Chapter 26

3468 Words
Ice P.O.V "Bad bad bad bet a bad bad girl, Bad bad bad bet a bad bad girl, Bad bad bad bet a bad bad girl. Eonje bwado cham nasseon yeojaya!"- kanta ni Ashlie habang sumasayaw. "Waaahhh! ang gwapo talaga ni Myungsoo! Buti na lang naka-save 'tong mga video ng Infinite sa phone ko kaya nakikita ko pa rin siya at pati ang iba pa na kumakanta at sumasayaw!"- tili ni Ashlie na tila kilig na kilig. Tss.. ingay. Bigla namang sumulpot si Ylana mula sa kusina. "HOY! NARINIG KO PANGALAN NG ASAWA KO!"- sigaw ni Ylana. Agad namang hinarap ni Ashlie si Ylana at tinitigan ito ng masama. "HOY KA RIN! sinong ASAWA MO? si MYUNGSOO? akin siya!"- sigaw ni Ashlie. Dinuro naman siya ni Ylana at nilapitan. "Walang sayo! AKIN SI KIM MYUNGSOO! AKIN! AKIN! AKIN!"- sigaw naman ni Ylana. Tinabig naman ni Ashlie ang kamay ni Ylana. "Aba! gusto mo ng away?"- saad ni Ashlie sabay taas niya sa sleeves ng uniform niya. Nagtaas naman ng kilay si Ylana. "Oo! GUSTO KO! akala mo uurungan kita? Tara!"- saad ni Ylana. Nanggigigil namang itinaas ni Ashlie ang kanyang kanang kamay. "AKIN SI MYUNGSOO!"- mariing sigaw ni Ashlie sabay banat na sana kay Ylana ng..... "Bakit niyo pinag-aagawan ang asawa ko? hindi niyo ba alam na 5 years na kaming kasal at meron na kaming tatlong anak? Gusto niyong kumabit? halikayo rito at tatanggalan ko kayo ng mga buhok at paplantsahin ko yang mga mukha niyo!"- singit ko. Natigilan naman sila at sabay na napatingin sakin. "Hmp! Ice naman eh!"- emote ni Ashlie sabay ayos niya ng tayo. "Shut up na ko, wala akong palag diyan kay Ice."- nakangusong saad ni Ylana sabay lakad papunta sa sofa at upo. Ngumisi naman ako at nag-crossarms. "Para kayong timang, pinag-aagawan niyo eh hanggang pangarap niyo lang yun. Di nga kayo kilala nung tao."- saad ko sabay ngiwi at sandal ko sa pader. "Magsasakitan pa kayo diyan eh kung pag-untugin ko kayong dalawa?"- saad ko pa sabay tingin ko sa kanilang dalawa ng masama. Ngumuso naman silang dalawa. "Sarey okay? Sarey!"- saad nila. Napailing naman ako. Kahit kailan talaga... hayy! Dumating naman ang kanina ko pa hinihintay na dumating. Si Grey. "Ice!"- hinihingal niyang saad. Umayos naman ako ng tayo. "Ano? anong balita?"- saad ko. Tinignan naman niya sila Ylana at Ashlie, pagkatapos ay bumuntonghininga siya at tumingin sakin. "Inilabas na ng Headmaster ang una sa sinasabi niyang mga importanteng bagay, at alam niyo? alam kong hindi niyo magugustuhan 'to pero pwede rin naman na Oo."- saad ni Grey. Naguluhan naman ako at napakunot ng noo. "Bakit? ano ba yang balita na yan?"- saad ko sabay lapit ko ng kaunti kay Grey. Bumuntonghininga naman siyang muli. "Hindi lang tayong Reapers ang kikilos para mapagtagumpayan natin ang laro, may kasama tayo. Inilabas ng Headmaster ang mga grupong magiging magkasama sa larong para sating mga grupo at guys, magugulat kayo sa grupong makakasama natin sa laro. Hindi ko alam kung pabor ba satin ito o hindi."- saad ni Grey. Kinutuban naman ako dahil sa sinabi niya. Mukhang alam ko kung anong grupo.. Lumapit naman si Ashlie kay Grey. "B- bakit? Sino ba ang grupong makakasama natin? Wag mong sabihing...."- saad ni Ashlie na tila kinutuban din sa kung sino ang grupong makakasama namin. Tumango naman si Grey. "Tama, ang Dark Cards nga."- saad ni Grey. Narinig ko namang nagmura si Ylana. "Put*! bakit sila pa?"- saad ni Ylana. Napaisip naman ako. Sa tingin ko pabor samin ang nangyari na 'to. Mas maganda kung magiging malapit sila dahil mas maiimbistigahan namin sila at ako, baka mas makatulong sakin ito. Pagkatapos non, nagulat kami ng bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang apat na miyembro ng Dark Cards. Napatayo naman mula sa pagkakaupo niya sa sofa si Ylana. "Alam niyo naman na siguro ang balita."- saad ni Devin pagkapasok niya rito sa dorm namin. Tinignan ko naman siya ngunit sandali lamang at agad akong nag-iwas ng tingin. "Hindi ba kayo marunong kumatok."- saad ko. "Hindi."- sagot agad ni Devin. Nagpoker face naman ako dahil dun. "Tss... Oo, alam na namin ang balita."- saad ko sabay tingin ko sa kanilang Dark Cards. "Yun ba yung dahilan kung bakit kayo nandito?"- saad ko sabay lapit ko na ng tuluyan kay Grey. Sinagot naman ako ni Alex. "Oo, may iba pa bang dahilan?"- taas kilay na saad ni Alex. Napatingin naman ako sa kanya. Busangot na busangot ang mukha niya. Problema niya? "Gusto naming sabihin sa inyo na bukas, pag-uusapan natin ang lahat ukol sa pagiging magkakampi natin sa laro. Kailangan nating mapagkasunduan ang lahat ng bagay nang sa ganun ay magtagumpay tayo."- saad ni Devin. "Ganun ba? sige. Anong oras bukas?"- saad ko habang nakatingin ng diretso kay Devin. Tsk... yung pakiramdam na naman na nararamdam ko kapag nakikita ko siya, nararamdaman ko na naman! nakakainis! at tila mas lalo pang tumitindi ang nararamdaman ko na yun! "After lunch, sa opisina naming Dark Cards. Don't be late."- saad ni Devin. Tumango naman ako. "Sige."- saad ko. Nagtaka naman ako ng hindi pa sila umaalis, nakatayo lamang sila sa kinatatayuan nila at hindi lumalabas sa dorm namin. Tinignan at tinaasan ko naman sila ng kilay. "May kailangan pa kayo?"- tanong ko. Nagsalita naman si Bryan. "Hindi niyo ba kami iimbitahang umupo at painumin ng juice? Kaming Dark Cards nag-abalang pumunta rito sa dorm niyo para lang sabihan kayo at para sabihin ko sa inyo, hindi namin 'to ginagawa sa iba. Hindi niyo man lang ba kami ie-entertain bilang bisita niyo?"- saad ni Bryan. Nagsalita naman si Ashlie. "Maangas naman pala... pft! oh sige!"- saad ni Ashlie sabay lapit sa kanila. "Mga mahal naming bwisita este? Bisita *fake smile* Maupo po kayo sa sofa, nakakangawit pong tumayo alam niyo po ba? Ano po bang gusto niyo? Juice po ba? What flavor? Shake? What flavor? Pambara po gusto niyo? Magaling pong mag-bake ang pinuno namin ano po bang gusto niyo?"- saad ni Ashlie sa Dark Cards. Umupo naman sa sofa ang Dark Cards. "Cheesecake and Mango Shake."- saad ni Bryan. "Pineapple pie and Pineapple Shake."- saad ni Alex. "Cheesecake rin tsaka Mango Shake."- saad ni Brent. "Brownies tsaka chocolate shake, pakibilis kasi papasok kami sa second subject."- walang emosyong saad ni Devin sabay dikwatro ng panglalaki at crossarms. Napanganga naman si Ashlie at tumingin sakin. Tsss.. bakit nagbiro pa kasi siya! Imbis na mapaalis niya lalo pang tumuloy! AYYYY EWAN!! "Wala ka ng pera."- saad ko kay Ashlie sabay talikod ko at lakad ko patungong kusina. Kainis! FORWARD>> "Wala na?"- saad ni Bryan pagkaubos niya sa cheesecake niya. Tinignan naman siya ng masama ni Ashlie. "Tch, kapal!"- saad ni Ashlie at pagkatapos ay may ibinulong siya kay Bryan na kung ano. "Ahh.. Hehe! busog na pala ako."- saad ni Bryan sabay inom niya sa mango shake niya at ayos niya ng upo. Tumayo naman si Devin. "I'm full, salamat sa pagkain."- saad ni Devin sabay tingin sakin. "Mahilig ka talagang mag-bake?"- tanong sakin ni Devin. Nagtaas naman ako ng kilay. "Oo, bakit?"- tanong ko sa kanya. Agad naman siyang umiling. "Wala."- saad niya sabay ngisi at talikod sakin. Nakaupo ako sa sofa sa gilid tapos sila naman sa dalawang mahabang sofa sa gilid ko. "Cards tayo na, papasok pa tayo."- saad ni Devin sa mga kasama niya. "Opo."- sagot naman nila Alex, Brent at Bryan. May napansin naman ako mula sa bintana, ilaw na kulay pula at sa tingin ko ay isa itong laser. Tinignan ko naman itong mabuti at tinignan kung saan ito nakatama at halos manikip ang dibdib ko nang makitang.... sa sintido ni Devin iyon nakatama. Agad naman akong tumayo sapagkat kinutuban ako ng hindi maganda. "Devin! Umalis ka diyan!"- sigaw ko sabay lundag ko at tulak kay Devin paalis sa kinatatayuan niya. Saktong pagbagsak naming dalawa sa sahig, bigla na lamang nabasag ang maliit na vase na nasa lamesita rito sa dorm naming Reapers. Dahil sa nangyari, naging alerto sina Alex, Brent at Bryan at maging ang mga kaibigan ko. "Sino yun!"- sigaw ni Bryan. Agad naman akong umalis sa ibabaw ni Devin. Pagkaalis ko, agad akong tumayo at tarantang lumabas ng dorm naming Reapers upang hanapin ang taong nagtangka sa buhay ni Devin. Sniper yun panigurado! Tumingin naman ako sa building sa harapan namin pero.. wala akong nakitang kahit isang tao. Tsk! sino yun? Bakit niya gustong patayin ang Hari? "Ice!"- rinig kong tawag sakin ni Devin. Agad ko naman siyang nilingon. "Wala akong naabutan."- saad ko sakanya. Sandali naman niya kong tinitigan at pagkatapos ay nilapitan niya ko. Nagsilabasan naman ang iba sa Dark Cards at ang mga kaibigan ko. "Salamat."- saad niya. Tinignan ko naman siya ng diretso. "W- wala yun, m- may kaaway ka ba?"- tanong ko sa kanya. Napakunot naman siya ng noo. "Wala, maliban kay Luis."- sagot ni Devin. Napailing naman ako. "Hindi magagawa ni Luis yung nangyari ngayon-ngayon lang, magkaaway kayo dahil kay Ate Reigen at sa tingin ko hindi naman aabot sa ganun ang away niyo. Sorry ah? pero sa tingin ko ay kung mayroon mang posibleng gumawa non ay walang iba kundi ikaw Devin dahil ikaw ang talo sa inyong dalawa dahil si Luis ang pinili ni Ate Rei. Sigurado ako, hndi si Luis ang gumawa nung kanina."- saad ko. Nagsalita naman si Alex. "Mukhang alam ko kung sino ang suspect."- saad ni Alex. Tinignan naman namin siya. "Sino?"- saad ni Devin. "Yung lalaking bumaril sayo nung gabing nakaharap natin sila Red and Black Mask pati ang mga tauhan nila. Sa tingin ko siya yung kaninang muntik nang makapatay sayo King."- sagot ni Alex. Napaisip naman si Devin. "Sa tingin ko siya nga, nung gabing nakaharap natin sila... pagkakita pa lang sakin nung lalaking nakamaskara na itim na yun ay agad niya kong binaril. Sino yun? bakit gusto niya kong patayin?"- saad ni Devin. Bumuntonghininga naman ako. "Malalaman natin yan kapag ginalingan natin sa laro, oras na ma-haunting natin sila Red and Black mask ay maha-haunting din natin ang mga tauhan nila. Malalaman din natin doon kung sino yung tauhan nila na gusto kang patayin."- saad ko. "Kaya galingan natin."- saad ni Ylana. Tumango naman ang Dark Cards. "Sige."- saad ni Devin. Sana magtagumpay kami dahil hindi ko gusto 'tong nangyayari.. xxxxxxx Ice P.O.V "What!? Ang Dark Cards ang kasama niyo?"- sigaw ni Ate Reigen. Napatingin naman sa kanya ang lahat ng estudyante rito sa garden dahil sa sigaw niya. "Ate! Wag ka ngang sumigaw."- saad ko sabay ngiwi. Kumalma naman siya at umayos. "Bakit ang Dark Cards pa! Ipinapahiwalay ko kayo dun tapos.. tapos mangyayari 'to? Hindi pwede yan! kakausapin ko ang Headmaster, papapalitan ko yung grupong makakasama niyo!"- saad ni Ate Reigen sabay tayo sana nang pigilan ko siya. "Ate, hayaan mo na. Ayos lang yan."- saad ko sabay sandal ko sa upuan at crossarms. Nag-lean naman sakin si Ate. "Pero Ice, masasama sila! Nasabi ko na sa inyo yun dati diba?"- saad ni Ate Reigen. Bumuntonghininga naman ako. "Ate, wala akong nakikitang masama sa kanila."- saad ko sabay tingin ko ng diretso sa mga mata ni Ate. "Pabor samin ng mga kaibigan ko itong pagsasanib ng Reapers at Dark Cards para sa laro dahil mas magagawa namin ang pakay namin sa kanila kaya naman Ate, hayaan mo na kami."- saad ko. "Pero Ice!"- kunot noong tutol ni Ate. Napapikit naman ako. Sh*t! naiinis ako! "Ate please! pabayaan mo na kami."- saad ko habang pinapakalma ko ang sarili ko. Nahalata naman ni Ate na nagpipigil ako ng inis kaya't sumuko na siya. "Sige, bahala kayo. Pero kapag kayo nasaktan lalo na ikaw! Wag mo akong sisisihin."- saad ni Ate Rei sabay tayo niya at alis. Napahilamos naman ako sa mukha ko. "Argh! Bakit ba kasi ang OA ni Ate pagdating sa Dark Cards? Inaano ba siya ng Dark Cards? Dahil sa love ba yan? Haay!"- banas kong saad sabay ub-ob ko ng mukha ko sa lamesa. Ayoko na! Nakakabaliw! "Hindi ba siya sang-ayon sa pagsasama ng grupo natin?"- rinig kong saad ni Devin. Agad naman akong nag-angat ng ulo at tinignan siya. "Malaki talaga ang galit niya sakin."- saad ni Devin sabay upo niya sa inuupuan kanina ni Ate. Umayos naman ako ng upo. "Hayaan mo na si Ate, wag mo na siyang isipin kasi maging ako hindi ko na rin siya iisipin. Lalo lang akong nababaliw."- saad ko sabay buntonghininga at tingin sa kanya. "Bakit ka nga pala nandito? kailangan mo?"- walang emosyon kong tanong. "Papunta na ko sa office namin nang makita ko kayo ng Ate mo, may meeting tayo diba nakalimutan mo?"- saad niya. Napapikit naman ako. "Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan."- saad ko sabay dilat at tayo. "Tara na, sabay na tayong pumunta sa opisina niyo King."- saad ko sabay alis ko ng tingin ko sa kanya. Di ko man kita, ramdam kong nakatingin siya sakin. "Sige."- saad niya at pagkatapos ay naramdaman ko siyang tumayo. Di naman na ko nagsalita at sumabay na lamang sa kanya sa paglalakad. Habang nasa hallway kami patungo sa opisina nilang Dark Cards.. nakasalubong namin si Vince. Huminto ito sa paglalakad at tumingin saming dalawa ni Devin kaya naman huminto rin kami ng Hari sa paglalakad at tinignan siya. "I- Ice."- saad ni Vince sabay tingin kay Devin tapos sakin ulit. "Bakit kayo magkasama?"- kunot noong saad ni Vince. Tinignan ko naman saglit si Devin at pagkatapos ay sinagot ko si Vince. "Ang Reapers at ang Dark Cards ang magkasama sa laro para sa ating mga grupo."- saad ko. Nagulat naman siya. "Ano?!"- may pagtaas sa boses niyang saad. Nagsalita naman si Devin. "And if you excuse us, may meeting pa kami."- saad ni Devin sabay tingin sakin. "Tara na Ice."- saad ni Devin. Tumango naman ako. "Alis na kami."- saad ko kay Vince at pagkatapos ay naglakad na muli kami ni Devin patungo sa opisina nilang Dark Cards. Pagdating namin ni Devin sa opisina nilang Dark Cards, hindi pa man kami nakapapasok sa loob ay rinig na rinig na namin ang ingay mula rito. "Don't talk to me!"- rinig kong sigaw ni Ylana. "Hoy Bryan! wala ba kayong pagkain dito? Nagugutom ako!"- rinig kong sigaw ni Ashlie. "Teka! sandali lang naman!"- rinig ko namang saad ni Bryan. "Wow! ang galing!"- rinig kong saad ni Alex. "Ano pang gusto mo?"- rinig ko namang saad ni Grey. Nagkatinginan naman kami ni Devin at pagkatapos ay pumasok na kami sa loob. Pagpasok namin, nakita ko si Ylana na ang sama ng tingin kay Brent habang si Brent ay tila natatawa. Si Ashlie naman nakaupo at inuutusan si Bryan habang si Grey naman ay may ipinapakita kay Alex sa laptop niya. "We're here."- saad ni Devin. Napatingin naman samin ang lahat at pagkatapos ay nagsi-ayos na sila ng upo. Inanyayahan naman ako ni Devin na maupo sa upuan sa kaliwa ng upuan niya. Nang maayos na ang lahat, agad kaming nagsimula. "Meron akong inihandang limang rules."- saad ni Devin. Nakinig naman ako at ang iba sa kanya ng mabuti. "Una, gusto kong sabihin na nais kong magkasundo ang lahat sa lahat ng mga desisyon na magagawa natin para sa laro. Ayokong may nagtatalo tulad ng palaging nangyayari sa pagitan ng kambal at ng dalawa pa sa babae ng Reapers, ayoko sa mga nakakarinding pagtatalo."- seryosong saad ni Devin. Hindi naman nagsalita ang kambal ng Dark Cards at sina Ashlie at Ylana. Bahagya naman akong natawa dahil dun. "Pangalawa, kikilos tayo as one group. Ako ang magbibigay ng utos at si Ice ang makakatuwang ko rito, ayokong may kikilos na lamang basta ng mag-isa, magpaalam muna sa amin ni Ice at hintayin ang pag-sang ayon naming dalawa."- saad ni Devin. Tumango naman ang anim. "Pangatlo, lahat ng clue ay isusulat niyo at litratuhan kung kinakailangan. Lahat ng clue na makukuha ng lahat ay pagsasama-samahin at aaralin nating mabuti."- saad ni Devin. "Pang-apat, mag-ingat sa lahat ng kilos. Hindi natin kilala kung sino ang mga kalaban, maging mapagmasid sa paligid."- saad ni Devin sabay sandal niya sa upuan niya at patong niya ng isa niyang kamay sa lamesa. "At ang panghuli, galingan nating lahat. Hulihin natin ang mga kalaban, bawal pumalya. Ang kailangan natin ay magtagumpay kung ayaw nating mabawasan ng isang miyembro ang grupo natin."- saad ni Devin. Wala namang nagsalita agad, ngunit kung titignan ang lahat. Halata sa mukha nila ang pag-sang ayon sa limang sinabi ng Hari. Ngumiti naman ako ng bahagya. "Gusto ko yan, sang-ayon kaming Reapers."- saad ko sabay crossarms. "Bukod dun, meron pa ba?"- saad ko. Tinignan naman ako ni Devin. "May gusto ka pa bang idagdag?"- tanong sakin ni Devin. Bumuntonghininga naman ako. "Wala, kuntento na ko dun. Siguro kapag nagsimula na tayo sa pagkilos baka may maidagdag ako."- saad ko. Tumango naman si Devin. "Okay, then wala na tayong dapat pagmitingan pa."- saad niya. Pagkatapos niyang sabihin yun, bigla na lamang may bumato mula sa labas ng bintana. Nagulat naman kami at agad na napatayo. "Ano na naman yun!"- saad ni Brent. Nakita ko naman ang isang bato na may nakabalot na papel. "Sandali."- saad ko sabay lapit ko at pulot dun sa bato. "May sulat."- saad ko sabay kuha ko sa papel na nakabalot sa bato at basa sa mensahe na nasa sulat. "Para sayo Devin."- saad ko sabay lapit at bigay ko nung sulat kay Devin. Pagkakuha ni Devin nung sulat, agad akong tumalikod sa kanya. 'Papatayin kita El Greco. Kailangan mong mawala dahil akin lang siya.' Anong ibig-sabihin ng nasa sulat na iyon? "Tch! Bwiset! Sino ba 'tong taong 'to!?"- banas na saad ni Devin at pagkatapos ay nakarinig ako nang paghampas sa lamesa kaya't napaharap akong muli sa kanya. "Sinong siya? Malaman ko lang kung sino 'tong taong 'to sisiguraduhin kong may kalalagyan siya!"- galit na saad ni Devin. Tinignan ko naman sila Ashlie, Ylana at Grey. Pagkatapos ay bumuntonghininga ako. Nakakatakot.... nakakatakot ang Hari. Kailangan na naming umalis dito. "Sa tingin ko rito na natin tapusin ang pagpupulong, aalis na kami. Magpalamig ka ng ulo mo, Devin."- saad ko sabay haya ko na sa mga kaibigan ko na umalis. Agad naman silang sumunod sakin. Pagkalabas namin ng opisina ng Dark Cards, nagsalita si Ashlie. "Ice, iniisip ko.. hindi kaya yung taong gustong pumatay sa Hari ay ang tauhan nila Red at Black mask na inatasan nila Red at Black mask para sa Hari? Kasi diba satin din, ako inatasan mo ko kay Bryan, si Ylana kay Brent tapos si Grey kay Alex. Nakukuha niyo punto ko?"- mahinang saad ni Ashlie. Tumango naman ako. "Alam ko ang ibig mong sabihin pero ang pinakamalaking palaisipan dito, sino yung tao na yun?"- mahina ko ring saad. Sino yung taong yun? sino sila Red at Black mask at anong kailangan nila sa Headmaster at maging dito sa DIA? Nagsalita naman si Grey. "Malalaman din natin yan."- saad ni Grey. Tumango naman ako. "Sana nga."- saad ko sabay buntonghininga. "Tara na, dun na lang tayo mag-usap sa garden. Baka marinig pa nila tayo rito."- mahina kong saad. Tumango naman sila kaya't umalis na kami. Pagdating sa garden, naabutan namin dun ang Red Skull at ang Wolves. Pagkakita sakin ni Ate, bigla siyang sumimangot at tumalikod. Napabuntonghininga naman ako. Nagtatampo pa rin siya... "Ice."- rinig kong tawag sakin ni Vince. Agad ko naman siyang hinarap. "Bakit?"- tanong ko. Nilapitan naman niya ko. "Pwede ba tayong mag-usap? tayong dalawa lang sana."- seryoso niyang saad. Naguguluhan man ako dahil sa itsura niya, pumayag pa rin ako. "Sige."- saad ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko. "Dito tayo."- saad niya sabay dala sakin sa isang puno rito sa garden na nasa pinakadulo. Pagdating dun... "Ano bang pag-uusapan natin?"- tanong ko. Tinignan naman niya ko at pagkatapos ay bumuntonghininga siya. "Ice, may gusto akong malaman. Sana sabihin mo sakin ang totoo."- seryoso niyang sabi. Napakunot naman ako ng noo. "A- ano yun?"- saad ko. Anong meron sakanya? "Sabihin mo sakin k- kung.. anong nararamdaman mo sa Hari."- saad sakin ni Vince habang nakatingin sakin ng diretso sa mga mata. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ano?"- gulat kong saad. Pumikit naman siya. "Please Ice, sabihin mo sakin. Sabihin mo sakin ang totoo! Anong nararamdaman mo sa Hari?"- saad ni Vince sabay dilat niya. May kakaiba sa kanya, tila kinakabahan, natatakot, nalulungkot at naiinis siya. "H- hindi ko alam."- sagot ko habang nakatingin sa kanya ng diretso sa mga mata. Hindi naman siya nagsalita, nanatili lang siyang nakatingin sakin. "G- ganun ba.. s- sige."- saad niya sabay ngiti. At ang mga ngiti niya... halatang pilit. "B- bakit mo naitanong?"- nagtataka kong sabi. Agad naman siyang umiling. "Wala wala! N- nevermind. Wag mo nang isipin."- saad niya sabay buntonghininga at ngiti. May kakaiba sa kanya, sigurado ako. "Tara na, dun na tayo."- saad ni Vince at pagkatapos ay iniwan niya ko. Napatingin naman ako sa Red Skull, sa Wolves at sa mga kaibigan ko. "Habang tumatagal na nandirito ako, mas maraming katanungan ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung kailan masasagot pero sana.. masagot agad. Dahil para na kong mababaliw dito."- bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD