Ice P.O.V
"Musta?"- tanong ko kila Ashlie, Ylana at Grey. Ngumiti naman sina Ylana at Grey habang si Ashlie, nakabusangot na tila pinagsakluban siya ng langit at lupa.
"Hmm, i guess tayong tatlo lang Ylana at Grey ang nakapasa. At yung isa, bagsak."- saad ko.
Nilukot naman ni Ashlie ang papel niya. "1 lang score ko! At yung bonus pa yun! Pesteng math!"- sigaw ni Ashlie.
Nagtawanan naman yung mga kaklase namin, lalo na si Bryan. "Wahahahaha! O- one ka lang? Tapos yung bonus pa? Wahahahahaha!"- tumatawang saad ni Bryan na hinahampas pa yung desk.
"Peste! Porket ikaw lang yung pinakamataas! Bwiset!"- banas na sigaw ni Ashlie kay Bryan.
Hindi naman siya pinansin ni Bryan at tumawa lang ito nang tumawa.
"Kung hindi ka sana umalis kahapon at nagreview ka edi sana hindi ka lugmok sa Quiz. 1-20 ang Quiz, 1 ka lang. Di ka man lang naging 5! Sana kaalaman ang lumapit sayo kahapon kung nagreview ka, hindi sana gulo! But well, hindi naman natuloy yung gulo eh, kaya lang di pa rin non mababago ang katotohanan na 1 ka lang."- saad ni Ylana sabay ngiti ng pang-asar kay Ashlie.
"Gusto mong sayo ko ibuhos yung galit ko?"- saad ni Ashlie na tila umuusok sa galit.
Nagkibitbalikat naman si Ylana. "No thanks."- saad ni Ylana sabay suot niya sa Headset niya.
Bigla namang dumating ang prof namin sa taekwando.
"Class, wala tayong klase ngayon. Magpapatawag ang Headmaster ng meeting ngayon para sa mga Group of Killers dito sa DIA, bukas na lang tayo maglelesson."- saad ni Prof.Jojo. Napakunot naman ako ng noo.
"Meeting? Bakit para saan?"- saad ni Bryan.
"H- hindi ko po alam Black Spade."- sagot ni Prof.Jojo kay Bryan.
Tsss.. guro siya rito, dapat siya ang ginagalang! pero baliktad, dahil ang Dark Cards ang may mas mataas na katungkulan dito, sila ang ginagalang maging ng mga guro.
Pagkasabi ni Prof.Jojo nun, biglang tumunog ang lahat ng speakers. "All DIA Group of Killers, in gymnasium now!"- saad ni Headmaster mula sa speakers.
Agad namang tumayo si Bryan. "Whoa, mukhang importante."- saad ni Bryan. "All DIA Group of Killers daw."- saad nito sabay tingin sakin.
"Narinig namin."- saad ni Ashlie.
Tumayo naman na ako kaya nagsitayuan agad sila Ashlie, Grey at Ylana.
"Tch. Baka nakakalimutan niyong mas mataas ako sa inyo! Hindi porket hindi ko pinapansin yang hindi niyo paggalang sakin ipagpapatuloy niyo na, oras na mapuno ako sa inyo tutuluyan ko kayo."- saad ni Bryan habang nakatingin siya kay Ashlie sabay lakad niya paalis.
Nagreact naman si Ashlie. "Aba! As if namang natatakot tayo sa kanya!"- saad ni Ashlie.
Bumuntonghininga naman ako. "Tama siya, mas mataas siya satin. Dapat tayong gumalang."- saad ko.
"Tayo? Gagalangin sila? Hindi sila kagalang-galang kaya hindi dapat natin sila igalang!"- saad ni Ashlie.
Tinignan ko naman ng masama si Ashlie kaya natahimik ito. "Tsk! tayo na."- saad ko sabay lakad ko paalis.
Pagdating sa gymnasium, marami ng grupo ang nadatnan namin. "Umupo tayo sa pangatlong row."- saad ko.
Agad naman silang sumunod. Pag-upo namin, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Dark Cards. May kasabay itong grupo na puro naka-face mask na kulay itim na may bungo na kulay pula. Sa tingin ko, ito ang Red Skull. Ang sumunod sa Dark Cards sa Rank A.
"Nice."- rinig kong saad ng kung sino mula sa likuran ko. Pagtingin ko....
"Nagkasabay ang dalawang grupo rito na matindi ang banggaan."- saad ni Vince sabay tingin sakin. "Tignan mo ang itim na aura sa paligid nila."- saad ni Vince sabay turo niya sa Dark Cards at sa Red Skull.
Tinignan ko naman ulit ang dalawang grupong dumating. Sobrang dilim ng aura sa paligid nila, ang tindi ng tensyon.
"Anong meron sa dalawang grupong yan?"- mahina kong tanong kay Vince.
Ngumisi naman si Vince. "Nakikita mo yung nag-iisang babae sa Red Skull? Yun si Reigen. Ang girlfriend ng pinuno nilang Red Skull at mahal na mahal ng pinuno ng Dark Cards na si Devin. Dahil kay Reigen, naging matalik na magkaaway ang Red Skull at Dark Cards."- mahinang saad ni Vince.
Napatingin naman ako dun sa nag-iisang babae sa Red Skull. Kahit nakaface mask ito, halata pa rin ang kagandahan nito. Kitang-kita rin ang kaseksihan nito sa suot niyang damit.
Natahimik naman ang lahat ng magsimulang magsalita ang pinuno ng Red Skull. "Nice to see you again, Devin."- saad ng pinuno ng Red Skull sabay tanggal nito sa suot niyang face mask.
"Kay poging nilalang."- bulong ni Ashlie.
Tsk. Ang hilig talaga sa gwapo nitong babaeng 'to.
"Tch! tayo na Cards."- saad ni Devin sabay lakad niya.
Agad naman siyang sinundan ng mga kasama niya. Si Alex, sobrang sama ng tingin niya kay Reigen.
Ngumisi naman yung pinuno ng Red Skull at hinawakan ang kamay nung Reigen. "Tara na."- saad nung pinuno ng Red Skull at pagkatapos, umupo sila sa unahang row sa kabila.
Ang Dark Cards naman, umupo sa unahang row kung saan naroroon kami at ang nag-iisang Rank C Group.
Tahimik ang lahat hanggang sa dumating na si Headmaster June. Di mo maipaliwanag ang mukha nito, tila natatakot siya na naiinis.
"May ipapagawa ako sa inyo, at ayokong makalabas 'to sa iba."- saad ni Headmaster June.
Napakunot naman ako ng noo.
Ano naman kayang ipagagawa niya..
"Ano yun Headmaster June?"- saad ng pinuno ng Red Skull.
May inilabas naman na kulay itim na papel ang Headmaster. "May nag-iwan nito sa desk ko, isa itong black note."- saad ni Headmaster June.
"Black note? So may nagbabanta. Sa school ba o sayo lang?"- saad ng pinuno ng Red Skull.
Sandali namang natigilan ang Headmaster. "S- sa School! a- at sa lahat ng nag-aaral dito."- saad ng Headmaster sabay iwas niya ng tingin sa pinuno ng Red Skull.
Pag-iwas niya ng tingin sa pinuno ng Red Skull, sakin napunta ang tingin niya. Pagkakita niya sakin, nag-iba ang ekspresyon niya. Napalitan ng inis.
"Ang sabi rito sa sulat, kukunin daw niya ang school at papatayin ang lahat ng nag-aaral dito. Maghintay daw ako at makikita kong totoo ang sinasaad niya rito sa sulat, ang tatapos sa lahat.. Red and Black Mask."- seryosong saad ng Headmaster na nakatingin pa rin sakin. Napakunot naman ako ng noo.
Bakit siya nakatingin sakin?
"Then kailangan po ba na nakatingin ka sa pinuno namin habang sinasabi yan?"- saad ni Ylana sa Headmaster.
Napatingin naman ang Headmaster kay Ylana. "*smirk* Pasensya na. Hindi ko lang maiwasan na hindi mapatitig sa pinuno niyo, napakaganda niya na tila may naaalala ako sa kanya."- saad ng Headmaster.
Bumuntonghininga naman ako. "If that is a compliment well thank you Headmaster."- walang emosyon kong sabi.
"You're always welcome Ms.Ice Rogiano."- saad naman ni Headmaster sabay tingin niya sa lahat ng nandito.
"Anyway, balik tayo sa sulat na ito. Kayong lahat, gusto kong alamin at hanapin niyo ang nag-iwan ng sulat na ito sa desk ko. Hindi ko kayo bibigyan ng deadline, basta ang gusto ko lang ay malaman at mahanap niyo itong Red and Black Mask na ito. Naiintindihan niyo?"- saad ni Headmaster. Nagsitanguan naman kami bilang sagot.
"Good. Bukod pa rito, meron pa kong gustong ipagawa."- saad ng Headmaster.
"Ano?"- saad ng Haring si Devin.
"This week, gusto kong magsagawa kayo ng checking. Lahat ng babae, titignan niyo ang likod. Kung sino ang makita niyong may balat o tattoo na hugis ng simbolo nitong school, siya ang nawawalang Reyna. Alam niyo yun diba?"- saad ng Headmaster.
Nagsigawan naman ang ibang mga kalalakihan mula sa mga grupo na nasa Rank A and B.
"Headmaster, lahat po? Maski po sila?"- saad ni Vince sabay turo saming mga babae na kasama sa mga grupo. Tumango naman ang Headmaster.
"*smirk* Ice, pwedeng ako magcheck sayo?"- saad sakin ni Vince.
Isang malakas na batok naman ang natanggap niya mula kay Ashlie. "Hindi pwede! Hindi! Pwede!"- sigaw ni Ashlie kay Vince.
"Ouch! Doble huh? Naalog na yung ulo ko nabutas pa eardrums ko."- saad ni Vince.
Hindi ko naman sila pinansin na dalawa. Pagtingin ko sa paligid, nakatingin sila saming lahat.
Nako naman!
Nagtaka naman ako nang dumapo ang tingin ko sa nag-iisang babae ng Red Skull, tila gulat ito habang nakatingin sakin. Pagkakita niyang nakatingin ako sa kanya, agad siyang umiwas ng tingin sakin.
Problema niya?
"I suggest that, ang Haring si Devin na lang ang magcheck kay Ice. Ang kambal naman na sina Brent at Bryan ang magchecheck sa dalawa pang babae ng Reapers."- saad ng Headmaster.
Tumawa naman si Bryan. "Aba! Gusto ko yan!"- saad ni Bryan sabay tingin kay Ashlie.
Bumulong naman si Ashlie. "Can anyone kill me now?"- bulong ni Ashlie.
Nakita ko naman si Alex na sobrang sama ng tingin sakin.
Ano 'to? Di parin makamove on sa nangyaring laban namin?
"Sa ibang grupo, kayo nang bahala sa iba. Devin, ikaw nang magdecide kung kailan niyo gagawin ang pagche-check. Basta kailangan this week magawa niyo."- saad ng Headmaster kay Devin. Tumango naman ang Hari.
"Ikaw nang bahala."- saad pa ng Headmaster kay Devin sabay sulyap nito sakin ng pandalian.
"Shit."- rinig kong saad ni Vince. Napatingin naman ako sa kanya.
"s**t grabe! Naalog talaga ulo ko."- saad ni Vince sabay hawak niya sa ulo niya.
Napailing naman ako tapos hindi ko na siya pinansin.
"Okay so, tapos na ko sa kailangan ko sa inyo. Bago ko kayo i-dismiss, gusto ko munang magpakilala kayong lahat dahil sa may bagong grupong nadagdag sa DIA group of killers. Yun ang Reapers. Sisimulan ang pagpapakilala sa Wolves at matatapos sa Dark Cards, rank by rank and number by number. Hindi muna magpapakilala ang Reapers, patatapusin muna ang mga nauna o dating grupo bago sila. Ngayon, simulan na."- saad ng Headmaster.
(A/N: Yung listahan na lang po ng mga groups ang ilalagay ko kasama ang mga pangalan ng mga taong bumubuo sa bawat grupo.)
DIA GROUP OF KILLERS
Rank A
1. Dark Cards
Devin [King]
Brent [Red Spade]
Alex [Diamond]
Bryan [Black Spade]
2. Red Skull
Luis [L]
Reigen [R]
Vin [V]
Xandro [X]
3. Phantomrick
Henrick [Cobra]
Patrick [Bite]
Jeric [Phy]
Erick [Sak]
4. Souls
Owen [Lay]
Luna [Crest]
Gilbert [Seb]
5. Majesties
Zeria [Z]
Mikey [Knight]
Dylan [Dean]
Rank B
1. Ravens
Franz [Hawk]
Venice [Crash]
Erica [Charm]
Soy [Eye]
2. Hallows
Dino [Axe]
Lara [Sword]
Cyrus [Arc]
3. Playgirls
Sasha [Pink]
Misha [Blue]
Xyra [Yellow]
Pia [Violet]
4. Reapers
Ice [Rouge]
Grey [Bullet]
Ashley [Trouble]
Ylana [Shadow]
Rank C
1. Wolves
Vince [Sogro]
Kris [Chrolo]
Jess [Jelo]
Julian [Myko]
Rai [Raiko]
(A/N: That's all.)
Pagkatapos magpakilala ng lahat at maging kami, agad din kaming idinismiss ni Headmaster June.
"Guys, paano naman natin hahanapin yung Red and Black Mask na yun? Wala tayong ideya."- saad ni Ashley.
Nagkibitbalikat naman ako. "Ewan, bahala na."- saad ko sabay tingin ko sa gilid.
Pagtingin ko, nakita ko yung nag-iisang babae ng Red Skull. Si Reigen a.k.a R. Nakatingin ito ulit sakin pero agad ulit umiwas ng tingin sakin nang tumingin ako sa kanya.
Again, problema niya?
"Haayy! Hindi pa nga natin nahahanap ang Reyna pati ang kapatid ni Ice may dumagdag pa na hahanapin."- saad ni Ashley.
Bigla ko namang naalala si Reign. "About Reign, naisip kong magtanong kaya tayo sa kahit sino tungkol sa kanya."- mahina kong sabi.
"Hmm? Pwede rin."- saad ni Ashley.
"Pero Ice, pwedeng saka na natin pag-usapan ang mga bagay-bagay? Nagugutom kasi ako. Kain tayo."- saad ni Ylana.
Natawa naman si Ashley. "Buti nasabi mo yan, nalaman ko tuloy na gutom na rin ako."- saad ni Ashley.
Napailing naman ako. "Tara dun sa cafeteria."- saad ko habang umiiling. Tuwang-tuwa naman silang sumunod sakin.
"Libre ni Ice!"- saad ni Ashley.
"Peste!"- saad ko.
"Ice alam namin na may bayad ang bawat pagpatay dito, ang dami nating napatay nung bloody welcome! Magkano natanggap mo?"- saad ni Ashley.
Paano nila nalaman..
"Ako na magbabayad ng kakainin natin, bilisan na nating maglakad papunta sa cafeteria."- saad ko sabay bilis ko sa paglalakad.
"Aba hindi sinagot!"- saad ni Ashley.
"Sumunod na lang tayo."- saad ni Grey.
Natawa naman ako.
Ang sarap magkaroon ng mga kaibigan na katulad nila.