Chapter 4

3106 Words
Ice P.O.V "First day is reaaaal!"- excited na saad ni Ashlie habang inaayos niya ang sarili niya sa harap ng salamin. "Bakit ang tagal ni Grey? saan ba pumunta yung mokong na yun?"- saad naman ni Ylana habang nakasilip sa bintana. "Hindi kasya sa kanya yung uniform niya, ang laki sa kanya kaya pinapalitan niya."- saad ni Ashlie. "Bakit mo ba hinihintay?"- tanong ni Ashlie kay Ylana. Ipinakita naman ni Ylana ang hawak niyang plastic ng donut. "Kinain nung mokong na yun LAHAT ng choco nut donut ko na baon ko papunta rito, gugulpihin ko siya!"- saad ni Ylana. Napailing naman ako. Napakasadista talaga ng babaeng 'to. Ilang sandali lang, dumating si Grey na nakakunot ang noo. Hahambalusin na sana siya ni Ylana ng pigilan niya ito habang nakakunot parin ang kanyang noo. "Sandali! May kailangan kayong malaman."- saad ni Grey. Napatingin naman ako sa kanya ng seryoso. "Ano?"- tanong ko. Agad naman siyang sumagot. "Simula ng si Headmaster June na ang namuno rito sa DIA at simula nang baguhin niya lahat dito, iisang grupo pa lamang ang nakaka-graduate. At yun ay ang Dark Cards na ngayon ay ang may hawak ng lahat ng mga matataas na katungkulan dito sa DIA. Naka-graduate agad sila rito sa unang taon pa lamang nilang pagiging estudyante rito. Simula raw nun, naging mahirap na sa ibang mga grupo ang maka-graduate. Sabi ng estudyanteng nakausap ko, bago raw ang graduation ay pinaglalaban ang lahat ng mga grupo rito sa DIA. Ang Dark Cards ay dito pa rin nag-aaral kahit graduate na sila kaya naman tuloy-tuloy parin sila rito, ibig sabihin guys, makakalaban natin sila. At sa tingin ko, hindi sila madaling talunin dahil wala nang maka-graduate na ibang grupo rito bukod sa kanila. Mahihirapan tayo."- saad ni Grey. Nabato naman ni Ashlie ang hawak niyang suklay dahil sa sinabi na ito ni Grey. "Takteng yan! Ngayon gets ko na yung sinabi nung lalaking gwapo na yun na gusto niya tayong magtagal dito! Hindi marahil sa namangha siya satin, siguro gusto niya tayong mapahiya sa mga sarili natin dahil sa pagpunta natin dito. Alam niyo? yari sakin yun eh! Babasagin ko yung pagmumukha niyang gwapo!"- banas na saad ni Ashlie. Umiling-iling naman si Grey. "Kung magagawa mo Ashlie. Yung lalaking yun, tama si Ice, may mataas na katungkulan nga siya rit sa Academy kaya siya nakalabas dito."- saad ni Grey. Nagulat naman si Ashlie. "What!?"- gulat na saad ni Ashlie. Bumuntonghininga naman ako. "Para sakin tama lang na ginawa natin ang sinabi nung lalaki, mas mabuting lumaban tayo nang sama-sama kaysa solo atlis hindi natin kakailanganin magsakitan o magpatayan sa huli. Mahirapan man tayo hindi naman natin kakailanganin na magsakitan o mapatayan kaya naman ayos na sinunod natin yung sinabi niya."- saad ko na ikinatigil at ikinangiti nila. "Tama ka."- saad ni Ashlie. Ngumiti naman ako. "Magtiwala na lang tayo sa mga sarili natin, kaya natin 'to."- saad ko. Nagsalita naman si Ylana. "Yeah, wala tayong hindi kayang gawin!"- saad ni Ylana. Napangiti naman si Grey na tila namangha sa sinabi ko. "Nang malaman ko yun kanina kinabahan ako, pero dahil sa sinabi mo nawala yung kaba ko. Ang galing mo talaga."- saad sakin ni Grey. Napataas naman ako ng kilay. "Ako pa ba? Kaya nga mahal niyo ko eh! Tignan niyo sinamahan niyo pa ko rito."- saad ko. Nagpulasan naman sila. Si Ashlie, pinulot yung binato niyang suklay. si Grey, biglang inilabas yung uniform niya tapos si Ylana ay tinapon yung plastik ng donut na hawak niya sa basurahan. "Wala na pasukan na, halika na! tapos na kong mag-ayos. Ylana gulpihin mo na yan si Grey tapos pasok na tayo."- saad ni Ashlie. Tinignan ko naman siya ng masama. "T*ngin* mo."- mura ko sa kanya. "Joke lang."- saad niya sabay peace sign. Pagkatapos bugbugin ni Ylana si Grey, agad nagbihis si Grey ng damit pamasok niya at nag-ayos. Nang matapos siya, sabay-sabay kaming lumabas at naglakad sa napakalaking school na 'to papunta sa room namin. Habang nasa hallway, pinagtitinginan kami ng mga estudyante na nagbubulungan. Tss... malamang iniisip nila na ang malas namin ng mga kaibigan ko tulad nila dahil napunta kami rito sa DIA. Tsk! Hindi kami malas na nandito kami or what, kayo lang yun! Pagtapat namin sa isang bulletin board, biglang huminto si Grey. "Guys, nandito yung listahan ng mga grupo pati yung mga litrato at pangalan ng mga miyembro. Puro group of 5 and 4 lang at 'eto yung lalaki na nagdala satin kahapon dito sa Academy at sa Headmaster. Tignan niyo kung saang grupo siya."- saad ni Grey sabay turo niya sa litrato nung lalaki kahapon. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong.... NASA DARK CARDS SIYA! Isa siya sa apat na miyembro ng Dark Cards!! "Brent Go a.k.a Red Spade."- saad ni Ylana. Tinitigan ko naman ang mga miyembro ng Dark Cards, kinabisado ko ang mga mukha, pangalan at pati mga codename nila. Its better to avoid them for now. "Brent Go."- saad ni Ylana. "That's me!"- saad ng isang boses mula sa likod. Pagtingin namin.... "Brent.."- saad ko. Ngumiti naman ito. "Yup! Nakita niyo na yung mga larawan niyo?"- tanong niya na ikinataas ng kilay ko. "Larawan?"- nakataas ang kilay kong saad. Ngumiti naman siya ulit at itinuro ang nasa likuran naming bulletin board. "Sa ibaba."- saad niya. Agad naman naming tinignan ang sinasabi niya at laking gulat ko nang makita ko ang mga larawan namin ng mga kaibigan ko sa listahan ng mga grupo. Nasa pinakahuling pwesto kami as Reapers. "As you can see, hindi pa kumpleto. Wala pang bilang nang napatay and especially wala pa kayong alyas or codename, trabauhin niyo na agad ang mga codenames niyo mamaya at kapag meron na kayong napagdesisyunan, ipasa niyo lang sa registrar."- saad niya. Nagsalita naman si Ylana. "May gusto akong itanong, saan niyo nakuha ang mga litrato namin?"- tanong ni Ylana kay Brent habang nakataas ang kanyang kilay. Tinignan naman siya ni Brent at sinagot. "Fb."- sagot nito. Bigla namang umeksena si Ashlie. "sss? May signal dito? Gosh! akala ko wala kaya di ako nagsselfie. You know.. pang-post sa f*******:, ipagmamalaki kong nandito ako."- saad ni Ashlie. Natawa naman si Brent sa kanya, ako? Napailing na lang. "Gaga ka talaga."- saad ni Ylana kay Ashlie. Agad namang dumipensa si Ashlie. "What!? anong masama dun? Dapat ipagmalaki ang pagiging isa nating estudyante at manlalaro rito lalo na at ang dahilan kung bakit tayo nandito ay ang nagkusang-loob tayong pumunta rito! In short, ginusto natin kaya tayo nandito. Eh yung iba? kaya ba nilang gawin yung ginawa natin? Pangalan pa nga lang nitong lugar na 'to namumutla na yung iba eh pumunta pa kaya rito!"- saad ni Ashlie. Napahawak naman sa noo niya si Grey, si Ylana naman napailing na lang. Ako? Pinili ko na lang na manahimik at tignan ang lalaking nasa harapan namin at tawa ng tawa. "A- alam mo? pwede yung sinabi mo eh! Maangas! Hahahahaha! Ang kaso, sad to say. Ang Headmaster at kaming Dark Cards lang ang may signal, wala ng iba pa."- saad ni Brent na pinipigilan ang tawa. Bigla namang napapoker face si Ashlie. "Tss.. nevermind."- saad ni Ashlie sabay cross arms. Ngumiti naman si Brent at inilagay ang kanyang kanang kamay sa loob ng kanyang bulsa. "Nakakatuwa talaga kayo, ibang klase."- saad ni Brent sabay ayos niya ng tayo niya. "Anyway, gusto ko pa sanang makipag-usap sa inyo dahil nakakatuwa talaga kayo but i need to go, 40 minutes na lang start na ng klase at bawal akong mahuli. Kailangan kong maunahan ang Hari sa classroom, so see you around Reapers!"- saad nito sabay wave niya sa kamay niya at lakad paalis. Pagkaalis ni Brent, agad nagsalita si Ylana. "He's one of the Dark Cards but he is so nice, o baka naman isa lamang yung pagpapakitang tao."- saad ni Ylana. Napangisi naman ako. "Malamang yung pangalawa. Alam niyo? sa tingin ko na mukha namang totoo, hindi sila pwedeng maging mabait sa mga tulad natin. Kakampi sila ng Headmaster, katulong sila nito sa paglalaro sa ating mga nandito so hindi sila pwedeng maging mabait. Pakitang tao lang yung Brent na yun, isang pagpapanggap."- saad ko. "Sang-ayon ako kay Ice."- pagsang-ayon sakin ni Grey. Sumang-ayon din naman yung dalawa. "Pumunta na tayo sa room pagkatapos, pag-usapan natin yung mga codenames natin."- saad ko. Nagsitanguan naman sila. "Roger that Ice."- saad nila at pagkatapos nun, ipinagpatuloy na namin ang paglalakad. Pagdating sa palikong bahagi ng corridor, may isang babae ang bigla na lamang sumulpot at bumangga sakin. Sa lakas ng impact, pareho kaming muntik ng tumumba. Buti na lamang at naalalayan agad ako ng mga kaibigan ko at siya naman ay napahawak sa pader. "Sh*t! Are you okay?"- tanong ko dun sa babae. Inangat naman nito ang kanyang ulo at tumingin sakin. Tila bahagya naman akong natigilan nang mamukhaan ko ang babaeng ito. Pagtingin ko sa gilid ng blouse niya, agad kong nakita ang brooch. Mahaba at itim na buhok.. Itim na itim na mata.. Walang kaemo-emosyon na mukha at.... May brooch na nakalagay sa gilid ng blouse na may disenyong kulay itim na ibon na kulay berde ang mata at may asul na diyamante sa may tila tiyan nito. Walang duda, sa kanyang larawan yung isa sa mga larawang nakita ko kanina sa bulletin board at tinitigan at tinandaan ko pa ang mukha. Siya si Alex Jean Rioza a.k.a Diamond of Dark Cards. Ang nag-iisang babae sa nangunungunang samahan dito sa DIA! "S- sorry."- saad ko sa babaeng nabangga ko. Umayos naman ito ng tayo at tinignan ako. "Tch! another stupid rookie."- saad nito kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Tabi."- kunot noo nitong sabi sabay taboy samin na animo'y para kaming mga hayop. Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko na tila inis dahil sa inasta nitong babaeng nasa harapan namin. Parang ayaw nilang tumabi. "Tatabi kayo o hindi kayo magtatagal sa mundong 'to."- banas na saad nung babae. Bumuntonghininga naman ako at agad kong itinulak ang mga kaibigan ko paalis sa daanan nung babae. "Pasensya na, di ko sinasadyang mabangga at mainis ka. Pwede ka nang dumaan."- kalmado kong sabi sabay sulyap ko sa mga kaibigan ko na nakatingin sakin at tila sinasabing 'bat hindi ko patulan 'tong babaeng kaharap namin. Tss.. hindi ba nila nakita yung larawan nitong babaeng 'to dun sa bulletin board? Hindi sa natatakot ako rito sa babaeng 'to, ayoko lang na sa unang araw na makikipagpatayan kami which is in thursday ay isa agad sa Dark Cards ang makakalaban namin. Maging kalmado muna ngayon, saka na ang pagpapakademonyo. "Tch! Pinatagal pa tatabi rin naman pala."- banas na sabi nung babae sabay alis. Agad namang hinawakan ni Grey si Ashlie na tila gustong sugurin yung babaeng yun na tatawagin kong Alex. "Bwiset na impaktang babaeng yun! Yarug sakin yun."- saad ni Ashlie pagkawala nung babae. "Kaya mo ba? Siya yung nag-iisang babae sa Dark Cards."- sabi ko. Natigilan naman si Ashlie kaya binitawan na siya ni Grey. "I- isa siya sa Dark Cards?"- saad ni Ashlie. Tch. Hindi nga nila nakita. "Hindi niyo nakita yung larawan niya dun sa bulletin board kanina? Alex Jean Rioza ang pangalan niya."- saad ko sabay ayos ko ng tayo. "Anyway, tara na."- sabi ko sabay lakad ko ulit. Hindi naman na sila nagsalita at sumunod na lang sakin. Pagdating sa room, lahat ng kaklase namin nakatingin samin na animo'y lalamunin kami ng buhay. "Papatulan ko 'tong mga 'to."- bulong sakin ni Ashlie. "Tss.. walang kikilos ng hindi ko sinasabi."- saad ko. Ngumuso naman sya. "Okay."- nakanguso niyang sabi. Pagkaupo namin sa pinakadulo, may lalaking biglang tumayo. "Kumpleto na ba tayo?"- saad nito. "No President Jay, wala pa po si Bryan."- saad nung babaeng nasa harapan ko. "Hayy! Nasaan na naman siya? tuwing first day of class palagi siyang huli. Naunahan pa siya ng mga new students."- saad nung lalaki na si President Jay nga raw ang pangalan sabi nitong babaeng nasa harapan ko. "Baka kasama pa po ng Hari, diba kada taon tuwing first day of class nagmi-meeting sila? Baka nasa meeting pa po nila siya."- sabi naman nung babaeng nakaupo sa harapan ni Ashlie. "Kung ganun nga yari tayo, ayaw ni Ma'am Palaez na dadating siya ritong kulang tayo ng isa. Anong gagawin natin?"- saad ni President Jay. Bigla naman akong nakaramdam ng banyo kaya nagtaas ako ng kamay, nagtinginan naman sakin lahat. "Itatanong ko lang kung pwede ba kong mag-CR, bigla akong nakaramdam ng banyo eh. Wala akong pake sa pinag-uusapan niyo dahil wala pa kong alam."- saad ko. Tinaasan naman ako ng kilay nitong babaeng nasa harapan ko. "Okay, go. Pero bilisan mo lang, meron pang 20 minutes bago dumating si Ma'am Palaez. Malapit lang ang CR, 5 minutes kung tatakbuhin."- saad ni President Jay na nakangiti sakin. Nagkibit-balikat naman ako. "Okay."- saad ko. "Samahan kita?"- tanong sakin ni Ashlie. Ngumiwi naman ako. "No thanks, di ko kailangan nang taga taas ng underwear at palda ko."- saad ko na ikinatawa ng mga kaklase ko. "Leche plan."- saad niya sabay cross arms. Di ko naman na siya pinansin at umalis na lamang ako. Pagdating ko sa CR, agad akong pumasok sa isang cubicle at agad nagbawas. Pagkatapos, agad akong lumabas at naghugas ng kamay sa lababo. Habang pinapatuyo ko yung kamay ko gamit ang tissue, may nakakakilabot akong narinig mula sa isang cubicle. "Bry, ang galing mo talaga."- saad ng isang maharot na boses. Napatingin naman ako sa mga cubicle at agad nakita ng mga mata ko ang isang cubicle na may apat na paa sa loob. What the fish!! "Ako pa ba?"- saad ng isang lalaki at pagkatapos ay biglang nanahimik. Pashnea! kailangan kong makaalis agad dito! Dahil sa ayokong makita ako nung dalawang malandi sa loob ng cubicle at ayokong malaman nila na nandito pa ako at may nakaalam nang ginagawa nila at ako pa nga yun. Dahan-dahan at dali-dali kong tinapon yung mga tissue na ginamit ko sa basurahan at dahan-dahan akong naglakad palabas ng CR. Ang kaso..... nakakatatlong hakbang pa lang ako ng biglang.. "Pumasok na tayo, bawal mahuli sa klase."- saad nung lalaki. Nanlaki naman ang mga mata ko at agad akong napatakbo palabas ng CR na nagmula ng ingay dahil sa pagsara ko ng mabilis sa pinto. Pakshet dre!! Dahil dun, halos tumakbo na ko pabalik ng room dahil baka makita o maabutan ako nung dalawang malandi sa CR. Ayokong makaharap yung mga ganung klase ng tao pwe! Pagbalik sa room... "Anyare sayo?"- tanong sakin ni Ashlie. "May naglalamunan sa CR."- sagot ko sabay ayos ko at upo ko sa upuan ko. "Damn! Sana sinama mo na ko eh! Masaya kayang manood ng live."- saad ni Gaga. "Tsk! Bastos."- saad ko. Pagkatapos kong sabihin yun, bigla na lamang bumukas ang pinto at may pumasok na lalaking tila banas. Gwapo ito at mukhang emo ang datingan dahil sa tila eyeliner nya. "Now we're complete."- saad nitong babae sa harapan ko. Pagkatapos nun bigla na lang nanahimik at tila naging pigil hininga sila. Anyare? Pagkaupo nung lalaking bagong dating sa upuan niya which is sa TABI KO sa tabi ng bintana, sabay-sabay siyang binati ng mga kaklase namin. "It's nice to see you again Bryan."- bati sa kanya ng mga kaklase namin. Tinignan ko naman ang lalaki na namukhaan ko bigla. Teka? Bryan ang pangalan tapos yung pinag-uusapan kanina ng mga kaklase namin bago ako mag-CR... siya yung Bryan Go a.k.a Black Spade ng Dark Cards! Magkaano-ano sila ni Brent? "Yo! Nawa'y magkaroon tayo ng mas madugong taon ngayon."- saad nitong Bryan sabay patong niya ng mga paa niya sa desk niya at ngisi. "Lalo na't may mga baguhan."- nakangisi nitong saad sabay tingin samin. "Hi."- saad nito sabay kindat sakin. Oo gwapo siya, pero di ko siya gusto. "Same."- malamig kong saad sabay tingin ko sa blackboard at ayos ko ng upo ko. "I guess you're the girl whose name is Ice, ang lamig ng aura mo. My twin brother said nakakatuwa raw kayo, gusto ko tuloy kayong subukan."- saad niya sabay lip bite niya. Nagsalita naman si Ylana. "Twin brother... kambal kayo nung Brent Go?"- walang emosyong saad ni Ylana rito sa Bryan. Tumango naman ito. The hell! Hindi sila magkamukha! "Hindi kayo magkamukha."- singit ni Ashlie. Ngumisi naman ito. "Darling, hindi lahat ng kambal magkamukha."- saad nitong Bryan. D- Darling? Patay na... kailangan kong pigilan si Ashlie--- "Darling? Yuck!!"- saad ni Ashlie kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Damn... "I have a name, and it's ASHLIE. Don't call me Darling or any kinds of stupid endearments because it's Yuck! Iww! Pwe! Kadiri!"- saad ni Ashlie sabay irap kay Bryan. Ayaw ni Ashlie sa mga endearments or call signs na katulad ng mga Darling, Babe, Baby o kung ano. Nandidiri siya sa mga ganun. Ewan ko kung bakit. Napaawang naman ng bibig 'tong Bryan. "Yung iba halos tumalon na sa saya kapag tinatawag kong Darling tapos ikaw tinawag mong Yuck, Iww, Pwe, kadiri yun?"- di makapaniwalang saad nitong Bryan. Ngumiwi naman si Ashlie. "Because it's true, lalo na kung sa bibig ng mga katulad mong lalaking super confident sa mukha nanggaling ang mga salitang yun. Nakakasuka."- saad ni Ashlie. Umiwas ako kanina dun kay Alex dahil ayokong sa thursday ay Dark Cards agad ang makalaban. Pero ngayon, mukhang sila talaga ang una naming makakalaban o makakaharap. Ayaw talaga ni Ashlie sa mga tulad ni Bryan. Mas lalo namang napaawang ng bibig si Bryan. "Be ready, yari ka sakin sa Thursday."- nakangising saad ni Bryan. "Tch. Matatakot na ba ko?"- sarkastikong saad ni Ashlie. Nagsalita naman si President Jay. "Hindi ka ba natatakot sa kanya? Isa siya sa pinakakinatatakutan dito sa DIA."- saad ni President Jay kay Ashlie. Tumawa naman si Ashlie. "Tungkol dyan, iisang tao lang ang kinatatakutan ko. At si Ice lang yun."- nakangising saad ni Ashlie sabay tingin sakin. Tinignan naman ako ni President Jay. "Tss... Hindi ko siya pagagalitan, pagbabawalan o ano. Gusto niyang labanan ang lalaking nasa kaliwa ko kaya di ko siya pipigilan, bahala siya."- malamig kong saad. "Yes!"- saad ni Ashlie. Magsasalita pa sana si President Jay ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking naka-uniform. Kulay asul ang buhok nito at may suot na kwintas na malaking itim na krus ang pendant. Tila nabingi naman ako sa sobrang katahimikan, tila wala ng humihinga. Ang lalaking yan! Siya ang.... "King."- saad ni Bryan sabay tayo at bigay galang dito. "Kailangan kita sa office sandali, inexcuse na kita kay Mrs.Palaez kaya wala ka nang dapat ipag-alala. Sumunod ka sakin."- walang emosyon nitong sabi sabay alis. Ang lalaking yun... Siya si Devin Kiel El Greco a.k.a King of Dark Cards. Siya ang Hari sa buong DIA. Sa buong Dark Island Academy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD