Ice P.O.V
"A- are you sure? Walang nagngangalang Reign Daves dito?"- saad ko sa nagbabantay sa registrar. Tumango naman ito.
"Yes, wala po at hindi po kami nagkaroon ng estudyante na ganun ang pangalan. Kung meron man po, nandito po dapat sa listahan yun pero wala po eh."- saad nung nagbabantay.
Di naman ako makapaniwala.
Paanong wala?
"Ice, may naiisip ako sa nangyayari."- bulong sakin ni Ylana.
"Ano?"- tanong ko.
"Hindi kaya iniba niya ang pangalan niya? Walang nakakakilalang estudyante sa kanya 'tas tignan mo! Wala ang pangalan niya sa registrar."- saad ni Ylana.
Napakunot naman ako ng noo. "Iniba? 'Bat naman niya iibahin ang pangalan niya?"- tila inis kong sabi.
Reign! Nasaan ka?
"Ice Rogiano."- tawag sakin ng isang boses babae. Pagtingin ko...
"Pwede ba tayong mag-usap?"- tanong sakin ng nag-iisang babae ng Red Skull. Si Reigen.
Nagtaka naman ako. "Bakit gusto mo kong makausap?"- tanong ko.
"Rica and Ray Daves."- mahina nitong saad ngunit sapat para marinig ko.
Nagulat naman ako. "T- teka... 'bat alam mo ang pangalan ng mga kumupkop sakin?"- saad ko.
Lumapit naman siya sakin. "Simple lang."- saad niya sabay hinto niya sa harap ko.
"Dahil anak nila ko."- saad nito sabay baba niya sa suot niyang face mask. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"So, anong ginagawa rito ng babaeng kinupkop ng mga magulang ko? In other words, anong ginagawa rito ng kapatid ko?"- saad ni Reigen sabay ngiti.
"R- Reign?"- gulat kong saad.
Bigla naman niyang tinakpan ang bibig ko at tumingin-tingin sa paligid. "Wag kang maingay! wag mo kong tatawagin sa totoo kong pangalan dito."- saad niya sabay tanggal niya agad sa pagkakatakip niya sa bibig ko.
Nagtaka naman ako. "P- pero.. bakit?"- taka kong sabi.
Tila natigilan naman siya. "B- basta!"- saad niya sabay iwas niya ng tingin.
May narealize naman ako. "T- teka.. paano mo nalaman na ampon nila ko? Wala ka na nung inampon ako ng mga magulang mo."- mahina kong sabi.
Bumuntonghininga naman siya. "Ipaliliwanag ko sayo, pero wag tayo rito. Isama mo na yung mga kaibigan mo dahil may sasabihin akong importante."- saad ni Reigen o Reign o ewan ko!
Ano ba itatawag ko sa kanya?
"Siya nga pala, call me Ate Rei. Mas matanda ako sayo."- saad niya sabay kindat sakin at lakad. "Sundan niyo ko."- saad niya sabay lakad paalis.
Mas matanda siya sakin? Ililigtas ko mas matanda sakin? Well, wala naman kasi akong alam tungkol sa kanya. Bukod sa pangalan niya at sa mga magulang niya ay wala na kong ibang alam. Sumugod ako rito kasama ang mga kaibigan ko ng walang kaalaman tungkol sa kanya pero akala ko talaga mas matanda ako sa kanya, but the hell i care! Ililigtas ko pa rin siya. Sabay kaming aalis dito, Ako, siya at ang mga kaibigan ko.
"Tara."- saad ko kila Ylana, Ashlie at Grey at pagkatapos sinundan na namin si Ate Rei.
ROOFTOP>>>
"Okay, dito natin simulan. Una sa lahat, lagi niyong tatandaan na hindi niyo pwedeng bigkasin ang tunay kong pangalan dito. Lalong-lalo na, ang apelyidong Daves. Walang dapat makaalam na galing tayo sa pamilyang Daves, Ice. Wala!"- saad ni Ate Rei.
Nagtaka naman ako. "Bakit?"- tanong ko.
"Basta Ice, hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan pero para 'to sa ikabubuti nating dalawa at maging ng mga kaibigan mo. Kaya kayo, ipangako niyo! Hinding-hindi niyo babanggitin ang Daves sa lugar na 'to lalo na kung may ibang tao. Pwede nating sabihin na magkapatid tayo Ice dahil Rogiano rin ang gamit ko pero ang galing tayo sa pamilyang Daves? hindi pwede."- saad ni Ate Rei.
Kahit gulong-gulo ako, tumango pa rin ako at nangako sa kanya. "S- sige, p- pangako! Gagawin namin ang sinabi mo."- saad ko.
Ngumiti naman siya. "Thanks."- saad ni Ate Rei sabay buntonghininga. "Next, bakit ko nalaman na ampon ka nila Mommy at Daddy gayong wala na ko nang ampunin ka nila."- saad ni Ate Rei at pagkatapos biglang napalitan ang mood niya.
"Well, dati kasi... Me and Devin are friends, matalik kaming magkaibigan. Alam niyo naman na siguro na sila lang ang may signal dito diba? Nung mga panahon na magkaibigan pa kami, hiniram ko ang phone niya upang tawagan si Mommy. Nagkausap kami ni Mommy ng matagal at naikwento niya sakin na may inampon daw sila ni Daddy. Alam mo, bago ako umalis sinabi ko na kailangan pagbalik ko kailangang may kapatid na ko. Nang makausap ko si Mommy sa phone, sinabi niya na di na siya pwedeng magbuntis dahil tali na siya kaya naman nag-ampon sila. At ang inampon nila, Ice Rogiano raw ang pangalan. Sinend sakin ni Mommy nun yung picture mo kaya naman nang marinig ko ang pangalan mo kahapon at nang makita kita, nagulat talaga ko."- kwento ni Ate Rei.
"Nung mapasok ako rito, nagparehistro ako bilang si Reigen. Wala akong ginamit na apelyido, pero nang malaman ko na may kapatid na ko. Ginamit ko ang apelyido niya, Rogiano. Hindi pinalitan ni Mommy ang apelyido mo dahil gusto niyang manatili ka sa pagiging Rogiano. Naisip ko, gagamitin ko ang apelyido mo rito dahil tanggap kita at kahit kunwari lang, kunwari magkadugo talaga tayo. Ayos lang naman yun sayo diba?"- saad ni Ate Rei.
Ngumiti naman ako at tumango. "Oo naman."- saad ko.
"Thank goodness! Pero alam mo, wala pang nakakaalam kung ano ang apelyido ko. Alam nilang may inilagay na kong apelyido ko pero di nila alam kung ano. Why? Kasi sinikreto ko."- saad ni Ate Rei tapos natawa siya ng bahagya.
"Anyway Ice, si Devin at ang lahat ng Cards.. layuan mo sila, kayo ng mga kaibigan mo! delikado kayo sa kanila. Ang Dark Cards ay kakampi ng Headmaster. Sinasabi ko sa inyo, ang Headmaster.. hindi siya mabuti, isa siyang masamang tao at ang Cards, kasama niya ang mga yun sa kasamaan."- saad ni Ate Rei.
Napakunot naman ako ng noo. "H- hindi kita maintindihan."- saad ko.
"Pagdating ng tamang panahon maiintindihan mo rin pero sa ngayon, layuan mo sila. Kayo, layuan niyo sila! masasama sila! Masasama sila dahil kakampi sila ng demonyo."- saad ni Ate Rei.
"Nasabi kong magkaibigan kami dati ni Devin hindi ba? Masasabi kong magbestfriend kami. Siya yung palaging nagtatanggol sakin simula nang mapasok ako rito, dati kasi wala talaga kong alam sa pakikipaglaban. Iyakin pa ko masyado at si Devin, siya yung naging knight in shining armor ko pero nasira ang lahat samin ng malaman ko ang isang malaking sikreto. Masama siya, at mas lalo ko pang napatunayan na masama siya ng halos patayin niya ang lalaking mahal ko, si Luis, ang pinuno naming Red Skull. Tinanong ko si Devin kung bakit niya gustong patayin si Luis, ang sagot niya ay dahil mahal niya raw ako. Baliw si Devin, kapag ginusto niya ginusto niya. Palagi niyang pinagtatangkaan na patayin si Luis pero di niya maituloy dahil na rin sakin, nasira ang pagkakaibigan namin ni Devin dahil na rin sa kanya."- kwento ni Ate Rei.
"Lumayo kayo sa Dark Cards, inaamin ko, gusto ko kayong lumayo sa kanila hindi lang dahil sa masama sila kundi dahil na rin sa kaaway ko sila at ayokong malapit ang kapatid ko pati ang mga kaibigan nito sa kanya. Layuan niyo sila, layuan niyo ang Dark Cards."- saad ni Ate Rei.
Ngumiti naman ako at diretso ko siyang sinagot. "Hindi mo na kailangan na ulit-ulitin samin na layuan ang Dark Cards, naguguluhan man kami dahil di namin alam ang tunay na dahilan, susundin ka namin.. Ate."- saad ko.
Hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan, napakamisteryoso! naguguluhan ako ng todo pero kahit na ganun, magtitiwala ako kay Ate Rei. Gagawin ko ang sinabi niya. Magtitiwala ako sa kanya gaya nang pagtitiwala ko sa mga magulang niya na kumupkop sakin.
"Thanks God! what a relief."- saad ni Ate Rei sabay ngiti. "Anyway again!"- saad ni Ate Rei at pagkatapos.. pinanliitan niya kami ng mata.
"Bakit nga pala kayo napunta rito? Wala namang draw lot ngayong taon kaya naman paano? paano kayo napunta rito sa DIA?"- saad ni Ate Rei.
Nagkatinginan naman kami nila Ashlie, Grey at Ylana.
"Si Ice ang dapat na magpaliwanag."- saad ni Ylana. Tumango-tango naman yung dalawa na sang-ayon sa sinabi ni Ylana.
Bumuntonghininga naman ako bago sumagot. "A- ano.. n- nalaman ko kasi na may anak pala sila Mommy Rica at Daddy Ray at ang anak nilang ito ay nabunot upang dalhin dito. Nangungulila sayo sila Mommy at Daddy at sobra na ang pag-aalala nila sayo kaya naman naisip ko, pupunta ako rito at tutulungan kang makaalis dito. Kasama sila."- saad ko sabay tingin ko kila Ashlie, Grey at Ylana.
"Pero Ice, inilagay niyo lang sa panganib ang buhay niyo! At mas lalo mo lang pinag-alala sila Mommy at Daddy."- saad ni Ate Rei.
Ngumiti naman ako ng bahagya. "Simula nang magkakila-kilala kami Ate ay palagi na kaming nasa panganib, simula highschool palagi kaming nasa panganib. Kaming tatlo nila Grey at Ashlie, umabot na kami sa punto na pumatay ng tao. Sa aming apat, si Ylana ang malinis pa ang kamay. Ate, hindi kami natatakot sa lugar na 'to at sa mga pwedeng mangyari samin dito. Handa kami, wala kang dapat na ipag-alala."- saad ko.
"Tungkol naman kila Mommy at Daddy, alam kong lalo ko lang silang pinag-alala. Pero gusto talaga kitang maalis dito kaya naman pumunta ako rito kasama ang mga kaibigan ko kahit wala akong ka-ide-ideya ukol sayo at sa mga bagay-bagay. Desidido akong mailabas ka rito kasama ng mga kaibigan ko, makakaalis tayong lahat dito."- saad ko pa.
Ngumiti naman si Ate Rei at pinat ako sa ulo. "Okay, sabi mo eh. Proud akong ikaw ang inampon nila Mommy para maging kapatid ko."- saad ni Ate Rei. Ngumiti rin naman ako.
"Oh shocks! I need to go, baka hinahanap na ko nila Luis! Kayo diba may klase pa kayo? Pumunta na kayo sa klase niyo. Basta yung napag-usapan natin wag niyong kalilimutan, kapag may gusto kayong malaman tungkol sa school na pwede kong sagutin handa akong sabihin sa inyo. Kapag may kailangan kayo sakin pumunta lang kayo sa room naming Red Skull para na rin maipakilala ko kayo sa mga kaibigan ko at sa boyfriend ko."- saad ni Ate Rei.
Tumango naman ako. "Okay."- saad ko.
Ngumiti naman si Ate Rei na tila tuwang-tuwa. "Kahit di tayo magkadugo talaga, ituturin kitang tunay na kapatid. Walang makakapanakit sayo rito."- saad ni Ate Rei sabay yakap sakin. "Alis na ko."- saad niya.
Pagkatapos nun, agad siyang umalis.
"Oh my God! Oh my God! Ang nag-iisang babae ng Red Skull ang kapatid ni Ice sa mga kumupkop sa kanya! Ang ganda niya at ang sexy!"- tila kinikilig na saad ni Ashlie.
"*smirk* Tama hinala ko, nagpalit siya ng pangalan. Galing ko talaga."- saad ni Ylana.
"Nahanap na natin ang isa sa mga hahanapin pero kasabay nang pagkahanap natin sa kapatid mo Ice ay ang pagdagdag pa ng ibang hahanapin."- saad ni Grey.
Sumeryoso naman ako. "Tama ka, napakaraming tanong na kailangang hanapan ng kasagutan."- saad ko.
"Una, bakit bawal bigkasin dito ang Daves at bakit bawal malaman na galing kayong dalawa sa pamilya Daves? Anong meron? Anong problema at kinailangan pa ni Ate Rei na magpalit ng pangalan?"- saad ni Ashlie.
"Pangalawa, bukod sa masama ang Headmaster at Dark Cards.. ano ang pinakadhilan bakit natin sila dapat layuan?"- saad ni Ylana.
"Pangatlo, ano ba talagang nangyayari..."- saad ko.
Nagsalita naman si Grey. "Saka na natin isipin yan, walang tanong na hindi nasasagot. Kapag inisip natin ngayon yan ay sasakit lang ang ulo natin."- saad ni Grey.
"Tama ka, nakakatanga pa naman mag-isip."- saad ni Ashlie.
Bumuntonghininga naman ako. "Nahanap na natin si Ate Rei, ang kailangan na lang ay makaalis tayo rito. Kahit di na masagot ang mga katanungan na yan, si Ate Rei ang ipinunta natin dito. Ngayong nahanap na natin siya, ang pag-alis na lang dito ang kailangan."- saad ko.
"Tama ka."- saad ni Ashlie.
"Pero, nakakapagtaka pa rin talaga."- saad ko. "Ewan! tara na nga!"- saad ko sabay lakad ko paalis.