Chapter 10

1910 Words
Ashlie P.O.V "Tss.. diba school 'to para sa mga gustong maging Assassin and etc.? Bakit may mathematics pa rin na nag-eexist? Nakakainis!"- reklamo ko. "Manahimik ka na lang at magreview."- saad ni Ice na nakasuot pa ng eye glasses. Monday ngayon at may quiz kami mamaya sa Math. Peste! I hate Math! "I... I CAN'T DO THIS!"- sigaw ko sabay tayo. Sabay-sabay namang nagtinginan sakin ang lahat ng mga estudyante rito sa library at sabay-sabay silang nag-Sshh. "Ano ka ba! Bawal mag-ingay dito sa library."- mahinang saad sakin ni Ylana sabay hila niya sakin paupo. "Ayoko talaga sa Math, nakikita ko pa lang yung mga numbers nahihilo na ko."- saad ko. "Kaya mo yan."- saad ni Grey na walang salamin ngayon. Ngumuso naman ako. "Teka Grey, baliktad ata? Kung kailang kailangan mo ng salamin dun ka walang suot."- saad ko. Tinignan naman niya ko. "Na'kay Ice yung salamin ko, ayos lang naman nababasa ko naman ng maayos 'tong binabasa ko."- mahina niyang sabi. "Ayos ah! kaya mahal na mahal ka namin eh, handa kang magsakripisyo para samin."- saad ko sabay akbay ko kay Grey. Nagsalita naman si Ylana. "Alam mo Ash, kung ayaw mo talagang magreview hayaan mo kaming magreview. Hindi yung nanggugulo ka."- saad ni Ylana na may hawak na malaking calculator na ang daming pindutan. Ngumiwi naman ako. "Tsk! aalis na nga lang ako! Hampas ko sayo yang calculator na maraming pindutan na yan eh!"- saad ko. "Scientific calculator ang tawag dito."- saad ni Ylana sabay tingin sakin. Inirapan ko naman siya. "The hell I care! Tss.. Ice, alis muna ko."- saad ko sabay tingin ko kay Ice. "Oo."- saad ni Ice na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hindi naman na ko nagsalita at umalis na lang. Habang nasa hallway, pikon na pikon ako sa sarili ko. Bakit ba hindi nila ko katulad? Bakit sila matatalino ako hindi! Nakakabwiset! "T- tama na po Black Spade!"- hiyaw ng mga estudyanteng babae rito sa hallway. Napatigil naman ako sa paglalakad dahil dun. Pagtingin ko sa pinanggagalingan nun, nakita ko si Bryan. "Ano? gusto niyo pa?"- nakangising saad ni Bryan habang may hawak siyang stick. May suot siyang eye glasses habang nakaupo sa isang bench at nakadikwatro ng panlalaki. Sa harap niya, may limang babae na nakaluhod habang nakalahad ang mga kamay sa kanya. "A- ayaw na po namin."- sagot ng babaeng nasa gitna na halata sa mukha na nahihirapan na siya. Napatingin naman ako sa mga kamay nung limang babae. Iba na ang kulay ng mga ito. Hindi kaya... Ngumisi naman lalo si Bryan. "Then? Anong gagawin niyo para paalisin ko na kayo?"- saad ni Bryan dun sa mga babae. "L- lilinisin po namin a- ang s- sapatos m- mo B- blackspade."- naiiyak ng saad nung babaeng nasa gitna. "Gamit ang?"- mapaglarong saad ni Bryan. "B- bibig po namin."- sagot nung babaeng nasa gitna kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Tila umakyat naman sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan. Daf*ck! Ang lalaking 'to! "Good, gawin niyo na para makaalis na kayo."- saad ni Bryan sabay ayos niya ng upo. Hindi ko kaya 'to! Lalapit na sana ako dun sa kinaroroonan ni Bryan at nung limang babae para mangealam ng bigla na lang may humila sa damit ko mula sa likod dahilan para tumigil ako sa pagsugod. "Kung ako sayo hindi na ko mangengealam, sa lahat ng Dark Cards si Bryan ang pangalawa sa pinakamalupit magparusa."- saad ng isang Lalaki. Pagtingin ko rito... "I'm Kris, isa ako sa Wolves."- saad nito sabay tingin sakin at ngiti. Bahagya naman akong natulala. What the! Ang pogi niyaaa! Ay peste! "W- wala akong pake sa Bryan na yan! H- hindi ako natatakot sa kanya!"- saad ko rito sa lalaki na nagngangalang Kris sabay alis ko sa pagkakahawak niya sa damit ko. Nakakailang! "Haayy! Bakit ba ang kukulit niyong Reapers? Una yung pinuno niyo tapos ngayon ikaw naman! sinong susunod? Yung kaibigan niyong lalaki na mukhang nerd tapos sunod yung babaeng palaging nakaheadset?"- saad ni Kris na ikinunot ng noo ko. "So, anong pake mo Kuya?"- saad ko. Ngumiti naman ito. "Well, I don't know either. Siguro dahil iniutos ng pinuno naming Wolves na bantayan kayo at ilayo kayo sa panganib?"- saad ni Kris. What?? "Oh really? Well pakisabi sa pinuno niyo na salamat pero kaya namin ang mga sarili namin."- saad ko sabay ngiti at talikod ko sa kanya. Pagtalikod ko, halos humiwalay sakin ang kaluluwa ko sa gulat. "Sira ulong pashneya!"- gulat kong saad nang pagtalikod ko ay tumambad sakin ng napakalapit ang mukha ni Bryan. Napaatras naman ako ng dahil dito. Pag-atras ko, tumama ako sa dibdib ni Kris. Hinawakan naman ako ni Kris sa magkabila kong balikat mula sa likuran ko. Pagtingin ko kay Kris, nakangiti siya habang nakatingin kay Bryan. Pagtingin ko naman kay Bryan, inis itong nakatingin kay Kris. "Diba may pinaparusahan ka dun dahil di nila nagawa ng tama yung ipinapagawa mo sa kanila kanina? Bakit ka nandito?"- saad ni Kris kay Bryan. Tinuro naman ako ni Bryan. "Akin 'tong babaeng 'to, bitawan mo."- saad ni Bryan kay Kris habang nakakunot ang kanyang noo. "Talaga?"- saad ni Kris sabay harap niya sakin sa kanya. "Pero wala akong nakikitang tag na nagsasabing sayo siya."- saad ni Kris sabay tingin niya kay Bryan. Shit. Catch me guys! Nahuhulog ako rito! "Tch! hindi porket pinsan kita hindi kita parurusahan."- saad ni Bryan kay Kris na ikinanlaki ng mga mata ko. ANOOOO!!! MAGPINSAN SILA?? "Okay, edi parusahan mo ko. As if naman na kaya mo."- saad ni Kris na nakangiti parin. Teka! Hindi pwede 'to! "Teka nga!"- saad ko sabay alis ko sa mga kamay ni Kris na nasa balikat ko at harap ko kay Bryan. "Parurusahan? Hindi mo siya parurusahan. Tama naman siya eh, hindi mo ko pagmamay-ari kaya wag mong sasabihin na iyo ako. Isa pa, nag-uusap kami rito wag kang epal."- saad ko kay Bryan. Mas lalo namang kumunot ang noo niya. "Nakalimutan mo na ba yung ginawa mo nung una nating pagkikita? Yung sa classroom! Hindi ko nagustuhan ang inasta mo at bilang parusa, akin ka na."- saad ni Bryan. Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. Ayos naman pala *note the sarcastic* "Oh talaga? Hindi ako pumapayag. Ikulong mo na lang din ako sa darkness room tulad ng ginawa ng pinuno niyo sa pinuno namin."- saad ko. Kapal ng peslak nito! angas niyang magdesisyon! "Ayoko."- saad niya. "Edi ipalinis mo na lang din sakin yung sapatos mo gamit yung bibig ko."- saad ko. "Ayoko."- saad niya ulit. Pinag-iinit nitong taong 'to ang ulo ko! "Tss.. sige ganito na lang, maglaban tayo! Napipikon ako sayo eh gusto kong bangasan yang pagmumukha mo!"- saad ko kay Bryan sabay taas ko sa sleeves ng uniform ko. Hinawakan naman ako ni Kris sa balikat. "Enough."- saad ni Kris sabay tingin niya kay Bryan. "Bumalik ka na lang sa ginagawa mo Bry, hayaan mo na kami ni Ashlie."- saad ni Kris. Ngumisi naman si Bryan at pagkatapos, hinubad nito ang suot niyang eye glasses. "Alam mo pinsan, 'etong babaeng 'to? Kakaiba. Hindi siya katulad ng iba! Tignan mo nga, hindi siya natatakot sakin. Isa pa, hindi niya pansin ang kagwapuhan kong kinababaliwan ng karamihan dito. Wala siyang pakealam dun! Ibang-iba siya pinsan. Kaya naman aangkinin ko siya sa ayaw at sa gusto niya at ipagdadamot ko siya kaya naman ngayon, bitawan mo siya."- saad ni Bryan kasabay nang pagsira niya sa hawak niyang eye glass. Hindi naman ako makapaniwala sa nangyayari. Ehemm! Pinag-aagawan po ako rito ng dalawang nag-gagwapuhang lalaki. Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko po sobra! Ngumisi naman si Kris. "Ganito na lang pinsan, maglaban tayo. Para na rin magkaalaman na kung sino talaga ang mas magaling sating dalawa pagdating sa pakikipaglaban. Kapag nanalo ako, titigilan mo si Ashlie. Kapag ikaw ang nanalo, hindi na ko mangengealam sa gusto mo kaugnay sa kanya. Ano?"- saad ni Kris. T- teka, laban? Silang dalawang magpinsan? Takte! Ang ganda-ganda ko talag-- este? Lapitin talaga ko ng gulo na pati yung mga taong lumalapit sakin nadadamay! Ako naghamon ng away kay Bryan! Ako nagsimula dito ng lahat! Hindi nila kailangang maglaban na magpinsan! "Tumigil kayo!"- sigaw ko sabay cross arms ko. "Eh kung ganito na lang, kotongan ko na lang kaya kayong dalawa? Peste!"- saad ko sabay tabig ko kay Bryan at lakad ko paalis. Napahinto naman ako sa paglalakad nang makita ko yung limang babae na pinaparusahan ni Bryan. Hindi sila umalis, naroon parin sila at nakaluhod. Damn this! Paano 'tong mga babae? Kapag umalis ako paniguradong ipagpapatuloy ni Bryan ang pagpaparusa sa limang to! Anong gagawin ko? "Bryan."- tawag ko kay Bryan sabay harap ko sa kanya. Nakakunot ang noo naman siyang humarap sakin. "Labanan mo ko, kapag natalo kita. Papakawalan mo na 'tong mga babae rito at titigilan mo na ko pero kapag nanalo ka, sige! gawin mo gusto mo."- seryoso kong sabi. "Ashlie!"- saad ni Kris na may pag-angal sa mukha. Tinignan ko naman siya. "Ayos lang ako, hindi ako natatakot kay Bryan."- saad ko. Bigla namang ngumisi si Bryan at lumapit sakin. "Oh sige, payag ako."- saad niya. Lumapit naman samin si Kris. "Wag niyong ituloy yan."- saad samin ni Kris. Magsasalita na sana ako ng... "Ashlie." "Bryan." "Kris." Sabay-sabay naman kaming napatingin nila Kris at Bryan sa mga tumawag samin. Pagtingin ko sa tumawag sakin, si Ice. Ang dilim ng ekspresyon nito. "Vince."- rinig kong saad ni Kris. Pagtingin ko sa tumawag sa kanya, ang pinuno nilang mga Wolves. "K- king."- rinig ko namang saad ni Bryan. Pagtingin ko sa tumawag kay Bryan, si Devin. Ang Hari. The s**t! Tila bumigat naman ang atmosphere dito, lalo na nang magkatinginan ang mga pinuno naming tatlo. "Oh? Ms.Ice Rogiano!"- saad ng pinuno ng mga Wolves na si Vince pagkakita nito kay Ice. Tinignan naman siya ni Ice at tila hindi mo maipinta ang mukha niya nang makita niya si Vince. "Tss.. Ashlie, halika na."- saad ni Ice sabay irap nito kay Vince at talikod. "Pero Ice di ako pwedeng umalis."- saad ko. Tinignan naman ako ni Ice at tinaasan ng kilay kaya naman itinuro ko yung limang babae na pinaparusahan kanina ni Bryan. "Napakabait mo talaga."- saad ni Ice na na gets agad ang dahilan ko. "Gusto mo ako nang gumawa ng paraan?"- saad ni Ice. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Bryan, tigilan mo na yung pagpaparusa mo diyan sa limang babae. Paalisin mo na sila."- saad ng Hari. Napatingin naman ako rito. "Pero King!"- angal ni Bryan. "Ayaw mo naman sigurong maglaban kayo ng pinuno ng Reapers."- saad ng Hari sabay tingin niya kay Ice na nakatingin din sa kanya. Hindi naman nakapagsalita si Bryan. "Kris, wala ka ng parte rito. Umalis na tayo."- saad ni Vince kay Kris. Tinignan ko naman si Kris. "Sige."- saad ni Kris sabay tingin sakin. "Seeyah!"- saad nito sakin at pagkatapos ay umalis na sila ng pinuno nilang mga Wolves na napakamisteryoso para sakin dahil sa arte nito tuwing nakikita si Ice. Napangiti naman ako ng bahagya. "Tsk! kayong lima! Umalis na kayo!"- saad ni Bryan dun sa limang babae. Agad namang tumayo ang lima. "Salamat."- mahinang saad sakin nung babaeng nasa gitna habang nakatingin sakin. Nginitian ko naman ang mga ito. "Ashlie, halika na."- saad ni Ice. Agad naman akong sumunod sa kanya. Bago kami tuluyang makaalis ni Ice, sinulyapan ko muna si Bryan. Banas itong nakatingin sakin. "Bagay talaga sayo ang codename mo."- saad sakin ni Ice. Tinignan ko naman siya. "Trouble."- saad ni Ice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD