Chapter 8

1420 Words
Grey P.O.V "Damn it! Nasaan si Ice? Hindi siya umuwi rito kagabi!"- saad ni Ylana na kanina pa hindi mapakali. Kahapon, matapos umalis ni Ice para bumili ng pagkain, ilang sandali lang ay narinig namin ang boses niya sa buong Academy. Nang malaman namin na galing sa music room yun ay kaagad kaming nagtungo dun nila Ashlie at Ylana pero pagdating namin dun, wala kaming naabutan. Walang tao sa music room. Hinanap namin siya pero di namin siya nakita, hindi siya pumasok sa klase hanggang sa nag-uwian. Pagbalik namin dito sa dorm, wala pa rin siya. Natulog kami kahit wala siya dahil pumasok sa isip namin na baka may mahalaga siyang ginagawa kaya ganun at tiwala kaming uuwi rin siya pero damn! Umaga na pero WALA SIYA! walang bakas na umuwi siya rito! "Sa tingin ko kailangan na nating maghanap sa buong Academy, magtanong-tanong na rin tayo."- saad ni Ashlie. "Sige."- saad ni Ylana na kabadong-kabado. Paglabas namin, nagulat kami nang tumambad samin si Brent. Seryoso ang mukha nito. "Hinahanap niyo si Ice?"- saad nito. Tumango naman si Ylana. "Alam mo ba kung nasan siya?"- tanong ni Ylana kay Brent. Tumango naman si Brent. "Sa fifth floor, yung pinakadulong silid doon. Yung may nakalagay na Darkness Room sa pinto, nandun siya."- saad ni Brent na ikinakunot ng noo ko. "Why? Bakit siya nandun?"- kunot noo kong sabi. "Punishment, pinarusahan siya ng Hari. Ikinulong siya dun."- saad ni Brent sabay labas niya ng tatlong face mask. "Suotin niyo yang mga yan pagdating niyo dun, bilisan niyo na. Baka maabutan niyong wala ng hininga ang pinuno niyo."- saad ni Brent sabay talikod niya at lakad paalis. Nagkatinginan naman kami nila Ashlie at Ylana. "s**t! Bilisan niyo!"- sigaw ko sabay takbo. Agad din naman silang tumakbo. Pagdating namin dun, agad naming isinuot ang mga face mask na ibinigay samin ni Brent at pumasok sa loob ng silid. Pagpasok namin, isang napakadilim na silid ang tumambad samin. Sarado ang mga bintana, patay ang mga ilaw at sobrang dilim. Napatakip naman ako sa ilong ko nang may maamoy akong hindi kaaya-aya. Damn! ano yun? Nakamask na ko pero naaamoy ko pa rin! "Ilaw."- saad ko. Agad namang kinuha nila Ashlie at Ylana ang kanilang mga cellphone at binuksan ang flashlight nito. Pagkatapos, agad nilang inilawan ang buong paligid. "What the!"- nasambit ko na lamang ng makita kong puro dugo sa loob ng silid na ito. Isa pa, may mga bangkay pa rito! "A- ang baho!"- saad ni Ashlie. Agad ko namang inagaw yung cellphone ni Ashlie sa kanya at taranta kong hinanap si Ice hanggang sa nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita ko si Ice na nakaupo at nakasandal sa isang sulok. Puro dugo ang damit nito at may telang nasa leeg niya na sa tingin ko ay ginamit niya pantakip sa ilong niya. Bukod pa dun, wala siyang malay. "Ice!"- sigaw ko sabay takbo ko papunta sa kinaroroonan niya. "Ice gumising ka!"- saad ko sabay alog ko sa kanya ngunit hindi siya nagising. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong ang putla niya na. "Na-suffocate siya, dalhin natin siya sa clinic para mabigyan siya agad ng oxygen! Aabot pa tayo!"- saad ko sabay buhat ko kay Ice. Habang nasa daan papunta sa clinic, halos patakbo na ang ginagawa ko habang buhat si Ice. Sila Ashlie naman at Ylana, halata ang takot sa mga mukha nila. Nagtitinginan naman ang lahat ng mga estudyanteng nadadaanan namin, ang iba nagbubulungan pa. May narinig pa ko na nagsalita ng wala raw kwenta si Ice at hindi ito nararapat na pinuno dahil tagtago lang daw ito sa likod naming mga kasamahan nito. Kung kilala niyo lang talaga siya di niyo masasabi yan! Hindi siya lumaban nung thursday dahil wala siya sa mood dahil gutom siya at nung lalaban naman na siya ay pinigilan naman namin siya! Nakakatakot na tao si Ice kaya naman hindi siya nararapat na lumaban. Isa siyang demonyo lalo na kapag galit siya at nawawala siya sa kanyang sarili! "Yung oxygen ihanda niyo."- saad ko. "Hoy nurse! hindi ka tutulong!?"- sigaw ni Ashlie sa nurse. Napailing naman ako. "Tss.. hindi kikilos yan kung hindi iutos ng Headmaster o ng Dark Cards, gawin niyo na lang yung sinabi ko!"- pagtataas ko ng boses. Nataranta naman sila at agad na ginawa ang sinabi ko. Ano bang nangyari? 'Bat pinarusahan ng Hari ng DIA si Ice? Bwiset! xxxxxx Brent P.O.V "Dinala ng mga kaibigan niya si Ice sa clinic?"- saad ni Alex. Tumango naman ako. "Hayy... sana hinayaan na lang siya dun para namatay na siya."- saad ni Alex. "Hindi pa siya pwedeng mamatay, hindi pa natin nalalaman kung sino siya kaya hindi pa pwede."- saad ko sabay tingin ko sa Hari na nakaupo sa upuan niya habang nakapikit. "Kapag nakasurvive siya ngayon, bilib na ko sa kanya. Hindi madaling mabuhay sa loob ng darkness room dahil sa nakakasulasok na amoy doon ng mga bulok na mga bangkay."- nakapikit na saad ng Hari. Napatingin naman ako ulit kay Alex, sumama ang mukha niya. "Brent, puntahan mo ang Reapers sa clinic. Tignan mo kung ano nang nangyayari sa kanila."- saad ng Hari. Agad naman akong tumayo. "Masusunod po."- saad ko. xxxxxxx Ylana P.O.V "Ice! Akala ko mamamatay ka na!"- emote ni Ashlie sabay yakap kay Ice. Pagkatapos gamutin ni Grey si Ice, agad dumilat si Ice. Nagkamalay siya agad. "Di madaling mamatay ang mga tulad ko."- saad ni Ice sabay buntonghininga. "Bwiset! buti na lang talaga matibay ang baga ko at kani-kanina ko lang hindi kinaya yung amoy! Pero kung hindi? malamang patay na ko ngayon."- saad ni Ice. Namumutla pa rin siya ng kaunti pero kampante na ko dahil gumising na siya at nakakapagsalita ng diretso. "Ano ba kasing nangyari Ice? Bakit ka pinarusahan ng Hari dito sa DIA?"- saad ni Ashlie kay Ice. Bigla namang kumunot ang noo ni Ice tapos bigla niyang ibinato yung hawak niyang tela na tinanggal niya mula sa leeg niya. "T*ngn*ng kanta yun at... argh! Yung Devin Kiel na yun! For pete sake! Pinarusahan ako nung hari na yun dahil sa kanta ko kahapon! Diba yung sa Verse 1 nung kanta may lyrics dun na and the cards all fold? Akala niya, gawa ko yung kanta at ang ibig sabihin ko sa kanta ay sila na Dark Cards ay babaluktot o babagsak! Dahil lang dun! Akala ko nung una dahil sa pinagtripan ko siya sa cafeteria nung bumili ako ng pagkain kaya niya ko parurusahan pero hindi! Dahil lang dun sa kanta! Bwiset! Kababawan! Katangahan! Kabobohan!"- banas na banas na sabi ni Ice sabay bato niya sa mga unan at tingin niya sa Nurse. "Subukan mong magsumbong at ikaw ang una kong mapapatay rito sa DIA."- saad ni Ice dun sa Nurse na nakatingin sa kanya at natakot sa kanya dahil sa tingin at sa sinabi niya rito. "Hindi na ko kakanta sa susunod, lalo na at may mga tulad niya rito. Bwiset! Kung alam ko lang na tuwing biyernes pala kinokonekta yung lahat ng speakers dito sa Academy sa music room edi sana hindi ako kumanta kahapon at hinayaan ko na lang yung pagka-miss ko sa pagkanta! Nakakainis talaga!"- banas na banas na sabi ni Ice. Hindi naman kami nagsalita dahil baka kami ang mapagbuntunan niya. Ilang sandali lang, kumalma na siya. "Nagugutom ako."- saad niya habang nakapoker face. "Punta tayo cafeteria?"- tanong ni Grey kay Ice. Binatukan naman siya ni Ashlie. "Kagigising pa lang nung tao! nagbabawi pa ng lakas papapuntahin mo sa cafeteria? Oh 'eto pera! Bilhan mo siya ng pagkain tanga!"- saad ni Ashlie kay Grey. Napahawak naman sa ulo niya si Grey. "Psh.. Oo na! Sorry."- saad ni Grey sabay kuha niya sa pera at alis. Tinignan ko naman si Ice. "Ice, sa dorm na tayo gusto mo? kailangan mong maligo."- saad ko kay Ice. Tumango naman siya. "Sige."- sagot niya. xxxxxxx Author's P.O.V "King, nakarecover agad si Ice. Dinala siya ng mga kasama niya sa clinic ng walang malay at nagising siya agad."- balita ni Brent sa Hari. Napatingin naman si Alex sa Hari at hinintay ang magiging reaksyon nito. "Ibang klase."- saad ng Hari sabay ngiti. Napakuyom naman ng kamao si Alex. "Ahm? Excuse me. Nakalimutan kong may gagawin pala ko, alis muna ko King."- saad ni Alex na tila may nakakatakot na ngiti. Tumango naman ang Hari na nakangiti pa rin. "Okay."- saad ng Hari. Agad namang naglakad si Alex paalis habang nakangisi ng pangdemonyo at nakakuyom ang mga kamao. 'Delikado si Ice kay Alex...'- ang nasa isip ni Brent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD