Devin P.O.V
"Ngayon natin gagawin ang checking, pagkatapos natin icheck ang mga babaeng estudyante ang mga babae na kasama sa grupo naman ang isusunod. Nandyan sa papel na ibinigay ko sa inyo ang mga room na naka-assign sa inyo, alam niyo na ang gagawin niyo."- saad ko sa lahat ng grupo.
Nagsalita naman si Vince. "Hayy! Hindi ba talaga pwedeng ako na lang ang magcheck kay I--"- saad ni Vince na hindi natuloy ang sasabihin sapagkat tinignan siya ng masama ni Ashlie at ni...... Reigen?
"Sabi ko nga hindi pwede."- saad ni Vince. "Rei? Peace tayo."- saad ni Vince kay Reigen sabay peace sign.
"Peace mo mukha mo!"- saad ni Reigen sabay irap niya kay Vince.
Napakunot naman ako ng noo.
Anong meron?
"Okay! Simulan na natin nang matapos na!"- saad ni Luis sabay tayo niya at hawak sa kamay ni Reigen. "Tayo na Babe."- saad ni Luis at pagkatapos ay umalis na sila.
Napapikit naman ako.
Bwiset!
"Tara na."
Napamulat naman ako ulit ng mata nang narinig kong magsalita si Ice. Pagkatingin ko kay Ice, bigla ko na lamang naalala ang sinabi sakin kahapon ng Headmaster.
'Devin, ikaw nang bahala kay Ice. I-check mong mabuti ang likod niya.'
Ikaw ba talaga ang nawawalang Reyna kaya ganun na lang ang paghihinala sayo ng Headmaster? Pwes! aalamin ko mamaya.
"Ice gusto mong... ayy teka! Wag na nga lang. Malalagot ako kaya wag na lang talaga, nevermind! Wolves, tara na!"- saad ni Vince sabay lakad paalis.
Pagkawala ng Wolves, nagsalita si Ashlie. "Alam mo Ice, napakafeeling close nung lalaking yun."- saad ni Ashlie.
"Tss.. hayaan mo siya, may pakiramdam ako na close talaga kami."- saad ni Ice.
"What do you mean?"- tanong ni Ylana.
Nagkibitbalikat naman si Ice. "Ewan, di ko maintindihan. Tara na nga."- saad ni Ice sabay lakad paalis, sinundan naman siya kaagad ng mga kasama niya.
"Okay? Mukhang nagkakaroon sila ng magandang ugnayan."- saad ni Brent.
Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko. "Tsk! magtrabaho na tayo."- saad ko.
FORWARD>>>
"Wala?"- kunot noo kong sabi.
Sabay-sabay namang nagtanguan ang lahat ng pinuno ng bawat grupo.
"Satin din, wala rin tayong nakita."- saad ni Brent.
Bumuntonghininga naman ako. "Kung ganon, kayong mga babae na kasama sa grupo na lang ang hindi pa natitignan. Maaaring isa sa inyo."- saad ko sabay tingin ko kay Ice na walang kaemo-emosyon.
"O hindi naman, sadyang wala pa rito ang Reyna."- saad ko sabay alis ko na ng tingin ko kay Ice.
Wala silang nakita sa mga estudyante na may balat o tattoo sa likod na katulad ng meron ang nawawalang Reyna, dahil dun tila nagkakutob din ako. Hindi kaya tama ang hinala ng Headmaster?
"Simulan na natin ang pagchecheck sa mga babaeng nandito."- saad ko sabay tayo ko at lakad ko palapit kay Ice.
Pagkalapit ko kay Ice agad siyang tumingin sakin ng diretso sa mata. "Alam mo na yung gagawin."- saad ko sa kanya.
Bumuntonghininga naman siya. "Oo."- saad nya sabay ayos niya ng tayo.
"Sandali."- saad ng isang boses. Pagtingin ko.....
"Pwede ba kong manood sa gagawin mong pagchecheck sa kanya?"- saad ni.... Vince.
Napakunot naman ako ng noo.
"Hoy Vince! Ganyan ka ba talaga kadesidido na makita ang likod ni Ice?!"- sigaw ni Ashlie.
"Seryoso ako, gusto kong makita rin ang likod ni Ice. Hindi dahil sa manyak ako, sadyang hindi ko lang maintindihan kung bakit ang Hari ng DIA ang inatasang tumingin sa isang baguhan lamang."- saad ni Vince na talaga namang seryoso.
Magsasalita na sana ako ng....
"Tch! Tignan niyo na lang kung titignan niyo ang likod ko! Wala naman kayong ibang makikita rito!"- banas na saad ni Ice sabay talikod niya samin ni Vince at taas niya ng kalahati sa damit niya.
Agad ko namang tinignan ang likod niya at... "W- wala?"- tila gulat at di makapaniwalang saad ni Vince.
"See? wala diba?"- banas pa rin na saad ni Ice sabay baba niya sa damit niya.
Natahimik naman ako.
W- wala... k- kung ganun hindi siya. Hindi siya ang Reyna! mali ang hinala ng Headmaster at mali rin ang kutob ko!
"Hayy... hindi ka naman pala ang hinahanap."- saad ni Vince. Napatingin naman ako sa kanya.
"At wala rito ang hinahanap, ibig-sabihin wala pa ang Reyna rito sa school. Naghahanap tayo sa wala! Napakagandang misyon ang mayroon ang DIA."- sarkastikong saad ni Vince.
Napakunot naman muli ako ng noo.
"Maaari ngang wala rito ang Reyna pero maaari rin na nandito na talaga siya at tila magaling lang talaga siyang magtago."- saad ko.
Sumingit naman si Luis. "Mawalang galang na mahal na Hari pero di ko yata maisip kung paanong pagtatago ang ginagawa niya. Halimbawa na lang ang balat niya sa likod, nakita na natin ang likod ng lahat ng babae rito sa DIA at wala tayong nakita. Sabihin mo, paano magagawa ng Reyna na itago ang balat na yun? Sabihin mo nga."- saad ni Luis sabay ngisi.
Natigilan naman ako at di nakapagsalita.
"What's this, speechless? Aminin na natin. Wala pa naman kasi talaga ang nag-iisang anak ng mag-asawang Killiano rito and all these years talagang pinaglalaruan lang talaga tayo, yun naman talaga ang meron dito sa DIA diba? Laro. Pilit nating ginagawa ang misyon na di naman natin magagawa kasi nga diba, wala pa ang Reyna rito sa DIA!"- saad ni Luis.
"Pinaglalaruan lang talaga tayong lahat dito ng Headmaster, at kasama niya ang Cards sa paglalaro niya! Pinaglalaruan nila tayong lahat."- saad pa ni Luis na ikinadilim ng paningin ko.
"Manahimik ka!"- saad ko kasabay ng paghawak ko sa collar niya.
"Luis!"- sigaw ni Reigen.
"*smirk* Oh? nagalit ka? Totoo kasi diba?"- sarkastikong saad ni Luis.
Napakuyom naman ako ng kamao ko at akmang susuntukin na siya ng.....
"Stop!"- sigaw ni Reigen sabay tulak niya sakin palayo kay Luis. Napatingin naman ako sa kanya.
"Magdismiss ka na, ibalita mo na kay Headmaster na wala ni isa sa mga babae rito sa DIA ang merong balat o tattoo sa likod na tulad nang sinasabi niyang meron ang Reyna. Idismiss mo na kami para wala nang gulo."- saad sakin ni Reigen habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko.
Damn it! Bakit ba wala kong magawa pagdating sa kanya? Bakit ang katulad niya ang kahinaan ko? Bakit siya pa na hindi sinuklian ang pagmamahal ko? Bwiset!
"Tsk! Sige, pero bago yun.. Ikaw Luis at sa inyong lahat na nandirito. Sa susunod na akusahan niyo kami sinasabi ko sa inyo, bubulagta na lang kayo bigla sa sahig ng hindi niyo nalalaman. Pare-pareho lang tayong mga estudyante at manlalaro rito kaya wag niyo kaming akusahan ng kung ano!"- pagtataas ko ng boses. Wala namang nagsalita.
"Kung ano man ang iniisip niyo sa Headmaster, wag niyo kaming idamay dahil inuulit ko, pare-pareho lang tayo rito. Sadyang mataas lang kami na Cards dahil mas magagaling kami sa inyo."- saad ko sabay talikod ko.
"Magpasalamat ka Luis, iniligtas ka na naman niya mula sakin. Pero sinasabi ko sayo, may araw ka rin."- saad ko. "Sige na, umalis na kayo!"- sigaw ko.
Wala namang nagsalita ni isa at agad na lamang silang umalis. Bago kami maiwan na Cards dito, nakita ko pa si Ice na nakatingin sakin. Tila hindi maipaliwanag ang itsura niya.
"K- king... A- ano na?"- saad ni Brent.
Pumikit naman ako at pinakalma ang sarili ko. "Gawin niyo gusto niyo, ako lang ang pupunta kay Headmaster. Ako lang ang magsasabi sa kanya."- saad ko.
"M- masusunod po."- saad ni Brent sabay hila niya kila Bryan at Alex paalis.
Bumuntonghininga naman ako at pagkatapos, umalis na ko at nagtungo sa opisina ng Headmaster. Pagdating dun, agad kong ibinalita sa kanya ang kinalabasan nang iniutos niya samin.
"WHAT! ANONG WALA?"- sigaw ng Headmaster sabay hampas niya ng napakalakas sa table niya.
"Wala kaming nakita ni isa, maski ang pinaghihinalaan mong si Ice Rogiano. Wala kaming nakita sa likod niya, hindi siya ang Reyna at wala pa rito ang Reyna."- saad ko.
Sumigaw namang muli ang Headmaster. "HINDI PWEDE! NANDITO NA SIYA! ALAM KONG NANDITO NA SIYA!!"- sigaw ng Headmaster sabay lukot niya sa black note na nasa table niya at hagis nito sa basurahan.
Magsasalita pa sana ako nang magsalita ang Headmaster at paalisin ako.
"Umalis ka na, may nangyayari rito na hindi ko maintindihan. Umalis ka na at mag-iisip ako!"- saad ng Headmaster sabay upo niya sa swivel chair niya at talikod.
Hindi naman ako nagsalita at umalis na lang. Habang naglalakad ako sa corridor, napaisip na lamang ako.
Bakit ganun ang reaksyon ng Headmaster? Nagmamadali na ba siyang maibigay ang trono sa Reyna?
O baka naman... may ibang dahilan...