo ang lahat dito? nagsasalita mag-isa?"- rinig kong saad ng kung sino mula sa likuran ko. Agad ko naman itong hinarap.
Si Bryan...
"Kailangan mo?"- kunot noo kong sabi. Umupo naman siya sa upuan sa harapan ko.
"Gusto kitang makausap."- saad niya.
Nakita ko namang seryoso siya kaya naman sumeryoso rin ako.
"Tungkol saan?"- saad ko sabay crossarms at sandal ko sa upuan. Bumuntonghininga naman siya.
"Natatandaan mo yung hamon mo sakin? sa totoo lang tinanggap at ginawa ko yun.. nag-iimbistiga ako. Iniimbistigahan ko ang Headmaster."- seryoso niyang sabi.
Nabigla naman ako sa sinabi niya.
H- hindi ko 'to inaasahan.. akala ko hindi niya papansinin ang hamon ko sakanya.
"Tama ka, sa tingin ko meron ngang sikreto ang Headmaster. May sikreto siya na tila iba ang kutob ko, para akong natatakot."- seryoso niyang sabi sabay kuyom niya sa kanyang kamao.
Tinitigan ko naman siya. Halatang sobrang gulong-gulo siya.
"So ano?"- saad ko. Tinignan naman niya ko.
"Panalo ka, kahit di pa napapatunayan halata naman na may sikreto siya."- saad niya sabay buntonghininga. "Congrats, slave mo na ko."- diretso niyang saad.
Tinitigan ko naman siya.
Bakit siya ganyan? hindi ako makapaniwala.. hindi kaya may pinagplanuhan 'to?
"Okay."- saad ko.
Tatanggapin ko ang pagsuko niya, dahil ito talaga ang pakay ko...... ang makuha siya upang magamit.
"Now, what do you want me to do?"- walang emosyon niyang saad. Bigla namang may ilaw na sumindi sa ulo ko.
"Wait! 'eto!"- saad ko sabay kuha ko sa geometry notebook ko.
"Sagutan mo at gusto ko, tama lahat! kapag may isang mali nako lang!"- saad ko sabay ngisi ko ng pang-demonyo.
Agad naman niyang kinuha yung notebook ko.
"Paano naman kapag nasagutan ko 'tong lahat ng tama at walang mali kahit isa?"- tanong niya.
Napataas naman ako ng kilay. "Kailangan may reward ka pa?"- saad ko.
Tumango naman siya. "Kahit slave binibigyan din ng reward."- saad niya.
Napaisip naman ako. "Hmm? ano kayang pwede.."- saad ko.
"Pwedeng ikaw na lang?"- rinig kong saad niya. Napatingin naman agad ako sakanya.
"What?"- kunot noo kong sabi.
Umiling naman siya at pagkatapos ay tumayo.
"Wala, alis na ko. Sasagutan ko na 'to."- saad niya sabay pamulsa at lakad niya paalis.
Natulala naman ako sandali.
Ano yun?
xxxxxxx
Devin P.O.V
"Done!"- saad ni Ice sabay lapag niya ng folder na ibinigay ko sa kanya kanina sa lamesa ko. Tinignan ko naman siya.
Confident na confident ang itsura niya.
Palihim naman akong ngumiti.
"Sige, makakaalis ka na."- saad ko sabay tingin ko sa laman ng folder.
"Bago ako umalis, para saan ba yan at pinasagutan mo sakin yan?"- saad niya.
Tinignan ko naman siya at pagkatapos ay ngumiti. "Wala."- saad ko sabay tingin ko ulit sa folder.
Nagulat naman ako ng bigla niyang hampasin ng malakas ang lamesa ko.
"Anong wala? Kung ganun trip mo lang!?"- sigaw niya.
Tinignan ko naman siya with a very blank expression. "May reklamo ka?"- saad ko.
Natigilan naman siya at pagkatapos ay nakakuyom ang mga kamao siyang umayos ng tayo.
Halatang-halata ang galit sa mukha niya at.... natutuwa ako dun.
"W- wala!"- saad niya.
"Good."- saad ko sabay ayos ko ng upo ko. "Makakaalis ka na."- saad ko sabay tingin ulit sa folder.
Di naman siya nagsalita at padabog na lamang na umalis. Pagkaalis niya, nahampas ko na lamang ang lamesa ko dahil sa tuwa.
"Challenge no.1 done!"- saad ko sabay ngisi.
"Bukas, bukas yung pangalawa. Sa sampung challenge na nalikha ko, oras na lahat yun ay magawa mo then walang duda! Ikaw siya. At kapag nangyari yun..."- saad ko sabay tingin ko sa litrato ng simbolo ng DIA dito sa opisina namin ng Dark Cards.
"Aalamin ko kung bakit di mo ko kilala, bakit di mo kilala si Headmaster June at kung bakit di mo kilala kung sino ka. Malakas ang kutob kong may nangyari sayo, hindi pwedeng nagpapanggap ka lang na hindi mo kami kilala dahil kitang-kita sa kilos mo, totoong-totoo ka."- saad ko.
"Darkiela, miss na miss na kita.."- saad ko pa.