Chapter 7

1590 Words
"Grabe, dalawa lang ang kumilos sa kanila kahapon pero nagawa nilang manalo at mapunta agad sa Rank B. Sabi na eh! may mga sikreto silang itinatago."- saad ni Brent. "Yung Grey lang diba tsaka si... tss.. si Ashlie."- saad naman ni Bryan. Tumango naman si Brent. "Yung Ice, tagtago lang naman pala siya sa likod ng mga kasamahan niya eh!"- nakangising saad ni Alex. Nagsalita naman ang hari. "Tagtago o sadyang alam niya lang na kaya ng dalawa niyang kasamahan na tapusin ang laro?"- walang emosyong saad ng Hari. Nawala naman ang ngisi sa mukha ni Alex dahil dito. "Pumasok na kayo sa mga klase niyo, pupunta lang ako sa cafeteria."- saad ng Hari. Aangal pa sana si Alex ng tignan siya ng masama ng Hari. "No buts."- saad ng Hari sabay lakad paalis. "Hmm? It looks like may malalim na iniisip ang Hari kaugnay sa nangyari kahapon, iba kasi yung aura niya ngayon. Hindi mo maintindihan."- saad ni Brent. Tumayo naman si Alex. "Tss... humanda talaga sakin yang Ice Rogiano na yan!"- galit na saad ni Alex. Hindi naman nagsalita ang kambal dahil sa itsura ni Alex. "Pumasok na nga tayo!"- padabog na saad ni Alex sabay lakad niya paalis. "No comment."- saad ni Brent. "Bro, naeexcite ako!"- saad ni Bryan. Napataas naman ng kilay si Brent. "Bakit?"- tanong ni Brent. "Nae-excite akong makaharap si Ashlie tapos nae-excite rin akong magkaharap sila Alex at Ice. Ano kayang mangyayari?"- saad ni Bryan na parang kinikilig. Nag-isip naman si Brent. "Hmm.. ewan? tignan na lang natin."- saad ni Brent sabay tayo. "Pumasok na tayo."- saad ni Brent sabay lakad. "Oo."- saad naman ni Bryan at sumunod na sa kakambal. Habang nasa hallway ang dalawa, bigla na lamang tumunog ang mga speaker sa buong academy. Nagulat naman sila. "May kakanta?"- saad ni Brent. "Friday ngayon, tuwing friday diba ikino-connect ang lahat ng mga speaker sa music room kaya naman ang ingay dun ay naririnig sa buong school. Walang pumapasok dun tuwing friday dahil walang naglalakas loob, sino kaya yun?"- saad ni Bryan. Samantala>>> 'Nandito lang ba talaga sila dahil sa thrill o iba ang dahilan?' 'Bakit ang gagaling nilang makipaglaban?' 'Sino ba talaga sila?' 'Bakit parang may kamukha si Ice Rogiano na hindi ko mabatid kung sino?' 'Anong kakayahan ni Ice?' 'Yung isa pang babae? Ano rin ang kakayahan nun?' Napahampas na lamang ang Hari ng malakas sa lamesa nilang Dark Cards sa cafeteria dahil sa mga katanungan sa isip niya. "F*ck this."- mahinang saad ng Hari na pinagtitinginan ng mga estudyante sa cafeteria dahil sa mabigat niyang presensya. "Ayoko nito, ayokong nag-iisip pagdating sa mga ganitong bagay. Ayoko ng masyadong maraming tanong sa utak ko."- galit nitong saad kasabay ng pagkuyom niya sa kanyang kamao. Bigla namang bumukas ang pintuan ng cafeteria kaya't napatingin dito ang Hari. Pagtingin ng Hari dito, tila lalong bumigat ang aura niya dahil sa taong pumasok. Si Ice.. 'Ang babaeng 'to.'- saad ng Hari sa isip niya. Naramdaman naman ni Ice ang presensya ng Hari at ang tingin nito sa kanya kaya naman napatingin si Ice sa Hari. Pagtama ng mga mata nila sa isa't-isa, tila nagkaroon ng mabigat na tensyon sa paligid. Lalo na at huminto pa sa paglalakad si Ice na ikinadahilan nang pagbubulungan ng mga tao sa paligid. 'Damn! Nakipagtitigan siya sa Hari.' 'Hinahamon ba niya ang Hari?' 'Kung hinahamon niya kawawa siya panigurado.' Bigla namang ngumiti si Ice at inialis ang tingin niya sa Hari, pagkatapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad patungong counter. Sinundan naman siya ng tingin ng Hari. Pagkatapos bumili ni Ice ng mga sitsirya at inumin, chill lang siyang naglakad palabas ng cafeteria. Ngunit pagdaan niya sa Hari, tinignan niya ito ulit. Sakto namang nakatingin parin ito sa kanya. Natawa naman ng bahagya si Ice dahil dito. "Oo na, maganda na yung mata mo di mo na kailangang ipamukha. Grabe makatingin, sa ganda ng mata mo ang sarap ng kunin."- nakangising saad ni Ice sabay hinto at tingin ng diretso sa Hari. "Don't look at me like that, baka matunaw ako."- malamig na saad ni Ice at pagkatapos ay naglakad na ito ulit palabas ng cafeteria. Pagkawala ni Ice, napanganga na lamang ang Hari na hindi makapaniwala sa inasta ni Ice sa kanya. 'Hindi ba ko kilala nung babaeng yun? Bwiset!'- ang nasa isip ng Hari na lalong nabanas ngayon. Ilang sandali lang matapos mawala ni Ice, bigla na lamang tumunog ang mga speakers na ngayon ay nakakonekta sa music room. "Keyboard... may kakanta?"- kunot noong saad ng Hari. 'Ang lakas ng loob ng taong yun, walang pumapasok sa music room tuwing Biyernes at walang naglalakas loob na kumanta dahil sa Playgirls. Ayaw nila ng may kumakanta lalo na kung pangit ang kanta o ang boses ng kumakanta. Sino 'tong malakas ang loob na 'to?'- ang nasa isip ng Hari. Nang magsimulang kumanta ang nasa music room, tahimik lamang na nakinig ang Hari. Now Playing~ Demons by: Imagine Dragons. Verse 1 ♪When the days are cold and the cards all fold, and the saints we see are all made of gold♪ ♪When your dreams all fail and the ones we hail are the worst of all and the blood's run stale♪ ♪I wanna hide the truth, i wanna shelter you. But with the beast inside, there's no where we can hide♪ Pre-Chorus ♪No matter what we breed, we still are made of greed. This is my Kingdom come, this is my kingdom come♪ Chorus ♪When you feel my heat, look into my eyes. It's where my demons hide, it's where my demons hide. Don't get too close, it's Dark inside. It's where my demons hide, it's where my demons hide♪ ♪It's where my demons hide♪ Pagkatapos ng chorus, bigla na lamang tumayo ang Hari at naglakad paalis. Naglakad siya patungo sa music room. Verse 2 ♪At the curtains call it's the last of all, when the lights fade out all the sinners crawl. So they dug your grave and the masquerade will come calling out, at the mess you made♪ ♪Don't wanna let you down, but i am hell bound. Though this is all for you, don't wanna hide the truth♪ Pre-Chorus ♪No matter what we breed, we still are made of greed. This is my kingdom come, this is my kingdom come♪ Chorus ♪When you feel my heat, look into my eyes. It's where my demons hide, it's where my demons hide. Don't get too close, it's Dark inside. It's where my demons hide, it's where my demons hide♪ ♪It's where my demons hide.. Yeah♪ Bridge ♪They say it's what you make, i say it's up to faith. It's woven in my soul, i need to let you go♪ ♪Your eyes they shine so bright, i wanna save the light. I can't escape this now, unless you show me how.♪ ♪Unless you show me how.. Yeah, Yeah♪ Chorus ♪When you feel my heat, look into my eyes. It's where my demons hide, it's where my demons hide. Don't get too close, it's Dark inside. It's where my demons hide, it's where my demons hide♪ Nang matapos ang kanta, saktong nakarating ang Hari sa tapat ng pinto ng music room. 'Maganda ang boses, ang kaso hindi ko gusto yung kanta.'- ang nasa isip ng Hari. May nagsalita naman mula sa kanyang likuran. "King Devin?"- saad ng isang babae. Pagtingin ng Hari rito, tumambad sa kanya si Sasha, ang leader ng Playgirls. Kasama nito ang mga kasamahan niya. Ang Playgirls ay isa sa lima na ngayong Rank B Group ng Dark Island Academy. Lima na sapagkat dumagdag na ang grupo nila Ice sa Rank B. "Ako nang bahala sa isang 'to. umalis na kayo."- walang emosyong saad ng Hari. "O- Opo."- saad ni Sasha na tila namumula pa ang pisngi sabay alis na nila ng mga kasama niya. Pagkaalis ng Playgirls, agad binuksan ng Hari ang pinto ng music room at pumasok sa loob. Pagpasok niya, agad tumambad sa kanya ang isang babaeng inaayos na ang keyboard na ginamit niya. Naglakad naman ang Hari ng tahimik papunta sa gilid at pinindot ang off button upang mamatay ang lahat ng speakers na nakakonekta sa music room ngayon. "Nice voice."- saad ng Hari. Napatingin naman agad ito sa kanya, imbis na magulat.. isang malamig na tingin lamang ang ibinigay nito sa kanya. "What do you want?"- saad ni Ice sa Hari. Tama, si Ice ang babaeng umaawit kanina. "Sa tingin ko wala pang nagsasabi sayo na tuwing Biyernes, ang lahat ng speaker sa Academy ay ikonokonekta rito kaya naman walang naglalakas loob na pumasok dito tuwing biyernes, lalo na kung ang pakay nila ay ang kumanta."- walang emosyong saad ng Hari kay Ice. Ngumiwi naman si Ice. "Ano ngayon ku-- teka... ano!? T- tuwing biyernes?"- gulat na saad ni Ice sabay kuha niya sa wallet niya at tingin sa maliit na kalendaryo na naroon. "N- narinig ng lahat yung kanta ko?"- gulat na saad ni Ice. Tumango naman ang Hari. "Alam mo bang walang naglalakas ng loob na gawin ang ginawa mo kanina sapagkat ayaw ng Playgirls ng may kumakanta? Nandito na sila kanina para parusahan ka, pinaalis ko lang sila."- saad ng Hari. "At kung nagtataka ka sa kung bakit sila ganon..... yun ay dahil trip lang nila."- saad pa nito. Bahagya namang ngumuso si Ice. "Edi salamat."- saad ni Ice. Bigla namang ngumisi ang Hari. "Salamat?"- saad ng Hari sabay tawa ng bahagya. "Kung ako sayo hindi ako magpapasalamat."- saad ng Hari na biglang dumilim ulit ang aura. "Sumunod ka sakin."- saad ng Hari sabay ngiti nito. Ngiti na pangdemonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD