Chapter 27

2879 Words
WARNING! *This chapter contains strong language and conversation that may not be suitable for some readers.* Ashlie P.O.V Wlhat the f*ck! Hindi 'to maaari! BAKIT TAMA LAHAT!!?? "Bakit walang mali kahit isa sa pinasagutan ko sa kanya? Bakit!?"- emote ko habang nakatitig sa notebook ko. "Kamusta yung pinasagutan mo sakin?"- rinig kong tanong sakin ni Bryan mula sa likuran. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko at dahan-dahang napatingin sa kanya. "A- ano.."- saad ko sabay tago ko sa notebook ko sa likuran ko at iwas ko ng tingin sa kanya. "A- ano?"- saad niya na tila kinakabahan pa ang boses. Ngumuso naman ako. "Tama lahat, congrats sayo aking slave! ang galing mo."- saad ko sabay tingin ko sa kanya, fake smile at pakita ko sa kanya ng notebook ko. Ngumiti naman siya at pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang mga kamay. "Alam kong perfect yan, magkaklase kaya tayo. Trip ko lang magtanong."- saad niya sabay ngisi at tawa pa ng bahagya. Pagkatapos, nakita ko siyang bumulong ngunit hindi ko iyon narinig. 'Galing ko talagang manakot ng guro, tinama lahat ng sagot na nandyan sa notebook kahit ang totoo mali-mali ang nandyan kasi di ko rin alam sagutan ang mga nandiyan'- Bryan. "May sinasabi ka Bryan?"- saad ko. Agad naman siyang tumingin sakin at umiling-iling. "Ang sabi ko, ano kayang magandang hilingin sayo? Diba kahit slave may reward din?"- saad niya sabay ngisi. Waaaaahh! Takte! ito yung ikinatatakot ko eh! Wala akong maisip na reward para sa kanya! Unang-una, wala akong pera dahil nagalit sakin si Ice! Pangalawa, wala talaga kong maisip!! "T- tungkol diyan.. a- ano.. Tss! Ano bang gusto mo?"- napipilitan kong saad sabay tingin ko sa kanya. Bigla naman siyang ngumiti. "Gusto ko?"- saad niya sabay lapit at akbay sakin. Napalunok naman ako. Takte ano 'to! "A- anong gagawin mo!"- kinakabahan kong saad. Ngumisi naman siya at tumingin sakin. "Chill, 'eto lang naman yung gusto ko."- saad niya sabay harap niya sakin sa kanya at lapit niya ng mukha niya. "Let's act like a couple.. just for today."- saad niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Ano!?"- saad ko sabay tulak ko sa kanya palayo sakin. "Ayoko!"- saad ko sabay crossarms at irap sa kanya. "Come on! You ask me on what I want and that's what I want! Gusto kong umarte tayong magjowa, ngayong araw lang naman eh!"- saad ni Bryan sabay ngiti. Tinignan ko naman siya ng masama. Actually pwede kong gawan 'to nang paraan, pero try ko kaya? *evil smile* makikipaglaro ako sakanya.. BWAHAHAHAHAHA! "Sige na nga!"- saad ko sabay talikod ko ng bahagya at ngisi. Tignan natin kung anong mangyayari! "Talaga?"- rinig kong saad ni Bryan at pagkatapos ay iniharap niya ko sa kanya. Tinignan ko naman siya at pagkatapos ay ngumiti ako, ngiting pangdemonyo. "Yeah! Pero ngayong araw lang! So ano? saan tayo magsisimula bilang mag-jowa kuno?"- sarkastiko kong sabi sabay tingin ko sa hallway. Subukan lang niyang gumawa ng kilos na hindi ko gusto isang malupit na flying kick ang makakamtan niya. "Date tayo dun sa cafeteria."- saad niya. Nagpoker face naman ako. Cafeteria huh? wow. "Sige."- saad ko nalang. Habang nasa hallway kami papunta sa Cafeteria, may dalawang nilalang na nakaagaw ng pansin ko. "Sandali."- saad ko sabay tago ko sa poste rito sa hallway. "Bakit?"- tanong ni Bryan. Hinila ko naman siya patago rin dito sa poste at pagkatapos ay itinuro ko sa kanya yung dalawang taong tinitignan ko. "Tignan mo, sinong mag-aakala na bagay pala sila. May chemistry ah!"- saad ko habang nakatingin sa Hari at kay Ice na may inaasikasong kung anong papeles sa lamesa dito sa mini garden sa tabi ng hallway. Tinignan naman ni Bryan sila Ice at ang Hari. "Ano naman ngayon kung bagay sila? Wala naman silang gusto sa isa't-isa dahil ang Hari, si Reigen ang gusto."- saad ni Bryan. Ngumisi naman ako at tinignan si Bryan. "Siguro sa ngayon, malay mo magkagustuhan sila kapag tumagal. Lalo na ngayon na palagi silang magkasama dahil sa pag-aanib ng mga grupo para sa laro, sa tingin mo hindi sila magkakagustuhan?"- saad ko sabay ngisi. "Karamihan sa mga magkakasintahan, nagkagustuhan dahil palagi silang magkasama."- saad ni Bryan. Tinignan ko naman siya, sakto naman na nakatingin din siya sakin. "Tumpak! kaya naman susubaybayan ko sila. Wala naman sigurong masama kung magkagustuhan silang dalawa diba?"- saad ko sabay ngisi. Bumulong naman si Bryan ngunit kaunti lamang ang narinig ko. "Edi kung ganun pala, asdfgjjkljkasjklfhksl.."- rinig kong bulong ni Bryan. 'Edi kung ganun pala, may pag-asa na magkagusto ka sakin kapag palagi tayong magkasama.'- Bryan. "Anong sinasabi mo diyan?"- tanong ko kay Bryan. Natatawa naman siyang umiling. "Wala, ang sabi ko rito na lang ba tayo? Panonoorin sila at hihintayin na magkagustuhan na alam mo namang hindi mangyayari ngayong araw dahil kinakailangan ng matagal na panahon para mangyari yun?"- saad ni Bryan. Tinignan ko naman siya habang naka-poker face. "Malamang hindi, tanga ka ba? Shibal! Tara na nga dun sa cafeteria."- saad ko sabay irap ko kay Bryan at lakad ko paalis. Hindi naman siya nagsalita at sumunod na lamang sakin. xxxxxxx Devin P.O.V "Sila Ashlie at Bryan."- rinig kong saad ni Ice. Tinignan ko naman si Ice at ang tinitignan niya. "Baka napagpasiyahan nilang sila ang magkasama sa paghahanap ng clue kahit na wala pang utos mula sa kahit na sino."- saad ko sabay kuha ko sa papel niya na nasa harapan niya. "Tulad nang ginagawa natin, inaaral na natin ang mga bagay-bagay. Naghahanap tayo ng mga clue na maaaring maging daan para sa pagkahuli natin sa mga kalaban kahit wala pang utos galing sa Headmaster."- saad ko pa sabay kuha ko naman sa salamin ko sa mata at suot dito at tingin sa nakalagay sa papel ni Ice. Drawing? "Meron pa."- saad ni Ice. Tinignan ko naman siyang muli. "Kumikilos na tayo agad kahit pa wala naman tayong nalalaman na kahit ano."- saad ni Ice sabay crossarms niya. "Sa tingin mo Devin, magtatagumpay ba tayong lahat dito sa laro na 'to gayong wala naman tayong nalalaman? Masyadong malabo itong laro na ito na ibinigay satin pero sa akin, walang malabo. Kaya kong linawin ang lahat, magpaka-agent tayong lahat ngayon."- saad pa ni Ice sabay kuha niya sakin nung papel niya. "Nakapasok sila Red at Black mask sa DIA nang hindi nalalaman ng Headmaster kaya naman ngayon, may nanggugulo rito sa DIA. Hindi kaya mayroong sikretong pasukan at labasan dito sa paaralan? Ginuhit ko ang buong DIA, para na rin itong mapa. Iniisip ko, kung mayroong sikretong labasan at pasukan nga rito sa DIA.. saan naman ito matatagpuan?"- saad ni Ice. Napaisip naman ako. Tama siya, posible nga yang naisip niya. Pero may tanong pa rin, anong pakay nila Red at Black mask sa pagpunta rito sa DIA? Kailangan pa ng matinding pag-iimbistiga. "Tama ka, posible yan."- saad ko. "Pero ipagpalagay na nating may sikretong daanan nga, ang tanong naman.. paano nila nalaman yun? at bakit sila nandito sa DIA? anong pakay nila?"- saad ko. Bumuntonghininga naman si Ice. "Yang mga tanong na yan, hindi natin masasagot agad yan kahit mag-ibistiga pa tayo."- saad ni Ice sabay bigay sakin ng isang punit ng papel na may sulat. "Yan ang mga dapat nating hanapan ng sagot, yan lang muna."- saad ni Ice. Binasa ko naman ang nakasulat sa papel. "Hanapin ang sikretong daan kung mayroon man at hanapin ang hideout nila."- basa ko sa nakasulat. "Yan ang dapat nating unahin na bigyang kasagutan, kapag yan nasagot natin.. doon natin masasagot yung kaninang mga katanungan na sinasabi mo."- saad ni Ice. Hindi naman ako umimik. Tama siya, magaling siyang mag-isip. Para siyang si Darkiela...... "Sige, kung ganun, ang una nating gagawin ay hanapin ang secret base ng kalaban. Hahalughugin natin ang buong DIA pero kapag napuntahan na natin ang bawat sulok ng DIA at wala tayong nakita, iibahin natin ang plano."- saad ko. Tumango naman siya. "Okay, deal."- saad ni Ice. Tumayo naman ako. "Then let's go, magsimula na tayo agad."- saad ko. Agad naman siyang tumayo at sumunod sakin. xxxxxxx Bryan P.O.V "Oh bilhin mo yun! Ayun din tsaka yun! Waaah! bilhin mo na kaya lahat?"- saad ni Ashlie. Nandito kami ngayon sa cafeteria, pumipili kami ngayon ng pagkain. "H- hindi ka ba kumain kanina?"- saad ko. Uubusin niya pera ko! "Oo eh. Basta! bilhin mo na lang yung mga itinuro kong pagkain. Hintayin kita dun sa table na yun."- saad ni Ashlie sabay turo niya sa isang table dito sa cafeteria. Tila nanghina naman ako. Damn! ginusto ko 'to, kaya paninindigan ko. "Oo na! Sige na."- saad ko sabay buntonghininga. Bigla naman niya kong hinampas. "Yun oh! Wait kita dun!"- tuwang-tuwa niyang sabi sabay alis at tungo dun sa itinuro niyang table. Ako naman, inorder na lamang yung mga pagkain na itinuro niya at pagkatapos pinuntahan ko na siya. "Ihahatid na lang ng crew dito yung mga pagkain."- saad ko pagdating ko sa table na kinaroroonan ni Ashlie. Ngumiti naman siya. "Okay!"- saad niya sabay labas ng isang notebook at ballpen. Napataas naman ako ng kilay. "Ano yan?"- tanong ko. Ngumisi naman siya. "Habang hinihintay natin yung mga pagkain pag-usapan natin yung tungkol sa laro. Ang Hari at si Ice, sigurado akong may kinalaman sa laro yung pinag-uusapan nila kanina sa mini garden. Mas magandang magplano na tayo at mag-isip ng mabuti ukol dun."- saad ni Ashlie sabay bukas niya sa notebook niya. "Pero wala naman tayong alam."- saad ko habang nakakunot ang aking noo. Tinignan naman niya kong mabuti. "Wala nga tayong alam, sa totoo lang wala tayong lead para mahanap sila Red at Black mask pati ang tauhan nila pero Bryan, kailangang magkaroon tayo ng lead. Kaya naman mag-iisip tayo ngayon, pag-iisipan natin ang mga maaaring lead sa kanila. Hindi naman masamang subukan nating mag-isip diba kahit wala tayong alam? try lang natin."- saad sakin ni Ashlie. Bumuntonghininga naman ako. "Oh sige pero sige nga, magbigay ka ng isang lead na naiisip mo."- saad ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso. Ngumiti naman siya. "Meron akong naiisip na tungkol sa kanila, pero hindi ko alam kung lead ba yun para matunton sila pero sa tingin ko hindi yun lead ngunit makakatulong pa rin naman siguro kahit na papaano."- saad ni Ashlie. Napakunot naman ako ng noo. "Ano?"- saad ko. Pagkasabi ko nun, bigla na lamang may malanding dumating at yumakap sakin mula sa likod. "Bryan! thank God nakita rin kita! kanina pa kita hinahanap eh!"- saad ng isang babae. Nilingon ko naman ito. Tch! ang Vice President sa Class E. Nakalimutan ko ang pangalan. "Bakit mo ko hinahanap?"- walang emosyon kong saad. Ngumuso naman ito. "Bry naman, alam kong alam mo na kung bakit."- seductive nitong sabi. Tinignan ko naman si Ashlie, nakatingin lang siya sakin habang tila nanunukso na ewan. Mag-jowa kaming dalawa ngayon ni Ashlie, ayokong iwan si Ashlie at ayokong patulan 'tong makating babae sa likuran ko. May naisip ako.. "Sorry, pero di na ko nangangamot ng mga makakati ngayon. Kung nangangati ka, magpakamot ka na lang sa iba diyan. Maraming willing, diba BABE?"- saad ko habang nakatingin kay Ashlie sabay ngisi. Halata naman sa mukha niya na tila nabadtrip siya, sinenyasan ko naman siya na makisama. Ayaw nga pala niya sa mga endearment. Oh well, makisama ka na lang please.. please lang! "Oo! Tama ang BABE ko! At isa pa.."- saad ni Ashlie sabay tayo, harap niya rito sa babaeng nasa likuran ko at crossarms. "Gagong este.. bagong buhay na yang BABE ko! Hindi mo ba nabalitaan na may Girlfriend na siya? At ako yun! wag ka nang makalapit-lapit sa BABE ko kasi nga gago-- este bagong buhay na siya at may girlfriend na siya! Nangangati yang nasa baba mo? Mag-ahit ka na kasi, baka mahaba na yan. You know? masyado ng magubat."- sarkastikong saad ni Ashlie sabay ngisi. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya nitong huli. What the f*ck! Pftt... "H- how dare you!"- sigaw nitong babae sa likuran ko sabay hiwalay niya sakin. Napatingin naman samin ang ibang mga nandirito sa Cafeteria. "How dare me? Well sadyang allergic lang ako sa mga parasite na katulad mo! dun ka nga at baka di ako makapagpigil at mapatay kita."- saad ni Ashlie sabay irap sa babae. Halata naman sa mukha ng Bise presidente ng Class E ang galit. "Excuse me! Kung makapagsalita ka aba hoy! katulad din kita. You know why? papatol ka na lang sa katulad pa ni Bryan na alam mong isang f*ckboy! Ahh.. alam ko kung bakit. F*ckboy nga kasi siya diba? So it means magaling siya sa kama! At gusto mo yun kasi isa ka rin sa sinasabi mong tulad kong parasite!"- sigaw ng Bise ng Class E. Nagpanting naman ang tenga ko. Ano? Eh sira ulo pala 'tong babaeng 'to eh! Wala siyang alam kay Ashlie! Hindi niya katulad si Ashlie! "Really? Ako? isa ring parasite?"- saad ni Ashlie. Tinignan ko naman si Ashlie. Blangko ang mukha niya. Damn! kasalanan ko 'to. Pwede ko naman kasing ipagtabuyan nalang 'tong babae, di ko na dapat siya dinamay! Napaka-warfreak pa naman niya! Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Ashlie at akmang susugurin ang Bise ng Class E. Nataranta naman ako at agad siyang pinigilan. "SIRA ULO KA PALA EH! G*GO! KAHIT IPA-CHECK UP MO PA KO VIRGIN PA KO! EH IKAW ANO? WARAK! WASAK! WAKWAK! DON'T COMPARE ME ON YOU KASI DI AKO MAKATI TULAD MO! ANO? p*****n NA LANG OH! TARA DITO! KAKALBUHIN KITA! LAHAT NG BUHOK MO SA KATAWAN MO BUBUNUTIN KO PATI YANG MAGUBAT MONG ANO! ANO!? TARA DITO!"- sigaw ni Ashlie. Hinigpitan ko naman ang paghawak sa kanya upang hindi niya malapitan ang Bise ng Class E. Delikado baka patayin nga niya. "Ash, tama na! Wag mo nang patulan wala namang katotohanan yung sinabi niya eh!"- saad ko sabay bulong. 'Kaya nga kita nagustuhan eh. kasi iba ka.' "Hindi! Papatayin ko yan! Bwiset yan! Hoy! Saan ka pupunta!? Bumalik ka rito Magubat! Wag mo kong takasan dahil wala kang mapupuntahan dito sa DIA! Bumalik ka!"- saad ni Ashlie na sumisipa-sipa pa habang hawak ko siya sa magkabilang braso niya. Tumakbo naman paalis yung Bise ng Class E dahil sa takot sa kanya. "Ash tama na, pinagtitinginan ka oh!"- bulong ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagpupumiglas. "Eh bwiset yung magubat na yun eh! Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko dahil sa kanya bwiset siya! alam mo yari sakin yun kapag nakita ko siya ulit dito, tutuluyan ko siya!"- banas na saad ni Ashlie. Niyakap ko naman siya. "Oo na sige na, tuluyan mo lang bahala kana."- saad ko habang hinahalikan siya sa ulo niya. Galing mo Bryan! Chansing lang! ^_^b Tinulak naman ako ni Ashlie palayo sa kanya. "Lumayo-layo ka sakin impakto ka! dahil sayo nilapitan na naman ako ng gulo. Haayy! kaya tinawag akong Trouble ng mga kaibigan ko eh!"- saad niya sabay balik niya sa upuan niya. Bumalik din naman ako agad sa upuan ko. "Hay! Bwiset! Tch! bumalik tayo sa topic natin kanina."- saad ni Ashlie sabay hawak niya sa ballpen niya. "Saan ba tayo non?"- seryoso niyang saad habang nakatingin siya sa notebook niya at tila akala mo ay hindi siya nag-iskandalo kanina. "Nandito sa cafeteria, nandito lang naman tayo diba?"- saad ko. Tinignan naman niya ko ng masama kaya't natawa ako. "Joke! nandun tayo sa part na may naisip kang tungkol kila Red and Black Mask pero di mo alam kung lead ba yun pero sa tingin mo makatutulong naman."- saad ko. Bumuntonghininga naman siya. "Oo nga pala, about diyan. Naisip ko kasi na baka magkasintahan sila."- saad ni Ashlie sabay tingin sakin ng seryoso. Bahagya naman akong natigilan. "What? p- paano mo nasabi?"- natatawa kong sabi. Tinignan naman niya ko ulit ng mas masama pa sa tingin niya kanina kaya naman sumeryoso ako. "Alangan naman kasing magkaibigan lang sila tapos kaya nandito sila sa DIA at nanggugulo dahil trip lang nila! Naisip ko, hindi kaya magkasintahan sila like mag-asawa? Diba maraming kaibigan at kaaway na pamilya ang mga Killiano? Iniisip ko.. hindi kaya sila Red at Black Mask ay kaaway ng pamilyang Killiano at kaya sila nandito sa DIA ay upang agawin ito? Dahil kung kaibigan sila, hindi nila guguluhin ang Headmaster at ang DIA."- saad ni Ashlie. Napaisip naman ako. Tama siya.. "Posible lalo na at sila Red and Black Mask, pinagtatangkaan nila ang buhay ng Headmaster. Nais nila itong patayin. Sinabi ito samin ng Hari ng may nabasa siyang sulat na galing kila Red at Black Mask. Posibleng kaaway nga sila ng pamilyang Killiano at nais nilang kunin ang DIA kaya nila nais paslangin ang Headmaster. Actually, binabantaan lang nila o tinatakot ang Headmaster na mamamatay pero ganun na rin yun lalo pa at nito lang.. naghamon sila ng gulo sa pagitan namin. Diba nabaril pa nga ang Hari?"- saad ko. Tama, yun nga! Ngumisi naman si Ashlie. "Yeah."- saad niya. "See? maganda kung mag-isip na tayo ngayon. Kahit maaga pa at wala tayong alam sa lahat tungkol sa kalaban ay may maiisip tayo."- saad pa niya. Ngumiti naman ako. "Yeah."- saad ko. Pagkatapos nun, dumating na yung pagkain. "Pagpatuloy natin mamaya, sa ngayon kain na muna tayo."- saad niya sabay ngiti. "Salamat sa pagkain!"- masaya niyang sabi. Napangiti naman ako lalo. Ashlie Kim Mendez... I like you.. I really really like you. At gagawin ko lahat para magustuhan mo rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD