Brent P.O.V
"Good morning!"- ngiting-ngiti kong bati pagkapasok ko sa opisina naming Dark Cards.
Pagkasarado ko sa pinto, tila bumalot sa buong katawan ko ang isang mabigat na presensya. Pagtingin ko sa desk naming Dark Cards... kinilabutan ako.
"Walang good sa morning."- saad ni Alex na halatang badtrip.
"Bukas na, bukas ko na pwedeng parusahan yung baguhan na yun! makikita niya!"- saad naman ng kakambal kong si Bryan habang nakakuyom ang kanyang kamao.
Ang hari naman, walang imik ngunit halata ang galit sa kanya dahil sa mabigat niyang presensya.
Nawala naman ang ngiti sa mga labi ko dahil dito.
Lagi na lang talaga... sa aming apat ako na lang palagi yung masaya!
"Brent."- saad ng Hari.
Nataranta naman ako at agad na umayos.
"Y- yes King!"- saad ko.
Bakit kaya...
"Who's the f*****g new students here."- seryosong saad ng Hari.
Nagulat naman ako.
Teka.. new students? Ang Reapers ba? Bakit??
"Ang Reapers po ba ang tinutukoy mo King?"- paniniguro ko.
Tumango naman siya.
"Oo, yung dumagdag sa DIA Group of Killers."- seryoso pa ring saad ng Hari.
Agad naman akong sumagot.
"N- nung lunes lang po sila dumating, nakasabay ko po sila sa eroplano papunta rito pero mukhang hindi po nila alam yun. Pumunta po sila rito upang kusang-loob na mag-enroll, sabi ng pinuno nila na nagngangalang Ice, gusto raw nila ng thrill ng mga kaibigan niya kaya sila nagdesisyon na pumunta rito."- saad ko.
Hindi naman nagsalita ang Pinuno.
"B- bakit po? May problema po ba sa kanila?"- tanong ko.
"Hindi ko alam, nalilito ako. Nang makita ko yung babaeng may malamig na emosyon kahapon bigla na lamang may gumulo sa isip ko, hindi ko naman maisip kung ano at para sakin nakakabwisit yun."- saad ng Hari sabay hampas niya ng malakas sa lamesa.
Bahagya naman akong napapikit dahil dito.
Ang Hari ang klase ng tao na ayaw na nag-iisip ukol sa mga bagay na para sa kanya ay hindi naman karapatdapat isipin ng isang tulad niya, kapag may katanungan sa isip niya ukol sa mga ganitong bagay.. ang gusto niya ay masagot yun kaagad.
Bumuntonghininga naman ako.
"Sa totoo lang pinapasubaybayan po sila sakin ng Headmaster kaya naman kahapon ay binuntutan ko na sila agad, nakipagmabutihan din ako sa kanila nang sa ganun ay madali na lang sakin na magawa ang pakay ko sa kanila. May pakiramdam ang Headmaster na si Ice Rogiano ay ang hinahanap niya."- pagsasabi ko ng totoo.
Kumunot naman ang noo ng Hari.
"The headmaster made the only mission of this Academy 10 years ago, tapos ang isang baguhan na ngayon lamang napasok dito ang pinaghihinalaan niyang ang nawawalang Reyna? Stupid!"- saad ng Hari sabay tayo niya at hampas niya ulit sa lamesa.
Napapikit naman ulit ako sa lakas ng paghampas niya sa lamesa, ganun din sila Alex at si Bryan.
"K- kakaiba ang mga baguhan na yun, para silang may mga itinatago kaya naman ibubulgar ko kung ano yun. Hindi ako naniniwala sa hinala ng headmaster pero maganda na rin pong maging sigurado, aalamin ko pa rin kung ano man ang itinatago nila."- saad ko.
Ngumisi naman ang kakambal ko.
"Bro, sasama ako sayo pero yung Ashlie lang ang akin."- nakangising saad ni Bryan habang pinapatunog ang kanyang mga daliri.
Tumango naman ako.
"Sige, bahala ka."- pagsang-ayon ko agad.
"Is there something that my power can do?"- saad ng Hari na tila gumaan na ang presensya.
Salamat at kumalma agad siya..
"Hmm, actually King may gusto po akong mangyari bukas."- saad ko.
"Ano?"- walang emosyong saad ng Hari.
Ngumisi naman ako.
"Dahil baguhan pa lamang ang Reapers, wala pa silang ranggo. Hindi pwedeng tayo agad ang umatake sa kanila dahil tayo ang pinakamataas at pinakamalakas dito, hindi natin sila kalebel kumbaga kaya hindi pa natin sila maaaring labanan. Ang gusto ko pong mangyari King, gusto ko pong atakihin ng limang Rank C group ng DIA ang Reapers bukas. I-utos po natin sa mga Rank C group na atakihin nila ang Reapers at saktan at kapag hindi sila nagtagumpay ay mababawasan ang mga puntos na mayroon sila."- saad ko.
Natahimik naman ang Hari na tila nag-isip, ang kakambal ko naman ay ngingiti-ngiti samantalang si Alex ay walang pakealam.
"Okay, the first game for tomorrow is for the Reapers only."- saad ng Hari sabay ayos niya ng tayo niya at lakad.
"Tatawagin natin itong Bloody Welcome."- saad ng Hari sabay ngisi.
"Mag-iikot ako sa buong Academy, samahan niyo ko."- saad ng Hari.
Agad namang tumayo yung dalawa mula sa pagkakaupo at pagkatapos, sinundan namin ang Hari.
Habang nasa hallway, lahat ng mga estudyanteng madaraanan namin ay tumatabi sa daan at nagbibigay galang samin. Kami naman, tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
Hanggang sa nakarating kami sa second floor.
"May mga estudyante sa labas ng building."- saad ng Hari sabay lakad niya papunta sa balcony nitong second floor.
Agad naman namin siyang sinundan. Pagtingin namin sa labas...
"Ang mga baguhan."- saad ni Alex.
Tinignan ko naman ang apat na estudyanteng nasa labas, ang Reapers. Sila lang ang nasa labas ng building ng school at may kanya-kanya silang pinagkakaabalahan.
Ang nag-iisang lalaki at ang Co-Leader na si Grey ay nakaupo sa isang bench at may hawak na maliliit na bato na ishinu-shoot niya sa isang latang sa tingin ko ay labinlimang hakbang ang layo mula sa kanya.
Si Ylana naman ay nakasandal lamang sa isang puno habang nakaheadset. Si Ashlie naman ay nakatayo sa may fountain habang may hawak na parang dart at tila may tinatarget sa puno habang ang pinuno nilang si Ice ay nag-i-skate board habang nakapamulsa, may mga exhibition pa itong ginagawa.
"Hindi ba nila alam na bawal lumabas ng building ng school kapag huling araw na nang pahinga at paghahanda para sa simula ng laro kinabukasan?"- kunot noong saad ng Hari.
Agad naman akong sumagot.
"They're just new students here kaya naman l hindi pa po nila alam ang ukol sa bagay na yan lalo na at hindi naman po naipaliwanag sa kanila ng Headmaster ang lahat-lahat nung lunes sa kadahilang pinaalis sila agad nito."- saad ko.
Ngumiwi naman ang Hari.
"Tch! kung ganun papasukin na sila."- saad ng Hari sabay talikod na sana ng biglang nagsalita si Ice.
"Teknolohiya lang ang kumukontrol sa gate, sa tingin mo Grey.. kaya mo?"- rinig naming tanong ni Ice kay Grey.
Umayos naman ng tayo ang Hari at tinignan si Ice. Pagkatapos, nakinig kaming lahat sa usapan nila.
"Hangga't hindi ko pa nakikita ang control room dito or ang main system, hindi ko masasagot yang tanong mo Ice."- sagot ni Grey sabay shoot niya sa huling bato na hawak nya dun sa lata.
Hindi naman nagsalita si Ice.
"Ice, may naisip na ko na alyas natin."- saad ni Ylana sabay tanggal niya sa headset niya.
"Ano?"- saad ni Ice habang patuloy parin sa pag-i-skate board.
"Tutal ginamit na natin ang pangalan ng grupo nating magkakaibigan, bakit di pa natin lubusin? Gamitin na rin natin pati yung mga codename natin."- saad ni Ylana.
Nakita ko namang ngumisi si Ashlie.
"Trouble, Shadow, Bullet and Rouge. Trouble para sakin dahil mahilig ako sa gulo, ako ang palaging nagsisimula ng away sa mga kalaban natin sa mga dance and singing contest. Shadow naman para sayo Ylana dahil napakagaling mong anino sa dance floor, bukod pa dun para ka ring anino pagdating sa pakikipaglaban ng pisikal. Bullet naman para kay Grey dahil siya ang bala ng grupo, siya ang taga-ayos ng mga kanta at magaling siya sa baril and lastly, Rouge para kay Ice dahil para siyang si Rouge ng X-Men, lahat nang madikit sa kanya ay paniguradong mapaparalisa."- saad ni Ashlie sabay talon niya pababa sa fountain.
"Sumasang-ayon ako kay Ylana."- saad pa ni Ashlie.
"Idamay niyo na ko."- saad naman ni Grey.
Tumigil naman sa pag-i-skate board si Ice.
"Then it's cleared, payag din ako. Ayusin niyo na yan at ipasa sa registrar pagkatapos nun, pakibigay na sakin si Red. Bukas na ang simula ng laro, maging handa na tayo."- saad ni Ice sabay tadyak niya sa skate board niya, dahilan ng pagtalsik nito pataas.
"Wag niyo ring kalilimutan ang kapatid ko."- saad ni Ice sabay taas niya sa kamay niya at salo niya sa skate board.
"Roger that Rouge."- saad nung tatlo.
Ngumisi naman si Ice.
"Pumasok na tayo sa building ng school."- saad ni Ice na agad sinunod ng kanyang mga kaibigan.
Bigla namang nagsalita ang Hari.
"Tama ka Brent, kakaiba nga sila. Tila may itinatago nga silang mga sikreto lalo na ang pinuno nila. Ano bang meron sayong babaeng ka, kainte-interesado."- saad ng Hari kasabay ng pagkunot ng kanyang noo.
"Brent, ano ngang pangalan nung babaeng yun? yung pinuno."- mahinang tanong sakin ni Alex na tila ang dilim ng aura.
Agad naman akong sumagot.
"Ice, Ice Rogiano."- sagot ko.
Ngumisi naman siya.
"I think i have to crash that girl and make her the main ingredient to my desert. Ice, i'm gonna crash you down."- mahinang saad ni Alex sabay talikod at alis.
Sinundan ko naman siya.
"Alex, saan ka pupunta?"- saad ko sa kanya ngunit hindi niya ko pinansin at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad paalis.
Hindi ko naman na siya sinundan.
Problema nun?
Bigla namang sumulpot ang kakambal kong si Bryan at binulungan ako.
"Matagal na siyang in-love sa Hari, ayaw niyang may ibang babaeng nakakakuha ng atensyon ng Hari. Pinapatay niya ang kung sinong babaeng nakakakuha ng atensyon nito and yes! my twin brother. Si Alex ang may sala sa pagkamatay ng lahat ng mga babaeng lumalapit sa Hari rito sa DIA. She's totally crazy in-love with the King, buti na lang hindi niya naiisipang patayin ang mga babaeng teacher dito na lumalapit sa Hari. Puro mga estudyante lang ang pinapatay niya."- bulong sakin ni Bryan.
Nagulat naman ako.
"Kung ganun, papatayin niya si Ice?"- gulat kong sabi.
Tumango naman ang kakambal ko.
"Oo, Tch! ano naman kung patayin ni Alex yun?"- kunot noong saad ni Bryan.
Sandali naman akong natigilan.
"W- wala.. nagulat lang ako."- saad ko sabay iwas ko ng tingin kay Bryan.
"Wag mo na lang ipaalam sa Hari yung sinabi ko sayo."- saad ng kakambal ko.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Anong pinag-uusapan niyo at kinailangan niyo pa kong iwan dun."- saad ng Hari. Pagtingin ko sa Hari, nakakunot ang noo nito.
Agad naman siyang hinarap ni Bryan na nakatalikod sa kanya.
"W- wala po King."- saad ng kakambal ko sabay siko sakin.
Tinignan naman ako ng Hari.
"W- wala po."- saad ko.
Tumingin naman ito sa likod namin.
"Nasaan si Alex?"- kunot noong tanong ng Hari.
Tinignan naman ako ni Bryan.
"A- ahm... U- umalis po, may gagawin po yata!"- saad ko.
"Tss.. kayo na lang ang sumama sakin sa paglilibot."- saad ng Hari sabay talikod at lakad paalis.
Hindi naman na kami nagsalita ng kakambal ko at sumunod na lamang sa Hari.
Ice.... sino ka ba kasi talaga? Kayo ng mga kaibigan mo? Bakit ba talaga kayo pumunta rito sa DIA?
Tss... nakakabaliw.