Ice P.O.V
"Sige, anong meron kayo?"- tanong ni Devin kila Ashlie, Bryan, Ylana, Brent, Alex at Grey.
Nandito kami ngayon sa opisina ng Dark Cards, pagsasama-samahin namin ang mga naisip namin ukol sa laro.
"Kami muna."- saad nila Ashlie at Bryan. Tinignan naman sila ni Devin.
"Sige, anong meron kayo?"- saad ni Devin.
May inilapag naman na papel si Ashlie.
"Kahapon, naisipan namin ni Bryan na mag-isip ng maaaring maging lead o clue para mahanap natin ang mga kalaban. Hindi kami nakaisip ng lead o clue pero may naisip kami na sa tingin namin ay makatutulong."- saad ni Ashlie.
Kinuha ko naman yung papel na inilapag niya at yun ay binasa.
"Iniisip niyo na sila Red at Black Mask ay mag-asawa at sila ay maaaring kaaway ng pamilyang Killiano na nais agawin ang DIA?"- saad ko kila Ashlie at Bryan habang nakakunot ang aking noo. Tumango naman sila.
"Pwedeng pakipaliwanag?"- saad ko sabay sandal ko sa upuan ko.
Ngumiti naman si Bryan.
"Naisip kasi namin King and Ms.Ice na baka sila Red at Black Mask ay nais kunin ang DIA. Pinagtatangkaan nilang patayin ang Headmaster at nanggugulo sila rito sa DIA kaya naman naisip namin ni Ashlie na baka mag-asawa sila at isa sila sa pamilya na kaaway ng pamilyang Killiano at nais nilang agawin ang DIA."- paliwanag ni Bryan.
Napaisip naman ako.
Maaari....
May bigla namang pumasok sa isip ko.
"Sandali, yang naisip niyo. Kung sakali mang totoo yan, may lead na tayo. Tila isang lead and clue na rin yang naisip niyo."- saad ko.
Napatingin naman sila saking lahat.
"Paano mo nasabi?"- tanong sakin ni Devin.
"Kung totoong mag-asawa sila at kaaway sila ng pamilyang Killiano, madali na lang satin na makilala sila. Ang kailangan lang natin ay alamin ang mga pamilyang kaaway ng pamilyang Killiano at yun ay imbistigahan."- saad ko sabay tingin ko sa lahat ng Dark Cards.
"Madali lang nating malalaman yun dahil sa inyong Dark Cards, isang tanong niyo lang kay Headmaster alam niyo na ang sagot. Sigurado akong alam niya ang mga pamilyang kaaway ng Killiano dahil kapatid niya si Mrs.Killiano."- saad ko pa.
Sumandal naman si Devin sa kanyang upuan.
"Isasama natin yan sa plano."- saad ni Devin. "Ang iba?"- saad ni Devin sabay tingin kila Ylana, Brent, Alex at Grey.
Nagkatinginan naman ang mga ito. Pagkatapos, nagsalita si Brent.
"Well, magkakasama po kaming nag-isip at kumilos kahapon."- saad ni Brent.
"At ito po ang naisip namin."- saad ni Ylana sabay lapag ng isang pad ng papel.
"Sinabi ng Headmaster na kutob niyang estudyante rin dito sa DIA ang mga tauhan nila Red at Black Mask kaya naman naisip namin 'to."- saad ni Ylana.
"King, pinasok ko ang opisina ng Headmaster. Palihim kong ikinonek ang laptop ni Grey sa computer kung saan nakakonek ang mga CCTV. Ginawa ko po yun upang makapagmasid tayo sa buong DIA ng madalian."- saad ni Alex.
"Ang naisip po namin ay magmasid sa buong DIA nang sa ganun ay kung totoo man pong mga estudyante rito sa DIA ang mga tauhan nila Red at Black Mask ay makikilala natin sila. Balak din po namin ni Grey, Ylana, at Alex na maglagay pa ng mga maliliit na camera sa ilalim ng CCTV upang makasigurado sapagkat mukhang matatalino ang mga tauhan na ito nila Red at Black, mukhang hindi po sila tanga upang hindi iwasan ang mga CCTV sa bawat kilos na gagawin nila, at upang magawa po ito... hinihingi po namin ang permiso mo King upang gamitin ang mga mini camera na mayroon tayo sa dorm natin. Papayag po ba kayo na gamitin ito?"- saad ni Brent.
Tinignan ko naman si Devin.
"Hmm... sige, payag ako. Maganda yang naisip niyo, siguraduhin niyo lang na hindi malalaman ng Headmaster ang ginawa niyo."- saad ni Devin.
Tumango naman si Brent. "Makakaasa ka po King."- saad ni Brent.
"Bukod pa po sa masusubaybayan namin ang mga esyudyante, baka masubaybayan din namin sila Red at Black Mask kapag gumawa sila ng kilos dito sa DIA."- saad ni Grey.
Ngumiti naman ako. "Galingan niyo."- saad ko.
Nagsalita naman si Ashlie.
"Mawalang galang na pero hindi naman kaya unfair para sa iba yung ginagawa natin? What I mean is.. ginagamit ng Dark Cards ang posisyon nila rito sa DIA at gagamitin pa para sa laro. Hindi kaya ang unfair para sa iba?"- saad ni Ashlie.
Bumuntonghininga naman si Devin.
"Kung buhay ng isa sa atin dito ang nakataya.. di bale nang hindi tayo maging fair sa iba. Iisipin mo pa ba sila kung buhay mo na at ng mga kaibigan mo ang nakataya? Buo na ang plano."- saad ni Devin sabay ayos niya ng upo niya.
Hindi naman na nagsalita si Ashlie.
"Una, aalamin natin ang mga kaaway ng pamilyang Killiano. Ako nang bahalang magtanong non sa Headmaster at oras na makuha ko ang sagot, kayo na Bryan at Ashlie ang bahala. Imbistigahan ang bawat pamilya. Bryan, gamitin mo ang koneksyon mo sa labas ng isla. Pangalawa, Grey at Alex kayo nang bahala sa pagmamasid sa buong DIA. Oras na may makita kayong kakaiba, kayo Ylana at Brent ang mag-iimbistiga. Pangatlo, kami ni Ice, hahanapin namin ang sikretong daan papasok at palabas ng DIA pati ang hideout ng mga kalaban. Ayan ang plano."- saad ni Devin.
Napakunot naman ng noo ang anim, halata sa mga mukha nila ang pagkagulo.
"Sikretong daan papasok at palabas ng DIA at hideout ng mga kalaban?"- naguguluhang saad ni Bryan.
Bumuntonghininga naman ako.
"Ako ang nakaisip non, hindi natin mahanap sila Red and Black mask sa kahit saan dito sa DIA kaya naman sa tingin ko ay baka wala sila rito sa DIA. Baka naman nasa isla sila at wala sa paaralan at kung ganun ngang nasa isla sila, malamang nasa labas ng paaralan ang hideout nila. At kung ganoong nasa labas ng paaralan ang hideout nila, paano nakakapasok dito sa loob sina Red at Black mask ng hindi ginagamit ang nag-iisang gate ng walang nakakaalam na kahit sino rito sa DIA? Isa lang ang maaari, may sikretong daan papasok at palabas dito sa DIA."- paliwanag ko.
"At hahanapin namin yun ni Ice."- saad ni Devin.
Wala namang nagsalita.
"So, buo na ang plano. Kahit magbigay na nang utos ang Headmaster ay walang magbabago diyan, iyan pa rin ang gagawin natin. Bago matapos ang bawat araw kailangan namin ni Ice ng report, pagbutihin nating lahat."- saad ni Devin.
Ngumiti naman silang lahat.
"Makakaasa kayo King."- saad ng kambal na sila Brent at Bryan.
"Magaling."- saad ni Devin sabay tayo at buntonghininga.
"Magsimula na tayo."- saad ni Devin.
xxxxxxx
Brent P.O.V
"Ylana, kanina pa kita hinahanap! Nakabantay na sila Grey at Alex sa laptop, kailangang nandun tayo para kung sakali mang may makita silang kakaiba ay makakilos na agad tayo. Anong ginagawa mo rito?"- pabulong kong sabi kay Ylana.
Nandito kami ngayon sa Library, kumikilos na ang iba samin tapos itong kapartner ko ay mukhang walang balak. Ang balak yata, matulog.
"Sabihin mo kay Alex na itext ka na lang kapag kikilos na tayo, antok na antok ako at gusto kong matulog."- mahinang saad ni Ylana habang nakasubsob ang mukha niya sa lamesa.
"Lagi ka namang inaantok eh, daig mo pa yung mga nagtatrabaho tuwing gabi. Malamang palagi kang puyat kaya palagi kang inaantok."- mahina kong saad sabay tabi ko sa kanya sa upuan.
"May ginagawa kasi ako tuwing gabi kaya late ako palaging nakakatulog."- saad niya habang nakaub-ob pa rin ang mukha niya sa lamesa. Tinignan ko naman siya.
"Ginagawa? A- ano?"- pakikisiyoso ko.
Nag-angat naman siya ng ulo at saka umayos ng upo. "Tsismoso ka."- nakapoker face niyang sabi.
Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Ayos lang naman kahit hindi mo sagutin."- saad ko sabay iwas ko sa kanya ng tingin.
Narinig ko naman siyang nag-'Tss' kaya tinignan ko ulit siya.
"Dahil dito."- saad niya sabay abot niya sakin ng isang notebook.
"May goal ako, goal kong mapuno yan."- saad niya.
Panandalian ko naman siyang tinignan sa mata at pagkatapos ay kinuha ko yung notebook at binuklat ito upang makita ang laman.
"D- drawing? Kpop!?"- natatawa at tila di ko makapaniwalang sabi sabay tingin ko ulit sa kanya.
Tinignan naman niya ko ng masama.
"I love Kpop, their dance, their songs, and the way they perform, i love it! matagal na kong fan ng Kpop. Magaling ako sa pagguhit at yung talento kong yun ang ginagamit ko para maipakita ko yung pagmamahal ko sa kanila. Yung ibang fans, todo stream sa Youtube, todo stalk, todo vote tuwing may awarding pero ako di ko yun magawa, lalo na ngayon na nandito ako sa DIA at walang signal kaya ayan ang ginawa ko, ginuhit ko sila. Goal kong punuin yan ng mukha ng mga Kpop idols at pagkatapos, oras na makaalis na kami ng mga kaibigan ko sa lugar na 'to ay pupunta akong Korea at papapirmahan ko yang mga drawings ko sa mga kpop idols na ginuhit ko. Yun ang goal ko."- seryosong saad ni Ylana.
Umayos naman ako.
"Kada taon umuuwi ako sa amin, umaalis ako ng DIA at maging ng isla. Pwede kasi naming gawin yun, at dahil dun kaya updated ako sa kasalukuyang panahon o henerasyon. Alam ko yang Kpop, masyado silang makukulay, yung pinsan ko ayaw sa kanila, pang nerd daw kasi.."- saad ko.
Bumuntonghininga naman si Ylana.
"Palaging sinasabi yan, na ang mga Kpop fans daw ay Nerd. Maraming may ayaw sa Kpop, bakla raw kasi and for pete's sake! kung bakla lahat ng Kpop eh napakarami naman pa lang bakla sa mundo! Hindi na lang nila sabihin na hindi lang nila matanggap na gwapo/magaganda ang mga Kpop idols!"- saad ni Ylana.
Hindi naman ako nagsalita.
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang hilig, iyan ang hilig ni Ylana kaya naman rerespetuhin ko yun. Di naman natin madidiktahan ang isang tao sa hilig niya, kung anong hilig niya, suporta na lang, hindi yung kokontra.
"Nga pala, wag mong sasabihin sa kahit na sino yan. Maski sila Ice hindi alam yan dahil ayokong sabihin, isa rin yung mga yun na adik sa Kpop baka mamaya lamangan pa nila ko kapag nalaman nila yang ginagawa ko."- saad ni Ylana.
Natawa naman ako.
Maski ang tulad nila Ice at Ashlie mahilig din sa Kpop? Sadyang may mga kamangha-mangha talagang parte ang mga tao.
"Oh sige, makakaasa kang hindi yan makakalabas."- saad ko.
Ngumiti naman si Ylana, bagay na minsan lamang niya kung gawin.
Dito sa library, dito niya ko non hinabol at dito ko rin siya pinarusahan. Sa tuwing magkikita kami ay palagi siyang nagtataray at walang emosyon, unang beses na nakita ko siyang mabait ay yung inuto niya lang ako para makuha ang pin ko kaya naman ngayon na nakangiti siya.. namamangha ako. Lalo pa at nakangiti siya hindi dahil sa inuuto niya ko, yun ay dahil natutuwa siya.
"Ahm.. Sir. Brent? isasara ko na po kasi ang library, may gagawin po kasi ako, dun na lamang po kayo sa labas magkwentuhan."- saad ng librarian.
Tinignan ko naman ito.
"No, ako na lang ang magsasara ng Library. Makakaalis kabna."- saad ko sa Librarian.
Agad naman itong sumunod.
"S- sige po."- saad nito sabay alis.
Pagkaalis ng librarian, nakipagkwentuhan pa ko kay Ylana. Marami siyang ikinuwento sakin tungkol sa kanya at sa kanila nila Ice at siyempre, nagkwento rin ako, sinamantala ko ang pagkakataon hangga't mabait siya at hindi nagsusungit. Hanggang sa.....
"Anong oras na? umalis na tayo. Puntahan na natin sila Alex at Grey, makibalita tayo."- saad sakin ni Ylana.
Tumango naman ako. "Sige."- saad ko sabay tayo.
Tumayo na rin naman na siya at pagkatapos ay sabay kaming nagtungo sa pintuan. Pagdating dun..
"W- what the! ayaw mabuksan ng pinto!"- saad ko sabay kalabog ko sa pinto at pihit ko ulit sa doorknob.
Sumigaw naman si Ylana.
"Ano!?"- sigaw ni Ylana sabay pihit din sa doorknob at kalabog sa pinto.
Bigla naman niya kong hinampas.
"Aray! bakit?"- tanong ko.
Dinuro naman niya ko ng daliri niya.
"Kasalan mo 'to eh! S- siguro magkasabwat kayo nung Librarian! Inutos mong i-lock niya tayo rito 'no!? Sinenyasan mo siya kanina nung magkatinginan kayo!"- paninisi sakin ni Ylana.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Hoy! Hindi ah! bakit ko naman gagawin yun!?"- saad ko sabay subok ko ulit na buksan ang pinto.
Damn! ayaw bumukas!
"Tch. Kahit na! Kasalanan mo pa rin! Pinapaalis na kasi tayo kanina nung Librarian eh! Bwiset!"- sigaw ni Ylana sabay sipa niya sa desk ng Librarian na malapit dito sa pinto.
May naisip naman ako.
"Wait!"- saad ko sabay labas ko sa cellphone ko.
"Tatawagan ko si Alex o si Bryan."- saad ko sabay contact ko kay Bryan.
♪The number you are calling is out of reach, please try to call again later♪
Napatingin naman ako kay Ylana na nag-aabang.
"Ano?"- saad ni Ylana.
"Out of reach si Bryan, try ko kay Alex."- saad ko sabay contact ko kay Alex.
♪The number you are calling is busy, please call again later♪
"Ano?"- saad sakin ni Ylana. Tinignan ko naman siya ulit.
"Busy."- saad ko.
Sino naman kayang kausap nun sa phone T_T
"Aaaargh! Bwiset! paano tayo makakalabas!"- sigaw ni Ylana sabay upo niya sa isang upuan na malapit.
Lumakad naman ako at tumabi sa kanya.
"Maghintay tayo ng ilang minuto, kokontakin ko ulit si Alex baka mamaya hindi na busy."- saad ko.
Hinarap naman ako ni Ylana.
"Siguraduhin mo lang na makakalabas tayo rito ngayong araw dahil kung hindi? Nakooo! baka hindi ko malaman kung anong gagawin ko sayo!"- inis niyang sabi.
Hindi naman ako nagsalita at tumango na lang.
"Hay bwiset!"- irita niyang sabi.
Bahagya naman akong napangiti
Kinakabahan akong masaktan niya kung sakaling di kami makalabas dito sa library ngayong araw pero kahit na ganun, may saya akong nararamdaman. Hindi ako sigurado kung bakit pero siguro...
Dahil makakasama ko pa si Ylana ng matagal...