Ice P.O.V
"I- ice? Gusto mong mag-earphone?"- tanong sakin ni Ashlie ngunit hindi ko siya pinansin.
"Akala ko kahapon patay na."
"Ako nga rin eh, akala ko patay na."
"Dapat namatay na lang, wala namang kwenta eh."
"Buti nga pinarusahan siya ng Hari, bawal ang duwag dito sa DIA."
"Poor thing, tagtago lang sa likod ng mga kasamahan niya."
Tss.. stupid people! Nauubos na yung pasensya ko! Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng dorm namin ng mga kaibigan ko narinig ko agad na pinagbubulungan ako ng mga tao rito. F*ck them! Umagang-umaga magiging demonyo ako!
"Ice Rogiano."- rinig kong tawag sakin ng isang boses babae.
Agad ko naman itong nilingon at napakunot ang noo ko nang makita ko kung sino ito.
"Can i talk to you?"- saad ni Alex, ang Diamond ng Dark Cards. Nakangisi ito.
May isa pang bwiset na dumating, kung maaari ayokong makakita ng kahit isa sa mga Dark Cards dahil naaalala ko lang yung bwiset nilang Hari pero heto! Kaharap ko na ang isa sa kanila na may kailangan pa sakin. Ano naman kayang gustong pag-usapan ng babaeng ito?
"About what?"- madilim ang aura kong sabi.
Mas lalo naman itong ngumisi sabay pumalakpak ng dahan-dahan.
"What's with that aura? Matapang ka dahil nandyan ang mga kaibigan mo?"- sarkastikong saad ni Alex.
Nandilim naman ang paningin ko.
"What did you say?"- saad ko sabay lakad ko palapit sa kanya at hinto sa harapan niya.
"I'm not that kind of a person that you and the others think of. Do you want me to prove it to you? I don't care if you're one of those f*cking Dark Cards. I AM NOT afraid to all of you!"- seryoso kong sabi habang nakatingin ng seryoso sa kanya.
Bigla namang nag iba ang ekspresyon niya. Napalitan ng inis.
"And you have the guts to say that."- saad sakin ni Alex. Ngumisi naman ako.
"I'm just stating the truth."- saad ko kay Alex.
Bigla namang tumunog ang mga speakers.
"Goodmorning students, may nakikita akong magandang pangyayari! Sasamantalahin ko na ang pangyayaring ito."- saad ng Headmaster mula sa speakers.
"Alex Jean Rioza of Dark Cards and Ice Rogiano of Reapers. Binibigyan ko kayo ng pagkakataon na maglaban, pinapayagan ko kayong maglaban ngayon. Tapusin niyo ang laban niyo sa loob lamang ng kalahating minuto at sinisimulan ko na 'yon ngayon, bahala kayo kung gusto niyong magpatayan, nasa sainyo ang desisyon. Ngayon, simulan niyo na!"- saad ng Headmaster.
Narinig ko namang sumigaw sila Grey at Ashlie.
"Ice no!"- rinig kong sigaw nila Grey at Ashlie ngunit hindi ko sila pinansin.
Gagawin ko 'to para patunayan ang sarili ko. Wala akong planong patayin ang babaeng ito at wala rin akong planong magpapatay sa kanya.
"Sa totoo lang 'eto talaga ang gusto kong mangyari, ang maglaban tayo. Papatayin kita."- saad ni Alex sabay patunog niya sa mga daliri niya. Ngumisi naman akong muli.
"Kung kaya mo, idiot."- saad ko.
Nagbanggaan naman ang mga ngipin niya sa inis.
"Damn you!"- sigaw niya sabay sampal sana sakin ng mahawakan ko ang kamay niya.
"Sinasabi ko sayo, you won't be able to land your fist or your hands on my face until the end of the time that the Headmaster gave to us. Kapag nagkatotoo ang sinasabi ko, titigilan mo na ko."- saad ko.
Ngumisi naman siya. "Ok, but if I do.. I'm gonna f*cking kill you."- saad niya.
Bahagya naman akong ngumiti. "Okay."- saad ko.
"Ice, please stop!"- rinig kong sigaw nila Ashlie but again! Hindi ko sila ulit pinansin.
"Let's do this."- saad ko kay Alex sabay higpit ko sa pagkakahawak ko sa kamay niya. Halata naman sa mukha niya ang sakit.
"You'll die now b***h!"- sigaw niya sabay suntok sana sakin sa mukha gamit ang isa niyang kamay nang mag-bending ako paibaba para makaiwas. Nagulat naman siya sa ginawa ko.
"I told you, you won't be able to land your fist on my face. Idiot."- saad ko sabay tayo ko ulit at ikot ko sa kamay niya at sipa sa kanya sa tiyan. Napahiyaw at napaatras naman siya sa sakit.
"Paduduguin ko yang mukha mo."- saad ko.
"b***h!"- sigaw niya sabay sugod sakin.
"Ice wag kang lumaban!"- sigaw ni Grey.
Ngumisi naman ako. "Yeah?"- saad ko.
Pagkatapos kong sabihin yun, saktong sugod sakin ni Alex at akmang susuntukin ulit ako. Agad naman akong umilag at humakbang pakanan ngunit...
"Fool."- nakangisi niyang saad sabay pakawala niya ng isang roundhouse kick pero..
"Nice try."- saad ko nang masalo ko ang paa niya.
"W- what the!"- gulat niyang sigaw.
Ngumisi naman ako at agad siyang itinulak. Napaupo naman siya.
"Come, sugod lang."- saad ko sabay taas ko sa sleeves ng uniform ko.
Agad naman siyang tumayo at banas na sinugod ako. Sunod-sunod na sipa at suntok ang pinakawalan niya samantalang ako puro ilag sa kaliwa, sa kanan, magbebending tapos pipigilan ang atake niya gamit ang kanan kong kamay.
Tumagal yun ng ganun hanggang sa 5 minutes na lang tapos na ang ibinigay ni Headmaster samin na oras.
Si Alex, pikon na pikon na siya samantalang ako.. tila nawawala ang pagkabadtrip ko.
Natutuwa ako sa kanya, yung mga tulad niya.. ganun ang gusto kong maging kaibigan. Yung ugali niya, tila pinagsamang Ashlie at Ylana.
"Why don't you fight!"- banas niyang sigaw.
Nagbulungan naman lahat ng mga estudyanteng kanina pa nanonood samin.
"Sabi mo paduduguin mo yung mukha ko! Do it b***h! Ano duwag ka talaga? Nakakailag ka ng mabilis, napipigilan mo ang mga atake ko! isa lang ang ibig-sabihin nun, marunong kang lumaban! Oo na! hindi ka tagtago lang sa likod ng mga kasama mo pero damn you! Lumaban ka sakin! Hindi ka nga tagtago sa likod nila pero duwag ka naman!"- sigaw niya.
Halata na ang sobrang pagkagalit sa mukha niya, sa tingin ko kapag may nakita 'tong kahit anong sandata? Papatayin niya talaga ko tulad ng sinabi niya sakin kanina.
"Are you sure? Gusto mo talagang lumaban ako at paduguin ko yung mukha mo?"- saad ko.
"Oo!"- sigaw niya.
Bumuntonghininga naman ako. "Okay."- saad ko sabay lakad ko palapit sa kanya.
Pumuwesto naman siya na tila handang-handa siya.
"Hindi mo magagawa ya--"- saad ni Alex na hindi natuloy ang gustong sabihin sapagkat... sinuntok ko siya ng malakas sa mukha na ikinadahilan nang pagbagsak niya sa sahig.
Nagulat naman ang lahat ng mga nandito.
"Yan, nagawa ko na."- saad ko sabay ayos ko sa tayo ko.
Agad naman siyang tumayo at tinignan ako habang nakahawak sa mukha niya. Pumutok ang labi niya, may dugo rin sa ilong niya.
"M- magbabayad ka!"- sigaw niya sabay sugod sana sakin ng..
"Alex, tumigil ka na!"- saad ng isang boses mula sa likuran niya.
Pagtingin ko, ang Hari. Kasama nito ang kambal na sina Brent at Bryan na nagulat matapos makita ang mukha ni Alex at ang kamay kong may bahid ng dugo nito.
Bumigat naman ang pakiramdam ko.
Naiinis ulit ako.
"P- pero King!"- angal ni Alex.
Tinignan naman siya ng masama ng Hari. "Tapos na ang 30 minutes at natalo ka."- saad ng Hari kay Alex.
Natigilan naman si Alex.
"The fight is done, Ms.Ice Rogiano of Reapers win! Dahil diyan, Ms.Alex Jean Rioza. Pinagbabawalan kang hamunin o kalabanin ang kahit sino sa Reapers, oras na sumuway ka ay dalawang buwan kang suspended dito sa DIA. That's all, congrats to you Ms.Ice."- saad ni Headmaster mula sa speakers.
Muli, nagbulungan muli ang mga estudyante.
"What? Bakit ganun?"
"Suspended lang?"
"Dark Cards eh, hindi sila pwedeng parusahan ng matindi."
"Unfair!"
Nagsalita naman ang Hari.
"Tch. Kayong mga nandito, magsipuntahan na kayo sa mga klase niyo."- saad ng Hari.
Agad namang nagtakbuhan ang lahat upang pumunta sa kani-kanilang klase. Ako naman, tinalikuran ko sila at sinenyasan ang mga kaibigan ko na lumakad na paalis.
Si Grey at Ashlie, di mo maipinta ang mga mukha nilang dalawa. Samantalang si Ylana, ngiting-ngiti ang gaga. Nag-thumbs up pa ang loka na animo'y proud na proud.
"Ice."- rinig kong tawag sakin ng Hari pero hindi ko siya nilingon.
Bwiset siya, ilulublob ko yang asul niyang buhok sa kanal ng mangitim!
Hinablot naman ako ni Ashlie at iniharap ako sa Hari.
"What the-- Ano ba! Ayokong harapin yung mga taong walang alam sa mga usong kanta!"- saad ko.
"Ice."- saad ni Ashley sabay turo niya sa Hari. Pagtingin ko...
Nakakakilabot ang itsura nito, tila may itim na hugis demonyo na nakakapit sa likod nito at ang mga mata niya, napakadilim.
Napakamot naman ako sa ulo at hinarap siya ng maayos. "Tch! Bakit ba?"- inis kong sabi.
"Sino ka ba talaga."- diretsahang saad nito.
Hindi parin nagbabago ang itsura nito. Nakakatakot pa rin.
Napataas naman ako ng kilay. "Ano? Anong klaseng tanong yan? Sino ako? Ako si Ice Rogiano."- saad ko sabay irap ko sa kanya.
"Bakit ang gagaling niyong makipaglaban? bakit ang mimisteryoso niyo? bakit nararamdaman ko na hindi lang thrill ang ipinunta niyo rito at iba ang dahilan? Bakit?"- saad ng Hari.
Nagkatinginan naman kami nila Ashlie, Grey at Ylana na ngayon ay nakakunot ang noo.
"Sagutin niyo, at ayoko sa sinungaling."- saad ng Hari na hindi pa rin nagbabago ang itsura.
Bumuntonghininga naman ako.
"Kasali kami sa taekwando at judo club nung highschool kami, nang magbakasyon naman nag-aral kami ng mga hilig namin. Ako, nag-aral ako ng Arnis. Si Grey, nag-aral ng firing. Si Ylana, nag-aral ng Archer at si Ashlie, nag-aral ng katana. Isa pa, napasok din kami sa isang fighting tournament at nakikipaglaban din kami sa labas para sa buhay namin. Sa pagiging misteryoso namin, sadyang ganun lang talaga kami. Sadyang ugali lang talaga namin na manahimik na tila may sarili kaming mundo kaya naman nagiging mukha kaming mga misteryoso. At tungkol naman sa totoong dahilan kung bakit kami nandito.. Sige, sasabihin ko sayo ang totoo."- seryoso kong sabi sabay cross arms ko at iwas ko sa kanila ng tingin.
"Hinahanap ko ang kapatid ko."- saad ko sabay tingin ko ulit sa kanila. "Nabunot siya sa bunutan na ginanap dati at hindi siya nakalaban para hindi matuloy ang pagpapadala sa kanya rito. Siya ang sadya ko o namin dito."- saad ko habang nakatingin ako ng diretso at seryoso sa Hari.
"May tanong ka pa ba?"- saad ko pa.
Agad naman siyang sumagot. "Wala na."- saad niya sabay talikod.
"Nagsasabi ka ng totoo, pero bakit hindi pa rin ako kumbinsido?"- rinig kong saad ng Hari sabay pamulsa niya. "Cards, umalis na tayo."- saad ng Hari.
Pagkatapos nun, umalis na sila. Pero bago makaalis ng tuluyan, nakita ko pa si Alex na ang sama ng tingin sakin.
"Pssh... kung makatingin! Palibhasa ang babaw lang nang parusa sa kanya kapag sinaktan niya ang isa satin!"- saad ni Ashlie.
Nagsalita naman si Ylana. "Ice, nagtataka ako."- saad ni Ylana.
Tinignan ko naman siya. "Bakit?"- tanong ko.
"Anong problema satin ng Hari?"- saad ni Ylana sabay ngiwi.
Nagkibit balikat naman ako. "Ewan ko, wag mo na lang pansinin ang gaya niyang sira ang ulo."- saad ko.
"Pero ang gwapo niya."- saad ni Ashlie na ang manyak ng itsura.
Natawa naman si Ylana. "Pft.. itsura mo Ash! Mukha kang manyak!"- saad ni Ylana kay Ashlie.
Tinignan naman ng masama ni Ashlie si Ylana. "Sapak you want?"- saad ni Ashlie kay Ylana.
Napailing naman ako.
"Alam niyo? Tara na. Pumasok na tayo."- saad ko sabay lakad ko paalis.
Agad naman silang sumunod sakin.